MARK: Grabe! 6% lang pala kaming nakapasa na “foreigner students” ngayon sa UPCAT. ü
GWYNETH: Foreigner your face! ü
MARK: Oo kaya…di mo ba alam na Chinese rin akong tulad mo?
GWYNETH: Sa LAKI ng mata mo CHINESE ka??!!!
MARK: Oo kaya… Gusto mo sample-an pa kita ng Chinese eh… “Ni hao ma!”
GWYNETH: Sige nga…ano ibig sabihin nun?
MARK: A….e….
GWYNETH: O, ano? Di mo alam nuh?
MARK: Alam ko yun nuh! Ang ibig sabihin ng “Ni hao ma!” ay…. “Nag-ihaw si Mama!” … Ni hao ma…. Nag-ihaw si Mama…ü… Di ba tama ako?
GWYNETH: Ay ewan ko sayo!
Lumabas na ang resulta ng 2nd long exam namin sa Math 11. As usual, bagsak ang karamihan sa amin…
FIONA: Naku, Chinee…ba’t naman bumabagsak ka sa Math 11? Dapat nga inspired ka kasi si Sir Sumido ang nagtuturo…ü
CHINEE: You know, Fiona…kaya ako nabobo sa Math 11 because it’s hard to be wise when you’re in love…ü
Psych 101 namin…as usual, dahil wala pa si Ma’am Manzano, daldalan to the max ang iba…
CORRINE: Hey guys, alam niyo ba…may nag-add sa akin sa Friendster taga- Zimbabwe…ü
DESTINY: Wala kayo....Sa akin naman, may nag-add sa akin sa Friendster na taga-moon! ü
Sabay at magkahawak-kamay pang pumasok sa classroom sina Lorraine at Efren. Magkatabi pa silang umupo at nag-uusap pagkatapos.
MARK: Nagkabalikan na nga kaya sila ni Efren? Napapansin ko kasi nowadays na nagiging sweet ulit sila sa isa’t-isa…Pero, hindi naman siguro…baka “friends” lang sila...pero…teka sandali…they’re having heart to heart talks, holding hands, leaning on shoulders, tight hugs, goodbye kisses, half-meant jokes, sweet compliments…tapos FRIENDS lang?!? Mark, huwag mo ngang niloloko yang sarili mo!!
Just then, pumasok si Dingdong at nilapitan niya ako…
DINGDONG: Uy, Mark, nakapag-research ka na ba sa Psychological and Biological Ecklavush Chorva Chorva na pina-paresearch ni Ma’am Manzano? Ngayon kaya reporting natin!
MARK: Ha? Ngayon ba reporting natin?
DINGDONG: Oo…tinext nga kita kahapon para ipaalala sa’yo…naku, wag mong sabihing di ka nakapagresearch…??
Tinignan ko yung cellphone ko…biglang nag-vibrate ito…
1 Message Received
Dingong d’ Corny: {mark, research ka na pra sa reporting ntn s psych 101 bukas ah! Ge..ngatz!}
MARK: E, sorry, Ding, delayed message mo..ngayon lang nakarating sa kin… dapat kasi nag-double send ka…ü
DINGDONG: So hindi ka nakapagresearch?
MARK: …
DINGDONG: Naman ‘tong si Mark eh! Pano tayo nyan ngayon sa Psych 101?
MARK: Ngitian mo na lang si Ma’am Manzano! Dalhin mo na lang sa iyong charms! Para saan pa at naging Mr. UP 2007 ka? ü
At pumasok na si Ma’am Manzano…
MA’AM MANZANO: Good afternoon class. Who are the reporters for this meeting?
Tumayo kami ni Dingdong…
MA’AM MANZANO: Ok, do start reporting now.
DINGDONG: Ah, ma’am…we are sorry but Mark and I are not yet ready to report for today…
MA’AM MANZANO: Why?
MARK: Ma’am, it’s my fault. I forgot that today is our reporting, and unfortunately I didn’t have researches for our report…
Namumula na ako nang husto…pinagtitinginan na ako ng buong klase kaya iniisip ko na lang na kaya sila nakatingin ay dahil gwapo ako kahit hindi iyon ang tunay na dahilan…ü
MIGUEL: Yes…wala silang report! Pacheeseburger ka na lang! Burger! Burger! Burger! Ü
Buti naman at understanding si Ma’am Manzano. Kaya bilang alternative, nagpa-activity na lang si Ma’am…pero nakakaguilty iyon on our part…
Nang matapos ang klase, nilapitan ako ni Felix…
FELIX: Oh, Mark, napapano ka na? Dahil ba sa love kaya ka nagkakaganyan? Napapabayaan mo na pag-aaral mo ata ah!
MARK: Ewan ko, FexFex. Siguro nga dahil sa love kaya ako nagkakaganito.
FELIX: Bakit? Affected ka ba sa pagbabalikan nina Lorraine at Efren?
MARK: Ha?! Balikan?! Nagkabalikan na sila?!
FELIX: Oo…bakit…hindi mo pa ba alam?!
MARK: Confirm! Sinasabi ko na nga ba at tama ang hinala ko…nagkabalikan na nga sila…
Nagpunta ako sa UPEPP Library para mag-research para sa reporting namin ni Dingdong sa Psych 101…
Ang librong binabasa ko ay may pamagat na “Introduction to Psychology” at ang author ay sina “Atkinson at Hilgard.”
