Saturday, may Tree Planting Activity kami sa Philosphy 1 namin sa Ipo Dam. Ang purpose ng activity na ito ay para pangalagaan ang kalikasan at magkaroon ng plus points sa grade. Alam niyo na siguro kung alin sa dalawa ang nag-encourage sa amin na sumama sa activity…ü…
Bukod kay Sir Madrigal, may mga kasama rin kami na mga taga-DENR. May mga estudyante ring nagdala ng kanilang mga ka-boyfriend-nan at ka-girlfriend-nan…
Ang meeting place sa lahat ng sasama tree planting ay sa AS... Palma Hall, UP Diliman. Memorable ang Palma Hall na ito sa akin. Dito kasi ako nag-take ng UPCAT last year… Reminisces…
Mark: Badtrip naman kasi ‘tong mga nagdala ng mga jowa-ers nila eh…kakainggit…kakayamot... T_T
Dranreb: Huhuhu…
Mark: Oh, Dranreb, ba’t ka umiiyak?
Miguel: Si Anna kasi, nakita niya, may kasamang boyfriend…
Dranreb: Huhuhu… Pinaasa nya ako… Huhuhu…
Chinee: Awwww… What a sad experience. Sa bagay, maganda naman kasi siya kaya imposibleng wala siyang boyfriend. O anong itsura ng boyfriend niya? Guwapo ba?
Miguel: Ahmm…Mabait naman…ü
Destiny: E guwapo nga ba BF ni Anna?
Miguel: Mabait nga…kulit niyo!...ü
May ka-block kaming naglo-load. Kaya nagpa-load sa kanya si Tania, isa ko pang ka-block.
Tania: Janina, paload naman ako.
Janina: Smart o Globe?
Tania: Sun…ü
Janina: Ano ba yan, wala man lang tumama sa sinabi ko… (-_;)
Tania: Ok lang yan, minsan sa buhay kailangan nating magkamali. Hehe…Iti-text ko lang yung boyfriend ko. Na-miss ko bigla eh. Kung alam ko lang na maraming magsasama ng mga boyfriend nila dito eh di sana sinama ko na rin siya…na-miss ko tuloy siya bigla…
Janina: Ok, wait lang…O ano number mo?
Tania: 0922-3425***… 50 pesos…
Janina: Ok. Hintay mo lang…
Tania: Ok…
…
…
…
Janina: Oh, natanggap mo na ba yung load, Tania?
Tania: Oo, Janina. Uy, Janina, ang bait-bait mo talaga…pwede bang libre na lang ‘tong load? Hehe…
Janina: Haha! Libre?! Hehe.. Business is business po eh..haha!! Anyway thank you dahil nakikita mong mabait ako...hehe..ü
Nang makumpleto na kami, larga na kami papuntang Ipo Dam. Habang nasa jeep kami…
Mark: Sayang, hindi ko ka-jeep si Lorraine…malas! Sana pala nagpa-Feng Shui muna ako kay Chinese blockmate Gwyneth Tzu para sinuwerte…ü
Matagal ang itinakbo ng biyahe. Siguro mga negrito na kami pagbaba ng Ipo Dam sa dami ng nasagap naming alikabok at alimoog sa daan…jeep ba naman sakyan namin...
After 48 years (sakto yan!), nakarating na rin kami sa Ipo Dam…
Crizka: Oh, guys, ba’t mukhang Biyernes Santo yung mga mukha ninyo?
Psych 1A: :(((((
Crizka: O sige, para mawala pagod niyo, knock-knock…
Psych 1A: Who’s there?
Crizka: Ipo Dam…
Psych 1A: Ipo Dam who?
