Mark: Hi Fiona, Chito…
Fiona: Hello…
At nag-handshake kami ni Chito…
Fiona: Hala…eh di ibig sabihin…mag-brod na kayo?
Mark: :)
Chito: :)
Fiona: Naku, Mark, huwag kang papahuli kay Directress Mallari…alam mo namang bawal pa sa first year mag-ganyan-ganyan…
Open secret na sa UPEPP ang pagsali ng mga freshman sa fraternity kahit na bawal ito...
Hindi naman lahat ng frat, basag-ulo ang hanap. Tulad ng mga frat sa UPEPP, ang mga frat rin na gumagawa ng mga proyekto sa ikabubuti ng unibersidad at ng mga estudyante. Tulad ng nasalihan ko na nagkakaroon ng Acoustic Band Contest tuwing February.
Nilapitan din kami ni Ate Angelika aka “Ate Form 5.”
Angelika: Oh, musta na Mark?
Mark: Ok naman.
At nag-handshake kami ni Ate Angelika…
Mark: Haayy…ang ganda talaga ni Ate Form 5… Sa wakas naka-handshake ko na siya…pwede na kong mamatay…haaayyy…
Kamatayan: Ganun ba? Halika at sinusundo na kita ngayon, Mark. Halina’t humimlay, masarap mamatay…
Mark: Ngee… Joke lang po iyon… Mahal ko pa po buhay ko..haha!
Social Science 2 na namin…
Sir Madrigal: Ngayon, ang tatalakayin natin ay tungkol sa “Makatarungang Bayan ayon kay Aristotle.”
Sabay tingin si Sir Madrigal kay Tania…
Sir Madrigal: Ano nga pala ulit pangalan mo?
Tania: Ito namang si Sir nakakatampo. Bilis niyo namang makalimot. Parang di niyo ko naging estudyante nung first sem.
Sir Madrigal: Nalimutan ko na pangalan mo…dati kasi “mahal” ang tawag ko sa’yo ‘eh…
Tania: *blush*
Psych 1A: Hiki! Hiki!
Matapos mambola kay Tania, diniscuss na ni Sir yung “Makatarungang Bayan ayon kay Aristotle.”
Sir Madrigal: In conclusion, ang puso, bukod sa nagmamahal, nagagalit din…
Mark: Haru Diyos ko! Usapang “love” ba ito? Tsk. Tsk. Tsk. Sapul ako dun ah!
Love. Totoo, ang puso may tendency na magalit dahil sa sobrang pagmamahal na hindi nagawang suklian. Maraming ng gyera ang naganap dahil sa love na yan, tulad na lang ng Trojan War. Marami ng tao ang napapahamak sa love. Marami na ang nasirang buhay ng love na yan.
Nang matapos ang Soc Sci 2, diretso agad kami sa Math 11 class. Pagdating namin sa classroom, saktong palabas na yung previous class (Psych 1B) sa room.
Mark: Wala akong pake kay Lorraine…hindi ko siya aabangang lumabas at titignan. Hindi…hindi…may pride ako…
Pero nanalo ang bulong ng puso, di ko napigilan ang sarili ko na abangan siyang lumabas ng classroom. Pero nang napansin kong hindi pa siya lumalabas…
Felix: Hinahanap mo siya noh?
Mark: Huh? Sino? Hindi ah!
Felix: Huwag ka na ngang magsinungaling! Lumalaki butas ng ilong mo…ü
Mark: Sige na… Oo na.. hinahanap ko siya…
Felix: Absent siya eh. Ang balita ko eh may sakit raw siya. Lagnat…
Mark: Huh? Lagnat?
Felix: Uyyy…concern…
Mark: Concern ka dyan! Hindi ah! Nagulat lang ako sa balita mo…
Felix: Lumalaki butas ng ilong mo, tol…ü
Mark: Oo na nga…sige na nga..concern na ko sa kanya…
Felix: Ayeee… aamin din pala. Oh, gusto mo ba ibigay ko sa’yo cellphone number niya nang maitext mo siya?
Mark: Huh?! Ayoko nga! Hindi naman kami close at wala naman akong halaga sa kanya para itext ko siya. Makahalata pa!
