Pagkatapos ng Tree Planting Activity, sumakay na kami sa assigned jeep namin. Di pa man kami nakakaalis sa vicinity ng Ipo Dam ay nasiraan ang jeep na sinasakyan nina Lorraine.
Kinalat sila sa iba’t-ibang jeep at di-inaasahang naging ka-jeep namin sina Lorraine at Efren… Di ko sila tinignan o binati habang pasakay sila ng jeep namin.
At umandar na ang jeep namin. Habang bumibyahe pabalik, nakita namin ni Jenna na sweet na sweet sina Lorraine at Efren sa isa’t-isa. At natutulog pa si Lorraine sa balikat ni Efren…
Jenna: Syet, ang sakit talaga ng pilay ko! Syet!
Pero alam kong hindi pilay ang tinutukoy ni Jenna na masakit sa kanya kundi ang kanyang puso…
... BACK TO PRESENT…
Dumapa ako sa kama ko…at di ko namamalayan ang unti-unting pagpatak ng luha ko…habang ume-echo sa isip ko ang mga sinabi ni Jenna sa akin…
Jenna: Mark…may nasabi sa akin si Efren kanina…sila na raw ni Lorraine… nung first week pa raw sila ng October…
Simula na ng Sem Break…
{Now Playing: Sem Break by Eraserheads}
Eraserheads: ♫ Dear Kim, kumusta na’ng bakasyon mo? Eto pa rin…nababato. Bad trip talaga ‘tong Meralco, bakit brownout pa rin dito. Walang silbi sa bahay kundi bumabad sa telepono o kaya’y kasama ang buong barkada nakatambay sa may kanto… Naaalala kita (sembreak!) Naaalala kita (sembreak!) Naaalala kita (sembreak!) ♫
Wala akong magawa sa bahay ngayong Sem Break. Kaya naisipan kong patulan basahin ang isang librong natutulog lang sa book shelf namin: ang librong The Little Prince.
Ini-scan ko ang mga pahina ng librong ito at nakita ko sa first page ang drawing na mukhang sombrero pero according kay kumpareng Antoine de Saint-Exupéry na author ng libro, lahat daw ng mga bata na makakakita sa drawing na iyon ay mare-recognize agad iyon na “boa constrictor (sawa) na may elepante sa loob nun”…
Ang drawing na yun ay ito:
Mark: Naka-marijuana ata ‘tong si kumapareng de Saint-Exupéry eh! Kahit ako pag bata pa ako, iisipin ko agad na sombrero ‘tong drawing na ito!
At sa buong maghapon, sinamahan ko ang “little prince” sa kanyang paglalakbay sa iba’t-ibang planeta.
At sa pagbabasa ko ng The Little Prince, nalulungkot ako kapag nababanggit ang salitang “LOVE” sa book…
Mark: Pati ba naman sa librong ito eh maaalala ko si Lorraine… T_T
Pero liban sa painful at romantic na mga eksena sa pagitan ng little prince, ng fox, at ng rose, na nagpapaalala sa akin kay Lorraine, maganda at interesante namang basahin yung book.
Sumunod na araw, naisipan kong pumunta kina Michael, my bestfriend. Magkapitbahay lang kami nina Michael…Nang nasa kanila na ako, nag-iinternet si Michael…
Mark: Naks naman! Broadband na sila… Ano yung broadband niyo?
Michael: PLDT My DSL… bakit?
Mark: Ganun? Sabi sa akin ng isa kong ka-block sa UPEPP mabagal daw yun eh… Di ba ayun yung ini-endorse ni Dino Imperial na broadband?
Michael: Eh, Ate ko gusto nito eh. Ok lang daw kahit mabagal itong DSL…gwapo naman daw kasi si Dino Imperial eh… Ate ko talaga..
Mark: Koneksiyon naman nun?
At nagpatugtog si Michael sa computer niya ng Crazy Love by Kim Chiu…
Kim Chiu: ♫ I hate the way you walk, hate the way you talk, hate the way you look at me. I hate the way you smile, hate those big brown eyes ‘cause I know they're not for me… ♫
Mark: Waaaahhh!!!! Ayoko ng kantang yan… Palitan mo! Palitan mo!
Michael: Ayoko nga…gusto ko niyan… Heartbroken ka lang kaya ayaw mo nyan!
Mark: Waaahh!! Ayoko nyan… ♫ ‘Cause we can never be more than friends. And it hurts me every time I close my eyes all I see is you…’ ♫
Michael: Ayaw raw ng kanta pero mas feel na feel mo pa kay Kim Chiu yung pagkanta dyan…
Mark: ♫ And this crazy love…Crazy love…Oh this crazy love…Crazy love…ü ♫
Matapos nun ay nanood kami ng mga Koreanovela/Korean Movies DVDs na pinahiram ng friend namin nung high school…
At pinilit naming intindihin ang napakalinaw niyang subtitle sa abot ng aming makakaya. Narito ang ilan sa mga pamatay na mga subtitle…
Subtitle #1: I can’t memory it! I can’t memory it!