Crizka: *Ahem-ahem…* (sabay kanta to the highest level) Ipo Dam…ang sulok kong takda sa ilalim ng araw…kung saan kayrami ng luha…ligaya’y kaybabaw… ü
Siguro para sa mga deep dyan eh hindi bumenta yung knock-knock ni Crizka, pero para sa mga tulad kong mababaw lang ‘eh humagalpak talaga ako sa kakatawa. Muntik na nga akong gumulong nun pababa sa daan…
Bago nagsimula ang Tree Planting Activity, in-orient muna kami ni Sir Madrigal about Environmental Ethics sa forest…
Sir Madrigal: Oh class, ang ating tataniman ngayon ng puno ay ang nakakalbo nang bahagi ng kabundukan dito sa Ipo Dam…
Sabay tinuro ni Sir Madrigal ang isang mataas na bundok…
Crizka: Diyos ko, baka “Paghuhukom” na eh di pa rin tayo nakakaakyat dun! ü
Tinignan namin yung bundok na tinuro ni Sir.
Dranreb: Migz, hindi naman nakakalbo yung bundok na tinuro ni Siw (sir) ah!
Miguel: Oo nga nuh! Bakit kaya niya pinapataniman ng puno sa atin yun?
Mark: Ah…baka may poknat pa lang yung bundok…ü
Guys, alam kong corny yung binitiwan kong joke pero sana matawa naman kayo..please…ü
At nagsimula na kaming maglakad paakyat sa bundok. Malayu-layo at mataas nga ang site na aming pagtataniman… Ilang bundok pa ang dapat naming bagtasin, ilang ilog pa ang dapat naming suungin… Sensya na at sinaniban na naman ako ng espiritu ni Destiny…ü
Mark: Ahh, sobrang init! Abot singit! Pero buti na lang gwapo parin ako!
Pasensya na ulit, nawala lang ako sa katinuan noong mga oras na yan.
May tulay kaming dapat tawirin. Makipot lang ang tulay na ito kaya isa-isa lang ang dapat tumawid at kailangan mo ng tamang balanse kundi…YARI KA!
Mark: Mukhang mahirap bumalanse dyan sa tulay na yan ah!
Chinee: Oo nga eh, para kang magba-balance ng chemical equation sa Nat Sci…ü
Nakatawid naman ng malwalhati ang karamihan sa nauna…at narinig namin si Dingdong na nagmamayabang sa mga ka-block niya…
Dingdong: Alam niyo ba, sa probinsya namin, mas makipot pa dyan yung tulay na tinatawid namin araw-araw dati kaya sanay na kong tumawid sa mga ganyang makikipot na tulay…
Felix: Weh? Totoo ba yan, Ding?
Dingdong: Oo nga… Panoorin niyo pa ako mamaya pag tumulay ako eh… Watch me, nag-Flanax yata ako…ü
Pagkatapos magyabang ni Dingdong at mag-plug ng commercial, eh turn na niya para tumawid… Nang nasa kalagitnaan na siya ng tulay eh nadulas ito at nawalan ng balanse…
Siyempre, tawanan kaming lahat. Hindi maipinta ang mukha ni Dingdong. Hindi niya alam kung tatayo ba siya ulit at magpanggap na walang nangyari o hahanapin ang hidden camera ng Bitoy’s Funniest Videos…ü
Lorraine: Nice one, Ding!
Napatingin ako kay Lorraine. Nakangiti ito kay Dingdong.
Mark: Ang cute niya talaga.
Hindi naman siya sobrang ganda, maganda lang. Kung tutuusin nga, mas maganda pa si Anna kaysa kay Lorraine. Pero may something kay Lorraine na hindi ko mapaliwanag.
Mark: Ganun nga siguro pag nagmahal ka, mahirap i-explain kung bakit siya ang minahal mo… it just happened… Tulad ni Jenna... di ko magets kung bakit na-inlove siya kay Efren na mula ulo mukhang paa... Love nga naman... parang status sa Friendster... It's Complicated TM!
Paakyat na kami sa matarik na bahagi ng bundok. Nakita kong inaalalayan si Fiona ni Chito, isang upperclassman naming kaklase sa Philo…
Chinee: Ang sweet naman nina Fiona…
Mark: Oo nga eh. Parang sila na nga ni Chito eh. Sila na ba?
Chinee: …
Mark: ???
Girl: Hi Chinee…!
Chinee: Uy, Johanna! Musta ka na?
Mga Boys: Hi Chinee!
