Friday, October 17, 2008

Episode 15: Trying to Move On…


Enrollment na for the Second Semester. At bago ako makapag-enroll ay kailangan ko munang kunin ang class cards ko. Nang makuha ko na ang class cards ko na tinatawag kong *O.W.L.s...ü

*Ang O.W.L.s ay ang exams na kinukuha ng mga estudyante sa Harry Potter…ü



ORDINARY WIZARDING LEVEL RESULTS

Pass Grades
OUTSTANDING (1.0 – 1.75)
EXCEEDS EXPECTATIONS (2.0 – 2.75)
ACCEPTABLE (3.0)


FAIL GRADES
POOR (4.0)
DREADFUL (Inc./Dropped)
TROLL (5.0)

Mark Anthony Lhuillier has achieved:

Social Science 1 2.0
English 1 3.0
P.E. 1.25
Philosophy 1 2.0
Natural Science 1 4.0
Math 2 2.5


Mark: Hay…di kasi ako palaaral eh! Ang gagara tuloy ng grades ko! May “4.0” pa kong dapat ayusin. Haay…mukhang pangarap na nga lang ang paglipat sa UP Diliman. Mukhang hindi pang-Diliman ang grades ko...pang-DILIM na lang...


At nagsimula na ako sa process ng enrollment; nagpa-advise at nagpa-post ng subjects sa Form 5. At nang nakapila na ako sa bayaran ng ng tution fee, nabasa ko yung nakalagay sa glass window dun:


PLEASE PAY EXACT AMOUNT.


Mark: Hala! Fiona! Paano pag hindi exact amount yung ibibigay ko? Paano pag may sukli pa?

Fiona: Hala, magpabarya ka na… Ang alam ko hindi na susuklian pag hindi exact amount binayad mo.

Mark: Ba’t naman ganyan na sistema nila! Para silang maniningil ng toll gate sa NLEX…kailangan exact toll ibayad mo!


Nag-panic na agad ako…


Mark: Hala! May P500 pa akong sukli dapat pag nagbayad na ako…hindi na ba nila ibabalik yun?

Fiona: Oo…hala maghanap ka na ng pagpapabariyahan mo ng pera…

Mark: Ikaw ba, Fiona walang barya sa P500?

Fiona: Wala ‘eh. Sensya ka na…

Mark: Kayo, Miguel, Chinee, Dranreb, Destiny? Wala ba kayong barya sa P500?


Pero pinagtatawanan lang nila ako habang ako’y nagpa-panic na at naghi-hysterical…


Mark: Hoy! Wag nga lang kayong tumawa dyan! tulungan niyo na nga lang ako maghanap ng pambabarya ko sa P500!


Miguel: Uhmm… Mr. Lhuillier…ako po si Michael V at nasa Bitoy’s Funniest Videos tayo…ayun po yung hidden camera naming…YARI KA! Ahahahahaha (tawang katulad nung kay Bitoy…ü)


Mark: Ano ba? Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo! Tulungan niyo na akong maghanap ng barya sa P500…



Destiny: Ano ka ba? Huwag mo masyadong dibdibin yung “please pay exact amount” na yan! Masusuklian ka pa rin kahit milyon pa ibayad mo! Chorva lang nila yan! Jino-joke ka lang namin kanina.



Mark: Hay naku naman kayo! Lagi niyo na lang akong pinagti-tripan!



Miguel: Ikaw naman kasi, Mark. Napaka-gullible mo!



Mark: Yes, pa-gullible-gullible ka nang nalalaman ‘ah!



Miguel: Siyempre…Communication 1 students na tayo eh… graduate na tayo ng English 1…ü



Chinee: Nga pala, guys. Nung sembreak nagpunta kami ng family ko sa Poracay…



Hindi typographical error yan…nagpunta talaga sina Chinee sa Poracay, ang copycat ng Boracay sa Porac, Pampanga…ü


Chinee: Tignan niyo oh… nagpa-henna tattoo ako sa batok ko dun sa Poracay…


At tinaas ni Chinee yung hair niya para makita namin yung henna niya sa batok. Kulay itim yung henna ni Chinee…


Dranreb: Uy, nagpa-henna ka pala. Di ko nahalata.