Subtitle #2: Benefit you there you are already.
Subtitle #3: How’s your my friend?
Subtitle #4: I’ve watched your message!
Subtitle #5: You is criminal! You knows it!
Subtitle #6: I told you not to go to, but you go to!
Michael: Syet! Nawindang ako sa mga yun ah! ü
Mark: Danang mga subtitle yan! Nakakabobo ng English! ü
Kasabay din ng Sem Break ay ang SK/Baranggay Elections. Patalbugan sa “catchphrase” ang bawat kandidato sa kanilang posters:
BOYET DILIMAN for Baranggay Chairman!
Ang LIWANAG ng SANG-KABARANGGAYAN
Mark: Ang labo ng kandidato na ‘to ah! Liwanag daw siya ng sang-kabaranggayan eh mukhang sa pangalan pa lang niya eh nadidiliman na ko…At bakit siya ang liwanag ng sambayanan? Lineman ata siya ng Meralco eh...ü
MARCELO BUBUROL for Baranggay Kagawad!
GAWA hindi NGAWA
Mark: Ito naman, mukhang forever nang ibuburol ang magiging kaunlaran ng baranggay… ü
At sa paglalakad ko ay napatingin ako sa malaking tarpaulin naman ng kandidato sa SK Chairman. Nakatawag-pansin sa akin ang tarpaulin na yun at napatingin ako…
Mark: …
Mark: ???
Mark: !!!
Mark: Holly trolley! Are my eyes playing tricks on me?!
Akala ko nung una eh namamalik-mata lang ako sa nakita kong pangalan at picture ng kandidato sa tarpaulin… pero hindi ako maaaring magkamali, ang SK Chairman candidate na nasa tarpaulin ay walang iba kundi ang schoolmate at batchmate ko nung highschool na si Gerald Uytingco:
GERALD UYTINGCO for SK Chairman
Hindi pag-asa ng bayan. Hindi rin Makabayan. Wala ring plano sa bayan…Pero CRUSH NG BAYAN!
Gwapo nga naman si Gerald. Pero hindi naman sa paninira eh wala namang ginawa yan si Gerald sa school namin noon kundi magpa-pogi at pumorma. Di ko nga nakitaan yan ng political side side noon kaya nga nagulat ako nang makita ko ang tarpaulin niya at nalaman kong tatakbo pala siya for SK Chairman.
Siguro kaya tumakbo si Gerald for SK Chairman ay para maka-discount sa tuition fee niya sa school. May discount kasi sa tuition kapag SK Chairman o SK Kagawad ka…
Mark: Kaya nga hindi ako nagpa-register ngayong Baranggay elections eh! Mag-aaksaya lang ako ng oras, panahon at pagod sa pagpunta sa presinto para bumoto tapos wala naman akong mapapala sa mga pulitikong mananalo. Sila-sila rin lang naman ang makikinabang pag nanalo sila…
Alam kong alam ninyo kung ano ang ibig kong sabihin sa “Sila-sila rin lang naman ang makikinabang pag nanalo sila.” Totoo, maraming umasa sa pagbabagong sinasabi ng mga pulitiko nung nangangampanya pa sila. Pero anong nangyari sa mga umasang iyon sa mga pulitiko? Wala…nasira lang ang buhay nila sa kakaasa…
Bago magpasukan, naisipan ng mga kaklase ko nung fourth year na mag-reunion sa Enchanted Kingdom… Magkaklase kami nung fourth year ni Michael…
May discount kasi pag estudyante ka. Sem Break Promo ng EK yun. Siyempre labasan kami ng mga ID namin para ipakita sa cashier ng bilihan ng ticket sa EK. Sa lahat ng mga kaklase namin na nagpunta sa reunion, dalawang universities lang ang nag-standout: Ang UP at OTHERS… hehehe…
Troy (klasmeyt ko) : Sige na, kayo na mga taga-UP…
Katrina (klasmeyt ko din) : Ang yabang niyo…porket UP lang kayo…
Well, tulad nga ng sinabi ko sa Episode 7, mukhang hindi na namin magiging friends itong mga former classmates namin dahil sa kayabangan naming mga taga-UP…hehehe…
Pero tiklop naman ang kayabangan ko pag mga taga-UP Diliman na ang nagyabang…
Julius (klasmeyt kong taga-UPD) : UP Pampanga? Meron pala non?
Mark: Shut up!
Weng (isa ko pang klasmeyt from UPD) : Yuck! UP Diliman nga ang ID, UPEPP naman ang nakalagay sa College. Anong college mo…UPEPP?? Hahahahaha…
Mark: Ang yabang mo!