Chinee: Uy, guys, musta kayo? Nga pala guys, this is Mark, my blockmate…
Mark: :)
Chinee: Mark, sila nga pala yung mga ka-boardmate ko: si Johanna, RJ, Dexter, Mercy, Noreen, Sheena, Veron, Abet, Anthony, Ned, Sam, Rupert, Daniel, Marie, Estella, Marco at si Pepito… Mga sophomores na sila…
Mark: Dami ah. As if naman makakabisado ko mga pangalan nila.
Mga Ka-Board ni Chinee: Hi! (Kaway silang lahat.)
Mark: Teka…parang pamilyar ka sa akin, Dexter?...
Dexter: Ay oo..ikaw rin pamilyar… Ka-schoolmate ba kita nung high school?
Mark: Ay…Oo…Magka-schoolmate tayo nung highschool sa M----
Hindi ko na lang sasabihin kung saang paaralan kami nanggaling ni Dexter, basta ang alam ko at ang alam niyo sa ngayon, nag-aaral na kami sa UPEPP... One year older si Dexter sa akin...
Mark: What a small world nga naman! Akala ko nung una wala akong schoolmate dito nung highschool! May schoolmate pala ako na upperclassman..Discovery…Hehehe
Ito na, may ilog na kaming dapat suungin. Yung ilog na yun ay may mga malalaking bato na tatapakan pero malulumot ito kaya madulas.
D.E.N.R. Representative: Oh, konting ingat dito sa pagtawid sa ilog na ito, mga iskolar ng bayan. Medyo madulas dito at baka pag nabagok ang ulo niyo eh madali ang utak niyo…
Efren: Oh, Ding, yung utak mo, ingatan mo na. Mahal kasi yang utak mo pag binenta…
Dingdong: At bakit mo naman nasabi na mahal ang utak ko pag binenta? Dahil ba ka-level ni Einstein ang utak ko?
Efren: Hindi…kasi “slightly-used” lang ang utak mo…ü
Lorraine: You’re so mean, Efren!
Natawa naman kami sa “joke” na panlilibak ni Efren. Lalo na si Jenna…siyempre, mahal niya yun eh…
Marami nga ang nagsidulasan dahil nakatapak sila sa mga malulumot na bato. May paharap ang bagsak at mas malala yung mga patalikod yung bagsak. Instant-ligo agad ang inabot nila.
Kung makikita mo lang sila kung paano nadulas eh matatawa ka talaga. May dulas na pwedeng pang-stunt men ni Fernando Poe Jr (my idol!), may dulas na may poise pa rin, at ang da best na dulas ay yung mga dulas na pang-BFV…ü
Nasa dulo na ng ilog sina Efren, Lorraine, Felix at iba pang Psych 1B. Sa dulo ng ilog ay may paakyat na “mound ng lupa” dun. Nang paakyat na ko sa “mound” na yun eh medyo nadulas ako… Tinignan lang ako ni Efren habang muntik na kong matumba…pero buti na lang nakabalanse pa ko.
Mark: Lintik na Efren yan! Di man lang ako nagawang tulungan. Pinagtawanan pa ko! Akala niya eh mapapahiya ako sa harapan nya ah! Neck-neck niya!
Lorraine: Muntik ka na dun madulas ah!
Mark: Hala, nakita mo?
Lorraine: Ok lang yun, konti lang naman nakakita eh…
Felix: Uyyyyy! Hiki! Hiki!
Mark: Huwag kang maingay Fex Fex! Baka makahalata! Grrr....
Lorraine: Kumusta naman Nat Sci final exam mo?
Mark: Yung finals? Mukhang babagsak ako dun…iniwan mo kasi ako nun eh… uninspired tuloy ako nun…
Felix: Yes naman! Puma-punch line na!
Kinurot ko yung tiyan ni Felix habang tawa siya ng tawa. Kanina pa siya eh! Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa kanya na gusto ko si Lorraine, aasarin lang pala ako nitong animal na to eh. By the way, nang kinurot ko yung tiyan ni Felix, ang tigas. Macho talaga. Hahaha. Nakaka-inggit.
