ANTI-ToFI AKO KAYA MAGSUSUOT AKO NG PULA!
September 28, 2007
September 28, 2007
Anti-ToFI Day ngayon sa UPEPP. Ang ToFI sa kaalaman ng iba ay ang Tuition and other Fee Increase na ipinatupad ng presidente ng UP System. Ibig sabihin, apektado ang batch ngayon ng freshmen sa lahat ng UP campuses sa pagtataas ng tuition. Bilang pagtutol dito, halos lahat ng freshmen sa UPEPP ay nagsuot ng pulang damit sa araw na ito…
Pero wala ring nangyari sa Anti-ToFI Day na yun. Hindi naging matagumpay ang pakikibaka namin laban sa ToFI. Nagmukha lang Valentines’ Day sa buong UPEPP dahil sa dami ng makikita mong naka-pula. Akala ko pa naman ay may madugong rally na magaganap…
P.E. namin. Nakaupo ang buong klase naming sa gym habang pinapanood na maglaban ng badminton sina Chinee at Destiny. At dahil pare-pareho pa kaming naka-pula, konting-konti na lang siguro ay sasabog na kaming magkaka-block. Katabi ko sina Miguel at Dranreb. At di ko rin maiwasang mapasulyap sa Room 15 kung saan alam kong nagkaklase sina Lorraine.
Miguel: Pasulyap-sulyap pa kasi eh… Make a move na kasi! Alam mo, kesa sa sumulyap ka dyan eh gumawa ka na lang ng paraan para maipaalam kay Lorraine ang tunay mong nararamdaman sa kanya.
Mark: Pare, ewan ko…parang di ko kaya kasi eh…
Miguel: Ano ba yan, Mark. Ang torpe mo naman. E talagang di malalaman ni Lorraine ang nararamdaman mo para sa kanya…
Mark: Psych major din naman siya, siguro mababasa niya rin yung nararamdaman ko para sa kanya in due time. She will know “what’s on my mind”.
Dranreb: Mawk, Psych majow (major) siya, hindi mind-weadew (mind-reader)! Ano ka ba?!
Mark: E kung para talaga kami sa isa’t-isa, magiging kami naman siguro talaga in due time…
Dranreb: Naku, nalimutan mo na ba yung sinabi ni Anna nung Philo? Something happens in our life is not because of destiny or chances…It’s our intewnal (internal) locus of contwol (control). Ikaw ang huhubog sa mga mangyayawi (mangyayari) sa buhay mo at hindi ang destiny…
Gusto ko nun mainis kina Miguel at Dranreb dahil sa pangengealam nila sa akin. Pero bilang mga kaibigan, naisip ko rin na kapakanan ko ang iniisip nila. Actually, magkatulad nga sila ng sinabi ni Fex Fex sa akin nung isang araw… kailangang umamin na… pero hindi muna ngayon…
May third exam din kami ngayon sa Nat Sci. Pero sabi ko nga sa Episode 11, exempted kami ng mga kagrupo ko sa third exam dahil sabi nga ni Ma’am Fermions, we have presented our report in an understandable way…kahit na ang matinong sinabi ko lang doon ay “self-explanatory”… ü …kaya hindi na ko kukuha ng third exam ngayon… Saya ng buhay-exempted...sana laging ganito...ü
First week na ng October...Finals Week or mostly called ”Hell Week” ng mga estudyante has "finally" arrived.
Chinee: Syet! Kinakabahan talaga ako sa Philo exam natin… nahirapan ako dun eh…lalo na yung “Argument by Deduction” na yun…
Destiny: Sus! Ako nga di ako pinagpawisan dun sa exam!
Chinee: Weh? Hindi ka pinagpawisan? Ibig sabihin, nadalian ka sa exam?
Destiny: Nahirapan kaya ako…
Chinee: Eh, sabi mo hindi ka pinagpawisan?
Destiny: Hindi nga ako pinagpawisan…aircon kasi yung room eh!...ü
Mark: Sus, ayun lang? Ako nga, sinagutan ko yung exam nang nakapikit…
Dranreb: Maniwala ako? Nadalian ka sa exam?
Mark: Nahirapan din…
Dranreb: Eh, ba’t sabi mo nakapikit mong sinagutan yung exam?
Mark: Oo nga…napapapikit ako habang nagsasagot dahil sa sobrang hirap ng test…ü
Miguel: Hay, magsiuwi na nga lang kayo…nangangamote na naman kayo! Basta ako, sure na sure na akong hindi babagsak…
Chinee: Ang yabang nito! At bakit mo naman nasabi na hindi ka babagsak?
