Friday, October 17, 2008

Episode 17: Smile

Another school day na naman. Ngayong araw, tuloy-tuloy ang subjects namin at wala kaming break kaya bago magsimula ang klase, kumain muna kami sa Clark Lomi House nina Miguel, Chinee, at sophomore na boardmate ni Chinee na si Johanna…


Habang kumakain kami…


Johanna: Hay…Ang daming problema sa buhay… nakakawalang-ganang kumain…gusto kong makatikim ng matamis…

Miguel: Jo, you wouldn’t know how sweet life could be…unless you’ve tasted me! ü

Johanna: Yuck! Never in my dreams na may balak akng tikman yang katawan mo noh!

Chinee: Uyyyy…baka kayo magkatuluyan nyan ah!

Miguel at Johanna: Huh! Never!

Mark: Uyyyy…dyan din nagsimula lolo at lola ko noon… ü

Miguel at Johanna: (-_;) *blush* *blush*


Just then, pumasok sa Clark Lomi House sina Fiona at Chito, yung classmate naming na upperclassman sa Philo class namin dati.


Nginitian kami ni Fiona at umorder na sila ng pagkain ni Chito…


Mark: Oo nga pala, Chinee…hindi mo pa nga pala sinasagot yung tanong ko sa’yo dati nung Philo Tree Planting natin…

Chinee: Ha? Anong tanong yun? Wala kaya…

Mark: Sina Fiona at Chito na ba?

Chinee: Aba, malay ko…sila tanungin mo…ako ba sila?

Mark: Huwag ka na ngang magkaila pa. Psych din ako kaya “I Know What’s On Your Mind…”

Chinee: Sige na, I give up! Sina Fiona at Chito na…nung last day ng first sem pa sila…

Miguel: Ganun? Di ba ang alam ko bawal pa ata mag-bf yang si Fiona…

Chinee: Oo nga...kaya nga medyo patago pa sila kasi di pa sila legal sa parents ni Fiona…

Mark: Sabagay, minsan kailangan ding sumuway ni Fiona sa parents niya paminsan-minsan. Tingin ko almost of her life eh sunod nang sunod lang siya sa parents niya. I think it’s time for her to decide on her own…


Class na namin sa Social Science 2. Isa ring recurring prof from the first sem ang prof namin dito na si Sir Madrigal, ang dati naming Philo prof…


Sir Madrigal: So ngayon class, ang librong gagamitin natin sa araling ito ay ang librong “Socio-Pulitikal sa Makabagong Panahon” ni Donna Masajo. Sabi nga sa pamagat ng aklat, makabago ang mga nilalaman nito…inilimbag ang aklat na ito noong taong 1935...napakamakabago nga ng approach ng aklat na ito…ü

Crizka: Hay naku, sir… sa tingin niyo ba may ganyan pa kaming mabibiling libro sa National Bookstore? Baka sa National Museum na namin mahagilap yan…ü


Sir Madrigal: So ngayon, tatalakayin natin ang tungkol sa may-akda. Si Donna Masajo ay kilala sa pagtatatag ng isang kilusan na tinatawag na Pambansang Unyon ng mga Kababaihang Inapi…


Nagtawanan ang karamihan sa amin. Double meaning kasi yung pangalan ng kilusan ni Donna Masajo…


Kung medyo slow ka tulad ko at di mo pa rin na-gets kung bakit double meaning yung name ng kilusan, kunin mo yung acronym nung pangalan ng kilusan nang ma-gets mo. Na gets mo na? Kung hindi pa rin, pakamatay ka na lang...


Next class namin ay Math 11: College Algebra. Naghintay muna kami ng kaunti sa corridor dahil hindi pa lumalabas yung earlier class.


