Friday, October 17, 2008

Episode 11: First Date "Kuno"



Thursday ng umaga, habang kumakain kami sa Flintstones, nakita naming paparating si Lorraine at tumingin ng pagkain kay Atse, ang tindera sa Flinstones “slash” canteen namin.


Nang makita ko si Lorraine, ewan ko ba at parang nag-slow motion ulit ung paligid. Yung boses ng mga tao sa paligid mababa, yung parang tunog-monster, kasi nga slow motion. Full-charge na rin yung iPod sa utak ko.


"Anghel sa Lupa" ng Stonefree yung tumutugtog na background music. Ang galing.






Pero after ilang seconds, naging normal ulit yung galaw sa paligid. Ang galing nga eh, para akong may kapangyarihang kontrolin ang oras.


Chinee: Hoy Mark! Masyado mo namang binubusog yang mga mata mo!!!


Malakas ang pagkakasabi nun ni Chinee kaya napalingon si Lorraine sa amin. Kaya pagkatapos niyang bumili ng pagkain kay Atse, lumapit siya sa amin…


Lorraine: Uy, guys, pwedeng makiupo sa inyo?

Chinee: Sure! Actually tapos na kaming kumain. Sige, Lorraine, una na kami. Migz, Destiny, Dranreb, halina kayo!


Tumayo na sila at umupo naman si Lorraine sa tapat ng inuupuan ko, bale magkatapatan kami. Tatayo na rin sana ako nang…


Chinee: Mark, di ka pa tapos kumain ah! Ba’t aalis ka na? Halos di mo pa nga nagagalaw yang pagkain mo…


Tapos na ngang kumain sina Miguel, Chinee, Dranreb at Destiny samantalang ako eh parang di ko pa nagagalaw ang pagkain ko dahil nga titig ako nang titig kay Lorraine kanina…


Mark:


Chinee: Sige na, mauna na kami sa inyo. Kainin mo na yang pagkain mo at sabayan mo na si Lorraine sa pagkain ‘ha, Mark? Pakabusog kayo ah! Enjoy!


Nakangiting silang umalis. Itong friends ko talaga…kahit kailan di nawawalan ng masamang balak sa akin!


Lorraine: Sige na, Mark. Kain na tayo…


Pero di ako makakain nang maayos. Di rin ako makatingin kay Lorraine…baka kasi pag tinignan ko siya, mabasa niya sa mga mata ko ang nag-uumapaw kong pagmamahal para sa kanya…


Lorraine: Mark, is there something wrong?

Mark: A…e…a…e…a…e…anong susunod sa e?

Lorraine: Hay naku, gutom lang yan! Kumain ka na kaya…

Mark: Kung alam mo lang, Lorraine. Di yun gutom…love yun! ü


Kumain na ko…pero balisa pa rin ako habang kumakain. Sa isip ko kasi, para kaming nagdi-date ni Lorraine…na ito ang aming first date…first date "kuno"


At isang kamang-hamazing na pangyayari ang naganap… bumaluktot yung metal fork na gamit ko habang tinutusok ko yung porkchop na ulam ko. Napamang-hamazing si Lorraine sa nakita…


Lorraine: Galing ah! Lakas mo naman…para kang si Samson…

Mark: At sana ikaw ang aking Delilah…Mga banat ko talaga pag in-love oh!ü


Nagpunta ako kay Atse para papalitan yung bumaluktot na tinidor…


Mark: Atse, papalitan naman nitong tinidor ‘oh! Bumaluktot po eh…

Atse: Haru Diyos ko, iho! Ba’t mo naman sinira itong tinidor ko…


Pero pinalitan at pinahiram naman ako ni Atse ng bagong tinidor. Nang makabalik na ako sa table namin ni Lorraine...


Lorraine: Oh, easy na sa pagkain ah! Baka bumaluktot na naman yang tinidor ni Atse!

Mark: :D (Pang-Close Up toothpaste ngiti ko dyan!)


At habang kumakain ulit kami


Mark: Teka, Lorraine, may dumi ng pagkain sa bibig mo…ako na magpupunas…


Dudukot sana ako ng panyo nang…


Mark: Anak ng pandesal! Wala pala akong nadalang panyo…

Lorraine: Ikaw rin kaya! May dumi sa bibig mo!


Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang bibig ko. Kumuha rin ako ng tissue at pinunasan din ang bibig niya.


At habang nagpupunasan kami ng bibig ng isa’t-isa ay napatingin kami sa isa’t isa at natigilan…


Mark: Syet, ba’t ganito siya makatitig sa akin? At bakit nagprisinta siya na punasan yung dumi sa bibig ko? Ayoko mang isipin pero, hayy! Pano kung may gusto din siya sakin? Ahay! Hindi. Baka naman ganoon lang talaga siya. Mabait kasi siya. Ayoko munang umasa. Bahala na.


Efren: What’s this commotion all about?!