Nasa dulo na rin ng ilog si Jenna. Nang paakyat na si Jenna dun sa “mound” ay nadulas ito at natumba sa ilog…
Efren: Uy, bestfriend, ayos ka lang ba?
Jenna: Aray! Ang sakit… Di na ko makatayo…
Efren: Naku, mukhang na-strain ang paa mo. Sige, papasanin na lang kita…
Sinubukang pasanin ni Efren si Jenna. Nang patayo na si Efren na pasan si Jenna at paakyat na ng “mound” eh nawalan siya ng balanse at pareho silang tumumba sa ilog…
Mark: Ayan! Karma! Pinagtatawanan mo ko kanina ah! Ang bilis talaga ng karma. Ngayon, Efren, nasa akin ang huling halakhak! Hahahahahaha…
At nang nakatayo na ulit si Efren na pasan si Jenna, basang-basa na sila. At tinuloy na namin ang journey paakyat ng bundok…
Mark: Kilig to the bones na naman siguro ‘tong si Jenna… Pasan ba naman siya ng mahal niya eh…
Mark: Nga pala, Lorraine, kumus—
Dingdong: Hoy, Lorraine… Kanina pa kita hinahanap… halika, itutuloy ko na yung joke ko sa’yo kanina…
Lorraine: Sige, Ding…
Mark: Naman oh! Kundi si Efren ang eepal, si Ding naman! Hindi na ba ako mawawalan ng asungot dito! Amfufu naman!
Ayun nag-joke ng napaka-corny si Dingdong kay Lorraine… Ubod ng corny!
Dingdong: O eto, san magaling magtago ang mga elepante?
Lorraine: Saan?
Dingdong: E di sa Edsa…
Lorraine: May mga elepante ba dun? Wala naman akong nakikitang elepante dun ah!
Dingdong: Kaya nga magaling silang magtago eh…Ahahahahaha…
Mark: Ang corny mo, Ding! Kung pwede nga lang kanina pa kita ipina-assasinate at puputul-putulin ko katawan mo, ilalagay sa maleta at papaagusin sa Ipo Dam!
Habang busy sina Lorraine at Dingdong, kinausap ako nang masinsinan ni Felix…
Felix: Ano ba talaga nararamdaman mo para kay Lorraine?
Mark: Mahal ko siya…
Felix: Kung mahal mo siya, ba’t di mo pa sabihin sa kanya ang nararamdaman mo?
Mark: Ewan ko…humahanap pa ko ng tiyempo…hindi pa ko handa…saka na pag carry ko na…
Felix: Bakit ka ganyan? Ilabas mo na yan, bago pa mahuli ang lahat.
Napaisip ako sa sinabi ni Felix. Napamuni-muni habang naglalakad sa kabundukan. Naiwan ko na nga si Felix sa paglalakad ko. Nakita ko ang ka-block kong si Bianca at ang boyfriend niyang si Arcee. Magka-hawak kamay pa sila habang naglalakad. Ang sweet nila, nakaka-inggit.
Mark: Ano ba dapat kong gawin? Masyado naman kasi sigurong maaga kung magtatapat na ako ng nararamdaman ko. Baka kung ano pa ang mangyari kapag nagtapat na ako sa kanya…Ano ba, Mark…mag-isip ka…
Cindy: Huy, Mark, ang tahimik mo naman…
Mark: Uy, kayo pala…
Cindy: Nga pala, Mark…si Mark, boyfriend ko…
Mark: Uy, galing ah! Magkapangalan kami…
Cindy: :)
Mark: (boyfriend ni Cindy) Nga pala, tol. Ako si Mark…Mark Tambunting!
Mark: (ako) What a coaccident naman! Magkapangalan na nga kami, pareho pang “pawnshop” ang apelyido namin…ü
Cindy at Mark boyfriend: :)
Ang cute tignan nina Cindy at ng boyfriend niyang si Mark. Parehong-pareho sila ng suot na damit. Para nga silang magsasayaw eh…
Mark: (ako) Hindi naman masyadong obvious na nag-usap kayo sa susuutin niyong damit nuh?
