SEASON 2 NA!!!
First Day na for the Second Semester. Ngayong second sem, may mga new at recurring characters at professors. Pero sa susunod na muna magpapakilala yung new characters at profs…Wag kang excited...Excited ka eh!
As usual, sumakay ako ng jeep sa Clark Main Gate papuntang UPEPP. Sa passenger seat ako naupo. Matanda na yung driver ng jeep. Nagpapatugtog siya ng radio…
Radio: 95. 1 RWwww.. (pakanta yan ah na mahaba ang letter “w”!)
Radio Voice-over: Keni na ka! (siyempre naman, may konting halong pangse-seduce ang pagkakasabi nito…)
Mark: Uy, na-miss ko bigla si Ma’am Alcantara ah! Pero Comm 1 na ko this sem eh…we will not see each other much this time…ehehehe… Graduate na ako ng English 1..
Biglang nilipat ni Manong Driver yung radio sa AM station…
AM Radio: Sa bukid walang papel (uy!) ikiskis mo sa pilapil! (uy!)…
Mark: Ano ba namang klaseng mga kanta yan! Bad trip naman ‘tong si manong eh! Napaka-oldies! Hay…
AM Radio: At ngayon sa mga nagbabagang balita…Isang babae nahulog sa bangin, patay! Isang lalake nasagasaan ng tren, patay! Isang bata uminom ng lason, patay! Isang prinsesa nakaupo sa tasa, kasoy!
Mark: Manong bayad ‘ho…
Manong Driver: Teka! Ba’t siyete lang ‘tong binayad mo?
Mark: Estudyante ho ako…
Nga pala, sa Clark kasi, siyete ang student fare at P8.50 ang regular fare…
Manong Driver: Pakita mo nga ID mo…
Mark: Ang taray naman nitong Manong Driver na ‘to! Siguro kabuwanan niya…hehehe…Hinihingi pa yung ID…isampal ko pa sa’yo ID ko ‘eh…Makita mo!
At pinakita ko nga yung ID ko at tinanggap na niya ang siyete kong pamasahe nang labag sa loob niya…
At habang nagmamaneho siya, tumama sa paa ko yung kambyo…
Manong Driver: Ano ba? Itabi mo nga yang paa mo. Natatamaan ng kambyo eh!
Sabay sinipa niya yung paa ko...
Mark: Anak ng kamatis yan oh! Aba’y sumosobra na ‘tong matandang ukluban na driver na ‘to ah! First day na first day ng Second Sem eh bina-bad trip ako! Sige na…easy ka lang, Mark, huwag kang ma-badtrip. Cool ka lang. Pagpasensyahan mo na yung driver, matanda na siya… Tsaka Patience is my middle name…ü
Salamat sa Diyos at hindi pa ko pilay nang makarating sa UPEPP. Dumiretso na agad ako sa gym kung saan ang first class ko ay P.E.
Isa sa mga recurring professors namin ay si Sir Samson. Sandali lang kami nag-P.E. Namigay lang siya ng classcards at sinabing “Arnis” ang P.E. namin…
Next class namin ay History 2: Asian History. Si Ma’am Bunye ang aming professor dito… Medyo may edad na siya…Nagpakilala siya at nag-discuss about sa subject niya…
Ma’am Bunye: Ayoko ng replay pag nagdidiscuss ako kaya dapat makinig kayo nang mabuti. Ipasa mo lang ang dalawa kong exam ay siguradong pasado ka na. Hindi ako nagtatanong ng date ng historical figure pag exam. Essay type ang exam… ipapaliwanag mo kung paano ang ganito, ang ganyan…
After 10 minutes ng kanyang pagpapaliwanag ng iba pang mga bagay-bagay…
Ma’am Bunye: Ngayon, ayoko ng replay pag nagdidiscuss ako kaya dapat makinig kayo nang mabuti. Ipasa mo lang ang dalawa kong exam ay siguradong pasado ka na. Hindi ako nagtatanong ng date at ng historical figure pag exam. Essay type ang exam…ipapaliwanag mo kung paano ang ganito, ang ganyan…
After 10 minutes ulit ng kanyang pagpapaliwanag ng iba pang mga bagay-bagay…
Ma’am Bunye: So ngayon, ayoko ng replay pag nagdidiscuss ako kaya dapat makinig kayo nang mabuti. Ipasa mo lang ang dalawa kong exam ay siguradong pasado ka na. Hindi ako nagtatanong ng date at ng historical figure pag exam. Essay type ang exam…ipapaliwanag mo kung paano ang ganito, ang ganyan…
Another 10 minutes ulit ng kanyang pagpapaliwanag ng iba pang mga bagay-bagay at…
Ma’am Bunye: Ngayon naman, ayoko ng replay pag nagdidiscuss ako kaya dapat makinig kayo nang mabuti. Ipasa mo lang ang dalawa kong exam ay siguradong pasado ka na. Hindi ako nagtatanong ng date at ng historical figure pag exam. Essay type ang exam…ipapaliwanag mo kung paano ang ganito, ang ganyan… Di naman ako masyadong makulit ‘noh?