Miguel: Dahil 3 weeks akong nag-aral sa National Library…ü
Final Exam naman namin sa Nat Sci… This time, hindi na ko exempted sa exam na ito… haaayyy…
Nauna nang pumunta sina Chinee, Dranreb, Destiny at Miguel sa exam room ng Nat Sci. Kaya pagdating ko dun sa exam room…
Mark: Patay na, ang daming tao. Saan kaya ako uupo? Ayun. Buti na lang meron doon, kaya lang nasa harap. Nakakahiya.
Umupo ako sa bakanteng upuan. Nilagay ko ang bag sa gilid ng upuan ko at kinuha yung notes ko sa Nat Sci para mag-cram…
Lorraine: Suplado mo ah! Di ka namamansin ah!
Mark: …
Mark: Becha by golly wow! Si Lorraine pala ang natabihan ko… Syet! Baka ma-perfect ko ng di oras yung finals sa Nat Sci ah!
Mark: Ah…eh…pasensya ka na…di ko talaga ikaw napansin…kinakabahan kasi ako para sa finals eh…
Lorraine: Ganun? Ikaw ha…artista ka na. Di ka na namamansin…
Mark: Hehe…
Mark: Hehe lang nasabi ko. Pambihirang sagot yan.
Lorraine: Nag-aral ka ba para rito sa finals?
Mark: Ah…slight…ikaw ba? Nag-memorize ka ba ng mga formulas?
Lorraine: Hindi… Tinandaan ko lang…
Mark: Ha?
Mark: Na-ulol ako sa sagot nitong love team ko ah… Di raw siya nag-memorize, tinandaan lang daw niya…bomalabs! Hayaan mo na…mahal ko naman eh…ü
Mark: Si Efren? Ba’t di mo kasama ngayon?
Lorraine: Ah, si Efren? Exempted yun sa pagkuha ng finals… Talino nga niya eh…
Mark: Anak ng saging naman! Akalain mo yung unggoy na yun, may angking katalinuhan pala yun…hay…mukhang dehado na agad ako sa laban namin… siguradong pogi points niya yun kay Lorraine…pero di dapat sumuko… That’s the spirit, boy!
Mark: Good luck nga pala sa atin sa exam…
Lorraine: Oo nga…same to you… ^_^
Moment yun. Pwede ng isapelikula yung eksenang yun. Bagay rin na i-feature sa “The Buzz” o sa “Showbiz Central.” Well, yun eh pangarap ko lang.
Dumating na si Ma’am Fermions dala ang mga exam papers…
Mark: This is it, pansit!
Ma’am Fermions: As I call your student number, please proceed to Room 8…
Sure akong ang mga tatawagin niyang student numbers ay ang mga pinagbigyan na niyang ma-exempted na sa pagkuha ng finals dahil konti na lang siguro ang points na diperensya nila…basta ayun na yun! Ako naman, hoping to be… hehehe
Ma’am Fermions: 2003-237** (hindi na pwede ituloy, baka hanapin niyo sa UPEPP eh, yari ako)
Tumayo yung isang girl na upperclassman na…
Mark: Syet! Parang kilala ko ‘to eh…teka…teka…saan nga ba kita nakita?.... Ah alam ko na… Si “Ate Form 5” pala yun… At di ko malilimutan na medyo pinahiya niya ko nung first day sa Philo…well, ok lang, napatawad ko na naman siya… maganda naman siya eh…
Patuloy na nag-roll call ng student numbers si Ma’am Fermions…At nagulat ako nang…
Ma’am Fermions: 2007-108**
Tumayo si Lorraine sa kinauupuan niya. Tinignan niya ko… Nginitian ko lang siya…
Mark: Pano ba yan, iiwan mo na ako rito?
Lorraine: Ok lang yan, kaya mo naman siguro yung exam…
Mark: Mami-miss kita…sulat ka ah! ü
Lorraine: Ikaw talaga! Sige na, good luck sa’yo…
Umalis na si Lorraine… Ang talino niya, exempted siya… Masaya ako para sa kanya pero nakaramdam din ako ako ng lungkot para sa sarili ko… Si Lord talaga, binigyan nga Niya kami ng moment ni Lorraine pero tatapusin Niya rin pala agad…haay…
Mark: The Lord giveth, the Lord taketh away… T_T
May umupong lalake sa upuan ni Lorraine. Tinignan ko kung sino ito… si Dingdong pala siya, yung isa pang lalake ng Psych 1B…
Mark: Dyan ka ba Ding?
Dingdong: Ano?! (nagtaas ito ng kilay…yung mukhang galit) Anong sabi mo?!
Mark: Tinanong ko kung dyan ka ba Ding…bakit?
