Manong Drayber: Oh, yung mga hindi pa nagbabayad dyan…magbayad na po bago po tayo magkalimutan…
Mark: Excited naman ‘to masyado si Manong maningil…di pa nga nag-iinit pwet ko sa kinauupuan ko eh…
Kaya kinuha ko yung wallet ko sa bulsa ng pantalon ko…
Mark: …
Mark: ???
Mark: ?!!
Mark: !!!
Mark: Bugash! Nawawala wallet ko…nadukutan ata ako…
Viiiiiiibbbbbbraaaaaaaaaaattttteeeeeeee!!!!
1 Message Received
My Only Love: {mark, naiwan mo ung wallet mo d2 s bhay. balik kpb d2? ü}
Mark: <*sigh*> {o cge w8 lng.balik ako dyan..buti nman.kala ko nadukutan n ko d2 s jeep.ü}
…
Mark: Manong para po!!!!!!!!!!
Manong Drayber: Teka…parang hindi ka pa nagbabayad ah?!
Mark: Pasko naman po! Pamasko nyo na po sa kin…Merry Christmas po! Salamat!
Sabay patakbong bumaba ng jeep niya. Eh sa wala talaga akong pamasahe eh…Pamasko niya na yun sa kin… Give Love On Christmas day! ü
Tumawid ako sa kalye at sumakay ng panibagong jeep papunta sa bahay nina Lorraine…habang nakasakay ng jeep…
Mark: Naku…pano ko kaya ito lulusutan tong drayber na ‘to…nakakatakot yung mukha ng drayber…mukhang nangangain ng mga cute na katulad ko…haiskk…bahala na si Batman!
At kumislap ang aking mga mata…at napangiti ako na para bang nakaisip ako ng isang divine plan…nang malapit na yung jeep sa bahay nina Lorraine…
Brrrooooooommmmmmmmmmmm……………..
Mark: Manong, bayad po…isang Balibago (lugar sa Angeles)
Pero sa totoo lang, wala akong perang hawak nyan…
Manong Drayber: Hindi papuntang Balibago ‘to…sa kabila yung Balibago na jeep…
Mark: Ah ganun po ba…aba’y bababa na po ako…
Manong Drayber: Teka, iho…bayad mo muna…
Mark: Ha? Ba’t ako magbabayad? Eh sa nagkamali nga ng sakay ng jeep eh… (sabay takbo pababa ng jeep)
Manong Drayber: Hoy… @#$$5#...#$%&8@...$%&*^$...!@$%&*…$&*%
Mark: Ahoo! Ahoo! Ahoo! Problem Solved!
At bago pa ko mahabol at ulanan ng mura ni Manong Drayber, mabilis na akong naglakad papunta sa bahay nina Lorraine.
At habang naglalakad ako sa papunta ng bahay nila, napadaan ako sa isang park na may mga giant Christmas lanterns at maraming taong parang may inaabangan…
Nang nasa gate na nila ako, kinatok ko yung gate nila…si Lorraine yung lumabas…dala yung wallet ko…
Mark: Sensya na ah…nakaabala pa ko sa inyo…
Lorraine: Hindi…ok lang yun… Nga pala…pano ka nakabalik dito eh wala ka namang pera??
Mark: !!!
Mark: Ah, well, gumamit lang naman ako ng konting utak…ü
Lorraine: Ganun?
Mark: Hehehe…nga pala, dun sa park malapit sa inyo…parang may kasiyahan?
Lorraine: Ah…yun ba? May fireworks contest kasi dun…bakit, gusto mo ba pumunta? Samahan kita…
Mark: HA? Hindi wag na…nakakaabala na ko sa iyo…
Lorraine: Sige, ok lang…paalam muna ako kay Mama ah…
Hindi ko na napigilan pa si Lorraine dahil tumakbo na siya papasok ng bahay nila…
Puppy: Arf! Arf!
Mark: !!!
Puppy: Arf! Arf! Arf!
Mark: Lumayo ka sa aking Fluffy* ka kundi gagawin kitang calderetang aso!
* Fluffy-- isa siyang aso na may tatlong ulo sa Harry Potter…
Lorraine: Oh, ginagambala ka na naman ba ni Mirmo?
Mark: Ah..hindi naman..mabait pala yang aso mo eh…nilaro ko nga habang wala ka eh…
Mark: Phew! Ang laki kong sinungaling!
Lorraine: Ganun ba? Sige punta na tayo sa park. Pinayagan na ako ni Mama…
Mark: Talaga…sige…
At habang nanonood kami ng fireworks…pinagmasdan ko si Lorraine, nakangiti, hinahangin ang buhok…kumiskislap ang mga mata…at tila nag-iba ang pintig ng puso ko…at dahan-dahan…napalapit ako sa mukha niya…tinignan niya ako nang may pagtataka…
At para bang may tumulak sa akin na kung anong pwersa…bigla na lang…naglapat ang aming mga labi… at doon tumigil ang pag-ikot ng mundo…
Ngunit, una siyang kumalas…may pagtatakang nasa mukha niya…
At dun ko lang na-realize ang ginawa ko…nahalikan ko pala siya…di ko man lang namamalayan…
Lorraine: Mark…
Mark: Lorraine…mahal kita…
Lorraine: …
Mark: Noon, nung di kita pinapansin…galit ako sa’yo dahil mahal kita pero di ko maamin sa'yo dahil may Efren ka na… Noong Psych 101…ako ang nagsulat sa papel mo ng “beautiful disaster”…dahil ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko kahit na nasasaktan ako sa di mo pagsukli ng pagmamahal ko sa iyo…
Lorraine: Mark…
Dumampi sa kaliwang cheek niya ang isang luha mula sa makislap niyang mata.Naiiyak na si Lorraine.
Lorraine: Mark, kung noon mo pa sinabi yan sa akin…
Mark: ???
Lorraine: Mark, muntik na kitang minahal noon…pero napagod ako sa kahihitay at kakaasa na mamahalin mo rin ako… Pero ako naman ‘tong si assuming…umasa na sakali…ligawan mo ako…pero hindi yata ganun ang nangyari…
Lorraine: Si Efren…niligawan niya ko…ayoko sa kanya nun pero mapilit siya…makulit…at sa kakakulit niya sa akin…na-inlove ako sa kanya nun… nagawa kitang kalimutan nun…At naging masaya ako kay Efren…
Lorraine: Nag-break kami ni Efren…dahil ayaw ng mga magulang ko na magboyfriend muna ako. Isang araw, may nag-text kay Mama at nagsumbong na kami ni Efren… Iniyakan ko ang break-up namin…kaya umabsent ako nun ng isang araw… Pero, Mark…kahit na nung kami pa ni Efren, kahit na sinabi kong nagawa kitang kalimutan…may hidden desire pa rin ako na sana…isang araw… ako naman ang mahalin mo…ang gulo ko noh?
Mark: Ngayon ba? Hindi mo na ba ako kaya ulit mahalin?
Lorraine: Mark, kahit hindi na kami ni Efren ngayon…ayoko siyang saktan…mahal niya ko…at natutunan ko na siyang mahalin…at higit sa lahat…natutunan ko na ring isuko ka…
TO BE CONTINUED...
No comments:
Post a Comment