So obvious naman, ayaw nga ni Ma’am Bunye ng replay… Halata naman sa paraan ng pagpapaliwanag niya sa amin nuh? Hindi rin siya masyadong makulit. Hay naku, may mga professors talaga na may pagka-ironic…ü
May break kami after ng History class namin. Pagkatapos ng break namin…
Jenna: Syet! Mark! Syet!
Mark: O, bakit? Anong minamaktol mo dyan?
Jenna: Di ba next class natin eh Psychology 101?
Mark: Oo…bakit?
Jenna: Ka-sched natin yung Psych 1B sa Psych 101. Kaklase natin sila roon…
Mark: Syet! Jenna! Syet!
Habang naglalakad kami papuntang room ng Psych 101 namin ay napapaisip ako…
Mark: What the hell! Ba’t ba kung kailan gusto ko nang kalimutan si Lorraine ‘eh saka naman kami pinaglalapit ng tadhana…
Chinee at Destiny: Hiki! Hiki! May mga kinikilig dyan…
Mark: !!!
Dranreb: !!!
Chinee at Destiny: Sorry naman… Tatahimik na nga kami…
Pagpasok namin ng classroom, nandoon na yung ibang Psych 1B.
Felix: Hoy, Mark, Dranreb, Miguel, tol! Musta na?
RR: Halikayo, dito na kayo umupo…
Umupo kami malapit kina Felix at RR…
Felix: Oh, Mark, musta na love life?
Mark: Eto…self-supporting…
Felix: O ikaw Dranreb?
Dranreb: Paweho lang kami ni Mawk…
RR: Ganun? Mukhang si Miguel lang happy sa buhay pag-ibig sa inyo ah…
Miguel: Parang ganun na nga…
Felix: Ok lang yan. Ganito na lang isipin mo, Mark…kahit ano pa tawagan nina Lorraine at Efren, love, honeybunch, baby, apple pie, cupcake, pangga…basta kahit ano pa tawagan nila, magbe-break din sila…ü
RR: Ganyan talaga pag kabiguan sa pag-ibig ang problema. Minsan parang gusto na nating sumuko. Pero tandaan mo habang may buhay may pag-asa. Higit sa lahat, habang may babae, may ligaya! Ü
Dranreb: Yeah! Tama yon!
At bumukas yung pinto ng classroom. At nakita ko ang di ko inaasahang makita…sina Lorraine at Efren pumasok na magka-holding hands…
Anna: Yes, blockmates, i-congrats naman natin yung ating #1 SK Kagawad!
Nagpalakpakan yung mga Block B…
Lorraine: Kayo talaga. Sige, salamat. :D
Mark: Migz, magsi-CR lang ako…
Tumayo ako na dala na ang bag ko. Plano ko na kasing di na lang um-attend sa Psych 101 class. Nakita ko si Jenna na kunwareng masayang nakikipag-usap kay Janina pero halata kong pinipigilan niya lang umiyak…
Napatingin yung iba sa akin habang naglalakad ako papuntang pinto. Pagbukas ko ng pinto, nakatayo na roon yung prof…si Ma’am Manzano, yung Psychology Adviser ng UPEPP…
Ma’am Manzano: Ang galing mo naman, iho. Nalaman mong nandito na ko. Salamat sa pagbubukas ng pinto sa akin ah. Sige na upo ka na… :D
Di ko na tinuloy ang binabalak kong di-pagpasok ng Psych 101 class. Umupo na ko sa kinauupuan ko.
Nagpakilala si Ma’am Manzano. Siya nga yung Psychology Adviser sa UPEPP. Na-encounter niyo na siya sa Episode 3 kaya lang kaunti lang appearance niya dun…ü
Nagtawag ng names si Ma’am Manzano at namigay ng classcards. Pagkatapos ay nagklase agad siya. Pero hindi ako nakikinig. Nakikita ko kasi out of the corner of my eye sina Lorraine at Efren na magkahawak-kamay at lihim na nagngingitian...