Mark: Tattoo pala yan? Akala ko kasama lang yan sa initim mo nung nag-swimming kayo sa Poracay! ü

Miguel: Oo nga eh! Akala ko nga libag lang…ü

Chinee: Mga letsugas kayo! Get lost!


Pagkatapos naming magpa-enroll ay naisip naming kumain sa Clark Lomi House na napaka-ironic ng pangalan dahil wala naman silang tinitindang lomi…ü… Kaunting lakad lang ang layo nito mula sa UPEPP.


Pagkapasok naming sa Lomi House, maraming tao ang kumakain. Lunch time na kasi. Yung iba sa mga kumakain ay mga nagtatrabaho sa Clark. Karamihan naman sa mga kumakain ay mga Amerikano.


Chinee: Hay naku! Tayo ang magmumukhang foreigner sa dami nilang mga Amerikano dito…

Destiny: Oo nga, mukha kang foreigner... foreigner na African!


Well, napapansin niyo siguro na laging asar-talo si Chinee sa amin. Well, ganyan lang talaga kami magmahalan magkaibigan…ü


Habang kumakain na kami…


Destiny: Ala eh! Parang ayoko nang kumain. (Batangueña accent ang pagkakasabi niya nito)

Dranreb: Bakit naman? Masarap naman yung pagkain ah…

Destiny: E kasi yung kanin eh…parang malata e!


Dahil Batangueña accent, sa last two syllables na sinabi ni Destiny, medyo nawalan na kami ng ganang kumain…ü


After nun ay namasyal muna kami sa SM Clark kung saan ay binati kami ng mga SM Clerk…magka-rhyme di ba? ü…


Nagpunta kami sa Quantum. Pagkapasok namin sa Quantum…


Fiona: OMG! Tania…do you see what I see? Sa may videoke-han…

Tania: Teka…yun ba yung landlord slash landlady natin?


Hindi nga sila nagkakamali, ang nakikita nga nila sa videoke-han na kumakanta ay yung landlord slash landlady nila. (Gets niyo naman yan right?). Ka-duet nun ay ang kanyang jowa-ers siguro… Sweet pa ng pagkakakanta nila ng “If We Fall In Love”…ü


Landlord slash landlady at Jowa-ers: If we fall in love, maybe we’ll sing this song as one. If we fall in love, we can write a better song than this. If we fall in love, maybe we’ll keep this memory in our heads. If we fall in love, everywhere with you will be a better place…ohhhh…yeah…ahiyayiahiyay…


At di pa natinag si landlord slash landlady sa pagko-concert, kumanta pa siya ng isang kanta, ang “Umbrella ni Rihanna”…dine-dedicate niya pa yung kanta sa jowa-ers niya…


Landlord slash landlady: When the sun shine we'll shine together told you I'll be here forever. Said I'll always be your friend. Took an oath, I'mma stick it out 'til the end. Now that it's raining more than ever. Know that we'll still have each other. You can stand under my umbrella. You can stand under my umbrella (ella ella eh eh eh). Under my umbrella (ella ella eh eh eh)…


Mark: Mukhang kelangan na nga natin ng umbrella…mukhang uulan talaga pag kumanta yang landlord niyo…ü

Destiny: Inggit lang you! Sila may lablayp, ikaw wala!

Mark: Wala akong naririnig...


Hindi ko nakita sina Lorraine at Efren ngayong araw na ito. Marahil ay nakasama na si Efren sa Glorietta Blast na naibalita…joke lang..ehehe…


Mark: Mabuti na rin at di ko pa nakikita sina Lorraine at Efren ngayon. Hindi pa ko handang makita sila. Kailangan ko munang mag-move on kay Lorraine…


Pero mukhang ayaw akong pag-move on-in ng landlord slash landlady nina Fiona nang bumirit pa siya ng kanta na naging daan noon sa una naming pagkakakilala ni Lorraine ...


Landlord slash landlady: How could something so wrong feels so right all along…Catch me, I'm falling for you...


TO BE CONTINUED...
END OF SEASON 1
Naks! May season-season pa akong nalalaman! :)

No comments:

Post a Comment