Saturday, October 18, 2008

Episode 32: Top of the World

Natigilan yung mga nakarinig ng huling lyrics. Nagkatinginan kami ni Lorraine. At bigla na lang nagpalakpakan yung ibang tao at kinantyawan na naman ako ng mga pinsan ko.


Kaya nag-walk out si Lorraine na agad ko namang sinundan…


Naabutan ko siya sa lobby ng hotel…


MARK: Lorraine, sandali. (sabay hawak sa braso ni Lorraine)


At bigla na lang, nasampal ako ni Lorraine…at galit na galit ito…


LORRAINE: Ang lakas ng trip mo, ah! Mark, ganyan ka na ba ngayon? Ngayong nalaman mo na “medyo minahal” kita noon eh kelangan mo pang i-broadcast sa buong Pilipinas na nagkakandarapa ako sa’yo?


Hindi ko alam kung galit nga ba talaga si Lorraine sa sinasabi niya o nagpapatawa lang…


MARK: Lorraine, wala akong sinasabing ganyan. Nagkamali lang ako sa lyrics kanina…

LORRAINE: Ewan ko sa’yo! Mga kalokohan mo!


Paalis na sana si Lorraine nang biglang niyakap ko siya… Yakap na mahigpit na mahigpit. Yakap na ayaw ko na siyang pakawalan pa…yakap na puno ng nag-uumapaw na pagmamahal ko kay Lorraine.


MARK: Lorraine…mahal na mahal kita… W-wala na bang pag-asang…mahalin mo ako? Hindi mo na ba ako kayang…kayang mahalin muli?

LORRAINE: Hindi, Mark!


Natigilan ako sa sagot ni Lorraine. Nanlumo…hindi ko na ba pwedeng ibalik pa ang dati niyang pagmamahal sa akin na noon ay di ko napansin?


MARK: Hindi, Mark… Hindi ka nagkakamali…mahal pa rin kita… Mahal din kita…


At nagyakap kami ni Lorraine nang buong higpit. Wala kaming pakialam kahit pagtinginan kami ng mga Amerikano at Pilipinong nasa lobby ng Hotel Stotsenburg. Akala siguro nila eh shooting lang yun…ü


After ng reception, kinausap kami ni Lorraine ng mga magulang namin pati na rin nina Tito Gabby at Tita Diane, ang tita ni Lorraine.


MAMA NI LORRAINE: Oh, ano, kayo na ba?


Di kami makasagot ni Lorraine…


MAMA NI LORRAINE: Sus, nagtago pa ‘tong mga ‘to. Mark, Lorraine, I’m happy for you…

LORRAINE: H-Hindi po kayo galit? H-hindi po kayo tutol?

MAMA NI LORRAINE: Magagawa ko bang tutulan ang mga pusong nagmamahalan? Alam mo anak kung bakit ako tumutol nun sa inyo ni Efren?

LORRAINE: Bakit po? Dahil bata pa po ako?

MAMA NI LORRAINE: Hindi, hija. Kasi nadarama kong hindi mo mahal si Efren noon. Nanay ako at kilala kita, anak.

TITO GABBY: Oh, kayo na ba ang susunod na ikakasal sa amin ni Diane?

MARK: Ah, next year pa po… Kasi kung ngayon eh, magiging sukob yung kasal namin…ü


Kinurot ako sa bewang ni Lorraine…


LORRAINE: Mark, umayos ka!

PAPA NI LORRAINE: Basta, iho, ingatan mo yang unica hija namin at huwag mong paiiyakin kundi… (at pinatunog niya yung knuckles niya)

MARK: Nyay! Katakot! Opo, Tito…huwag po kayong mag-alala…ü

MOMMY: Ito talagang batang ‘to! Di nagsasabi sa akin na may napupusuan na pala! Uyyy..binata na siya…

MARK: Hmmmph! Mom, tumigil ka na nga!


