Saturday, October 18, 2008

Epilogue: The Promise Fulfilled


JUNE 2008

Sa UPEPP, ang mga freshies ay laging tinatanong ng mga upperclassmen kung meron silang balak lumipat sa "higher campus" (yun ang term na gamit nila for UP Diliman). Kapag um-oo ka, madalas, ang sagot nila, "Iyan din ang plano namin dati." Iyon talaga ang madalas na gawain ng mga freshies ng UPEPP—ang gawin itong stepping stone. Guilty ako rito.


Isa na ako sa mga kino-congratulate ng mga tao sa UPEPP dahil nakalipat ako sa CAL or College of Arts and Letters.


Masaklap mang pakinggan, ganito talaga ang pag-iisip ng karamihan sa UPEPP. Kahit anong pangungumbinse ng directress namin (na minsan ay dine-delay ang release ng class cards sa Comm II para hindi makalipat ang iba), ito pa rin ang aming mentalidad.


Noong isang taon, nakapasa ako sa UPCAT, ngunit sa second choice ko lamang na campus—UP Pampanga. Half-joyous lang ako nang malaman ko yun nung tinignan ko yung resulta ng UPCAT 2007 sa Palma Hall.


“Ok lang yan, Mark. UP rin naman yun eh. Extension pa ng Diliman,” pakonswelo na lang sa akin ni Michael noong mga panahong iyon.


Habang naglalakad kami nun ni Michael sa UP Diliman, napansin ko yung mga asong pagala-gala lang sa Sunken Garden.


"Buti pa ang mga asong ito, kahit walang alam, nakakapasok dito sa Peyups," naisip ko noon.


At nakita ko rin ang mga Metro Aid at Janitor na naglilinis ng Acad Oval noon.


"Mag-janitor na lang kaya ako para at least nasa UPD ako?" isa pang kalokohan na naisip ko.


Kaya mula noon, PINANGAKO KO SA SARILI KO na kapag Second Year na ako, lilipat ako ng UP Diliman---ang dream institution ko.


At sa kasalukuyan, matagumpay kong naisagawa ang pangakong iyon. May mga rason ako kung bakit gusto kong lumipat:


1. Mas malapit sa bahay namin sa QC. (Obviously)

2. Nandoon ang kursong nais kong kunin— Creative Writing.

3. Mas maraming nalalakbayan sa UP Diliman.. sa UPEPP, wala pang two minutes tapos mo na siyang libutin.

4. Peer pressure ng mga kaibigan ko nung high school na nag-aaral sa UP Diliman tulad ng bestfriend kong si Michael.

5. Mas nakikita kong mulat sa isyu ng bansa ang mga estudyante rito sa UP Diliman.


Ibang kultura na ang aking makakagisnan. Siyempre, may pagkakaiba pa rin ang istilo ng pamumuhay sa UP Diliman at UPEP Pampanga.


Isa na dito ay ang pagiging dependente ng UPEPP sa UPD. Sa UPD nakatago ang transcript of records namin at doon din kami kumukuha ng ID dahil kami ay extension program ng UPD. Wala rin kaming clinic sa UP Pampanga, kaya kapag may nahimatay sa corridor, hala… ibabiyahe muna namin siya ng dalawang oras papunta sa Infirmary ng UPD para matignan ng nars.


Mahal ko rin naman ang UPEPP sa ibang aspeto. Nandoon ang mga nakagisnan kong mga kaibigan na mga Cabalen at iba pa. At siyempre…nandoon din sa UPEPP ang Cabalen na pinakamalapit sa puso ko… si Lorraine Manliclic.


Pero ngayon, nasa flagship school na ako.


Ngunit hindi lahat ay aprubado sa paglipat ko: una na si Lorraine…dahil magkakalayo kami. Ba’t ba ayaw lumipat ni Lorraine gayong mas mataas pa nga ang mga grades niya sa akin? Dahil nag-iisang anak at babae pa, hindi siya pinayagan ng mga magulang niya na lumipat siya ng UP Diliman dahil malayo sa kanila sa Angeles City. Pangalawa, ayaw ng mga magulang ko sa pinili kong kurso sa UP Diliman.


“CREATIVE WRITING?! Anong mapapala mo sa pagsusulat? Di ka naman yayaman dyan.” anang Daddy ko.


“Mark, anak, kilala kita. Mahusay kang magsulat at maaari mong gamitin iyan laban sa gobyerno. Maraming napapatay na mamamahayag ngayon, hindi mo ba alam?” nag-aalalang sabi naman ng Mommy ko.


OO…ayaw ng mga magulang ko sa Creative Writing, dahil alam nila na gagamitin ko ang pagsusulat laban sa gobyerno. Sa tingin nila ay magiging aktibista ako sa UP Diliman sa pamamagitan ng aking pagsusulat. At ayun ang kinakatakot ng mga magulang ko…


Ngunit…hindi nila ako napigilan sa aking planong makalipat. Isa na akong ganap na estudyante ng UP Diliman… nakaalpas na rin ako sa UP Diliman-Diliman-nan..


