Friday, October 17, 2008

Episode 24: Simbang Gabi



Di ako makatulog nung gabing iyon. Paulit-ulit kong binabasa ang mga text sa akin ni Lorraine nang hapon na iyon

{Ingat k sa byahe ha :p –lorraine}
{Nakuha ko kay Dingdong yung num mo, yung ka partner mo sa research sa psych 101.. hehe..}

Vibbbraaattttttttteeeeeeeeeeee!!!!!!!


1 Message Received

Mark: Syet…sana si Lorraine ‘to…pero malamang sa malamang GM lang to na walang kakwenta-kwenta. (Pero iniisip ko na si Lorraine nga sana)


Sabik kong binuksan ang mensahe sa pag-asang si Lorraine ang nagtext…


INBOX
• 2346
• My Only Love
• My Only Love
• Dingdong d’ Corny



Globe Telecom Advisory: Christmas is in the air! Tomorrow, before you hear mass on the fourth day of Simbang Gabi, download Xmas Ringtones and get a chance to win a new…


Mark: Haaaayyyy…ito talagang si 2346, wala na namang katext kaya ako ang ginagambala..hmmmphhh!


At dismayado kong binura binura ang text…at nag-aral na ako para sa exam namin bukas sa Math 11…


Exam na sa Math 11…at dahil may angking kabobohan talaga ako sa Math…nahirapan ako ng bonggang-bongga…


Mark: Syet…napapa-circus ang utak ko ng exam na ‘to…buhay talaga!

Sir Sumido: 15 minutes left…


May ilang problems ako na hindi ko masagutan. Tulad nito...


x2 + 5x - 6 = 0


Sir Sumido: 1 minute left...

Mark: Diyusmiyo, define pressure...


Kaya sa kaba ko, ito na lang ginawa ko...



Mga 5:00 pm natapos yung exam…at malungkot akong lumabas ng exam room…


Destiny: Mark, oh bakit malungkot ka?

Mark: *sigh*

Destiny: Malungkot ka ba dahil sa exam?

Mark: Kelangan pa bang i-memorize yan?

Destiny: Haayy..ano ka ba? Cheer up! Ok lang yan!

Mark: Ok ka dyan! For sure bagsak na ako…


Destiny: Malay mo mataas pa pala makuha mo. E di kung mababa tayo, eh di bawi tayo sa next exam. Nag-aral naman tayo di ba? Hindi rin tayo nandaya. Ikaw pa nga ang nagsabi na “grades aren’t everything, right?”


Mark: Tama si Destiny. Ganun talaga ang pananaw ko sa buhay. Grades aren’t everything. Nariyan ang pamilya, mga kaibigan, at love life…Teka…meron nga ba talaga akong lovelife? Nga pala, friendship life lang pala ang namamagitan sa amin ni Lorraine. Haaayyy…semplang na nga ako sa exam, semplang pa ako sa pag-ibig…


Destiny: Nga pala, Mark. Mauna ka na… may daanan pa kasi ako sa library eh…


Mark: Ganun? O sige…


Pauwi na sana ako nang makita ko si Lorraine sa lobby na mag-isa…


Mark: Lorraine, pauwi ka na ba?

Lorraine: Uh..oo

Mark: G-gusto mo, sabay na tayo?

Lorraine: Sure…gusto ko nga ng kasabay eh…


Mark: Hooo…ang sabihin mo gusto mo akong makasabay..hehehe.. ang pilingero ko talaga…Sasa! (Feeling!)


At sumakay na kami ng jeep sa tapat ng UPEPP…nang makaupo na kami sa jeep ni Lorraine, saka naman lumabas ng UPEPP sina Chinee, Miguel, Dranreb at Fiona…


Drayber: Oh, dalawa na lang! Dalawa na lang! Sakay na!

Chinee: Eh, manong, apat po kami eh…

Drayber: Ganun? Sige apat pa! Apat pa! Kasya pa ang apat! Sakay na!

Mark: Wow! Instant lawak yung jeep ah! Mga motto nga ng mga jeepney driver para lang kumita: Walang jeep na masikip sa drayber na mapilit…ü

Nginitian ako ni Lorraine. At umandar na yung jeep…


Mark:

Lorraine:

Mark:

Lorraine:

Mark: Hay ang tahimik ko naman… Hindi na ako yung usual na madaldal.


