Saturday, October 18, 2008

Episode 31: The Wedding

Mabilis na naglakad palabas ng Jollibee si Lorraine, na sinundan naman ni Efren. Pagkatapos, pinulot ko na lang yung mga baso at platong nahulog ko.


Mabuti na lang at di ako pinagalitan ng supervisor naming. Sinabihan na lang ako na mag-ingat sa susunod.


Isang araw, habang naglilinis ako ng mga mesa sa Jollibee…


LALAKE: Mark???

MARK: ??? (tinignan ko yung lalake pero di ko siya nakilala)

LALAKE: Di mo ba ako nakikilala? Ako ‘to—si Tito Gabby mo!

MARK: Uy, Tito! Kayo pala ‘yan. Musta na po?

LALAKE: Ok naman, ikaw?


Si Tito Gabby Lopez. Tito ko siya sa mother side. Nagtatrabaho siya bilang piloto sa Philippine Air Force.


Napansin niyo siguro na kapangalan niya yung CEO ng ABSCBN na Gabby Lopez din.


Ngunit tulad ng mga Lhuillier na kaapelyido ko, si Gabby Lopez ng ABSCBN ay dati lamang naming hardinero na umunlad dahil sa kanilang pagsisikap at mataas naming pagpapasahod sa kanya. Siyempre, uto-uto ka ulit kapag pinaniwalaan mo ako…ehehe. ü


MARK: Tito, saka na po muna tayo mag-usap. Bawal po kasi kami makipag-usap sa customers ‘eh. Tsaka, malapit na rin naman po ako mag-time out.


TITO GABBY: Ganun? O sige, antayin na lang kita mag-time out…


At nang makapag-time out na ako…nag-usap rin kami sa Jollibee…


MARK: Oh, Tito, kumusta na po sa Air Force? Di ko po alam na nadestino kayo ulit rito sa Clark.

TITO GABBY: Oo nga ‘eh. Biglaan din kasi. O musta na yung pagiging working student mo?

MARK: Kaya naman po…kahit papaano.

TITO GABBY: Oo nga pala, nasabi na ba ng Mommy mo sa’yo na…na…ikakasal na ako?

MARK: Talaga po, Tito? Congrats. Kelan naman?

TITO GABBY: Oo…bale next week na ako ikakasal. Dito sa Angeles gaganapin yung kasal…

MARK: E kanino po?

TITO GABBY: Basta…maganda yung fiancée ko. Di mo ba alam na naging Bb. Pilipinas yun dahil sa ganda niya?

MARK: Ah…bale si Janina San Miguel pala yung fiancée niyo? ü

TITO GABBY: Ah.. Janina pala ah… Gusto mong isumbong kita sa mommy at daddy mo na sumali ka ng frat dyan sa UPEPP?

MARK: Naku, Tito, joke lang po. Mapapatay nila pag nalaman nila yun…

TITO GABBY: Huwag kang mag-alala…ipalilibing kita pag nangyari yun…ü


Si Tito Gabby lang, bukod sa piling mga kaibigan, ang sinabihan ko ng tungkol sa pagsali ko sa frat, dahil sa tingin ko ay siya lang ang makakatulong at makakaunawa sa akin dahil nga sa Air Force siya. Hindi pa rin alam ito ng mga magulang ko hanggang ngayon.


MARK: Eh, paano ba kayo ngakakilala ni Janina…este…ng fiancée mo?

TITO GABBY: Dito kami nagkakilala sa Angeles two years ago nung nadestino ako dati rito sa Clark. Taga-Angeles siya. Ayun…basta mahabang kwento, Mark.


Araw na ng kasal ni Tito Gabby. Kami lang ng Mommy ko ang makakapunta sa kasal na ito dahil may inaasikaso ang Daddy ko sa office, at may finals naman ang kapatid ko.


