John: Nakita ko kahapon yung nangyari sa inyo sa Flintstones…nung sinampal ka ng ka-block mo ba ‘yon?
Mark: Si Lorraine ang tinutukoy niya…
John: ???
Mark: Hindi ko po siya ka-block, ka-year ko lang…
John: At hindi ko nagustuhan ang sinabi mong dahilan sa kanya sa pagsali mo sa Kappa.
Mark: …
John: Sinabi mo sa kanya na kaya gusto mong sumali sa Kappa ay dahil gusto mong sirain ang buhay mo.
Mark: …
John: Mark, hindi iyon ang gusto naming maging reason ng mga neophyte namin kung bakit gusto nilang sumali sa Kappa. May mga principles ang Kappa at ang pagsira ng buhay ay hindi bahagi at hindi magiging bahagi ng principles ng Kappa.
Mark: Sorry po…
John: Mark, hindi mo na kailangan pang mag-frat kung gusto mo lang sirain ang buhay mo. You can do that on your own…
Mark: Sorry po, hindi na po mauulit…
John: Sige…oo nga pala, manonood ka ba ng Mr. and Ms. UP next week?
Mark: Opo…
Mr. and Ms. UP, isa siyang pageant sa UPEPP na ginaganap tuwing November na isinasagawa ng Association of Economics Students or AES, isang org sa UPEPP…
Naka-display na sa lobby yung mga pictures ng candidates…
Miguel: Uy, Dranreb. Candidate pala for Ms. UP si Anna oh! Hiki! Hiki!
Dranreb: Sowy (sorry) guys, pewo naka-move on na ako sa kanya…
Chinee: No, Dranreb. I don’t believe you. Coz tongues may deny, but hearts don’t lie…
Destiny: Chinee…Tagalog please…
Tinignan pa namin yung pictures ng iba pang candidates sa Mr. and Ms. UP.
Mark: Teka…parang kamukha ni Dingdong ng Block B yung candidate ng SAKANA org…
Chinee: Oo nga nuh, hawig sila…
Destiny: Guys, ano ba kayo, si Dingdong kaya talaga yan!
Lahat: Huwaaattt!!!
Nawalan na tuloy ng gana yung girls na manood ng Mr and Ms UP…ü
Destiny: Ang bibbo talaga ng Block B. May mga event na silang nasasalihan…
Chinee: Ganun? Paano kaya kung tayo yung mga sumali sa Mr. and Ms. UP???
PRESENTING: MR. AND MS. UP “KUNO”
Host: Ms. Chinee Capua, what do you want to be when you grow up?
Chinee: Me? Uhmmm… Because of my petite height...all I want is to grow up! That’s all. Thank you! ü
Host: Ms. Destiny Vallejo, if there’s anything you want to have for the whole world, what would it be and why?
Destiny: Clarity, peace, serenity…coz Big Girls Don’t Cry… ü
Host: Mr. Dranreb Pineda, if you gonna choose among these two, which of these will you choose: beauty or brains?
Dranreb: Uuuuuhhmmm… Brains <*for the first time diresto “r” ni Dranreb dito…ü>
Host: Why didn’t you choose beauty?
Dranreb: Hala! Bakit? Yun ba dapat piliin ko? Mali ba sagot ko?ü
Host: Mr. Mark Lhuillier, what is your advice to all the youth out there...
Mark: Uhhhmmm.. My advice is this: Share a seat and win a friend. Thank you.
Host: Mr. Miguel Villar…
Miguel: Yes?
Chinee: Oh, tama na ilusyon… kinakapos na tayo sa oras…
Miguel: Ayos ka ah! Di mo man lang ako pinagbigyan na maging Mr. UP ni sa ilusyon man lang! ü
Pero hanggang ilusyon lang ang lahat ng iyon… dahil isa lamang kaming mga dakilang audience forever…ü
BACK TO REALITY…
Ito na… the moment we are all waiting for: Ang pageant night ng Mr. and Ms. UP na ginanap sa SM Clark Cinema…
Naka-gown at polo lahat ng member ng AES…pang pageant talaga yung ambience ng venue…
Bago nagsimula yung pageant, nakita namin sina Katie, ang ka-block namin at partner ko sa badminton dati (see Episode 5 kung nalimutan mo na siya). Member siya ng AES kaya naka-gown siya.