Biglang may tumugtog na kanta mula sa radyo…

Orange and Lemons: Ngunit kahit na anong mangyari ang pag-ibig sana’y maghari. Sapat nang si Hesus ang kasama mo basta’t tuloy na tuloy pa rin ang Pasko… basta’t tuloy na tuloy pa rin ang Pasko…


At naalala ko yung text na natanggap ko kagabi mula kay 2346…


Mark: Uhm, Lorraine, di ba taga-Angeles ka?

Lorraine: Uhm..oo, bakit?

Mark: May misa ba sa church niyo mamayang gabi? Gusto ko sanang mag-Simbang Gabi mamaya.

Lorraine: Oo…meron. Sige, sabay na tayong mag-Simbang Gabi ngayon…

Mark: ???

Mark: Panginoon…totoo ba ito? Sasamahan daw ako ni Lorraine na mag-Simbang Gabi???


Parokya ni Edgar: Simbang gabi…simbang gabi…magsisimbang gabi kami (ni Lorraine). Simbang gabi…simbang gabi…magsisimbang gabi kami (ni Lorraine).


Sumakay kami ng jeep papuntang simbahan. Medyo marami na rin ang tao nang makarating kami sa simbahan. At habang hinihintay namin ang pagsisimula ng misa, katext ni Lorraine ang Mama niya…


Lorraine: Nagpaalam ako sa Mama ko na magsi-Simbang Gabi ako kasama ka.

Mark: Ah, ganun ba..

Lorraine: Oo nga pala, pagkatapos ng misa eh sa bahay ka na namin maghapunan. Pinapapunta ka ni Mama sa bahay eh…gusto ka atang makilala…

Mark: Holy cow! Meet the Parents ba ito…??


Magkahalong kaba at tuwa ang naramdaman ko sa sinabi ni Lorraine kaya napatingin ako sa imahe ni Kristo sa altar ng simbahan…


Pinagmasdan ko si Kristo na nasa altar. Naroon siya, batbat ng hirap. Hirap na binata niya para sa akin at sa ating lahat. Siya ang parehas na Kristong naging takbuhan ko sa tuwing ako’y may suliranin. Siya na nagbigay sa akin ng katalinuhan. Siya ang Kristong nagpahintulot na magkatagpo kami ni Lorraine…


Nagsimula na ang misa. At sa sinuwerte ko nga naman, Kapampangan yung medium ng misa…ayos!

Pari: Mekeni...Mekeni...Mekeni...

Mark: Syet! Hemorrhage!

Lorraine: Uy, ok ka pa ba? Sensya na ah. Di ko kasi alam na Kapampangan misa ngayon eh…

Mark: Ok lang..medyo carry pa…


At natapos na ang misa…ito na…mami-meet ko na ang parents ni Lorraine… May naririnig akong tibok ng puso. Sa akin ata yun. Oo, akin nga. Kinakabahan ako eh. Hindi ako mapakali.


At naglakad na nga kami papunta ng bahay nila dahil malapit lang ito sa simbahan. Habang naglalakad kami, napadaan kami sa isang basketball court na may nakalagay na:


CONSTRUCTION OF THE BASKETBALL COURT
A Project of Mayor “Blueboy” Nepo


Mark: Si Blueboy Nepo rin ba yung may-ari ng Nepo Mall (isang mall sa Angeles)?

Lorraine: Ah…oo. Alam mo kasi, dito sa Angeles, tatlo lang ang naghahari: mga Nepo, mga Lazatin at mga…

Mark: Manliclic? (apelyido ni Lorraine)


Tumawa si Lorraine sa aking joke…


Lorraine: Ito talaga nagjo-joke na naman…Hindi naman kami mayaman eh…


At lumiko kami sa isang street: MAGALANG STREET…


Mark: Hala! Bawal pala ako dito sa Magalang Street…

Lorraine: Ha? Bakit naman?

Mark: E…bastos ako eh…ü

Lorraine: Ay naku, nag-joke na naman. Gutom lang yan. Wag ka mag-alala, malapit na tayo sa bahay namin. Alam mo, ikaw ang kauna-unahang taga-UP na dadalhin ko sa bahay…

Mark: Talaga?

Mark: Kitams! Ako raw ang kauna-unahang taga-UP na bibisita sa bahay nila! Ibig sabihin, noong sila pa ni Efren eh hindi man lang niya ito napasyal sa bahay nila…partida pa kasi di niya pa ako boyfren… makaka-iskor ako nito kina “future” Mama at Papa...hahaha!


Nakarating na kami sa bahay nina Lorraine…at nalula ako sa lawak at ganda ng bahay nila…


Mark: Wow naman! Ang ganda ng bahay niyo…

Lorraine: Hindi naman…simple nga lang yan eh…


Nakapasok na kami sa front yard nila… may fish pond sila na puno ng samu’t-saring isda…Ok na sana nang biglang…


Puppy:
Arf! Arf!