Ikakasal sina Tito Gabby at fiancée niya sa Holy Rosary Church sa Angeles City. Ang Holy Rosary Church na ito ay ginawa mula 1877 hanggang 1896 sa pamamagitan ng "Polo y Servicio" or forced labor na in-imposed sa mga Pilipinong mahihirap noong panahon ng Kastila. O ha…pwede na ba akong maging tour guide, mga bata? ü





At sa bawat gilid ng aisle ng simbahan, may mga sundalong-piloto na may hawak na sword na nakataas habang dumadaan sa gitna yung mga abay, ninong, ninang, atbp. Cross sword ang tawag sa ginagawang ito ng mga sundalong-piloto. Kung bakit alam ko ang tawag dito ay dahil ginawa rin namin ito nung C.A.T. days namin nung highschool.


Nang mapatingin ako sa mga flower girl na dumadaan, nagulat ako nang kasama ng mga flower girl ang isang babaeng naka-ballet costume at sumasayaw pa ng ballet habang naghahagis ng flowers sa aisle ay si…


MARK: Corrine?!?!


Huling dumaan yung bride at ang tatay nito. Maganda nga ang mapapangasawa ni Tito Gabby. Swerte siya rito…


At nang nakaraan na sa aisle yung bride at ang tatay nito, nag-sword exhibition pa ang mga sundalong-piloto sa pagbaba ng espada nila.


At nagsimula na ang kasalan…


MARK: Mommy, pwedeng pahiram nung wedding invitation?


Inabot ng Mommy ko yung invitation sa akin. At binasa ang nasa invitation…




LOPEZ-MANLICLIC NUPTIAL
March 15, 2008


MARK: Manliclic?!


Ginalugad ko ng tingin ang simbahan. At nakita ko nga ang hinahanap ko…si Lorraine at ang mga magulang niya. Nandito sila sa simbahan?

MARK: I—Ibig sabihin…kamag-anak pala nina Lorraine ang magiging asawa ni Tito Gabby?!! It’s a small world after all!


Pagkatapos nun ay naging inattentive na ako sa nagaganap na kasalan at napapakanta na ako ng “It’s A Small World After All.” ü


Pagkatapos ng kasal, ginanap ang reception sa garden ng Hotel Stotsenburg (tongue twister yan! Ulitin-uliting bigkasin hangga’t mabigkas ng tama! ü) sa Clark. Pagkapunta naming ng Mommy ko sa venue, binati agad kami ng…




MGA MEXICANONG PINSAN: Ola! Buenas Dias Señor y Señora.


MOMMY: Nga pala, Mark. Sila yung mga Mexicano mong mga pinsan. Si Louie, Charlie, Dave at Martin…


(NOTE: Tandaan niyo yung names nila ah…marami silang scene dito sa Episode na ‘to)


LOUIE: Como esta, Tita?

MOMMY: Ok naman ako, Louie. Anlalaki niyo na ah. Huli kong kita sa inyo mga bulilit pa lang kayo…

MARK: Ibig sabihin, Mommy… sa bansang Mexico sila nakatira?

MOMMY: Bansang Mexico ka dyan! Sa Mexico, Pampanga lang nakatira yang mga pinsan mong yan!

CHARLIE: Tita naman eh, binuking kami kay pinsan!

MARK: Oh, I see…see-sipain ko’tong mga ‘to eh! Mga pilengerong Mexicano! ü


At habang kainan, ginaganap din yung programme tulad ng hagisan ng bulaklak at garter, pagpapakawala ng kalapati, cake slicing at wine-drinking ng bride at groom etc. At naging background music ng reception programme ang pagtugtog ng Mexicano kong mga pinsan…


At nang nasa buffet table na kami ng Mommy ko…


MARK: Ma, ba’t walang kanin dito? Nasaan yung kanin?

MOMMY: Pakabulag mo talagang bata ka…


At nilagay niya sa plato ko ang isang green na pagkain na triangle yung shape at parang suman yung itsura…


MARK: Ma, kanin ba’to? Suman yata ‘to na triangle ang shape eh!

MOMMY: Murit! Suman ka dyan! Kanin yan na binalot sa dahon ng saging kaya kulay green! Balisungsong tawag dyan!