Habang naghihintay kami, kausap ko si Faith, blockmate ko…


Faith: Mark, sa tingin mo, bakit kaya mahirap ngumiti nang nakakunot ang noo…

Mark: >-_-<

Faith: Uyee…sinubukan nya nga…

Mark: Naku talaga ‘to… Loko ka talaga…


Just then, bumukas na yung pinto ng Math room at lumabas na doon ang earlier class: ang Psych 1B…


Nagtatawanan pa kami ni Faith nang napansin kong lumabas si Lorraine. Nagkatinginan kami nang matagal…nangungusap ang mga mata niya na wari’y may gusto siyang itanong at sabihin sa akin…nang…


Corrine: Uy, Mark! Miguel! Nakapag-aral na ba kayo para sa removals natin ngayon sa Nat Sci?

Mark: Ha? Ngayon na ba yon?

Miguel: Naku, Corrine, medyo lang ako eh…ikaw ba?

Mark: Naku po! Nalimutan kong ngayon pala ang removals namin sa Nat Sci na yun! Anak ng Snorlax naman!

Corrine: Ganun? Sige good luck na lang sa atin mamaya ah…


Nga pala, di ko pa napapakilala si Corrine. Si Corrine, bale ka-block siya ni Lorraine na kasama naming magre-removals sa Nat Sci 1. Di ko pa alam kung magiging malaki role niya rito…basta abangan niyo na lang…


Hinanap ko ulit si Lorraine pero wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Kaya pumasok na ako ng classroom…


Mark: Napansin kaya ni Lorraine ang pagtawa ko kanina? Sana napansin niya, hindi dahil sa gusto kong makita niyang masaya ako, but maybe…just maybe…she’ll fall for my smile as hard as I fell for hers…


Umupo na ako. Nang makumpleto na kami, nagpakilala na yung prof.


Prof: By the way class. I’m Sir Sumido…


Mark: Hay…unang tingin ko pa lang sa prof na ito eh tingin ko hindi kami magkakasundo nito. Math ba naman subject niya…


At nag-discuss na si Sir Sumido…


Sir Sumido: So our lesson for today is Mathematics…

Mark: Malamang! Kaya nga Math 11 eh…


Sir Sumido: Today we will tackle about Radicals. Class, alam niyo pa ba kung ano ang radicals???


Mark: Hay naku…ang alam ko lang eh mahirap pag-aralan yung radicals-radicals na yan…ü


At sa tuwing nagtatanong siya eh nakikipagtitigan siya sa BAWAT estudyante niya ng halos 30 seconds…as in BAWAT ISA sa amin tinititigan niya ng ganun katagal.


Kung nakakatunaw lang ang titig eh kanina pa siya nawalan ng estudyante…ü


Mahilig ding hawiin ni Sir Sumido ang kanyang bangs habang nagle-lesson. Mannerism na niya kung baga… kulang na lang eh siya ang pumalit kay John Lloyd sa shampoo commercial na Clear… “I deal with dandruff like a man”…hehehe…ü



Chinee: Ang lakas ng sex appeal ni Sir Sumido… ü

Destiny: Oh? Crush mo na naman?

Chinee: Well…why not? ü

Destiny: Napakapilya talaga nito...


Nang matapos na ang Math 11 namin naisipan namin nina Miguel at Regina, isa pa naming ka-block na kukuha rin ng removals, na pumunta sa Room 4 kung saan gaganapin ang aming removals…


Mark: Nakakainis naman. Excited pa naman ako ngayon dahil first day ng Comm. 1 class natin…ang bunga ng pagtitiyaga natin ng English 1… tapos absent tayo dahil sa removals na ito…

Miguel: Oo nga eh…


Ayun, nag-take na kami ng removals sa Nat Sci…after ng madugong removals na yun…


Mark: Dyusmiyo…sa tingin ko, tuluyan na akong mare-remove sa UPEPP sa magiging kalalabasan ng score ko sa removals na yun…

Regina: Pag ako naka-graduate dito sa UPEPP, maga-apply akong prof dito para gantihan yung magiging anak ni Ma’am Fermions… Humanda siya…


TO BE CONTINUED...

Next Episode: Episode 18: Dilemma



No comments:

Post a Comment