Mark: Syet…oo nga nuh…ngayon ko lang na-realize…nainsulto ata siya sa tanong ko na “Dyan ka ba Ding?” baka ang pagkakaintindi niya eh “Dyan ka bading?” Boggaloids!
Well, hayaan na natin kung nainsulto man si Ding o hindi sa tanong ko… well, simulan na natin ang pagsasagot ng exam. Let’s get it on!
Habang nagsasagot ng exam…
Mark: Becha by golly wow! Nat Sci pa ba talaga ‘tong exam na to? Lecheng mga tanong ‘to ah…mga ka-level na ata ng utak ni Einstein ang makakasagot ng mga tanong na ‘to… Hay, kung nandito lang si Lorraine eh di sana inspired ako… I feel so uninspired…
Sumuko na kong sagutan yung exam. Pinasa ko na ang papel ko na puno ng mga patak ng dugo… Nosebleed talaga eh…ü
The next day…English exam naman namin. Ito na ang pinakahihintay ng lahat. Ang araw ng paghuhukom.
Dala-dala ni Ma’am Alcantara ang test papers para sa exam. May naririnig akong tibok ng puso. Sa akin ata yun. Oo, akin nga. Kinakabahan ako eh. Hindi ako mapakali. Pero hindi nito mapipigilan ang aking paghihiganti.
Mark: Sisiguraduhin kong this time, hindi lang nosebleed kundi bloodshed na ang abot ni Ma’am Alcantara kapag binasa niya ang essay ko. Kailangan kong ipadama sa kanya ang bagsik ng aking paghihiganti. Tignan ko lang kung makapag-“Keni na ka” ka pa sa radio station mo…hehehe…
Pero kahit ganon, kabado parin ako. Isa lamang akong hamak na mag-aaral. :(
Ma’am Alcantara: I have here your test papers. The exam consists of 20 items on sentence correction and 1 for the essay. Are you ready?
Mark: ...
Pinasa na yung mga papel. Ito na. Sasagutan ko na.
Mark: Mahirap-hirap yung sentence correction ‘ah. Parang wala ka nang mako-correct pa eh…parang lahat tama! I hate this!
Miguel: Ma’am!
Lumapit si Ma’am Alcantara sa kanya. May tinanong siya kay Ma’am…kaya napayuko si Ma’am sa kanya…e medyo seksi pa naman ang damit nun ni Ma’am…kaya…
Miguel: Wow cleavage! Wahh!! Hindi ko dapat makita yan. Masama yan!
Ayun yung na-imagine kong iniisip ni Miguel nung mga oras na yun...dahil Psych Major ako, “I Know What’s On His Mind…”…ü
Nasa essay part na ko… Ito na… This is it, pansit!
Ma’am Alcantara: Just a friendly reminder, in essay type, proofread your paragraph. Avoid using cliché…
Mark: Ano raw? Cueshe?! Fanatic ata si Ma'am ng pesteng kumanta ng Ulan?!
Ma’am Alcantara: At huwag niyo masyadong habaan yung paragraph niyo kung ayaw niyong dumami yung mali niyo… (sinabi niya yan in English language, di ko kasi alam kung pano nya sinabi yan in English kaya Tagalog na lang…ü)
Mark: Friendly reminder! Hindi ako makikinig sa’yo…hindi…hindi…
Essay: Explain: Love in many splendor ways…
Mark: Amp! Bakit naman ganito yung tanong!?
Na-ulol ako eh. Gusto kong pumatay ng tao. Kung pwede ko lang saktan yung katabi ko eh. Hindi naman ito beauty pageant, napaka cute naman kasi nung tanong. Anyway, dahil hangad ko na isampal sa mukha ni Ma’am yung essay ko, piniga ko talaga ang utak ko may maisulat lang…
Mark: Ganito na lang. Ano ba ang love at bakit ito naging splendid in many ways? Si Lorraine. Ano ba ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Tama. Iyon na lang. Straight from the heart...
Essay: Explain: Love in many splendor ways…
Love never fails; this passage is very familiar with everybody. Especially this quotation, which aside from being an excerpt from the Bible, also tackles about love. Who could ever escape this simple yet phenomenal and intricate word? I guess no one. Love conquers all as the say. It covers from the tiniest facet to the largest detail our existence has to offer.
Love is splendor in so many ways. As we explore away from home, we find ourselves trapped in cupid’s spell. Often times we call it love, experts noted it as infatuation. I guess no matter what is the right term for this, what is important is how we learn from it. This enchantment starts when we get to know the person; gradually emotions grow and develop into something we would treasure. Situations will occur such as; we fall in love with the person we shouldn’t love. Like falling for your friend, against the law of friendship…
Hindi ko na itutuloy yung sagot ko. Baka ma-nosebleed kayo, my dear readers. Si Ma’am Alcantara lang naman ang gusto kong sumuko sa akin. Feeling ko magiging madugo na yung “blue book” ko pagbalik sa akin nun dahil mapupuno iyon ng dugo mula sa ilong ni Ma’am Alcantara. Baka nga maging “red book” na yun pagbalik. Haha.