Michael: Nakikisabit pa sa UP Diliman… may nalalaman pang extension program-extension program…
Mark: Naman eh! Bestfriend ba talaga kita?!?
Pero alam kong binibiro lang ako ng mga kaklase kong taga-UPD. UP is UP…kahit na iba-iba kami ng UP campus, pare-pareho pa rin kaming mga “Iskolar ng Bayan”…
Nasa van kami ngayon na inarkila namin... Nagkwentuhan kami about high school life.
Mark: Naalala niyo pa ba yung CAT Days natin... Itong si Michael porket Corps Commander lang eh hilig tayong pahirapan nito...
Troy: Oo nga! Tama yun!
Katrina: Gusto ko na ngang sapukin nun si Michael sa sobrang pagpapahirap sa akin sa C.A.T. days...
Michael: Siyempre naman. Power tripping ako nun eh.. bwahahaha
Mayroon kaming kanya-kanyang badtrip moments kay Michael...
Officer si bestfriend Michael nun sa C.A.T. namin. Na-late sa “formation” ako. Ang prinsipyo ni Michael, bilang officer, dapat pantay-pantay pagtingin sa lahat ng kadete pag duty sa C.A.T., walang bestfriend-bestfriend...
Michael: Oh… ba’t ka late… Oh, alam mo na naman siguro gagawin mo…
Kailangan kong magsabi ng “request permission to join the rank” para makasali sa formation… Nag-salute ako at…
Mark: Sir, Cdt. Lhuillier, Mark Anthony request permission to join the club, sir…
Nagtawanan yung mga kaklase namin nun…
Michael: Pocket your smile! Anong club-club pinagsasasabi mo dyan? Ayusin mo nga…
Mark: Sir, wala po akong bulsa... Tsaka hindi niyo po alam yung Join The Club? Banda pa yun... ♫ Ngumiti kahit paminsan-minsan, kahit na di sinasadyaaaaaa.... ♫
Lalong nagtawanan ang klase...
Siyempre, hindi ako masyadong pinahirapan ni Michael nun. Alam niya kasi ang knee injury ko.. Bwahaha..
Naalala ko rin ang moment ni Katrina kay Michael...
Michael: Cdte. Dizon, Katrina. Ayusin mo yung tayo mo!
Katrina: Ayoko nga, officer ako!
Michael: Assuming kang officer ah…sige…ikaw magbigay ngayon ng command…Oh, cadets, follow Dizon’s command…
Katrina: Ok cadets… tune-tune kanan naahh!!
Michael: Anong tune-tune na naman pinagsasasabi mo dyan! Tunton yun…hindi tune-tune!
Pina-duck walk ni Michael si Katrina...
Another duty na naman sa C.A.T. Naka-post si Troy at dumaan si Michael sa post niya. Bilang officer kailangan batiin ni Troy si Michael…
Troy (with salute) : Tune ready up! Sir, good morning, sir…
Michael: Carry on!
Troy: Sir, thank you, sir!
Michael: Carry me!... ü
Ayun…kinantyawan namin si Michael. Pero wala, siya pa rin panalo... Bilib talaga ako sa bestfriend ko... matalino na, malakas pang mangtrip at mang-asar
Nakarating kami ng Enchanted Kingdom...
Pagkatapos nun ay pasok na kami ng Enchanted Kingdom. Ayun, sakay-sakay ng rides. Ang saya! Parang bumabalik ang mga memories nung highschool…
{Now Playing: High School by Sharon Cuneta}
Sharon Cuneta: ♫ High School life oh my high school life every memory kayganda. High school days oh my high school days are exiting kaysaya. ♫
Ayun, sigawan ang lahat na parang wala nang bukas sa Space Shuttle, basang-basa sa Rio Grande, tawanan sa Flying Fiesta. Nalula sa Jungle Log... at tinignan ang magandang view ng Laguna sa Wheel of Fate...
Ngunit sa gitna ng kasiyahang iyon naaalala ko na naman si Lorraine. Nawala bigla ang kasiyahang nadarama ko.
Masakit isipin si Lorraine sa mga panahong ito… ngayong nalaman kong imposibleng mahalin niya ako…
Bumibyahe na kami pabalik ng Manila. Habang nasa biyahe, nag-text sa akin si Dranreb…
Dranreb: {mark, nanalong SK kagawad si Lorraine d2 s angeles. #1 nga siya s mga SK eh…nice first gentleman ka na ng angeles...hehehehe!!}
At bago pa magtapos ang sembreak na ito, nangako ako sa sarili ko…
Mark: Sa pagsisimula ng second sem…kakalimutan ko na si Lorraine…
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 15: Trying to Move On…
No comments:
Post a Comment