{Now Playing: Miss Kita Tuwing Christmas}
♫ Ang Disyembre ko ay malungkot…pagkat miss kita tuwing Christmas… ♫
New Year: Nagpunta kaming magpapamilya sa Fort Bonifacio, Taguig para manood ng Fireworks Display…
{Now Playing: Auld Lang Syne}
♫ Should old acquaintance be forgot and never brought to mind? Should old acquaintance be forgot and days of auld lang syne? ♫
Mark: Haaayyy...kaya ayoko ng mga eksenang fireworks eh…naaalala ko lang yung nangyari sa amin ni Lorraine eh…! Should old acquaintance be forgot…siguro nga kelangan ko na nga yatang kalimutan si Lorraine…
Back to school na…sabik ang lahat sa pakikipagkuwentuhan ng kanilang mga karanasan nung nakaraang Christmas break…
Sina Chinee, Crizka at ang iba pang madadaldal sa block, umaalingawngaw ang mga boses sa buong classroom habang nagkwekwentuhan. Siguradong nakapag-recharged na sila ng kanilang mga bibig sa tagal ba naman ng bakasyon…
Pagkatapos makipagdaldalan ni Chinee ng halos isang oras…
Chinee: Alam niyo guys, ang New Year’s Resolution ko ngayong 2008 ‘eh hindi na ko magiging madaldal…ü
Miguel: Ako…ang New Year’s Resolution ko naman…hindi na ako iinom, kakain ng mga matatabang pagkain at mage-exercise para pumayat…
Dranreb: Migz, halika…inuman ulit tayo mamaya sa Wetwo Baw (Retro Bar).
Miguel: Sige…game ako dyan…
Destiny: Oh…akala ko ba hindi ka na iinum ngayong year?
Miguel: Bakit? May next year pa naman eh…ü
Rose Ann: Oh ikaw, Gwyneth, anong New Year’s Resolution ninyong mga Chinese?
Gwyneth: Ha? E…wala pa…
Rose Ann: Ha? Wala pa kayong New Year’s Resolution? Bakit naman?
Gwyneth: Eh sa February pa naman New Year naming mga Chinese eh…ü
***
January 8, 2008: UP Centennial Kick-off sa UP Diliman… nasa bahay namin ako sa QC…kaya naispan kong i-text si Michael, ang besfriend kong nag-aaral sa UP Diliman…
Mark: {besfren, nasa up dil kb ngaun?}
Michael: {oo..nnd2 ako. Ikw b nsan? Punta kb d2 s kickoff? ü}
Mark: {d2 ako s bhay nmin. kita tau s quezon hall, pu2nta ako for d kickoff..ü}
Michael: {ok. Bilisan mo ah! ü}
Mark: {k.tnx.bye.}
Nagbihis na ako at nag-bus papuntang UP Diliman…at nagkita kami ni Michael sa Quezon Hall, UP Diliman…
Michael: Oh…antagal mo…
Mark: Sensya na…ang traffic kaya sa Univ. Avenue…sinara pa yung ibang daan…
Michael: Ganun ba? Sige…kain muna tayo…marami namang food stalls dyan…
At habang kumakain na kami…
Mark: Mike, ba't lahat kayong Eng'g students naka-orange?
Michael: Sponsor ng Meralco itong t-shirt namin 'eh. May liwanag ang buhay...
Mark: Buti pa kayo, may liwanag ang buhay. Ako... love life ko.. pundido na...
Michael: Oh bakit? Kumusta pa ang love life mo, Makmak?
Mark: Wala tol. Malamig pa sa North Pole ang nagdaang Pasko at Bagong taon ko.
Michael: Ikaw kasi eh…wala ka namang napala kay Lorinda ba yun?
Mark: Lorraine, hindi Lorinda… Ginawa mo namang tunog-soft drinks yung pangalan.
Michael: Pareho lang yun…anupaman pangalan niya wala ka namang napala… Nga pala…ba’t di mo kasama yung mga Cabalen friends mo?
Mark: Nasa Pampanga pa yung mga yun. Sa parade mamaya na lang ako sasama sa kanila…
Nagpunta kami ulit ng Quezon Hall para sa parade…nagparada ang iba’t-ibang campus ng UP na may bonggang-bonggang mga float…
Emcee: Now, please welcome…UP Pampanga…
UPEPP Pipz: UP Pampanga…Keni na ka! (sabay wave ng flaglets na hawak nila)
Malamang ngiti abot hanggang tenga si Ma’am Alcantara niyan…mantra ba naman niya sa radio station niya ang yell namin...ü
Michael: Yes naman, Mark…OK sa olrayt yung yell ng mga Cabalen mo ah! Hanep sa choreography ah!
