LORRAINE: Ah…naghahanap ako ng books para sa reporting namin sa Psych 101 sa next meeting. Siyempre, gusto ko prepared kami ng partner ko…di tulad ng isang pair kanina, di ba?
MARK: Aba, nagawa pang magparinig ha…
At umalis na sina Lorraine at Efren. Sinundan ni Jenna ng tingin si Efren…
MARK: Teka..teka…nakikinig kaya sa amin ni Jenna si Lorraine kanina kaya siya nasa shelves?...Hmmmm… Sana oo…ü
Naisipan naming kumain sa Flinstones, ang tambayan slash canteen sa UPEPP…Binabasa ni Dranreb ang bill nila sa tubig…
DRANREB: Gwabe naman sa mahal ng bill namin sa tubig! Ang mahal ng bill namin eh wala naman kaming swimming pool! Hindi na kasya sweldo ko ngayong buwan.
MIGUEL: Alam mo, Dranreb, bilib ako sa’yo ah. Nagagawa mong i-budget ang oras mo sa pag-aaral at trabaho, at siyempre…sa pag-toma…ü
DRANREB: Medyo mahiwap din maging wowking (working) student… Panganay kasi ako sa pamilya kaya kailangang tumulong sa bahay.
CHINEE: Mahirap bang magturo ng English sa mga Koreano?
DRANREB: Ok lang naman. Yung mga estudyante ko madali namang maka-catch up sa mga tinutuwo (tinuturo) ko sa kanila.
Trend na job kasi sa Clark ang magturo ng English sa mga Koreano. Pero di ko ma-imagine kung paano kaya binibigkas ng Korean students ni Dranreb ang mga salitang: “Korean”, “reason”, “porter” at ang kalunus-lunos na salitang “repertoire.” Peace! ü
MARK: Galing mo siguro magturo kaya madaling maka-catch up yung mga estudyante mo…
Pagkatapos ng klase, naisipan kong pumunta ng SM Clark. As usual, puno ng mga Amerikano at Koreano ang SM. At may naka-display na mga “hot air balloon” dahil “Hot Air Balloon” week ngayon sa Clarkfield kung saan mula sa iba’t-ibang bansa ang lalahok sa “Hot Air Balloon Flying Contest.”
At habang nakatingala ako sa mga hot air balloon na display, di sinasadyang makasalubong ko ang mga ka-block kong sina Destiny at Katie, at ang boardmates nilang sina Melissa at Barbie (see Episode 28).
DESTINY: Hoy, Mark, nililipad na yata ng hot air balloon yang isip mo at di mo kami napansin…
MARK: Sensya naman. Dami kasing hot air balloon. Nakakamanghamazing lang…ü
KATIE: Tara guys, kain tayo sa Jollibee. Tom-guts na ‘ko eh…
MELISSA: Yehey…manlilibre si Katie!
KATIE: Ay busog na nga pala ako… kakakain ko lang pala…ü
At naisipan nga naming kumain sa Jollibee. Papasok na kami sa Jollibee nang makita namin ang nakapaskil sa glass wall nila…
****************
BEE PART OF OUR TEAM!!
If you’re…
• dynamic
• high-spirited individual
• willing to work within shifting hours
• a person that can work even under pressure.
Requirements:
• Male and Female, 17-25 years old
• Must be a college student or college graduate
• Must have a good academic standing.
INQUIRE INSIDE FOR MORE DETAILS!
********************
MARK: Dynamic! What a hemorrhage!
BARBIE: High-spirited?! Naka-high ba sa drugs ang hanap nila?!
KATIE: Naku, andami pang satsat. Kumain na nga tayo. I’m so hungry na.
MELISSA: Teka… try kaya nating mag-apply dito?...
DESTINY: Teka…check niyo muna at baka Holy Angel at AUF lang ang kinukuha nila ah…ü
Sa kabutihang palad…pwede naman kaming mga taga-UP mag-apply…
Kaya pagkatapos kumain, nag-inquire kami sa counter at may pinasagutan na application form sa amin.
************
NAME: Mark Lhuillier
NICKNAME: Marky…
************
MARK: ‘Lang-hiyang nickname ‘yan…mas mahaba pa nickname ko kesa sa pangalan ko ah! Ü
************
QUESTION:
Who are the person who influenced you on who you are right now?