MARK: Arrghh! Grabe naman ‘tong book na ito! Introduction to Psychology ba’to eh pagkakapal-kapal na! Intro LANG ba talaga ‘to?! Susme!
***********
Research in psychology is conducted in broad accord with the standards of the scientific method, encompassing both qualitative, ethological and quantitative statistical modalities to generate and evaluate explanatory hypotheses with regard to psychological phenomena. Where research ethics and the state of development in a given research domain permits, investigation may be pursued by experimental protocols. Psychology tends to be eclectic, drawing on scientific knowledge from other fields to help explain and understand psychological phenomena. Qualitative psychological research utilizes a broad spectrum of …
************
MARK: Ha? Ano raw!? Mga buseet naman ‘tong sina Atkinson at Hilgard! Parang mga lasing kausap! Hindi ko maintindihan yun mga pinagsasasabi nila!
Sabi ko nga noon, hindi ko naman pinangarap na mag-Psych kaya siguro hindi ko ma-gets sina Atkinson.
At dahil di kami magkaintindihan nina Atkinson at Hilgard, napatulala na lang ako… at naalala ko ang sinabi ni Felix kanina…
FELIX: Bakit? Affected ka bas a pagbabalikan nina Lorraine at Efren?
JENNA: Hoy, Mark! Mark!!!
MARK: Uy, Jenna, ikaw pala…
JENNA: Ba’t ang layo ng tingin mo kanina? Alam mo, sa layo ng tingin mo kanina natanaw mo na yata ang Great Wall of China…ü
MARK: Hindi naman, hanggang Banaue Rice Terraces pa lang natanaw ko! Inistorbo mo kasi ako eh…ü
JENNA: Hehe…O, ano ba yang binabasa mo?
MARK: Nagbabasa ako for Psych 101 report namin.
JENNA: Buti nga pinagbigyan pa kayo ni Ma’am ng chance na makapag-report sa next day.
MARK: Oo nga eh…O ikaw, ano yang mga hawak mong papel?
JENNA: Application forms for transfer sa UP Diliman.
Halos lahat ng freshmen dito sa UPEPP na pinangarap na makalipat ng UP Diliman. Isa na ako roon. At si Jenna na rin...
Pero madalas kaming i-discourage ni Kong Ed (information holder ng UPEPP) at ng mga upperclass na mahirap makalipat kung panget ang grades mo. Well, I can prove them wrong.
MARK: Bakit? Plano mong lumipat ng UP Diliman?
JENNA: Oo eh…para makalimutan ko na ang luha, pasakit at pighati na dinulot sa akin nitong UPEPP…
MARK: Si Efren ba ang tinutukoy mo?
JENNA: Oo… *sabay tango siya*
MARK: Talaga ngang mahal mo siya nuh?
JENNA: Oo,…sobra… E, ikaw ba? Si Lorraine ba mahal mo pa ba?
MARK: Para na rin akong nagpaka-plastik sa sarili ko kung sasabihin kong “hindi.”
Saglit kaming natahimik ni Jenna. At napansin namin sa dulo ng library ang isang babae na nagbabasa ng Bible…mukhang member siya ng CCC or BREAD, mga religious org sa UPEPP.
JENNA: Alam mo, Mark, sa lahat ng parables na nabasa ko sa Bible, isa roon ang talagang nag-captivate at umantig sa akin.
MARK: Anong parable iyon?
JENNA: Alam mo yung kwento ni King Solomon at ng dalawang ina na nag-aagawan sa isang sanggol?
MARK: Oo…nabasa ko rin yun dati.
JENNA: Di ba, may dalawang ina na nag-aagawan sa isang sanggol. Kaya para matukoy ni King Solomon ang tunay na ina ng bata, pinagpasiyahan niyang hatiin ang sanggol. Kaya sinabi na lang ng tunay na ina ng sanggol kay King Solomon na ibigay na lang yung bata sa nagpapanggap na ina para lang hindi hatiin ang pinakamamahal niyang anak.
Taimtim naman akong nakikinig kay Jenna…
JENNA: Dahil sa sobrang pagmamahal ng tunay na ina sa anak niya dun sa kwento ay nagawa niyang i-let go yung anak niya mailigtas lamang ito sa kamatayan. Ganun nga siguro pag sobra mong mahal ang isang tao...pag nagmamahal ka, kailangan mong magparaya kung nararapat…kailangan mong mag-let go tulad nung nanay dun sa kwento.
MARK: Ibig sabihin…nile-let go mo na si Efren?
JENNA: Sinusubukan ko siyang i-let go; kahit mahirap…kahit masakit. Ayun kasi ang sa tingin kong nararapat ‘eh. Kaya nga sinusubukan kong lumipat ng UP Diliman…baka sakaling mapadali ang paglimot ko sa kanya.
Bigla na lang, may nagsalita mula sa pagitan ng bookshelves na nasa likod naming ni Jenna…
EFREN: Uy, Lorraine, nandyan ka lang pala…kanina pa kita hinahanap. Ano bang ginagawa mo ryan?
Napatingin kami ni Jenna kay Lorraine…
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 30: Valentines’ Day
No comments:
Post a Comment