Ma’am Bunye: Ayon kay Chu Chai, ang mga Intsik daw ay likas na masayahin. Maganda ang pananawa nila sa buhay sa dami ng problema…
Mark: Haaaaaa!! <*hikab*>… Kahit kailan talaga ‘tong si Ma’am Bunye eh talking “Ibong Adarna.” Hindi mo mapipigilang antukin kapag nagsimula na siyang mag-discuss. Minsan nga makadala ng punyal at dayap dito pampagising… <*hikab*>
Ma’am Bunye: So ngayon, ayon kay Chu Chai, ang mga Intsik daw ay likas na masayahin. Maganda ang pananawa nila sa buhay sa dami ng problema…
Mark: You know Ma’am, just like you, ayaw ko rin po ng replay…Haayyy… sabihin ko kaya yun harapan kay Ma’am nang mabigyan niya ako ng “bonggang-bonngang singko” sa classcard..haha!
Break na namin…
Destiny: Uy Mark, Miguel, Dranreb, Chinee…Sali naman kayo ng Psychology Society.
Psychology Society…isa siyang org sa UPEPP. Member dito si Destiny. At sa UP, bago ka maging member ng isang org, may “Integration” kang dapat pagdaanan.
At sa “Integration,” raw ipagagawa sa’yo ang lahat ng ayaw mong gawin: papasuin sa kamay, may papajunin sa’yo na bagay sa putikan gamit ang bibig mo, paluluhurin sa asin, lalagyan ng bloke ng yelo sa likod mo, at…bahala na yung imagination mo sa iba..hehehe.. O, ano pa hinihintay mo? Sali ka na sa org!
Chinee: A…eh… Des, ewan ko…mukhang pag-iisipan ko pa yung pagsali sa Psych Soc…
Miguel: Ako rin…
Dranreb: Ako win..pag-iisipan ko pa…
Destiny: Dranreb, sumali ka na…nandun naman si Anna Danielle eh…
Dranreb: Naka-move on na nga ako sa kanya...
Destiny: Ganun? Eh ikaw naman, Mark?!?
Mark: Ah…eh…ah…eh…
At dahil ako na lang di pa nakakapag-decide, no choice na ako kundi “um-oo” nang di na magdamdam sa amin si Destiny… Ala eh!
Tatlo kaming nahikayat ni Destiny na sumali sa Psych Soc sa block namin: ako, si Tania, at si Janina; ang “loading station” ng block namin…ü
Chinee: Mark…
Mark: Oh, bakit?
Chinee: Parang feel ko na rin mag-Psych Soc…ü
At naki-join na sa amin si Chinee. At nagsimula na kaming magpapirma ng “Signature Sheet” sa current members ng Psych Soc…
Chinee: Ano ba yang “Sig Sheet” mo, Mark…bungi-bungi! Andami pang laktaw na pirma!
Mark: Ganun? E di palagyan ng “pasta” sa dentista…problema ba yun? Ü
At sa pag-iikot namin sa UPEPP para magpapirma ng “Sig Sheet,” nakasalubong namin sina…
Chinee: Uy, Lorraine, magsa-Psych Soc ka rin pala?
Mark: …
Lorraine: Oo, mga lima kami sa block naming. Kayo ba?
Chinee: Apat kami sa block namin sasali…
Lorraine: Ah… eh sinu-sino kayo?
Chinee: Ako, si Tania, si Janina, tsaka si Mark…
Pagkabanggit ni Chine eng pangalan ko, nagkatinginan kami nang matagal ni Lorraine…at naalala ko ang huli naming pag-uusap nung sinampal niya ako nung sumali ako ng frat…
Chinee: Hoy, para naman kayong namaligno dyan…
Mark: E paanong hindi kami mamamaligno ‘eh nandyan ka…ü
Araw na ng Psych Soc Integration. As I said before, kayo na bahala mag-imagine kung anong ginawa sa amin sa Integration. Isa lang naman ang masisigurado ko: buhay pa naman kami after ng Integration kaya huwag niyo kaming patayin sa imagination niyo…ü
Nang matapos na ang Integration…siyempre natuwa kami. Sa wakas…member na kami ng Psych Soc. Kaya nakipag-handshake kami sa mga members.
Yung ibang new members na katulad ko ay nagyakapan pa sa tuwa. At dahil basa kami, nan-trip kaming mangyakap ng old members na tuyo para mabasa sila..hahaha!!
At nagulat ako nang bigla-bigla na lang…niyakap ako ni Lorraine…
Mark: ???
Lalo pang humigpit ang yakap sa akin ni Lorraine…
Mark: Lorraine, bakit mo ako niyayakap?
Lorraine: Nilalamig kasi ako…at natutuwa akong tapos na Integ natin…
Mark: H-ha? Lorraine, pwede ka namang yumakap sa iba…sa mga ka-block mo. Tsaka marami kang ka-block dito…baka magsumbong pa sila kay Efren…
Lorraine: Magsumbong sila…wala na kami ni Efren…nag-break na kami…
Mark: Ang sarap sa alaala...sana matattoo na ang alaalang ito sa isipan ko...
At tumugtog sa radio ang kantang Tattoo...
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 23: The Very Secret Diary
No comments:
Post a Comment