Saturday, May 7, 2011

SUMMARY

Freshman ng kursong BA Psychology si Mark Lhuilllier. Sa totoo lang, hindi niya pinangarap ang kurso. Ang gusto niya talaga ay Creative Writing, ngunit hindi siya pinalad na makapasa ng UP Diliman. Sa halip, siya ay pumasok sa UPEP Pampanga.

Napahiya siya sa unang araw ng klase sa Philo nila. Pinagtatawanan siya ni Lorraine dahil sa pagkapahiyang ito. Kaya unang araw pa lang ay imbiyerna na si Mark sa babae.

Gayunpaman, nag-sorry si Lorraine kay Mark. Kahit na pinipilit ni Mark na mainis kay babae ay kabaligtaran ang nadarama niya… parang unti-unti siyang nahuhulog dito.

Mark never felt this way before. Lorraine is his first love... Ngunit natorpe siya.

Ngunit may ibang nagkakagusto kay Lorraine... ang kablock nilang si Efren. Nasaktan siya nang malamang sina Lorraine na at Efren.

Nag-break din sina Lorraine at Efren nang i-text ni Jenna ang mama ni Lorraine tungkol sa relasyon ng dalawa. Si Jenna ang bestfriend ni Efren na may lihim na pagtingin din kay Efren. Pinag-break ng mama ni Lorraine ang dalawa.

Nung Pasko, nagkalakas-loob si Mark na umamin na kay Lorraine na mahal niya ito. Doon nalaman ni Mark na muntik na siyang minahal ni Lorraine. Ngunit dahil hindi noon nagpakita ng motibo si Mark, ibinaling na lang ni Lorraine ang pag-ibig kay Efren. At sinabi pa ni Lorraine na kahit break na sila ni Efren, hindi niya sasagutin si Mark... ayaw sakatan ni Lorraine si Efren.

Matuloy pa kaya ang pag-iibigan nina Mark at Lorraine?


Subaybayan na ang Episode 31: The Wedding.

No comments:

Post a Comment