ANSWER: __________________________________________
************
MARK: Hay naku…ito na naman tayo sa mga pang-beauty queen na tanong eh! Hay…sagutin ko rin kaya ito ng pang-beauty queen na sagot…hehehe!
************
QUESTION:
Who are the person who influenced you on who you are right now?
MY ANSWER: My family IS the MOST IMPORTANT PERSONS in my life. Thank you!! ü
************
Kaya, after few days…
MARK: Good afternoon, Ma’am Sir, welcome po sa Jollibee.
BARBIE: Ano po order nila?
CUSTOMER: Metung a French fries…
DESTINY: Here’s your meal, Sir. Sorry to keep you waiting.
MELISSA: Thank you, Ma’am, Sir. Please come again…ü
KATIE: Balik po sila…
VALENTINES DAY na… medyo marami-rami ring tao sa Jollibee. Siyempre, majority ang lovers na nagde-date…
BACKGROUND MUSIC: ♫ Ilang taon na rin napamahal sa’yo…langhap-sarap ay knagat, sinapuso… Malayo man ang narating… MAHAL TAYO NI JOLLIBEE! ♫
MARK: Buti pa si Jollibee…mahal ako…pero si Lorraine…huhuhu…
Siyempre emo mode kaming mga single ngayong Valentine’s Day.
MARK: Lord…let this day pass quickly! Please , Lord… T_T
DESTINY: Naku, wala ka lang gf kaya ka ganyan… Ang saya kaya ng araw na ito. Sana nga hindi na matapos itong Valentines…dadalaw pa naman ngayon bf ko…
KATIE: Yung mahal ko naman…tumawag sa kin kanina just to say “I Love You” and “Happy Heart’s Day!” He’ s so sweet!
MARK: Naku… “mahal ko,” “bhe,” “honey,” “asawa ko,” “bhie ko,” “luv ko,”… kahit ano pa tawagan niyo…pare-pareho rin yan…magbebreak din kayo! Hahaha!
KATIE: Heh! Inggit ka lang!
Habang naglilinis ako ng table, di ko napansin na ang customers sa tabi ng table na nililinis ko ay sina Lorraine at Efren at may seryoso silang pinag-uusapan. Hindi nila ako napansin at nakilala kaya tuloy sila sa pag-uusap…
EFREN: Lorraine, is there anything wrong? Parang these past few days…napapansin kong…parang may “mali” sa iyo…
Tulala lang si Lorraine…parang hindi niya narinig yung sinabi ni Efren. Samantalang ako ay tuloy lang sa pagpupunas ng table kahit alam kong malinis na ito…
EFREN: Lorraine, nakikinig ka ba?
LORRAINE: Huh? Oo bakit? May sinasabi ka ba?
EFREN: Ayan ka na naman eh! Tulala! Lorraine, kung may problema ka sa akin…sabihin mo naman! Hindi yung tutulala ka lang at tapos eh---
LORRAINE: Efren, I think I could not go on with our relationship now…
Nabigla si Efren sa sinabi ni Lorraine…
EFREN: Lorraine…anong sinabi mo? Pakiulit?
LORRAINE: Efren, sa tingin ko…mas kaya kang mahalin ni Jenna. You deserve her love, and she deserves to be loved by you.
EFREN: No! That can’t be! Jenna is JUST my bestfriend!
LORRAINE: Pero mahal ka niya! Mahal na mahal! Narinig ko habang nag-uusap sila ni Mark sa library…sinabi niyang…mahal ka niya… Tsaka di ba, nung una tayong nag-break…tinangka mo rin siyang ligawan?
EFREN: Pero yun ay para lamang maging panakip-buta---
Ngunit di na natuloy pa ni Efren ang sasabihin niya…
EFREN: Tutol pa ba ang mga magulang mo sa akin kaya ka nakikipag-break ulit? Ipaglalaban na kita this time!
LORRAINE: Efren, hindi mga magulang ko ang dahilan…
EFREN: Si Mark? Si Mark ba ang dahilan mo ngayon? Bakit? Mahal mo pa rin ba siya?
LORRAINE: Efren…please stop it!
At hindi sinasadya, nahulog ko yung mga baso at mga platong nililigpit ko sa tray… Sa sobrang ingay, napatingin ang ibang tao sa akin…lalo na sina Lorraine at Efren…
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 31: The Wedding
No comments:
Post a Comment