At nakita ko yung schoolmates kong nakasuot ng mga puting MEGA-OVERSIZED UP Centennial shirts na mukhang daster sa sobrang laki…
Nang makita ko yung mga ka-block ko sa parade, nagpaalam na ako kina Almira at sumama sa parade…
Mark: Oh, ba’t lahat kayo naka-centennial shirt! Anlalaki naman ng shirt niyo…mukha ng daster…
Chinee: Sige…mang-asar ka pa!
At hinanap ko si Lorraine…at nang makita ko siya…nakita kong nakatingin siya sa akin… Umiwas lang siya ng tingin nang mapatingin ako sa kanya…
Mark: Great Scott! Nahuli ako ni Lorraine na nakatingin sa kanya…nakaka-shy naman…pero teka…dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya…ibig sabihin…nakatingin din siya sa akin…hmmm…ayee…ü
At mula sa itaas, may mga skyjumpers mula sa helicopters ang naghahagis ng confetti…siyempre tuwa naman kami…pero ang kasiyahang iyon ay naputol nang biglang may isang skyjumper na lumagapak at humangin ng malakas dahil napababa ng lipad yung helicopter at tumama sa isang puno…
Efren: Aray!!!!!
Napatingin ang lahat kay Efren…natamaan pala siya ng sanga ng puno na nahulog mula sa punong natamaan ng helicopter…Buti nga sa kanya…pero ok lang naman siya…sayang! Ehehe…
Dingdong: Hay naku…dinelubyo lang tayo dito ng pesteng tutubing bakal na yun …
At nagsimula na ang 100-torch lighting ceremony…pinakilala ng emcee yung mga torch bearers…
Emcee: Our no. 1 torch bearer…the 100 year-old alumnus of UP…Mr. Fernando Javier...
Destiny: Hindi nga? 100 years old na siya?
At nang ipakilala na ang 100 torch bearers, naglakad na sila hawak-hawak ang kanya-kanyang torch…
Chinee: Ka-takot naman yung mga torch bearers…para silang mga galit na taumbayan na susugurin at susunugin ang town witch…ü
Mark: E di ikaw pala ang susugurin at susunugin nila? ü
Asar talo na naman si Chinee sa akin…ü
At habang naghihintay kami para muling makarating ang mga torch bearers sa Quezon Hall… mga ONE HUNDRED bazillion times ding pinatugtog ang UP Centennial Song sung by the mysteriously anonymous “UP Centennial Band.”
At maraming nag-comment sa lyrics ng kanta ng centennial song…
Anonymous UP Centennial Band: ♫ Narito kami nagpupugay…sa yooooo-nibersidad ng aming buhay… ♫
Rose Ann: Haayy.. sa dinami-dami ng mga magagaling na bandang alumni ng UP…bakit ganitrez ang centennial song at mukhang kinapos sa lyrics! Buamanat pa ng “Yoooo-nibersidad...” Tama ba naman yun?
Anonymous UP Centennial Band: ♫ Sandaang taon na tayo...lagi ka pa rin sa aming puso…kaya’t kami’y sumasaludo…UP…ANG GALING MO! UP…ANG GALING MO! ♫
Dingdong: Ano ba yang centennial song natin…parang katunog nung jingle ng Love Radio… “Love Radio…isigaw mo pare!” UP…Ang galing mo nga!
Naku…sa mga hindi nakakaalam ng UP Centennial Song…imagine-nin niyo yung jingle ng Love Radio…ka-level nun yung centennial song…
“Kadyot lang…kadyot lang…Ate…ba’t pinakikinggan mo yung UP Centennial Song?”
“Isipin mo na lang…LOVE RADIO YAN!........waaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!”
At after 100 years it seems..nakarating na rin sa wakas ang torch bearers…
Fiona: Hay naku… one hundred years din ang inabot ng torchbearers bago makabalik dito sa Quezon Hall. Kasi ba naman…gawing #1 torch bearer ang kaawa-awang 100-year old alumnus.
