Pagkapasok na pagkapasok ko sa lobby ng UPEPP isang Friday ng umaga…
Lorraine: Mark…
Mark: …
Natigilan ako…pero pinagpatuloy ko ang paglalakad na parang wala akong narinig…
Lorraine: Mark, galit ka ba sa akin or something?
Mark: …
Lorraine: Mark, is there something wrong? Galit ka ba sa akin?
Mark: …
Lorraine: ???
Mark: …
Lorraine: ???
Mark: Pasensya na, Lorraine. May klase pa ako at mali-late na ako…
Lorraine: Mark…harapin mo ako…
Hinila ni Lorraine ang braso ko at pinaharap niya ako sa kanya…
Lorraine: Mark…ano ba?
Mark: Huwag kang umiyak. Baka akalain ng mga tao na pinapaiyak kita…
Lorraine: Hindi ako umiiyak…
Pero nakikita kong nangingilid na ang mga luha sa mga mata ni Lorraine pero pinipilit niya itong wag tumulo…
Lorraine: Mark, sagutin mo lang ang tanong ko kung galit ka ba sa akin o hindi…
Mark: Hindi ako galit kaya wag ka nang umiyak…
Lorraine: Nagsisinungaling ka… Hindi ako naniniwala sa’yo… Halatang-halata sa kilos mo… Mark, bakit ba? Sabihin mo sa akin kung bakit…
Mark: Lorraine, iba na kasi ngayon eh…
Napansin niyo siguro my dear readers na yung binitiwan kong linya na “iba na kasi ngayon eh” eh katulad nung sa Coca-Cola commercial…pero wala akong balak magpatawa nung mga panahon na yan dahil heavy drama ang eksena na yan…ü
Lorraine: Anong iba? Anong pinagkaiba? Mark, sagutin mo ako…
Mark: …
Efren: Lorraine?
Ayun…nasagot na ang tanong sa akin ni Lorraine right in front of her eyes… kung alam lang niya… kung alam lang niya…
Mark: Mauna na ko…
Nagmadali akong umalis sa lobby papuntang gym namin. Di ko na nagawa pang lingunin si Lorraine at si Efren…
Hindi napansin ng mga kaibigan ko na may bumabagabag sa akin pagkadating ko ng gym. Ganun kasi ako minsan, malihim. Tinatago ko na lang ang mga nararamdaman ko para wala nang paliwanagan pa…
Bago magsimula ang P.E. class namin…
Mark: Hala! Kelangan na ba ngayon ng stick para sa Arnis natin?
Dranreb: Oo kaya. Bakit, wala kang stick ngayon?
Mark: Wala pa eh…di ko pa afford kasi bumili…
It turns out na hindi lang naman ako yung walang stick for Arnis. Medyo marami-rami rin akong karamay…
Sir Samson: Oh kayo dyang mga walang stick for arnis…magsampalan muna kayo nang may magawa kayo…
Tapos na yung P.E. namin. Wala kaming History 2 class this day. Absent raw kasi si Ma’am Bunye a.ka. “Ma’am Replay…”
Carra Carmina: Tingin ko, kaya absent ngayon si Ma’am Replay kasi di pa siya nakakabalik sa kanyang time-travel…
Mark: Oo nga…baka nasira yung time machine niya…na-stuck sila ni Doraemon…
May paniwala kasi kami ng ka-block kong si Carra Carmina na may time machine si Ma’am Replay para makapag-time travel siya para maging accurate yung mga ituturo niya sa amin sa History…ü
Chinee: Oy, guys, wala naman tayong History eh. Tara, Oriental tayo…
Oriental Duty Free, department store siya sa Clark na puro dollars ang presyo ng bilihin pero pwedeng peso ang ibayad mo. Medyo malayo ito sa UPEPP pero pwede namang lakarain kung matiyaga ka…
Siyempre, si Chinee, basta shopping, laging nangangati ang kamay nyan para gumastos…
Mark: Sige, kayo na lang mag-Oriental…tinatamad ako eh…
Miguel: Sama ka na! Bibili ako ng panregalo para sa monthsarry namin ng girlfriend ko eh…
Fiona: Ako rin, bibili ako ng gift para kay Chito…
Mark: May nabibili bang panregalo run? Eh puro plato lang naman ata tinitinda dun... (True yan, dear readers, 99.9% ata ng mga paninda sa Oriental ay plato...)
Dranreb: Sige, kayo na lang…di win ako makakasama…
Tania: Sige na, sama na kayo! Ito namang sina Mark at Dranreb eh.. KJ!
