Saturday, October 18, 2008

Episode 28: Mistaken Post

Back to school na naman sa UPEPP…siyempre kuwentuhan to the max ang lahat about sa UP Centennial kick-off..


Miguel: Badtrip…di ko man lang napanood yung centennial kick-off…

Destiny: Oh, Miguel…ba’t di ka nagpunta noong kick-off?

Miguel: E…tinamad ako pumunta kasi…tsaka may lakad din ata ako nun…ano ba nangyari dun? Maganda ba?

Destiny: Oo… ang ganda sobra! Lalo na yung sky jumpers! Woooh! As in to the highest level! May lumagapak na isa! Ahahaha!

Miguel: Takte! Nang-iinggit ah!

Dranreb: Asteg din yung centennial song! Medyo katunog nga lang ng Love Wadio (Radio) pero hataw sa hiwit (hirit) kung bumiwit (bumirit)! Wock en Woll men! (Rock en Roll men!)

Chinee: You know what, guyz, kilig to death ako kasi ang daming gwapo sa other UP campuses…

Fiona: Di nga masyadong halatang kinikilig ka..tagos na hanggang bilbil mo ang kakiligan mo dyan!

Miguel: Ampocha!

Rose Ann: Pero pinakabongga yung fireworks! Bonggang-bongga to the maximum level of levels sa kabonggahan!

Miguel: Sige…mang-inggit pa kayo…napaka-insensitive niyo blockmates…porket di lang ako nakapunta…huhuhu!

Lahat: SENTINYAL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Miguel: Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!


Uwian na…nasa waiting shed kami ng UPEPP para mag-abang ng jeep. Habang nag-aabang, may napansin kaming naka-post na “job openings” sa waiting shed.


Dranreb: Uyy…job openings…makahanap nga ng trabaho nang magkapera naman ako…


At binasa namin yung naka-post:



STAFF NEEDED:

ELSOL RECREATION CENTER, INC. with offices in Korea and in the Philippines has job opening for the following positions:

• ACCOUNTING CLERK
• ARCHITECTURAL/ENGINEERING PLANNER
• MARKETING & DEVELOPMENTAL STAFF
• PURCHASING DEPARTMENT STAFF
• SECRETARY
• DRIVER
• WEB DESIGNER

QUALIFICATIONS: Male/Female between 18-25 years of age
• MUST BE Holy Angel or Angeles University Foundation graduate


* Ang Holy Angel University at Angeles University Foundation ay “OTHER” universities sa Angeles…


Mark: Ano? Holy Angel at AUF graduates lang tatanggapin nila?! UP ‘to eh ba’t dito sila nagpopost ng job openings!

Chinee: Naku, Mark, wag mo na patulan yang post na yan…we’re OVERQUALIFIED sa mga hinahanap nila…tignan mo nga yung hinahanap nila…DRIVER at CLERK? Naku…pang "OTHER" universities lang yan tulad ng Holy Angel at AUF nga lang ang mga position na yan! Di natin yan ka-level..Ahaha…

Fiona: Corrected by!

Corrine: Andami pang wrong grammar! Naku pag nakita lang ito ni Ma’am Alcantara siguradong duduguin ang post na ito sa dami ng mako-correct niya. Hay naku…ka-level talaga ng Holy Angel at AUF ang vocational schools! Haha!


Siyempre, bilang mga UP-ista…pinuno namin ng “vandal” yung post sa pamamagitan ng pagsusulat ng RUDE COMMENTS (particularly sa qualifications nilang Holy Angel at AUF lang ang required nila). Magpopost-post sila sa UP eh mga “OTHER” universities pala hanap nila…Insulto kaya yun...


Alam kong hindi lang kami ang susulat at magko-comment dun…maraming magrereact na mga taga-UP about sa post na iyon…


Nang makarating na kami sa Clark Main Gate…nagpaalam na sina Miguel, Dranreb, Fiona at Chinee.