At nang sinindihan na ng mga torch bearers ang golden centennial cauldron…palakpakan na kami…at nag-speech si Mrs. Roman, ang president ng UP SYSTEM…
Mrs. Roman: Good evening to all…tonight…we are gathered here to celebrate the…
Mga UP Pipz: BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
OO…sangkaterbang “boooooo” ang umalingawngaw mula sa mga “tibak” o aktibista sa UP habang nagi-speech si Roman. Paano ba naman siyang hindi mabo-boooo eh ipinatupad niya ang ToFI sa aming mga kaawa-awang freshies. Marami tuloy ang mga mahihirap ang di na tumuloy sa UP sa taas ng tuition…
Naku talaga, hindi ka ba mapapa-boo kay Roman ngayong tinaasan niya ang tuition fee namin. Mapapa-boo ka talaga! BOOOOOOOOOOOOO ROMAN!!!!!!!!
Pagkatapos ng "walang kwentang" speech ni Roman, nag-announce ang emcee na magkakaroon ng concert ang UP Madrigal Singers atbp sa open field ng Quezon Hall.
Destiny: Hala…Mark, Dranreb...nasaan na sina Chinee? Nahiwalay tayo sa kanila…
Mark: Hala…sandali text ko lang…
Nang itetext ko na sina Chinee…hindi ma-send yung message ko…Mga one hundred times ko rin siyang sinubukang isend pero ayaw talaga…
Dranreb: Hindi ka rin maka-send, Mawk?
Mark: Oo eh…
Destiny: Nakakayamorotskotskots naman ‘tong Globe Telecom ah! Tinanggal na nga nila ang Unlitext tapos ngayon ang hirap naman mag-send!
At dahil dun, nagkapaan na lang kami sa dilim para maghanapan. Oo…maraming nagkapaan sa dilim dahil hirap ngang makag-send ang Globe…pfffftttttt!
Nagkaroon din ng live broadcast ang 24 Oras ng GMA sa UP. Malamang nakita niyo ko sa TV nun…inakala niyo lang na si Richard Guttierez ako…ü
Nang magkitaan na kaming lahat ay nagsimula na rin yung concert ng UP Madrigal Singers…
UP Madrigal Singers: ♫ Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok hindi matatapos itong gulo… ♫ (hindi Bamboo version yan ah… opera version yan…ü)
Fiona: Kakakagutom naman yung mga kanta ng UP Madrigal Singers…
Kaya naghanap kami ni Fiona ng makakainan…at habang pabalik na kami sa Quezon Hall pagkabili naming ng food…may nakita kaming reporter na nadapa… OO…REPORTER NA NADAPA MISMO SA HARAP NAMIN NI FIONA!
Hindi namin alam ni Fiona kung mai-starstruck kami o matatawa sa nangyari sa reporter na yun…pero bilib din ako kay Fiona ah…nakapag-papicture pa siya sa nadapang reporter na ito…
CLUE: “Kapuso Mo” ang reporter na ito…Get it? Get it?!
Pagkabalik ng Quezon Hall ni Fiona, nakinig kami ulit sa “lullaby” ng UP Madrigal Singers. Siguro kung naririnig mo lang yung mga kanta ng UP Madrigal nun…wala kang magagawa kundi antukin o makapag-moment ng mga bagay-bagay…ü
Nabubuhayan lang ang audience tuwing may intermission ng UP Pep Squad…at nung kumanta at nag-piano na si Ryan Cayabyab…astig siya! Idol!
At nagtapos ang kick-off sa bonggang-bonggang fireworks. Astig yung fireworks…nagpo-form ng iba’t-ibang shapes…kulang na lang mag-form ito ng words na: UP @ 100! Ü
Pagkatapos ng fireworks…HINIKA ang buong sambayan dahil sa usok na dulot nito…ü
And in the midst ng mga ubo ng mga tao dahil sa usok, nakita kong magka-hawak ng kamay sina Lorraine at Efren…
At parang nagkaroon din ng pagsabog ang puso ko sa nakitang iyon…
TO BE CONTINUED…
P.S.
SAGUTAN: Sino yung reporter na nakita namin ni Fiona na nadapa? Malamang pag nalaman mo na kung sino siya ay tiyak matatawa kayo pag na-imagine niyo kung pano siya nadapa…
CLUE: “Kapuso Mo” ang reporter na ito…ü
Next Episode: Episode 28: Mistaken Post
Jessica Soho ba yan?
ReplyDelete