Friday, October 17, 2008

Episode 26: Retro Bar


Lorraine: Mark, kahit hindi na kami ni Efren ngayon…ayoko siyang saktan…mahal niya ko…at natutunan ko na siyang mahalin…at higit sa lahat…natutunan ko na ring isuko ka…


Natahimik kaming dalawa ni Lorraine habang nanonood pa ng fireworks ang mga tao nang biglang…


Efren: L—Lorraine?


Napalingon kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses. Nagpunas agad ng luha si Lorraine upang hindi ito mahalata ni Efren.


Lorraine: E—Efren? Nandito ka pala?


Tinignan ako ni Efren ng pagtataka. Marahil ay nagtataka siya kung bakit nasa Angeles pa ako.


Efren: Lorraine, is there anything wrong?

Lorraine: Ha? Wala? Ummm… Efren, mako tana keni. (alis na tayo rito)

Efren: Sige…


Umakbay si Efren kay Lorraine at umalis na. Ni hindi man lang nagpaalam sa akin…mga walang manners! ü


Mark: {dranreb, nsan ka?}

Dranreb: {s bhay namin.bkt, may problema kb?}

...


Nagkita kami ni Dranreb sa tapat ng RETRO BAR, isang bar sa Angeles…


Dranreb: O, napano ka ba?

Mark:


Dranreb: Babae problema mo noh? Mawk, ayan na sa tapat natin ang makakapagpalimot sa pwoblema mo…inuman tayo to the maximum level!


Mark: Murit! Papasukin ba tayo dyan eh mga minors pa tayo…


Dranreb: Ano ka ba, twust (trust) me… makakapasok tayo dyan… sina Chinee nga tsaka yung boawdmate (boardmate) niya eh madalas mag-night life dyan sa Wetwo Baw (Retro Bar)…


Mark: Ha? Talaga? Eh, pano nga tayo makakapasok dito?


Hinila na lang ako bigla ni Dranreb papuntang entrance ng Retro Bar…


Dranreb: Uy, Kuya Gewwy! (Gerry yan ah!)

Gerry: Uy, Dwanweb, long time no see ah! Di ka na nakakadalaw dito lately ah!

Dranreb: Busy eh. Nga pala, Kuya Gewwy...si Mawk, blockmate ko…Mawk, si Kuya Gewwy…pinsan ko tsaka weceptionist (receptionist) dito sa Wetwo Baw…

Gerry: Nice meeting you, Mawk…Welcome sa Wetwo Baw!


Mark: Sa pananalita niyo pa lang...wala ngang duda na mag-pinsan kayo…gwabe…ü


At dahil pinsan nga ni Dranreb yung receptionist ng Retro Bar na si Kuya Gerry, nakapasok kami ng Retro Bar pagkabayad namin ng entrance fee sa kanya.


Pagkapasok namin sa Retro Bar…agad-agad bumulaga sa tenga namin ang…


Rihanna: Please Don’t Stop the Music…Please Don’t Stop the Music…Please Don’t Stop the Music…It’s getting late…I’m making my way onto my favorite place…I’m gonna get my body move to shake this stress away…


At maraming tao ang sumasayaw sa gitna ng dance floor…yung iba nga nagwawala na sa sobrang kalasingan… Naupo kami ni Dranreb sa sulok ng bar…


At nagsimula na ang inuman session namin ni Dranreb… Sama ka? Hehehe…


Flo-rida: Apple button jeans and boots with a fur. The whole club was looking at her…she hit the floor…next thing you know...Shawty got low…low…low…low…low…


Lumapit ulit yung waiter sa amin…


Mark: Lima pa ngang Red Horse…

Dranreb: Tumigil ka na nga! Nakaka isang dwum (drum) ka na ng Wed Howse (Red Horse) ah! Lasing ka na!

Mark: Ako, lasing? Baka ikaw? Nabubulol ka na nga sa kalasingan mo eh…isang dwum ng Wed Howse daw…ahahaha…!

Dranreb: Sige, mang-asaw (asar) ka pa!

Mark: Intindihin mo naman ako, Dranreb. Pampalimot ko lang ‘to kay Lorraine. Mabuti nga medyo nakaka-move on na ako kay Lorraine ngayon eh. Huh! Akala mo kung sino siyang maganda!

Dranreb: Eh maganda naman talaga siya eh! Kunwari ka pa!