Kaya minsan ayokong magbanggit kay Mommy ng tungkol sa lovelife ko. Gannon talaga si Mommy eh, lagi niya akong tinutukso kapag may involve na babae sa buhay ko. Nanay ko nga talaga siya.


HULING LINGGO na ng klase kaya kuntodo picture-picture ang mga ka-block ko…at ang official photographer namin ay si…


DINGDONG: Ok guys…smile, 1—2---3 (sabay pindot ng digital camera) Oh, ba’t ayaw magpicture ng kamerang ‘to? Paano ba ’to?!

MIGUEL: Ah, Ding, tinatapakan yan para gumana…ü

DINGDONG: Oh, game. Ito na talaga. Smile ulit kayo…1---2---3! (sabay pindot ng camera ulit)


Pero ayaw pa ring mag-picture ng camera…


CHINEE: Ano ba, Ding! Napa-fatigue na ngiti namin, hindi pa rin ba naka-capture yung picture?

DINGDONG: Eh, ayaw pa rin maka-picture ‘eh.

MARK: Nangangain ng tanga yang camera na yan, Ding… Kaya pag bigla ka na lang mawala diyan di na ko magtataka.. ü


At pagkalipas ng ilang dekada, at nakapag-celebrate na ng bicentennial ang UP, napicture-an din kami ni Dingdong…


MARAMI rin sa block namin ang sinusubukang lumipat ng UP Diliman sa darating na academic year. At isa na ako run…


Sabay kaming pumunta ni Jenna sa Records Section ng UPEPP para mag-request ng True Copy of Grades nang…


EFREN: Jenna…p-pwede ba kitang makausap?


Lumapit si Jenna kay Efren…


JENNA: Efren, bakit?

EFREN: S-sigurado ka na ba sa paglipat mo sa UP Diliman?

JENNA: OO, desidido na ako…

EFREN: Hindi na ba mababago pa ang isip mo?

JENNA: Hindi na…

EFREN: Kahit pigilan ka pa ng “ibang tao?”

JENNA: Kahit pigilan pa ako ng “ibang tao.”

EFREN: Kahit pigilan kita?

JENNA: Kahit pigilan mo ako…

EFREN: Bakit, “ibang tao” ba ako sa’yo?

JENNA: Efren, I gotta do what I think was best for me. Gusto ko rin mag-excel. And in the process, kailangan kong lumayo pansumadali..sa mga taong malapit sa akin…

EFREN: Pero, Jenna, bestfriend…mami-miss kita..kung aalis ka dito ng UPEPP…

JENNA: Mami-miss din kita, bestfriend. Pero kailangan ko ‘tong gawin… I hope you understand.


Natahimik si Efren sa mga sinabi ni Jenna…


EFREN: Sige, bestfriend, good luck na lang sa gagwin mo…


Aalis na sana si Efren nang biglang…


EFREN: Nga pala, Mark. Congrats nga pala…nabalitaan ko na…kayo na ni Lorraine. Ingatan mo siya ‘ah…at mahalin siya…nang higit sa pagmamahal ko sa kanya…

MARK: Makakaasa ka…


At tuluyan nang umalis si Efren…


MARK: Kahit si Efren di ka napigilan sa balak mo ‘ah. Natiis mo siya.

JENNA: Oo nga eh…

MARK: Pero malay mo…sa dulo…kayo rin ang magkatuluyan…at mamahalin ka rin niya…

JENNA: Umayos ka nga, Mark! Tigilan mo ko! Naku…mga in-love talaga oh! Kung anu-ano sinasabi!

MARK: Makakahanap ka rin siguro ng para sa’yo. Malay mo...nasa UP Diliman lang siya...


Nagtawanan kami ni Jenna…


JENNA: Naalala ko tuloy yung ginawa ko nung sina Lorraine pa at Efren…

MARK: Bakit? Ano ba yun?

JENNA: Tinext ko yung Mama ni Lorraine nun at sinumbong ko sila…

MARK: Ha, ikaw yung nag-text nun sa Mama ni Lorraine?