Mark: Pwede na siguro yan. Iyan lang ang napiga ko sa utak ko.
Friday, Soc Sci exam naman…ang aming huling exam for this semester… Sa wakas…
Bago magsimula yung exam, naki-aral ako sa lecture notes ni Jenna… Dun kami sa library nag-aaral. At napansin kong may malalim na iniisip ito…
Mark: Huy, Jenna! Isang oras na tayong nandito sa page 101 di mo pa rin nililipat! Nakabisado ko na lahat ng nakasulat dyan eh!
Jenna: Ah, ganun ba…Pasensya na, sige, ilipat mo na ng page…
Mark: May problema ba Jenna?
Jenna: Wala ito...
Mark: Jenna…kitang-kita sa mga mata mo na may problema ka… sige na baka makatulong ako…
Just then, pumasok sina Lorraine at Efren sa library. Nagngitian kami ni Lorraine. Nagngitian naman sina Jenna at Efren… Umupo sila sa far-end ng library. Marino! Hehehe…joke lang!
Mark: Close pala kayo ni Efren?
Jenna: Mag-bestfriend kami nyan since high school.
Mark: Paano? Taga-Angeles yan si Efren ah! Taga-Bulacan ka naman.
Jenna: Nag-States kasi yung magulang niya para magtrabaho nung high school siya kaya sa tita niya sa Bulacan muna siya nanirahan. Ayun, magkalapit yung bahay namin at bahay ng tita niya kaya naging school mates kami, tapos naging bestfriend. Tapos this year, bumalik na yung mga magulang niya for good kaya bumalik ulit siya sa Angeles…
Habang nagkukwento si Jenna, napatingin ako sa mga nangungusap niyang mga mata. At nabasa ko ang ipinahihiwatig ng mga ito…
Mark: Jenna… mahal mo si Efren nuh? At nagseselos ka sa tuwing kasama niya si Lorraine…
Jenna: …
Mark: Hindi lang bestfriend ang tingin mo kay Efren…you want to go beyond that…
Natigilan si Jenna bago magsalita...
Jenna: Oo, Mark…mahal ko si Efren…mahal na mahal…pero ayokong umamin sa kanya…dahil baka masira ang friendship namin…at alam kong di ako ang mahal niya…
Grabe. Heavy drama ang scene na ito. Pwedeng pang- Maalaala Mo Kaya… ü
Jenna: Mark, I didn’t mean to love him… But I took the risk and fell for him…
Hinawakan ko ang kamay ni Jenna upang ipakita ang simpatya ko sa kanya. Naka-relate ako sa love story niya, may mahal siya pero di siya mahal ng mahal niya, tapos yung mahal niya eh mahal naman yung mahal ko…
Ano raw?
Nosebleed*… ehehe..
Magsisimula na yung exam. And I know, my dear readers na na-miss niyo na ang mantra ni Sir Jerrick kaya heto na…muli kong ibinabalik ang walang-kamatayang mantra ni Sir Jerrick…
Sir Jerrick: Oh, magsisimula na tayo ng test… James na ba kayong lahat?
All: Yap! Yap! Yap!
Sir Jerrick: Louder! James na ba kayo?
All: Yap! Yap! Yap!
Ayun na nagsimula na yung test. Syet medyo mahirap! A reasonable amount of cheating ensued; many students were merely whispering the answers to one another…(woooshh, nagpapa-English na ako… marahil ay hang-over ito mula sa English essay…ü)
Mark: Ayun, may bonus question! Dito na lang ako babawi sa bonus!
BONUS QUESTION: For 5 points! Ano ang pangalan ng tatlong alien sa TV show na Kokey?
Mark: Bugash! Ano ba namang bonus question ‘to! Hindi ko alam! Maka-Kapuso kasi ako eh… Naman ‘tong si Sir Jerrick oh…bad trip…
Nilingon ko si Miguel, nagsasagot pa rin siya. Nilingon ko naman si Dranreb, nakangiti ito, mukhang alam yung sagot sa bonus question. Kaya in desperation na may maisagot man lang sa bonus question, isinulat ko na lang…
BONUS QUESTION: For 5 points! Ano ang pangalan ng tatlong alien sa TV show na Kokey?
My answers: Kokey, Miguel, Dranreb…ü
♫ Narito na si Kokey...narito na si Kokey...ü ♫
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 13: Philo Tree Planting
No comments:
Post a Comment