Napabalikwas kami pareho ni Lorraine…



Mark: Wala na…KJ na…eekse-eksena pa ‘tong “F”-ren na ‘to eh…

Efren: Uy, nandito pala yung MBP… Most Bano Player…

Mark: Sige, Lorraine…mauna na ko…

Imaginary Crowd: Awwwww


Pakiramdam ko natalo na naman ako ni Efren. Wala akong nagawa. Pero ginawa ko lang ang dapat kong gawin para di na magkagulo pa...o sadyang di ko lang kayang ipaglaban ang pag-ibig ko kay Lorraine…


Bigo. Talunan.


Pumunta na ako sa room namin sa English class… Kung kanina ay masaya ako, ngayon eh bad trip na bad trip ako… Pagpasok ko ng room…


Miguel: Oh, kumusta na kay—


Pero nahalata yata ni Miguel na bad trip ako kay di na niya itinuloy yung tanong niya… at pumasok na sa room si Ma’am Alcantara…


Ma’am Alcantara: Ok, class, I have checked your essays…*blah*blah*blah*


Essay. Di ko nga pala nasabi, yung essay na yun ay pina-assignment sa amin ni Ma’am Alcantara last Thursday at pinasa namin yun nung Monday.


At sa tingin ko ang essay ko ay ka-level ng mga article na nasa featured section ng Kule o ng Frontliner…sana…ü...


Nga pala, ang Kule or Philippine Collegian ang school newspaper ng UP... Ang Frontliner naman ang official school newspaper ng UPEPP.


Ma’am Alcantara: And I’m very disappointed and so angry that……*blah*blah*blah*


Oo…galit nyan si Ma’am Alcantara, nakisabay pa siya sa bad trip ko. Di ko idedetalye pa kung pano siya nagalit.


Basta ang ikinagalit niya ay tungkol sa mga maling grammar na nakita niya sa essay ng iba.

Tulad na lang ng past tense ng catch na ginawang “catched” ng tatanga-tangang estudyanteng gumawa ng essay na may ganun… at may sequel pa yun ng maling pluralization tulad ng “alumnis”…


Na-degrade daw siya bilang English teacher namin…para raw kaming walang natutunan sa kanya...haaayyy…



At nang nakuha ko na yung essay ko…


Mark: Bloody hell…bloody hell…


Madugo ang naging resulta ng essay ko buhat sa pulang tintang ballpen ginamit ni Ma’am Alcantara sa pag-correct ng essay ko na kulang na lang eh i-rewrite na niya buong essay ko (her comments and corrections are written in red and inside the parentheses) :


Dating is a natural course (it is not a course) during tenenage period of your life (adolescence). It is the time when you get to know different kinds of people. It is a normal thing if you feel akward (it should be spelled as awkward) on a date especially when it is your first time, but when you are used to it, one (you’re shifting your point of view, at first you use “you” and then you will use “one?”) will realize that dating is actually fun.

But how one should behave while out in a date, whether you are a first timer or not? There are many things do’s and don’ts when out on a date; one factor is that we Filipinos are brought up in a conservative and traditional (redundant) way of life. We have this sense of “delicadesa” (you didn’t explain what delicadesa is).

When one is out on a date, one should dress properly and have himself/herself groomed. , when going out one should behave well. If you are a girl, you must not be talkative, avoid foul languages and be not too aggressive. If you’re the guy, , you must be gentleman, treat the girl good (well!!), and make her feel comfortable and safe.

Dating is a wonderful event in one’s life that one must not be nervous or be tense because you (don’t include your reader) will not enjoy this romantic part of your life if you do (you didn’t explain why dating is wonderful). Go on (and) seize the day!!! (overused of exclamation mark)


Ang inaasahan kong essay ko na tingin ko eh pang-feature section sa Kule ‘eh magiging sanitary napkin lang pala ng nirereglang red ballpen ni Ma’am Alcantara… Pero may mga positive comments naman si Ma’am kahit paano sa essay ko: good flow of thoughts daw yung essay ko.


Ma’am Alcantara: Next time in your final exam, I don’t want those kind of essays. Understood?


Mark: Oo…at kailangan kong gumanti sa ginawa mong pangyuyurak sa aking papel. Sisiguraduhin kong sa finals eh mano-nosebleed ka sa magiging essay ko. Ma’am..humanda ka sa bagsik ng aking paghihiganti. Babawi ako sa finals… Roar!


Tapos na ang English class namin. Di naman nag-lesson si Ma’am Alcantara… nag-litanya lang siya kung gaano kami kabobo sa English… slight lang…


Di pa rin ako makausap ng mga kaibigan ko. Tingin pa rin siguro nila ay bad trip ako. Marami kasing gumugulo sa isip ko nung mga oras na yun: Ano bang meron si Efren na wala ako? Hindi naman siguro ako panget pero napagisip-isip ko na baka puro kayabangan ko lang ang mga pinagsasasabi ko.


