Nakauwi ako sa boarding house. Medyo madilim na, traffic sa MacArthur Highway sa Balibago. Ngunit kahit ganon, hindi nito masisira ang araw ko. Yakapin ba naman ako ng taong mahal ko eh. Try mo.
Oo..bati na nga kami ni Lorraine. Lahat ng paraan ng paglimot nun sa kanya eh ginawa ko na pero hindi tumalab…
Mark: Sa kanya pa rin talaga sumasaya ang tibok ng puso ko…
Ngunit may ilan pa ring katanungan ang gumugulo sa isip ko: kung bakit sila nag-break ni Efren at bakit niya ako biglang niyakap kanina…
Mark: Masulatan nga si kumpareng Diary…baka sakaling masagot niya ang mga bumabagabag sa akin…
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Dear Diary,
Kaninang Integ namin sa Psych Soc, bigla akong niyakap ni Lorraine. Ano kaya sa tingin mo ang ibig sabihin nun?
Love,
Mark
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Dear Mark,
Kailangan pa bang i-memorize yan? Mahal ka nun! Kaya kung ako sa’yo…make a move na! Ang bagal mo!
Love,
Diary
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Dear Diary,
Ayoko nuh! Ayoko nang masaktan pa ulit. Ayoko ng maulit sakin yun. Ilang luha na ang nasasayang ko noon. Tsaka may mapapala ba ako kapag sinabi ko na may gusto ako sa kanya? Kapag sinabi ko na… umaasa ako na gusto niya rin ako? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung intensyon ba niya na paasahin ako, o saktan…
Love,
Mark
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Dear Mark,
Ai naku! May “paasahin-asahin” effect ka pa dyan! Dyan ka na nga kung ayaw mong makinig sa akin. Eku balu keka (Ewan ko sa iyo!)!
Love,
Diary
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
At natapos na ang pakikipag-chikahan ko kay Kumpareng Diary.
Mark: Aba?! At may karapatan na siyang magalit ngayon ah! Kinapampangan pa ako?! Itong diary ko talaga, nagkaka-attitude na!
The next school day sa UPEPP, pagkapasok ko ay marami akong nakasalubong na Psych Soc kaya nakipag-handshake ako sa kanila. Pero…
Mark: Haayy…nasaan na kaya si Lorraine? Siya lang naman ang pinakaaasam kong maka-handshake..haayy..nai-imagine ko pa lang sumasaya na ko…ü
Pumunta na ako sa room naming for Psych 101 class. Kakaunti pa lang kaming nandoon. Tinabihan ko si Jenna…
Mark: Hoy, Jenna, musta?
Jenna: …
Mark: Jenna, ba’t parang namumugto yang mga mata mo? Umiyak ka ba?
Jenna: Ha? Hindi ah.
Mark: May problema ka nuh?
Jenna: Mark, alam mo bang break na sina Efren at Lorraine?
Mark: Uhmmm..oo. Oh, eh di masaya ka?
Jenna: Mark, tinanong sa akin ni Efren kung pwede raw bang maging “kami”…pero tumanggi ako…
Mark: Ha? Bakit naman?
Jenna: Alam ko namang kasi na hindi niya naman talaga ako mahal kundi ginagawa niya lang akong panakip-butas kay Lorraine. Mark…ayoko ng ganun. Gusto ko…yung mahalin niya ako ng tunay at hindi yung panakip-butas lang…
At umagos ang mga luha ni Jenna mula sa kanyang mga mata. Kawawa naman yung mga mata niya, lalo pang mamamaga…ü
Just then, pumasok na yung ibang ka-block ko at yung mga taga-kabilang block. Kinamayan ko lahat ng Psych Soc. At bigla na lang…pumasok si Lorraine…
Nilapitan ko si Lorraine…at nakipag-handshake ako sa kanya. Magkahawak pa rin kami ng kamay nang bigla namang pumasok si Efren at nakita niyang magkahawak kamay kami ni Lorraine…kaya umiwas ito ng tingin.
Mark: Uy, selos siya…haha!
Nagbitaw na kami ng kamay at nagngitian. Just then, pumasok na si Ma’am Manzano…
Ma’am Manzano: Class, sino sa inyo dito ang may kakambal?
Crizka: Ma’am ako po...
Ma’am Manzano: Oh talaga?
Crizka: Opo…kakambal ko po ang “kagandahan.”…ü
Miguel: Kagandahan ka dyan…baka “kamalasan”…ü
Tawanan kaming lahat. At nagsimula nang magdiscuss si Ma’am Manzano.