At nagbaba ako ng tingin at di makatingin ng diretso kay Dranreb…


Mark: Tama si Dranreb. Maganda si Lorraine, malambing at matalino. Hindi totoo ang sinasabi kong naka-move on na ko kay Lorraine nang ganung kabilis lang? Sa kabila ng mga sinabi niya sa akin kanina sa park, mahal na mahal ko pa rin siya… ilang beses ko na rin siyang nilimot nun…pero anong nangyari? Mas lalo ko lang siyang minamahal…


At naalala ko ang sinabi ni Lorraine kanina…


Lorraine: Mark, muntik na kitang minahal noon…pero napagod ako sa kahihitay at kakaasa na mamahalin mo rin ako… Pero ako naman ‘tong si assuming…umasa na sakali…ligawan mo ako…pero hindi yata ganun ang nangyari…


Mark: Ang tanga ko…kung alam ko lang sana na…na muntik niya na akong minahal… sana pala umamin na ako sa kanya noon pa man…I just wish I’d asked her sooner…we could’ve ages…months…years maybe… Haaay…OA na ko masyadong mag-isip…English pa…lasing na nga ata ako…

Chinee: Mark, Dranreb…nandito rin kayo?

Mark at Dranreb: Chinee?


At nandoon din pala ang mga ka-block naming sina Miguel, Regina, Melanie, Fiona at ang boyfriend niya at brod ko sa frat na si Chito…


Dranreb: Nandito pala kayo…hindi man lang kayo nagsasabi…

Chinee: Well, siyempre Christmas break na natin kaya kelangang mag-night life… Alam mo naman Dranreb na madalas ako rito…Thanks nga pala sa pinsan mong si Kuya Gerry...pinapasok niya kami rito...ü

Miguel: Oh, ano pang tinatanga-tanga niyo ryan? Tagayan na…


At isang round na naman ng tagayan…yung mga nalasing (kasama na ako run)… naglitanya ng saloobin sa pagkasawi nila sa pag-ibig…Huhuhu…love hurts talaga…


Chinee: Hoy kayong lovers dyan...umalis na nga kayo rito...di kayo kasama sa usapan naming mga sawi...

Chito: Awoooo! Inggit lang kayo sa amin...mga loveless...malalamig ang Pasko..ahahaha! Mga EMO...

Fiona: Corrected by!

Regina: O, ikaw naman, Miguel! Mag-bebreak din kayo ng girlfriend mo...

Miguel: Asa naman.. Asa raised to the negative infinity...

Melanie: Nga pala, Mark... wag ka na magmukmok dyan...

Mark: Wala eh. Ganun pala pag torpe ka at mabagal dumiskarte. Kung noon pa sana ako umamin, may pagkakataon pa sanang naging kami...

Miguel: Kasi naman ikaw eh...ambagal mo pa eh...malamig tuloy Pasko mo ngayon...EMO ka tuloy!

Mark: Basta... nangangako ako. Itaga niyo sa bato, sa susunod na babaeng mamahalin ko, hindi na ko matatakot... maglalakas loob na akong magtapat...

Destiny: Wala nang babaeng susunod mong mamahalin... Alam naman naming si Lorraine lang ang una't huli mong mamahalin...

Miguel: First love never dies, tol.

Mark:
...


Nagyosi si Dranreb…at kapag binubuga niya yung usok ng yosi niya, nagpo-form ng bilog yung binubugang usok ni Dranreb…nakakamang-hAMAZING!


Lahat: Wow, ang galing mo naman, Dranreb…isa pa nga..isa pa nga…!


At ang uto-utong si Dranreb, inulit ang pag-form ng bilog sa binubuga niyang usok sa yosi nya…palakpakan naman kami…


Mark: O sige nga kung talagang magaling ka, heart naman ang i-form mo sa usok…ü


Napakamot na lang ng ulo si Dranreb…


At dahil sa kalasingan, hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari…Malamang pinagtripan ako ng mga loko kong blockmates. Nang nahimasmasan na ako…nasa bus na ako papuntang QC…ü


***

Pagkauwi ko ng bahay namin sa QC, tulog agad ako sa kwarto ko…matagal-tagal din siguro akong nakatulog… nagising lang ako sa ingay ng…

Mga Batang Nangangaroling: Sa may bahay ang aming bati. Merry Christmas na maluwalha----

Mark: PATAWAD!!!!!!!!!!!!!!!!


TO BE CONTINUED...

Next Episode: Episode 27: UP Centennial Kick-off




No comments:

Post a Comment