Felix: Ang pride mo naman! Malay mo…isang text mo lang ang makapagpapawi ng kanyang malubhang karamdaman.
Mark: Ang OA mo naman. Lagnat lang malubhang karamdaman na! Sus, ayoko nang umasa pa. Alam kong si Efren lang ang hinahanap-hanap nun.
Felix: Ano na? Ibibigay ko ba sa’yo number niya?
Mark: Huwag na…di ko naman siya matetext at di ko siya itetext…
Felix: Sigurado ka bang ayaw mo??
Mark: Sure na sure.
Felix: Sige, kung ayaw mo… bye!
Paalis na sana si Felix nang…
Mark: Hoy, FexFex, joke lang…ikaw naman nire-reverse psychology lang kita di ka man lang makahalata…
Felix: Pakipot ka pa kasi eh…
Mark: Isend mo na lang sa akin yung number niya. (sabay labas ko ng CP ko)
Felix: Wala akong load ngayon eh. Akin na yung CP mo, i-save ko na lang dyan…
Binigay ko yung cellphone ko kay Felix, at isinave niya yung number ni Lorraine. Pagkabalik niya sa akin ng CP ko…
Felix: Ayan ah. Itext mo na nyan si Lorraine noh?
Pagkabasa ko sa CP ko…
My Only Love
090534375**
Mark: Dana! Ba’t ganito pinangalan mo kay Lorraine dito sa contacts ko?
Felix: Bakit? Di mo ba siya “love?” Ang cute kaya…
Mark: Ai, magka-block nga kayo ni Dingdong! Nahawa ka na rin sa ka-corny-han niya…ü… Sige, salamat na rin , FexFex…
At pumasok na ako sa classroom ng Math 11. Habang nagle-lesson si Sir Sumido, ang prof naming mahilig makipagtitigan sa estudyante for 30 seconds, ‘eh panay ang tingin ko sa CP ko…
My Only Love
090534375**
090534375**
Mark: Ano kaya? Ite-text ko ba siya? Hindi…baka isipin niya na may gusto ako sa kanya kahit wala naman. Tsk..tsk…hay, pati ba naman sarili ko pinagsisinungalingan ko…Hehe…basta nasa stage ako ngayon ng paglimot kay Lorraine…hindi ko siya ite-itext…may pride ako…may pride ako at di ko kakainin yon…
Di ko namamalayan, nakatitig na pala sa akin si Sir Sumido…kaya nakipagtitigan din ako sa kanya…
Mark: Sige Sir, tignan natin kung sino ang tatagal sa atin sa titigan…
At may nag-spark na kidlat sa pagitan ng aming mga mata ni Sir…
Mark: …
Sir Sumido: …
Mark: …
Sir Sumido: !!!
Mark: …
Sir Sumido: So, back to our lesson… (sabay iwas siya ng tingin sa akin)
Mark: Bwahahahaha! Talo ka sa titigan nuh? Hindi mo ko kayang patumbahin sa patitigtitig mo… You need more practice, Sir Sumido…Hahahaha!
At nagpatuloy na si Sir Sumido sa lesson…
Sir Sumido: So, if you square this number raised to the negative infinity, you will get the sum of the products of the exponents then you will evaluate the radicals of the square root and cube root of the quotients whereas the numerator of the mixed fraction of the pi…
Chinee: Hay, nakakabato naman ‘tong Math…
Sir Sumido: So ang “bottom line” of this problem is…
Chinee: Syet, ang gwapo talaga ni Sir…
Hindi alam ni Chinee, malakas niyang nasabi iyon kaya napatingin kaming lahat kay Chinee, pati si Sir Sumido napatingin…
Chinee: ...
Sir Sumido: ?!?
Psych 1A: Uyyyy….
Sir Sumido: Class, quiet please…
At napa-blush sina Chinee at Sir Sumido…At after ng aming kakilig-kilig na Math 11 class, diretso naman kami sa Comm1 class namin under Ma’am Santos.
CHIKA MINUTE: Alam niyo ba na may chismis dito sa UPEPP na magka-love triangle sina Ma’am Santos at Ma’am Fermions (Nat Sci 1 prof namin) over kay Sir Sumido…
Chinee: Sali ako…para maging “love square” na..hahahaha!