MARK: Sorry naman, Ma. Ignorante lang…


Pagkatapos kumain, nilapitan ko si Corrine…


MARK: Corrine!

CORRINE: Uy, Mark! Nandito ka rin pala! Ba’t ka nandito?

MARK: Tito ko yung kinasal. Ikaw? Di ko alam na magba-ballet ka sa kasal ni Tito Gabby.

CORRINE: Ah…kasi kakilala pala ng Tito Gabby mo yung ballet instructor ko. So ayun, pinakiusapan ng Tito mo yung ballet instructor ko na kukuha siya ng ballet dancer para sa kasal niya. So ayun…ako yung napili ng ballet instructor namin.

MARK: Ah…ang galing naman. Nga pala….alam mo ba na nandito rin si Lorraine?

CORRINE: Ay… oo…kakausap lang namin kanina. Tita niya pala yung bride. Uy, ah…magkapamilya na pala kayo…ü


Nag-uusap kami ni Corrine nang biglang…


LORRAINE: Uy, Corrine…sinong kausap mo dya---


At nagkatinginan kami ni Lorraine. Nginitian ko si Lorraine, ngunit irap lang ang iginanti niya sa akin.


TITO GABBY: Sa lahat po ng mga binatilyo at dalaginding dyan. Magkakaroon po tayo ng isang game. Mangyari po lamang na pumunta kayo rito sa gitna.

CORRINE: Uy, Lorraine, Mark…Sali tayo…dali.

MARK: O sige. Naku, galante ‘yang magpa-premyo si Tito Gabby pag nagpapalaro ‘yan sa amin tuwing may family reunion kami.


At nang pumunta na kami sa gitna kasama ng iba pang teenagers na ka-edad namin…


TITO GABBY: Ang ating game ngayon ay Newspaper Dance…Maghanap kayo ng partner ninyo.

LORRAINE: Corrine, partner tayo…

CORRINE: Aray…sumakit bigla yung paa ko. Namulikat ata dahil sa pagba-ballet ko nung kasal kanina… Aray…ang sakit talaga. Naku, Lorraine, hindi na ako makakalaro. Sumakit bigla paa ko eh. Kayo na lang ni Mark mag-partner. Sige. (sabay tulak ni Corrine sa akin palapit kay Lorraine)


Naglakad palayo si Corrine. Alam kong pinepeke niya lang yung sakit ng paa niya para i-set up kami ni Lorraine na maging mag-partner sa Newspaper Dance. Si Corrine talaga oh!


LORRAINE: Anong akala mo, makikipag-partner ako sa’yo, Mark? Maglaro ka mag-isa mo!


Susundan sana ni Lorraine si Corrine nang biglang…


TITA NI LORRAINE: Lorraine, iha…

LORRAINE: Tita Diane…

TITA NI LORRAINE: Oh, ito na yung dyaryo niyo ng partner mo. (sabay bigay ng dyaro kay Lorraine)

LORRAINE: Pero, Tita, hindi po ako maglala—

TITA NI LORRAINE: Pagbutihin niyo ha.


At tinapik kami ng Tita ni Lorraine sa balikat at nag-distribute ng dyaryo sa iba pang mga kalahok.


At nagsimula na ulit kumanta ang Mexicano kong mga pinsan. Sila ang magsisilbing accompaniment ng game. Kapag tumigil sila sa pagkanta, dun kami tatapak sa newspaper.


At dahil nagkakailangan kami ni Lorraine, na-out kami ni Lorraine dahil ayaw magpabuhat ni Lorraine noong maliit na lang yung tupi ng dyaryo.


After ng game, nagkaroon ng ballroom dancing ang mga sundalong-piloto na kasamahan ni Tito Gabby sa trabaho at ang iba pang matatandang bisita habang background music nila ang walang kamatayang pagkanta at pagtugtog ng Mexicano kong mga pinsan.


