Friday, October 17, 2008

Episode 19: Dear Diary

Tuliro ako nang dumating sa Psych 101 class namin. Iniisip ko pa rin ang pagsali sa isang fraternity...


Biglang may pumasok sa classroom…


Dingdong: Hello Philippines and Hello World!

Mark: Hayy…umiral na naman ang ka-corny-han nito ni Ding…


Unti-unti na ring pumapasok ang iba kong ka-block at iba pang Block B sa room…


Siyempre, laging grand entrance sina Lorraine at Efren. Di ko na sila nagawa pang tignan dahil naalala ko na naman ang naging komprotontasyon naming kaninang umaga…



At narinig kong nagbubulungan sina Corrine at Dingdong…


Corrine: Uy, Ding, parang may LQ sina Lorraine at Efren…

Dingdong: Ay pansin ko nga Corrine. Parang ngang galing sa pag-iyak si Lorraine.

Corrine: Hala. Ano kayang pinag-awayan ng dalawang ‘yon?


At bigla-bigla na lang, nilingon ako ni Dingdong…kaya iniba ko ang tingin ko at nagpatay-malisya.


Mark: Tsk! Alam kaya nito ni Ding ang nangyari sa amin kaninang umaga nina Lorraine at Efren? Ba’t kaya ganun siya makatingin sa akin? Tsk…tsk… ito talagang si Ding, updated sa Showbiz happenings...ü


At dumating na si Ma’am Manzano at may pinabunot siya sa aming lahat na papel na may number. Nang makabunot na kaming lahat…


Ma’am Manzano: So class, hahanapin niyo yung kapareho niyong number na nabunot at kayo ang magiging partners sa activity na ‘to…


Tumayo kaming lahat para hanapin yung partners namin. Number 21 ang nabunot ko at kada nasasalubong ko sa classroom ay tinatanong ko. Di ko pa rin mahanap ang partner ko.


Felix: Uy, Mark, number 21 ka pala…

Mark: Oo Fex Fex. Ikaw ba? #21 ka ba?

Felix: Oo…kanina…kaya lang nakipagpalit ako kay Lorraine kasi gusto ko ng #17 eh yun yung nabunot ni Lorraine kanina kaya nakipagpalit ako sa kanya…

Mark: What?!

Felix: Tol, ang swerte mo talaga…kundi pala ako nakipagpalit eh di mo siya magiging partner. Good luck sa’yo!


And sure enough, kami na lang ni Lorraine ang mga walang partner. Nginitian pa ako ni Jenna na partner naman niya si Efren at ni Dranreb na partner si Anna…


Mark: What the hell is this!? Talaga nga namang…haayyy… Feeling ko “scripted”, tulad nung sa Pinoy Big Brother, ang nangyayaring ito sa amin ni Lorraine ah! Pati si Jenna partner si Efren at si Dranreb na partner si Anna? Halatang scripted!! ü


Ilang kaming lumapit ni Lorraine sa isa’t-isa…ni hindi kami nag-iimikan. May tensyong namumuo sa aming dalawa…


At pinaliwanag na ni Ma’am Manzano yung magiging activity naming for this day.



Ma’am Manzano: So, this activity is called “Trust Fall.” You are to stand facing away sa partners niyo, and fall backward relying on sa partners niyo to catch you while you were falling. So kayong mag-partners ang mag-decide kung sino sa inyo yung magpapahulog at yung sasalo…


Nakapag-decide na yung ibang magkakapartner. Pero wala pa ring imikang nangyayari sa amin ni Lorraine.


At nang sinabi na ni Ma’am Manzano na magpatumba na yung mga tutumba, nagsimula na yung iba na tumumba pero pinipigilan din nila yung pagtumba nila dahil takot sila na baka di sila masalo o saluhin ng partner nila…


Destiny: Mark!!!


At di ko namamalayan, nagpatumba na pala si Lorraine, na pikit ang mga mata at naka-cross ang mga kamay sa dibdib niya.


Parang slow motion ang nakikita kong pagtumba ni Lorraine…at nang napansin kong malapit na pala siyang mahulog sa sahig…nasalo ko siya…


Psych 1A at 1B: Whoa! Great move!

Dingdong: Great beer! ü


Bayaran sana ako ng San Miguel Beer sa advertisement na ito...


Ma’am Manzano: Nakta niyo? Pinikit ni Ms. Manliclic ang kanyang mga mata. Minsan kasi, you cannot believe what you see, so you have to believe what you feel. At kung gusto mong i-trust ka ng ibang tao, you must feel that you can trust them, too—even in the dark. Even when you’re falling…


Miguel (pabulong) : Even you’re falling in love <*sabay ngisi siya sa akin>


Inalalayan ko si Lorraine na tumayo. At nang makatayo na siya, tinitigan niya ako...kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya…


Lorraine: Thank you…alam kong di mo ko pababayaang mahulog…

Mark:


Lumapit si Efren sa amin. Tinulak pa niya ako papalayo sa kanilang dalawa.


Efren: Sira ka ba? Paano pag nadisgrsya ka at natuluyan? Paano pag di ka nasalo nyan ni— ni—

Lorraine: May tiwala ako kay Mark…at nakikita mo naman na hindi ako naaksidente… <*may halong pagtataray ang pagkakasabi nito ni Lorraine, halatang may LQ nga sila…>

Chinee: Wow! Very well said!


Nasa bus na kami nina Regina at Melanie, mga ka-block taga QC rin. Napansin nilang tahimik ako…


Regina: Uy, Mark…ba’t ang tahimik mo dyan?

Melanie: Oo nga…di ka man lang maki-join sa usapan namin.