Nagpunta naman kami sa SM Clark nina Destiny, Katie (yung partner ko sa Badminton nung first semester), Corrine (yung nag-ballet sa Mr. and Ms. UP at isang Psych 1B) , at sina Melissa at Barbie, mga boardmate ni Destiny na mga Business Economics students...kasama rin namin si Phey, kaklase nina Barbie at Melissa…


Mark: Nga pala…debut na ng ate ni Michael sa Sabado…wala pa kong nabibiling regalo para sa kanya…

Melissa: Oo nga eh…debut rin ng friend ko nung high school…bibili rin ako ng regalo…Faye samahan mo ako mamili ah…

Phey: Ok..ako din bibili ng tsinelas…Havaianas!

Destiny: Sige…kami rin nina Barbie at Corrine bibili ng gift…

Barbie: O sige, kita na lang tayo sa Giftwrapping Station…


Pagkatapos naming mamili ng mga regalo, nagkita-kita kami sa Giftwrapping Station para magpa-gift wrap…


Habang binabalot ng “giftwrapper boy” yung mga regalo namin…


Mark: Grabe…naalala ko pa rin yung naka-post na job opening sa waiting shed ng UPEPP…yung qualifications eh dapat graduate ka ng Holy Angel at AUF lang.

Katie: Oo nga…Eeeeewwwness talaga yung qualifications.

Destiny: Oo nga…masyado tayong OVERQUALIFIED… Tignan mo nga yung mga hinahanap nila: driver…clerk…

Phey: Naku, hindi ako nag-UP para lang maging clerk noh!

Melissa: Kawawa naman yung post dun…binaboy natin masyado…

Barbie: Dapat lang yun nuh! Magpo-post-post sila sa UP eh hindi naman UP students required nila… Dapat sa mga post na yun binababoy eh…

Corrine: Oo nga…tsaka Diyos ko…masyadong mababa yung level ng mga job openings nila for a UP student nuh! Nagseset na nga lang sila ng qualifications eh “OTHER” universities pa ang requirement nila…Yung job openings nila…pang-VOCATIONAL SCHOOL lang nababagay tulad ng Holy Angel at AUF…haha

Giftwrapper Boy: Uhm, excuse me, sir, ma’ams…tapos na po yung pinabalot niyo…


At habang binibigay ng giftwrapper boy yung mga pinabalot namin…


Giftwrapper Boy: By the way, guys, I can’t help but overheard your conversation a while ago… about dun sa panlalait niyo sa Holy Angel at AUF…

Corrine: Hindi po siya panlalait…ang mga sinabi namin ay ang mga masaklap na katotohanan tungkol sa Holy Angel at AUF…ü

Giftwrapper Boy: Ganun? Eh…san ba kayo nag-aaral?

Lahat Kami: Sa UP po… (may halong pagmamayabang yan siyempre…may pagmamayabang naman kasi talaga eh…ü )

Giftwrapper Boy: Ah ganun ba…ako kasi sa Holy Angel ako nag-aral eh…

Lahat Kami: *deads*

Natigilan kami at napatingin sa isa’t-isa…


Melissa: Ah…ganun po ba, kuya? Naku sige…bye po…


Madali naming kinuha yung mga pinabalot naming regalo sa giftwrapper boy at dali-daling umalis…


Giftwrapper Boy: Mga taga-UP talaga…sobrang mayayabang… don’t you know that what you are doing is a DISCRIMINATIONMENT!!!!


Mula nung araw na iyon…siguradong blacklisted na kami kay Kuya Giftwrapper boy…


Malamang nasaktan ang loob ni Kuya Giftwrapper Boy sa ginawa naming panlalait sa kanyang alma mater na Holy Angel...


Ngunit kailangan niyang tanggapin ang MAPAIT na KATOTOHANAN tungkol sa kanyang alma mater …at ang DISCRIMINATIONMENT… hahaha! ü


TO BE CONTINUED...


No comments:

Post a Comment