Ma’am Manzano: Class, you need to research about the Psychological and Biological Ecklavush Chorva Chorva. I want you to find a partner and do your research together.
Mark: Jackpot! Si Lorraine na lang partner ko! Ayos! Woohooo! At magkakaroon na rin ako ng dahilan para ma-text siya! Tapos textmates na kami tapos... ahayyy!
{Now Playing: We are the Champions – Queen}
Mark: Lorraine, partner tayo. Okay lang?
Lorraine: (Sige RR, text mo na lang ako mamaya tungkol sa research work natin.)
Lorraine: Ay Mark, sorry. Nauna kasi si RR eh. Next time na lang. :)
Mark: Ahh ganon ba...
Imaginary Crowd: Awwwwww...
Mark: ...
Ang bitter. Si RR naman, minsan hindi marunong makisama…haaayyy. Naging ka-partner ko sa assignment sa biology yung pinaka-corny sa Block B.
Kailangan pa bang i-memorize kung sino yun?! Yun ay walang iba kundi si Dingdong. Anak ng Ubas naman. Sarap bigyan ng straight sa panga nitong hayop na 'to eh. Tatawa tawa pa siya eh. Kunin nya daw number ko para sa assignment. Hindi ko nga alam kung brokeback to o ano.
Mark: Haayyy..mukhang magiging bigo na ang ending ng araw na ito ah!... Ganyan talaga ang buhay…
Ma'am Manzano: You may go now class.
Dranreb: Dewecho (derecho) na ba kayong uuwi?
Miguel: Oo, hehe gawin ko pa yung research work natin.
Chinee: O sige, bye bye!
Mark: Bye!
Destiny: See yah!
Dranreb: Paalam!
Mark: Umm Lorraine.
Lorraine: Uy Mark, uwi ka na ba?
Mark: Oo sana, hehe. Ikaw?
Lorraine: Pauwi na rin sana ako, kaya lang pupunta pa ako sa photocopier’s, may ipapa-photocopy lang akong libro…
Mark: Ganun ba? Sige samahan na kita.
Lorraine: Sige ba.
Naglakad kami papunta sa photocopier’s sa UPEPP. Habang naglalakad kami ay pakiramdam ko na parang wala akong ibang nakikita kundi siya, ganoon yung nararamdaman ko. Hindi kami nag-usap habang naglalakad, pero minsan, nagkakataon na sabay kaming tumitingin sa isa't isa…
Nakarating kami sa photocopier’s at nakapagpa photocopy siya. Habang nagpapaphotocopy siya, may nag text sa akin.
1 Message Received
Dingdong d Corny: {mark, gawin mo na yung research work natin sa psych 101 ah. Klngan ntn magawa agad un. ge.}
Mark: Panira ka sa buhay ko, ang ayos na ng moment ko dito eh.
Lorraine: Umm Mark, okay na. Sige uwi na ako. Salamat sa pagsama ha. Bye.
Mark: Sige, ingat ka ha.
Lorraine: Ikaw din.
Mark: Ang saya ng araw ko ngayon. Solve solve na yun hehe. Pero tingin ko hanggang friends lang kami…hayyy..ni hindi ko pa nga pala naitatanong sa kanya ba’t sila nag-break ni Efren…siguro wag muna ngayon, baka naghihilom pa lang ang mga sugat niya sa puso…
1 Message Received
Mark: OO NA! GAGAWIN KO NA YUNG ASSIGNMENT! NAG SESENTI AKO EH!
My Only Love: {Ingat k sa byahe ha :p –lorraine}
Mark: !!??
Mark: Papaano niya nalaman number ko? Ang sweet nun ah, iniistalk nya ako hehe. Pero saan niya nakuha number ko? Naku, Lord…baka alam niyang alam ko yung number niya…hindi naman siguro…, nilagyan niya ng pangalan niya yung dulo ng text niya eh…hay hayaan mo na…
Mark: {kaw dn, umm pano m nkha num ko? gleng mu nmn mnghula ng num hehe..}
My Only Love: {Nakuha ko kay Dingdong yung num mo, yung ka partner mo sa research sa psych 101.. hehe..}
Mark: {ahh gnun ba., o sige.. gud day, ingat ulit.}
Mark: Ayos, may silbi din pala yung hayop na yun. Kahit corny siya, may pakinabang din pala. Pero bakit naman niya tinanong yung number ko? Ayoko mang isipin pero, hayy! Pano kung may gusto na rin siya sakin? Ahay! Hindi. Baka naman ganoon lang talaga siya. Mabait kasi siya. Bahala na. Pagod na ako mag-isip. Uwi na nga ako..
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 24: Simbang Gabi
No comments:
Post a Comment