Mark: E, paano naman kasi ako makaka-join eh puro boylets niyo pinag-uusapan niyo…


Pero kaya ako nanahimik dahil maraming gumugulo sa isip ko nung mga oras na yan. Una, si Lorraine at ang mga nangyari sa amin ngayong araw. At ikalawa, ang naging usapan namin nina Angelika (Ate Form 5) at Chito kanina…


FLASHBACK…

Angelika: Ano, gusto mo na bang magpa-bless para maging ganap ka nang neophyte namin?

Mark: Sige, Ate…magpapa-bless na po ako…

Chito: Sige, tara…bless na kita ngayon…


At nagpabless na nga ako nun bago pumasok ng Psych 101 class. At isa na akong ganap na neophyte ng Kappa…

BACK TO PRESENT…

Bumababa kami ng Kamuning Overpass. Kung nanonood ka ng Traffice Live Update sa TV Patrol o 24 Oras, lagi itong pinapakita doon. Malamang nakita mo pa akong kumakawaykaway sa TV niyo habang umaakyat sa overpass. Inakala mo lang siguro na baliw…ü


Regina: Haayy…ano ba naman ‘tong overpass na ‘to. Para na tayong nag-hiking sa Mt. Everest…


Oo, napakataas ng inaakyat namin na hagdanan sa Kamuning Overpass. Wala ka pa yata sa kalahati ang naaakyat mo eh hingal ka na dito…


Pagkababa namin ng overpass, sumakay ulit kami ng bus para tuluyan nang makauwi sa kanya-kanya naming mga tahanan…


May TV yung bus, Meteor Garden 2 yung palabas…


Regina at Melanie (pakanta) : Oh baby baby baby. My baby baby. Wo Jue Bo Neng Shi Chi Ni. Ni Shou Xin Ni Sheng Yin. Hai Zhan Lin Wo De Xin Zen Neng Wang Ji. Xiang Ni Jin Xiang Shi Hu Xi …. (kabisado nila yung buong kanta)


Mark: Naintindihan niyo ba naman ba yung kanta?


Melanie: Hindi…basta alam ko lang love song yun. Kinikilig kasi ako pag pinapatugtog yun eh… ü


Just then, dumami yung sakay ng bus, kaya nakatayo na yung ibang pasahero…


Regina: Ano ba naman ‘to! May TV nga eh “standing room only” naman! Di ko tuloy mapapanood ng maayos si Dao Ming Si…ü


Another week na naman…Monday, nagsimula na akong mag-service sa Kappa bilang bahagi ng pagiging neophyte.


Napapadalas ang pagpunta ko sa tambayan kaya maraming nakakapansin. Kaya isang araw…


Lorraine: Mark…

Mark:

Lorraine: Neo ka ba ng frat?

Mark:

Lorraine: Mark, balak mo bang sirain ang buhay mo? Ba’t ka sasali ng frat?

Mark: Lorraine, wala kang pakialam kung sasali ako ng frat o hindi at kung balak kong sirain ang buhay ko sa pagsali ng frat… dahil hindi naman kita girlfriend –


PAAAAKKKKKKK!!!!!


Isang malutong na sampal ang natanggap ko mula kay Lorraine.


Lorraine: Mark, kaibigan mo ako kaya nag-aalala ako sa’yo…


At tumulo sa mga mata niya ang mga luha… pagkatapos nun ay nilapitan siya nina Gwyneth at Rose Ann…


First Day din ng Communication 1 class namin. Kung dati ay much-awaited ko ang first day ko dito, eh hindi ko siya na-enjoy ngayon dahil sa nangyari kanina.

Miguel: Mark, ok ka lang ba?

Mark: Wala ‘to…

Gwyneth at Rose Ann: *Ehem *Ehem…


Pero di ko na lang pinansin ang parinig nina Gwyneth at Rose Ann…


Nung gabing iyon, sa boarding house ko ay naisipan kong mag-diary.


Dear Diary,

This was the first and it will be the last!... I never thought that I will fail in loving someone. I always say to myself that if I love, I will make sure that I will give everything to make someone happy. I was wrong!... The world is not a fairytale-theme world. I just wish that every heart ache can be erased as easily as deleting a file in the computer... I just can't believe that my self is stupid in terms of love. I'm not angry with the one I love but angry to myself for this stupidity."This was the first and it will be the last!" and I mean it.

Love,
Mark


Akalain niyo yun, nakapagsulat ako ng diary… At pure English pa yun… ü …Ganun talaga siguro pag heartbroken. Nagiging poet ala Shakespeare at emo ka at the same time… ü


Sa totoo lang, ngayon ko lang sasabihin sa inyo dear readers na ang ultimate goal ko talaga ay maging writer, specifically, novelist. Mahilig ako kasing magkwento.


Pero sa kamalasan, hindi ako pumasa ng UP Diliman sa Creative Writing. Kaya sa UPEPP ako bumagsak sa BA Psychology na kurso...


Ganun talaga siguro ang kapalaran ko...


Pero mangangako ako na makakalipat ako sa UP Diliman... sa kursong nasa puso ko... ang pangarap ko.


After kong magsulat sa diary, natulog na ko…



AAAAALLLLLLLLLLAAAAAAARRRRRMMMMMMMM!


Kinabukasan, pagkagising ko, nakita kong bukas yung diary ko… at nang binasa ko ito ulit ay may iba nang nakasulat…


Dear Mark,

Most people believed that falling in-love is just like being in a fairy tale. But the sad reality of it all is that love doesn't always ends up "happily ever after."

Love,
Diary




Mark: Ayos pala ‘tong makapang-reply si Diary eh. May love advice pang nalalaman. Parang si Joe D’ Mango…ü


TO BE CONTINUED...

Next Episode: Episode 20: Mr. and Ms. UP 2007


No comments:

Post a Comment