Cindy at Mark boyfriend: :)
May ilog na naman kaming dapat suungin. Pero this time, magbo-boating na kami para matawid ito. Bago kami sumakay dun sa boat eh nagpicture picture muna kaming magkaka-block sa kagubatan doon.
Nang makita na namin yung picture, nakasama accidentally sa picture si Manong Boatman na may suot na balabal sa ulo niya na katulad ng sinusuot ng mga Abu Sayyaf.
Chinee: Mukha tayong bihag ng Abu Sayaff sa picture nating ‘to ah! Pag nilagay natin ‘to sa Friendster baka sabihin ng mg tao nanghihingi tayo ng ransom pang-tubos sa atin! ü
Habang nagbo-boating kami sa dam ay dun namin na-appreciate ang kagandahan ng Ipo Dam. Kaya lang bawal magpa-picture mismo sa dam sabi ni Manong Boatman for security purposes.
Pagkatapos ng boating, nag-stop over muna kami para kumain sa isang kubo roon. Pinagamot din yung pilay ni Jenna sa isang albularyo roon…
Albularyo: Heeeeeee! Heeeeeeeeee!
May kung anu-ano pang ritwal ang ginawa ng albularyo bago gamutin yung pilay ni Jenna. At may sinasabi siyang kung anu-ano na di naming maintindihan na sa tingin ko eh wika iyon ng mga taga-Encantadia…ü
After kumain at nag-stop over for one hour, tinuloy na namin ang pag-akyat sa site ng Tree Planting Activity.
Medyo matarik yung daan. Marami ngang nadulas ulit habang umaakyat pero lahat naman ay malhuwalhating nakaakyat. Di ko nga na-imagine kung paano nakaakyat si Efren habang pasan si Jenna.
At nagtanim na kami ng puno. At nang matapos na naming magtanim, napaka-fulfilling ng feeling.
Lorraine: Mark, sana tumubo ‘tong mga puno nating itatanim nuh?
Mark: Oo nga eh…
Mark: At sana tumubo rin ang ating pagmamahalan..hehehehe
Lorraine: …
Mark: …
Mark: Wala na naman akong masabi. Lagi na lang akong natatameme pag kasama ko si Lorraine…haaayyy…
At isang di inaasahang pangyayari ang nangyari. Habang naglalakad na kami pababa ng bundok… nakatapak ng putol na sanga sa daan si Lorraine kaya nadapa ito at nasugatan sa tuhod…
Natigilan lahat ng mga tao. Namimilipit si Lorraine sa sakit ng kanyang sugat. Wala namang magawa si Efren dahil pasan niya pa rin si Jenna.
Mark: Migz, Dranreb, Felix, tulungan niyo ko...
Inutusan ko sina Miguel, Dranreb at Felix na tulungan ako sa pagkuha ng mga herbal na dahon na sa tingin ko ay makakagamot sa sugat ni Lorraine.
Alam ko ang mga dahon na yun dahil ginamit namin yun nung “bivouac” namin sa C.A.T. nung high school na ginawa rin sa isang gubat…
Ginamot ko ang sugat niya gamit yung mga herbal na mga dahon.
Lorraine: Ang kati at ang hapdi…
Mark: Huwag mong kamutin, baka maimpeksyon… Ganyan talaga yan pero tiisin mo…
Kabado ako habang ginagamot si Lorraine. Alam ko sugat lang yun pero nanganganib pa rin si Lorraine tsaka kadiri talaga yung sugat niya…ehhhhwww! Pero seryoso, ayokong makita si Lorraine na nasasaktan.
Mark: Ayos ka lang ba Lorraine?
Lorraine: Ang kati at ang hapdi.. ang sakit…sobra…
Kita ko sa mga mata niya ang hirap. Alam ko ang pakiramdam nun dahil nangyari na sakin yun nung C.A.T. days pa namin…
Aaminin ko, kinikilig ako noong ginagawa ko yun. Syempre naman. Sino ba namang hindi? Kaya lang, nagiging cause of delay kami kaya pagkatapos kong gamutin yung mga sugat ni Lorraine, eh pinasan ko na siya…
Habang pasan ko siya…
Lorraine: Mark…salamat nga pala sa panggagamot mo sa akin…
Mark: Ok lang yun…
Lorraine: Ang galing mo naman…alam mo yung mga herbal na gamot…
Mark: Oh kumusta naman na yang sugat mo?