At nang kasagsagan na ng ballroom dancing, inatake ng hika si Louie, ang vocalist, at di na makakanta…


Maraming mga sundalong-piloto at iba pa ang nanghihinayang sa nangyari sa pinsan kong si Louie. Nabitin sila sa pagbo-ballroom dancing kaya kinausap ni Tito Gabby yung mga pinsan ko.


TITO GABBY: Wala na ba kayong pamalit na vocalist?

CHARLIE: Eh, Tito…tingin ko…pwede si Mark pumalit na vocalist.

MARK: Kabayo! Ano? Ako vocalist? Are they sick!?


MARK: Ha? Bakit ako? May ideya ba kayo kung paano ako kumanta?

MARK: Alam kong maganda boses ko (well kaya nga Mark pinangalan sa akin kasi ka-boses ko raw si Mark Abaya ng Kjwan..ahaha), pero syempre hindi ako propesyonal. Tigilan niyo nga ako!

DAVE: Okay lang yan. Ano naman kung panget ka kumanta or what? Sure naman tayo na matutuwa yung mga bisita ni Tito Gabby eh.


MARK: Matutuwa o matatawa? Darn! Bahala na nga…kasubuan na ‘to eh!

MARK: Sige. Game na nga ako Anong kanta naman ang ipeperform natin?

CHARLIE: Love song na lang guys. Mukhang may haharanahin si Mark eh.

MARK: Woi teka teka teka. Huwag ganun. Walang ganyanan.


MARK: Kay Lorraine ba ko inaasar nito?! Kabayo!

MARTIN: Uy, yung kapartner mo ba sa newspaper dance yun kanina nuh?!


DAVE: Ah, yun ba yung pamangkin nung asawa ni Tito Gabby…uuuyy….

MARK: Tigilan niyo nga ako. So anong kanta na nga?

CHARLIE: Ikaw Lamang - Silent Sanctuary

DAVE: Sana'y di na tayo magkahiwalaaaaay.

MARTIN: Magugustuhan nung pamangkin ni Tita yun.

MARK: Next !! Huwag yun. Napaka pang love team yun eh. Tsaka hindi bagay pang-ballroom dancing.


MARK: Saka na yung kantang yun, kapag kami na. Hahaha :p


MARK: Tsaka dapat yung safe, kasi pag nagsabi ako ng love song, aasarin na naman ako ng mga pilingerong Mexicanong ‘to! Hmmph!


DAVE: Ah…Can’t Take My Eyes Off of You na lang. Pwedeng-pwedeng pang-ballroom.

MARK: Sige…yun na lang…





At tumugtog na yung intro ng kanta. Medyo kinakabahan ako…


MARTIN: Ano pinsan, kinakabahan ka ba?

MARK: No. I don’t feel any pressure right now…ü


At dahil pilingerong concert king ako nung mga panahon na iyan…


MARK: Araneta!!!!!!!!!!!!! Sing with me!!!!!!!


MARK: You’re just too good to be true. Can’t Take My Eyes off of You. You feel like heaven to touch. Oh I wanna hold you so much…At long last love has arrived. And I can’t take God I’m Alive…You’re just too good to be true. Can’t take My Eyes off of You…


At napansin kong masayang nagbo-ballroom yung mga kasamahan ni Tito Gabby. Ang sarap mag perform. Nanlalaki mata ni Lorraine sa akin. Hay! Siguro nahulog na siya sakin. Yes! Tama. Ahaha!


At nang chorus na ng kanta…hindi na nawaglit ang tingin ko kay Lorraine…


MARK: I love you baby and if it’s quite all right I need you baby, trust in me when I say..Oh pretty baby…


MARK: Bugash! Nalimutan ko yung next lyrics…Darn!


Oo..nablangko ako sa lyrics. Kaya dahil sa kaba, kung anu-ano na lang na lyrics ang nakanta ko…


MARK: And let me love you… “LORRAINE”, let me love you…



TO BE CONTINUED...

Next Episode: Episode 32: Top of the World

No comments:

Post a Comment