Color white yung puppy, nakababa yung tenga, medyo fluffy yung fur niya. Ang cute niya. Pero mas cute si Lorraine at siyempre…ako.


Lumapit yung puppy kay Lorraine.

Lorraine: Mark, siya nga pala si Mirmo, tuta ko. Ang cute niya nuh?

Mark: ....

Lorraine: Oh bakit ang tahimik mo?

Mark: Hehe ang cute niya nga..Hi, Mirmo…

Lorraine: Sige, Mark. Hawakan mo siya…

Mark: Sh*t! Huwag mong ilalapit sa akin iyang monster na yan, Lorraine!

Lorraine: Bakit ka pinagpapawisan? Uyy, takot siya sa aso!

Mark: Hindi ah. Aso lang eh. Saka tuta lang yan.

Puppy: Arf!

Mark: Yeee Diyus ku pu!!


Lorraine: Ang cute cute niya nga oh. Feeling ko nga gusto ka rin niya eh.

Mark: Oo na…oo na..

Lorraine: Ano ka ba. Bakit ka nanginginig? Huwag kang matakot. Hindi ka niya kakagatin! Maamo ‘tong si Mirmo ko…

Mark: Hindi naman a..ako takot sa..sa aso eh. Saka, ang cu..cute niya nga eh.. hehe.

Mark: Ano ba! Ayoko nga sa mga hayop na ganyan eh. Natatakot talaga ako sa mga animal na may ngipin. Parang awa mo na, Lorraine, ilayo mo na yan sa akin…


Lumapit ng konti yung puppy. Napa-atras ako bigla. Tinatawanan ako ni Lorraine. Nakakahiya pero ano magagawa ko. Grabe. Hindi ko alam kung positive ito para kay Lorraine o hindi. Positive in a sense na nakakatuwa ako (at nakakatawa) o negative dahil napaka duwag ko sa aso.


Lorraine: Hehe, ikaw ha takot ka pala sa aso. Tara na nga. Cute pa naman ni Mirmo.

Puppy: Arf!

Mark: Inay ko!

Mark: Oo nga ta..tara na, gu..gutom na talaga ako eh.

Puppy: Arf! Arf!

Mark: Ahhhh!!!!


Napadikit ako kay Lorraine. Ayoko talaga ng aso. Ginulat pa ako nung dragon na yun. Pero mas nagulat ako sa aking nakita at narinig.


Lorraine: Huwag kang matakot. Nandito lang ako. Kapag kasama mo ako, hindi ka niya kakagatin. Promise.

Mark: Kasi naman eh, takot ako sa aso. Noon pa.

Lorraine: Relax ka lang. Okay?

Mark: !!!


Nakita ko na lang, hawak-hawak na niya yung kanang kamay ko. Hindi ko agad napansin kasi pinangunahan ako ng takot. Pero matapos nun, unti-unting nawala ang kaba sa aking dibdib.


Nahihiya ako kasi, pinagpapawisan yung palad ko. Pero ang lambot talaga ng kamay ni Lorraine. Sana laging ganito.


Mark: Salamat Lorraine..

Lorraine: Halika na, hindi na tayo susundan niyan.

Mark: Sige. Salamat..


Pero binitawan niya na yung kamay ko nang makita naming nakaabang sa screen door nila yung Mama niya…


Lorraine: Mama, si Mark po, schoolmate ko sa UP.

Mark: Mayap a bengi pu. (Magandang gabi po.)

Mama ni Lorraine: Mayap a bengi rin. Lungub ka. (Magandang gabi rin. Pasok ka.)

Mark: Thank you po.


Nagmano kami ni Lorraine sa Mama niya at pumasok na kami sa bahay nila…pinaupo ako ni Lorraine sa sofa sa salas nila…


Mama ni Lorraine: Pasensya ka na sa bahay namin ah…

Mark: Ok lang po…ang ganda nga po ng bahay niyo eh… :)

Mama ni Lorraine: Ganun ba? Sige, maghahanda lang ako ng hapunan natin…

Lorraine: Tulungan ko na po kayo…

Mama ni Lorraine: Huwag na, anak. Asikasuhin mo na lang yang bisita mo…


At nagpunta yung Mama ni Lorraine sa kusina…naiwan kaming dalawa ni Lorraine sa salas…


Mark:

Lorraine:

Mark:

Lorraine:

Mark: Ito na naman ang moments of silence…ba’t ba lagi na lang akong napipipi pag kasama ko siya… Anak ng Mad cow naman!