Bakit nga ba gusto ko ang Creative Writing? Simple lang. Gusto kong magkwento... magpahayag gamit ang panulat ko. Ang blog-nobelang ito ang isang pagpapatunay ng aking minimithi.


Pagdating ng panahon, hindi na rin ako mapapraning sa hinaharap habang nakasakay ng dyip. Mamememoryado ko rin kung saan dapat bumaba o kung lumampas na ako ng CSSP. Matatatak din sa aking isipan na ang mga Philcoa jeepneys ay magyu-U-turn pa kaya hindi ko na kailangan pang bumaba dun sa may overpass para tumawid papuntang kabilang side ng daan.


Hindi na rin ako mafi-freak out ng mga batang pulubi na bigla-biglang papasok sa dyip at kukuskusin ang mga sapatos ng mga pasahero ng pahapyaw at pagkatapos ay mamamalimos, na noong una ay akala ko ay mga asong nakapasok ng dyip. Magiging dabarkads ko na rin yung mga batang nanghihingi ng plastic bottles sa mga estudyante at mga tao.


Hindi ko na rin pang muling hahanapin ang PH 213 (Palma Hall room 213) sa Faculty Center (na-WHICH STAR ARE YOU FROM? na naman tuloy ako ng mga tao roon! Hmmmppph!) at hindi na ako magbabayad ng P5.50 sa mga Ikot at Toki jeeps.


Marami pa akong matututunan, pero last na lang: AS na rin ang itatawag ko sa Palma Hall; hindi na Palma Hall.


Sanayan lang iyan…


Welcome sa mga freshies at transferees na bagong salta sa UP DILIMAN! Mga UPD newbies!

**************************************

Nasa bus station kami ng Dau nina Chinee at Jenna. Galing kami ng UPEPP (na ngayon ay officially called UPDEPP) para kunin na ang permission to transfer namin sa UPEPP. Sa wakas, nakalipat na rin kami ng UP Diliman!


Hindi pa umaandar ang bus na sinakyan namin.


CHINEE: Mark, pabantayan ng gamit namin ni Jenna. CR lang kami.

MARK: Sige…


At habang nagbabantay ako ng gamit nina Chinee at Jenna, may babaeng naka-school uniform (hindi ko na sasabihin yung school) ang kasasakay lang ang akmang uupo dapat sa upuan nina Jenna at Chinee nang…


MARK: Ate, may nakaupo po dyan.

BABAENG PANGET: Alam ko! Anong akala mo sa akin, bobo? Mataas ang pinag-aralan ko! (sabay pinagyabang niya yung ID at uniform niya sa akin)


Oo…tinarayan ako ng babaeng panget na yun. Dahil siguro napahiya siya kaya ganun ang reaksyon at pinagsasabi niya. Nakita na nga niyang may bag sa uupuan niya eh uupo pa siya! Mga “other schools” talaga…hindi minsan ginagamit ang “common sense.” ü


MARK: Tinatanong ko?


Hihirit pa sana siya pero napatingin siya sa suot kong ID. Nang nabasa niya ito, natahimik na lang siya at naghanap ng bakanteng upuan.

***************************************

Bago magsimula ang klase ko sa AS, nagkausap pa kami ni Lorraine sa cellphone…


LORRAINE: Mark, ah! Mag-iingat ka dyan… Mami-miss kita… I Love You.

MARK: Ikaw din, I Love You, too. Mwah! Mwah!

LORRAINE: Lagi kang dadalaw dito sa UPEPP ah.

MARK: Siyempre naman. Ikaw pa, makakalimutan ba kitang dalawin?

LORRAINE: O sige na, Mark…andito na yung Math *slash* Theology teacher nating si Sir Sumido…ü


Math *slash* Theology teacher. Yun ang tawag namin kay Sir Sumido, dahil hindi lang Math ang tinuturo niya…tinuturuan niya rin kaming magdasal at manalig sa Diyos unintentionally tuwing may exam sa kanya…Kita mo yun, Math teacher na, Theology instructor pa…Pero, tingin ko, lahat naman ng profs a UP eh nagiging Theology instructor rin sa mga estudyante nila…ü


MARK: Haha! Oy, enjoy your first day of class dyan ah! Bye!


Mami-miss at hahanap-hanapin ko rin ang munting campus ng UP sa Clark na nag-iwan rin sa akin ng mga alaalang aking iingatan at mamahalin.

6 comments:

  1. sayang lumipat! the end na ba to?

    ReplyDelete
  2. to Anonymous:

    Sino ka? Hehehe..

    May Part 2 po ang kwentong ito...kaya lang hindi na sina Mark at Lorraine ang focus ng kwento...

    Nasa left side ang link ng Part 2 ng kwentong ito...

    ReplyDelete
  3. taga upepp na ala magawa, mag sulat ka naman tungkol sa isang posibleng frat war

    ReplyDelete
  4. to Anonymous 2

    brewing na ang kwento tungkol sa frat...nxt year siya maisasakatuparan! abangan!

    ReplyDelete
  5. "Sino ka? Hehehe.."

    i'm someone affiliated with our non-performing paper, UP Frontliner

    ReplyDelete
  6. kahit bago lang ako sa updepp.nakikilala ko mga characters mo..haha

    ReplyDelete