At naalala ko yung sinabi sa akin ni Lorraine nung isang Simbang Gabi nung December. Yung gabing unang nag-aminan kami ng damdamin namin sa isa’t-isa.


Lorraine: Nag-break kami ni Efren…dahil ayaw ng mga magulang ko na magboyfriend muna ako. Isang araw, may nag-text kay Mama at nagsumbong na kami ni Efren… Iniyakan ko ang break-up namin…


JENNA: Desperado kasi ako nun kay Efren…haaayyyy…ewan ko ba. Ngayong naaalala ko yung ginawa ko nun para sirain sina Lorraine at Efren…natatawa na lang ako sa sarili ko. Igi-give up ko rin pala si Efren pagkatapos ng ginawa kong iyon…

MARK: Eh, tuloy na tuloy na ba yang pagmo-move on mo sa pag-ibig mo kay Efren?

JENNA: Oo, Mark. I’m moving on… Nga pala. Goodluck sa inyo ni Lorraine ah…

MARK: Hehe..salamat.

*****

ISANG SABADO NG UMAGA, kami ni Lorraine ay sinama nina Tito Gabby at Tita Diane sa picnic date nila sa Lily Hill sa loob ng Clark Air Force City. Ang Lily Hill ay ang highest hill sa Clark,na may taas na 105 ft. Ginamit ito na lugar-pangdepensa ng mga Hapones noong World War II.


Medyo nakahiwalay kami ni Lorraine kina Tito Gabby at Tita Diane. Mula sa pinagpi-picnic-an namin ni Lorraine ay tanaw namin ang buong Angeles City.


Kami ni Lorraine ay namangha, at ako ay napabuntong-hininga. Umihip ang malamig na hangin at dumampi iyon sa aking pisngi.


LORRAINE: Alam mo, Mark, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nakilala kita. Napakalawak ng Angeles City…pero pinahintulutan Niya na magtagpo tayo. Maligayang-maligaya ako ngayon na naririto ka tabi ko, Mark. Salamat sa lahat.


Pinisil ni Lorraine ang aking kamay na hawak niya. Namumula na ako…Natutuwa…Kinikilig… At lalo kong pinisil ang kamay ni Lorraine.


MARK: Salamat din, Lorraine. At nagpapasalamat din ako sa Diyos dahil nagkakilala tayo. Nung una nga, ayoko pang ituloy ang pagpasok ko sa UPEPP. Ngunit ang lahat pala ay parang isang planong natupad…kaya pala iniadya Niya na mag-aral ako sa UPEPP…dahil makikilala kita


Pagkatapos ng picnic, sinakay kami ni Tito Gabby sa jet engine niya at pinalipad niya ito. Habang nilalasap namin ni Lorraine ang malamig na hangin at sky view ng Angeles City…


MARK: Oo nga pala, Lorraine, ba’t ka nga pala nag-Psychology?


LORRAINE: Gusto ko kasing hanapin yung sarili ko. Nung high school kasi ako, parang di ko kilala kung sino ba talaga ako…ayun…ikaw ba, ba’t ka nag-Psych?


MARK: Para mahanap ka…ü


LORRAINE: Puma-punch line ka na naman ah!


Niyakap ako ni Lorraine. At pagkayakap niya, hinalikan ko siya sa pisngi.


LORRAINE: Ano ba ‘yun…sa cheeks lang?

MARK: Nandito kaya sina Tito at Tita…

TITA DIANE: Naku, Mark, isipin niyo na lang na hindi kami nakatingin ng Tito Gabby niyo…ü


MARK: Ganun?


At puno ng pagmamahal kong hinalikan si Lorraine sa labi… habang nagpo-form ng mga salitang The End” yung usok na ini-emit ng jet engine na sinasakyan namin…ü



Next: Epilogue: The Promise Fulfilled



No comments:

Post a Comment