Lorraine: Medyo mahapdi pa rin, pero ayos na siya… Galing mo kasing doktor eh!
Mark: …
Lorraine: …
Mark: Ito na naman, moment of silence na naman… hay…
Lorraine: Mark, baka nabibigatan ka na sa akin…pwede mo na akong ibaba, tingin ko naman kaya ko na maglakad mag-isa…
Mark: Hindi! Baka kung mapano ka pa. Hindi ka naman mabigat eh… gusto mo pa nga kwentuhan kita para ma-enjoy ka…tsaka para mapabilis din ang paggaling ng sugat mo…
Lorraine: Ganun? Sige nga..
Mark: Alam mo ba ang Alamat ng Ipo Dam?
Lorraine: Oh, talaga may alamat ito?
Mark: Oo… Gusto mo ikwento ko sa’yo…
Lorraine: Sige…
Ito na…fairy tale section na tayo, my dear readers… Mga Batang Batibot, tayo na tayo na... maging masigla...
Mark: Noong unang panahon daw ay may isang masamang engkantado noon na umiibig sa isang magandang engkantada. Ngunit ang magandang engkantada naman ay umiibig sa isang binatang mangangahoy na nagngangalang Ipo. Nang malaman ito ng masamang engkantado ay ginawa niyang bundok si Ipo. Lubos na ikinalungkot ito ng engkantada kaya lumuha ito araw-araw gabi-gabi nang walang humpay. Mula noon ang bundok na ito ay tinawag na Mt. Ipo at ang tubig na nasa dam ay ang luha ng magandang engkantada na minsan nang nabigo sa pag-ibig…
Lorraine: Ganun? Ang sad naman ng story ng lugar na ito…
Pero sa totoo lang eh pauso ko lang ang alamat na ito para lang may masabi kay Lorraine… At kung susuriin niyong mabuti ang alamat, mare-realize niyo siguro na ang masamang engkantado ay si Efren, ang magandang engkantada ay si Lorraine at ang guwapong binatang mangangahoy malamang sa malamang ay ako…
Nakarating na kami ulit sa kubo na pinag-stop over namin kanina. Nang maibaba ko si Lorraine sa upuan…agad siyang nilapitan ni Efren. Hinawi pa nga niya ako sa daan.
Efren: Lorraine, ayos ka lang ba? May masakit ba sa’yo?
Lorraine: Efren, Ok na ko. Ginamot na ko ni Mark…Wag ka ngang OA…
Hinalikan ni Efren yung sugat sa tuhod ni Lorrane.
Efren: Isang kiss ko lang dyan sa sugat mo siguradong gagaling na agad yan…
Mark: Ang baduy ng punchline mo, parang sa akin lang…pero siyempre mas maganda pa rin yung akin...hehehe
At dahil nagseselos ako, umalis na lang muna ako at pinuntahan sina Jenna… mukha itong malungkot…
Mark: Oh, ba’t ka malungkot? Dapat nga masaya ka pa at pinasan ka ni Efren kanina…
Jenna: …
Mark: ???
Jenna: Mark…may nasabi sa akin si Efren kanina…
Mark: Ano ba yun?
Jenna: Mark…sila na raw ni Lorraine… nung first week pa raw sila ng October…
Gulat at di ako makapaniwala sa sinabi ni Jenna. Feeling ko pa nga eh gumagawa lang siya ng kuwento...
Mark: Hahaha! Joke! Joke! Joke! Ikaw, Jenna ah, napilayan ka na nga eh ang lakas mo pa ring mang-good time!
Jenna: Mark, hindi ako nangu-good time...
Mark: Weh? Hindi nga...
Jenna: WHY SHOULD I LIE this time??! (katono niya pa yung pagkakabanggit ni Anna ng linyang ito)
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 14: Semestral Break
No comments:
Post a Comment