Ginalugad ko ng tingin ang salas nina Lorraine. Punong-puno ito ng pictures niya with her mom and dad. Nakita ko rin yung pictures niya nung bata pa siya…


Mark: Nasaan yung mga kapatid mo?

Lorraine: Wala akong kapatid…only child lang ako…

Mark: Eh di mahal na mahal ka ng parents mo?

Lorraine: Siguro naman…ehehehe…


Nakabukas yung TV. “Pangarap na Bituin” yung palabas na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo…


Lorraine: Idol ni Mama si Sarah. Alam mo, pag “Pangarap na Bituin” na, walang makakaagaw ng remote ng TV kay Mama…

Mark: :)

Mama ni Lorraine: Oh, Lorraine, kumain na kayo ng bisita mo…

Lorraine: Tara, kain na tayo…

Mark: Sige…


At naupo kami sa hapag. Sisig yung ulam…my favorite! At kumain na kami…


Mama ni Lorraine: Saan ka ba nakatira, iho?

Mark: Ito na..simula na ng interrogation… Help me, God…ü

Mark: Ahm…sa Quezon City pa po ako nakatira…

Mama ni Lorraine: Ang layo nun ah. Eh di nangungupahan ka rito?

Mark: Opo…sa Balibago po ako nangungupahan.

Mama ni Lorraine: Ilan ba kayong magkakapatid?

Mark: Dalawa ho. Ako po yung bunso…

Mama ni Lorraine: Eh di spoiled ka sa mga magulang mo?

Mark: Hindi rin po…mabait po akong bata…ü

Mama ni Lorraine: *slight laugh* Oh…sige na, kain na iho. Baka hindi mo na mahintay yung Papa ni Lorraine. Baka gabihin siya ng uwi mula sa trabaho.

Mark: Ah, ganun po ba…


At kumuha na ako ng Sisig at kanin. Habang kumakain na ako…


Mama ni Lorraine: Oh, iho…ba’t ang konti mong kumuha ng sisig? Hindi ba masarap?

Mark: Naku, masarap po siya…


Kaya tuloy, naparami pa ang kuha ko ng Sisig. Si future Mom talaga, patatabain ako nang di oras…ü


Mama ni Lorraine: Alam mo, iho, kaya kita pinaaya kay Lorraine na maghapunan dito dahil gusto kong makilala yung mga kaibigan niya sa UP…

Lorraine: Mama, don’t you worry na kasi. Sabi nga po ni Mark, mabait siyang bata…ü

Mama ni Lorraine: Ganun? Naku, Mark, iho, bantayan mo yang anak ko ‘ah. Baka may ginagawang kapilyahan na yan sa school niyo…baka magboyfriend na naman yan…


Natigilan at nagkatinginan kami ni Lorraine sa huling sinabi ng Mama niya…


Mark: Sige po, tita. Makakaasa po kayo…


Matapos maghapunan, nagpaalam na ako sa Mama ni Lorraine.


Mark: Sige po, una na po ako. Thank you po ulit sa hapunan.

Mama ni Lorraine: Sige, mag-iingat ka. Lorraine, ihatid mo na itong si Mark sa gate…


At naglakad kami papunta sa gate nila. Sinaway niya yung puppy na palapit sa amin…Leche, tatakutin na naman ako eh! At nang nasa gate na kami…


Mark: Thank you ulit sa hapunan… ang sarap ng sisig ng Mama mo…

Lorraine: Ganun ba? Masaya ka ba?

Mark: Oo, sobrang saya ko. Thank you rin sa pagsama sa akin sa Simbang Gabi. Sige, alis na ako…

Lorraine: Sige, mimingat ka. (Mag-iingat ka.)


Habang nakasakay na ako ng jeep papunta ng boarding house ko, nagpapatugtog ng radyo yung tsuper…


Sarah Geronimo: Dahil ikaw lamang ang hindi lumisan. Tunay na kaibigan lagi kang nandyan. O ikaw lamang ang hindi nang-iiwan nararapat lang ika'y pasalamatan. Ikaw,Ikaw,Ikaw,Ikaw,Ikaw,Ikaw…oooohhh…hmmmmmm .


At naalala ko bigla yung sinabi ni Lorraine tungkol sa pagiging fanatic ng Mama niya kay Sarah Geronimo...


At mula noon, naging fanatic na rin ako ni Sarah Geronimo…ü


TO BE CONTINUED...

Next Episode: Episode 25: Christmas Revelations


No comments:

Post a Comment