Fiona: Yes, Katie, pa-gown gown ka na lang ngayon…
Katie: Well… kailangan eh…maganda ba?
Fiona: Maganda naman siya… bagay sa’yo…
Katie: Thank you…
At nag-ballet dance number muna si Corrine, from Psych 1B at member din ng AES, at tuluyan nang nagsimula ang pageant night.
Nagpapakilala na yung mga candidates…
Anna: Good evening. I’m Danielle Anna Guina, representing the Psychology Society!
Dingdong: Hello Philippines and Hello World! I’m Dingdong Guantes representing SAKANA!
At full-support sa pagchi-cheer ang SAKANA…
SAKANA: Go! Go SAKANA! Go Go Go SAKANA! Go! Go SAKANA! Go Go Go SAKANA!
Johanna: Hooooooooooooooooo!!!!!!!!!!!!
Chinee: Grabe ka namang makatili, Jo! Para kang “crying cow” na paputok kung makatili ka!
Johanna: Hindi naman. Watusi lang naman! Grabe ka naman!
At marami pang candidates na nagpakilala…at nang nagpakilala na yung candidates for Mr. UP ng Kappa…
Kappa’s Mr. UP: I like black. Black looks good. Looking good means no dandruff. My name is Rain… ü
Destiny: Oi, Chinee, mukha kang namaligno dyan ah!
Chinee: Syet, Destiny. I love him na!
Destiny: Ha? Sino? Si Sir Sumido?
Chinee: Saka na yun si Sir… Ang tinutukoy ko …yung candidate ng Mr. UP ng Kappa… I love him na talaga!
Destiny: Ano ba naman ‘tong si Chinee. You have so many crushes talaga!
Chinee: Well, that’s the fun college life. ü
At rumampa na yung mga candidates suot ang iba’t-ibang theme wear nila…
Host: And now, ladies and gentlemen, let’s all welcome, the candidates in their swim wear attire…
Mark: Hoo!! Biglang uminit dito ah!
Chinee: The feeling is mutual, Mark!
Destiny: Same here… ü
Una munang lumabas yung mga Ms. UP in their swim wear at rumampa.
Fiona: Ano ba naman yung Candidate no. 4 na Ms. UP, mukhang na-overdose sa whitening soap…
Mark: Oo nga eh, mukha na ngang transparent yung kulay ng balat niya eh…ü
At turn na ng mga Mr. UP na rumampa with their swim wear. Bale, naka-swimming trunks lang sila at walang pang-itaas… kaya tilian lahat ng girls…
Tania: Uy, girls, let’s see kung sino sa mga Mr. UP ang may pinakamalaking “bukol”…ü
Mark: Bukol? Bakit, nagkauntugan ba sila?
Chinee: Mark, LLLLLOOOOOAAAAAADDDDDIIIIINNGGGGG ka talaga!
After nun eh, question and answer na…after nun eh announcement na ng winners…
Unfortunately, first runner up lang si Anna na ikinalungkot ni Dranreb at ang kinoronahang Ms. UP ay si Candidate no. 11 a.k.a. “Transparent Girl”…ü
Host: And the winner for Mr. UP 2007 is….
Drum roll…dugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdug
Host: Is… Candidate no. 2… Dingdong Guantes of SAKANA!
Dingdong: O...M...G...
SAKANA: Go! Go SAKANA! Go Go Go SAKANA! Go! Go SAKANA! Go Go Go SAKANA!
Johanna: Hooooooooooooooooo!!!!!!!!!!!! <*tiling “crying cow” na paputok yan! ü>
Corrine: Congrats Blockmate Dingdong…Hoooo!!!!!
At napuno ng tuwa ang pageant night na yun. Pero kaba at takot ang nararamdaman ko nung mga oras na yun…dahil bukas…initiation ko na…
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 21: My Only Love
No comments:
Post a Comment