Destiny: Oo nga…
Mark: Ayoko talaga…sige na, kayo na lang… Enjoy na lang kayo…
Umalis na sina Chinee, Miguel, Tania, Fiona at Destiny…kami na lang ni Dranreb ang naiwan sa Flintstones…
Dranreb: Uy, tol, punta lang ako sa silid-aklatan…
Mark: Sige…
Umalis na si Dranreb papuntang library. Napansin niyo siguro na “silid-aklatan” ang sinabi ni Dranreb imbes na “library”. Well. Siyempre, iniiwasan nyang magsabi ng mga salitang may letter “r” as much as possible…ü
Ayun, mag-isa na lang ako sa Flintstones. Halos lahat ng mga ka-block ko ay nag-Oriental din.
At pinagmunihan ko na naman ang tungkol sa komprontasyon sa akin ni Lorraine kanina.
Mark: Ba’t niya kaya ako kinompronta kanina? Posible kayang…hindi, hindi pwede, ayokong umasa na naman. Mahal niya si Efren at imposible ang iniisip kong sakali ay may konting pagtingin din siya sa akin…napaka-assuming ko talaga…
Nagmumuni-muni ako sa Flintstones nang…
Ate Form 5: Hi! Pwedeng makiupo sa tabi mo? Wala kasing ibang maupuan eh…
Mark: Sige…upo ka lang…
Ate Form 5: Salamat :D
Mark: :D
Well, Ate Form 5 ang tawag ko sa girl dahil kung naaalala ninyo, pinahiya niya ko nung First Day dahil sa Form 5 ko (see Episode 1 and Episode 12 kung nakalimutan niyo na siya)
Ate Form 5: Kain ka… :D
Mark: Sige salamat…
Sabay kain ulit si Ate Form 5… Takaw nga eh…
Mark: Ayun ang di ko maintindihan sa kaugalian nating mga Pilipino. Aalukin mo ang isang tao na kumain pero di mo naman siya bibigyan ng pagkain…nuh? So ironic the statement! Teka..linya ni Chinee yun ah...Nahawa na talaga ako ng espiritu ni Chinee sa kai-English! Hehehe…ü
Ate Form 5: Ikaw lang ba mag-isa?
Mark: Opo…
Ate Form 5: Hay naku, wag mo na nga akong ino-opo. Bata pa ako nuh. Ikaw naman… Hahahahahahaha…
Mark: Kung makatawa naman ‘to parang si Angelika sa MariMar… Angelika ikaw ba yan? ü
Chito: Uy, Angelika!
Ate Form 5: Uy, Chito!
Mark: Ooooohhhhh… I have some kind of an ESP ah. Akalain mong “Angelika” nga talaga ang pangalan nito ni Ate Form 5… hehehe…ü
At nag-handshake sina Chito at Ate Form 5 (Angelika)… Yung handshake na kakaiba..basta…
Chito: Uy, Mark si Fiona nakita mo?
Mark: Nasa Oriental. Kasama nina Chinee…
Chito: Ah…ok…
Angelika: Ah…Mark pala pangalan mo… di mo ba alam crush kita noon pa mang magkaklase tayo sa Philo last sem… di mo lang napapansin…ü
Mark: Bola!
Angelika: Gusto mo orient kita? Orient ka namin ni Chito?
Mark: Orient po saan?
Angelika: Nga pala, member kami ni Chito ng Kappa Pi Pi Confraternity… at gusto ka naming i-orient about dun sa fraternity…
Kung naaalala niyo, ang Kappa Pi Pi Confraternity ay yung may banner na nakalagay sa UPEPP na nagwe-welcome sa Freshies nung first day ng school.
Mark: Ay, ayoko Ate… wala akong balak sumali sa mga ganyan…
Angelika: Sige na, orient lang naman eh… wag kang mag-alala…
Mark: …
Chito: Wag kang mag-alala, Mark. Di ka naman namin aanuhin eh. Ito naman…
Mark: Sige na nga po… Payag na po ako…
Angelika: Buti naman at pumayag ka. Sige, wag tayo dito…doon tayo sa tambayan namin… Taralets…Let's go, sago...ü
Tumayo na kami at naglakad papuntang tambayan ng Kappa… nang makarating kami sa tambayan, ipinakilala nina Angelika at Chito lahat ng naroroon na members din.
At si Ate Angelika ang nag-orient sa akin… pero pinag-iisipan ko pa rin habang ino-orient ako kung sasali ba ako o hindi…
Naisip ko si Lorraine. Gusto kong may maipagmalaki sa kanya…nang sa gayon…baka sakali…magustuhan niya na rin ako…
Nang matapos na siyang mag-orient…
Angelika: Ano, gusto mo na bang magpa-bless para maging ganap ka nang neophyte namin?
Mark: Should I go for it?
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 19: Dear Diary
No comments:
Post a Comment