Mark: Kung makapaglambingan naman sila. Hindi naman sila bagay! Hmmph! Define BITTER...
Ma'am Manzano: Bitter, in other words, is a label for a natural type of poison that occurs commonly. This is according to our book Introduction to Psychology by Atkinson... Kaya kayo diyan, wag magdadamdam palagi. Dapat always smile...
Mark: Dyusme.. lason pala ang bitterness... Wah.. Hindi na ko magpapaapekto!
Pagkatapos nun ay nag-distribute siya ng ½ crosswise na papel…
Ma’am Manzano: So class, I want you to write your name on the ½ crosswise paper.
Pagkasulat ng name, pinasa namin yung papel kay Ma’am Manzano. Pagkatapos nun ay binalasa niya yung mga papel naming para mag-iba ng arrangement. Tapos binigay niya ulit sa amin yun isa-isa…
Ma’am Manzano: This is a getting-to-know activity. For sure I know, kahit na magkaka-year kayo at magkaka-course pa eh hindi niyo lahat kilala ang isa’t-isa dahil you come from different blocks.
Class: Yes, ma’am…
Ma’am Manzano: So, hindi inyo ang hawak niyong papel. Kung kanino man yang papel na hawak niyo eh isulat niyo ang “K” kung kilala niyo ang may-ari at “NK” naman kung di niyo kilala. Tapos magsulat kayo ng description sa taong ‘yan kung kilala niyo siya, at kung hindi naman, isulat mo naman yung sa tingin mong pagkakakilala mo sa kanya. Wag niyo isulat ang pangalan niyo. Pag tapos ka na, ipasa mo yung papel sa next person para siya naman magsulat. Gets?
Felix: Ano raw sabi, sex?
RR: Gago…umiiral na naman yang libido mo ‘eh…ü
At nagsimula na yung activity. Dumaan sa akin yung papel nina Chinee, Miguel, Dranreb, Destiny, atbp na kilala ko at di ko kilala (na malamang sa malamang eh sa Block B sila). Nang dumaan sa akin yung papel ni Efren…hindi ko ito sinulatan ni isang tuldok.
Mark: Keber ko ba sa Efren na’to...hmmphh!!
At dumating na rin ang papel ni Lorraine sa akin. Medyo marami na rin ang nakakasulat sa papel niya:
K- Yes naman! SK Kagawad na siya!
K- Palaasar pero friendly naman…
K- Loves na loves niya si Efren…ü
K- Kelan kasal niyo ni Efren? Invite naman kayo..ehehe…
Sa mga nabasa ko, parang gusto ko nang maluha pero pinigilan ko. Ayokong magpahalatang apektado ako.
Totoo nga ang natanggap kong text dati ni Michael: It’s never the tears that measure the pain. Sometimes, it’s the smile we fake in every heart-breaking situation… :’(
Sumulat ako sa papel niya… hindi madali para sa akin ang gawin ang ganito. Kinailangan ko muna ng lakas ng loob para masulat lang ang nais kong isulat kay Lorraine…
HK- You’re so beautiful…such a beautiful disaster…
Natapos na yung activity. Pinaliwanag ni Ma’am Manzano yung essence ng activity: para malaman mo ang pagkakakilala sa’yo ng mga tao at ang first impression ng mga taong di mo kilala sa’yo…
Dinismiss na kami ni Ma’am Manzano. Nagmadali akong lumabas ng classroom. Pagkalabas ko ng classroom…
Lorraine: Mark…
Mark: …
Lorraine: Uhmm…musta ka na?
Mark: Ako? Ok naman…
Lorraine: Ah…nga pala may ---
Mark: Mauna na ko sa’yo, Lorraine. Nagmamadali ako. Gusto ko nang umuwi. Sige…
Naglakad ako papalayo. Hindi ko na nilingon pa si Lorraine. Ayokong makita niyang nasasaktan ako…may pride ako…
Mark: Sinubukan kong kalimutan ka Lorraine nung sem break. Akala ko nakalimutan na kita…hindi pala…dahil sa tuwing sinusubukan kong kalimutan kita ay parang lalo pa kitang minamahal…
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 17: Smile
No comments:
Post a Comment