Habang nagle-lesson si Ma’am Santos…naririnig kong nagkukwentuhan yung mga kablock kong sina Melanie at Regina…
Melanie: Hay…ang gwapo talaga ni Edrian Panlilio…
Regina: Oo nga..haayy..kaya lang di naman niya man lang tayo pansin…
Si Edrian Panlilio, isa siyang sophomore na kaklase namin sa Comm 1..kaya ang tawag namin sa kanya eh…”Among Ed”…ü
Ma’am Santos: Every kind of writing can be improved by the addition of concrete details. Edrian, could you please read with feelings the “love letter” example on your handout…
Sabay basa naman with feelings si “Among Ed”… ü
Edrian: Dear Melanie, I can’t wait any longer to tell you how I feel. I am crazy about you. You are the most wonderful woman I’ve ever met. Every time I’m near you I’m overcome with feelings of love. I would do anything in the world for you and I am hoping you feel the same way about me. Love, Edrian.
Kilig to the bones naman si Melanie…
Regina: Woooh! Feelingera ka naman! Porket kapangalan mo lang yung example sa handout feeling mo ikaw na love ni “Among Ed” ko…ü
Melanie: Inggit ka lang…ü
Pagkatapos ng Comm 1 namin, isang balita ang gumulat sa amin…
Fiona: Uy, guys, alam niyo ba na may tangkang kudetang nangyayari ngayon sa Manila Penn??
Destiny: Oh talaga? Sinong may pakana? Si Trillanes na naman?
Fiona: Oo…as usual... kahit kailan naman talaga si Trillanes eh…
Miguel: Tsaka ang alam ko may curfew na raw ngayon na hanggang 12 midnight.
Chinee: Ano? May curfew ngayon? May balak pa naman kami ni Johanna na mag-night life sa Angeles! Ano ba naman yang mga ipinapatupad ni GMA! Ano ba tayo, si Cinderella na kailangang makauwi bago mag-12 midnight?!
Habang nasa bus na ako pauwi ng QC, nakatingin pa rin ako sa CP ko…
My Only Love
090534375**
090534375**
At ume-echo sa isip ko ang mga pinagsasabi ni Felix sa akin kanina..
Felix: Absent siya eh. Ang balita ko eh may sakit raw siya. Lagnat. Ang pride mo naman! Malay mo…isang text mo lang ang makapagpapawi ng kanyang malubhang karamdaman…
Mark: Hmm…ano ba? Itetext ko ba si Lorraine o hindi? Ano naman kaya itetext ko sa kanya? Alam ko na!
Mark: {Lorraine, musta na? Ok ka lang ba?}
Mark: Hindi, panget. Halatang hindi ko pinag-isipan. Dapat yung medyo may spice.
Mark: {So, how's your my friend?}
Mark: Pambihira, ang bobo ko naman sa grammar at spelling. Nahahawa na ako sa mga subtitle ng mga pinanood naming Korean DVD ni Michael nung sembreak..haha. Baguhin ko rin yung friend, baka isipin niya GM ito.
Mark: {So, how are you my Lorraine?}
Mark: Game!
Mark: {So, how are you my Lorraine?}
Mark: Wah! Di ko pa pala natatanggal yung “my”… wahh! Cancel! Cancel! Sana wala akong load! Wahh! Bahala na si Batman.
TEEEEENNNKKK!!!!
Message Sending Failed!
Mark: Phew! Buti na lang at hindi na-send! Galing talaga ni Batman! Thank you Batman!...Hay, siguro, hindi pa time na i-text ko siya sa ngayon…
At napadaan yung bus sa Balintawak kung saan may monumento si Bonifacio na nagbubunyi sa laban at sa ilalim ng monumentong iyon ay ang mga magkakapamilyang pulubi na sa tingin ko ay doon na nakatira…
Mark: Grabe…ito na ba ang bunga ng kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani noon? Ang lumalalang kahirapan dito sa Pilipinas. Bonifacio Day pa naman bukas. Grabe, pag kami ngakatuluyan ni Lorraine…hindi ko siya gugutumin at ititira ko sila ng mga magiging anak namin sa Forbes sa Makati… Gumaganun! Haha!
No comments:
Post a Comment