Hindi ko alam pero, minsan naiinggit ako sa ibang tao. Kahit na hindi sila gwapo at kung ikukumpara sila sa akin eh siko ko lang sila, masaya pa rin sila. May kaibigan, may ka-love team, pinagkakaguluhan…


At sa pagmumuni-muni ko ay di ko napansin na may nabangga na pala ako…


Mark: Uy, tol, sorry…


Si Felix pala yung nabangga ko. Si Felix, nabanggit ko na siya sa Episode 9, siya yung isa sa mga lalake ng Psych 1B, yung macho, bale ka-block siya ni Lorraine…


Felix: Ok lang yun…

Mark: Fex Fex ikaw pala yan…di ko napansin… sensya na…

Felix:

Mark: Fex Fex…syet mukhang nasagwaan at nainsulto ata si Felix sa pagtawag ko sa kanya ng Fex Fex… patay na…susuntukin na ko nito…ospital na ang abot ko nito…

Felix:

Mark: Sensya na at natawag kitang Fex squared…nagulat lang kasi ako… sensya na kung nasagwaan ka o nainsulto…

Felix: Hindi, ok lang yun. It would be fine with me if you call me Fex Fex… Cute nga pakinggan eh...


Woooh! Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko uupakan na ako nito ni Fex Fex eh… Matutuwa pa pala siya sa new nickname niya na ako ang nagbansag… Umiral na naman kasi ang pagka-Freudian ko...puro obscenities ang naiisip. Buti na lang at friendly nga talaga ‘tong si Felix…


Felix: Pare, mukhang malalim ata iniisip mo. Baka matulungan kita…

Mark:

Felix: Mark??

Mark: Fex Fex, pwede mo ba ko tulungan magpalaki ng katawan, napapangitan na kasi ako sa sarili ko..


Felix: Oh kamon mamon! Bakit mo naman naisip na mag work-out?


Mark: Babae pare..


Felix: Talaga? Sino naman? Ka-block mo ba?


Mark: Hindi, ka-block mo siya… si Lorraine...


Felix: Whooah! That’s cool. So ano ba gusto mong mangyari?


Mark: Hindi ko alam. Mahal ko siya. Ewan.


Felix: You see, kailangan mo lang talaga maging natural. Siguro nagseselos ka kapag kasama niya si Efren pero huwag mo nang isipin yung itsura mo, although its a factor, wala namang panget sa itsura mo. Gwapo ka naman eh.


Mark: Gwapo ako? Patay na! Brokeback! Haha. Pero tama siya, masyado kong dinadamdam yung mga pangyayari.


Mark: So, ano dapat ang gagawin ko?


Felix: Maging natural ka lang sa kanya. Sabi nga sa kanta ni James Ingram, “be uncool to let her know that she’s the one”. Kung tatahimik ka na lang sa isang tabi, wala kang patutunguhan at ang pag-ibig mo kay Lorraine. Make a move, pare!


Mark: Salamat ha, siguro okay na okay love life mo, ang ayos mong mag advise eh.


Felix: ...


Namulat ako sa katotohanan. Dapat hindi ako sumusuko. Kung may gusto ka sa isang tao, ipakita dapat! Hindi yung pa torpe-torpe. Anak ng torpedo naman!


Kinabukasan, Friday, pagkatapos ng P.E. class namin ay nagpunta na ko sa Philo class namin. Palabas na yung previous class, nakita ko si Lorraine pero di niya ako napansin dahil busy siya sa pakikipag-usap kay Efren… sayang, akala ko magsi-sit in siya ulit sa amin…


Simula na ng Philo class namin…



Sir Madrigal: God is infalliable. He knows all things. He knows the future. Ibig sabihin, dahil alam niya ang future, we can conclude that God is the one who is plotting out our future and you have no control of it…

Anna: I don’t think so, Sir…


Ayan na…si Anna a.k.a. “Why should I lie?” na naman ang mag-aargue… And for sure, may quotable quote kang makukuha mula sa kanya…


Sir Madrigal: And why is that so?

Anna: God gave us free will so that we can make our own choices. Something happens in our life is not because of destiny or chances…It’s our internal locus of control or our own choice that makes and shapes us who we are…


Dranreb: May point nga si Anna…hindi si God ang dapat magdesisyon kung ano ang gagawin mo sa buhay mo kundi ikaw at ang sarili mo lang, with Divine guidance siyempre…

Chinee: Oh, Dranreb, namumula ka na naman dyan! Crush mo na naman ulit si Anna…

Dranreb: ...

Anna: :)


After ng argument na yon, dinistribute na ni Sir Madrigal yung mga quiz namin about dun sa “Argument by Deduction.” Hindi ko maipapaliwanag kung ano at paano yun, mahirap i-explain yun…yung mga nag-Philo 1 siguro eh alam kung paano yun.


By the way, mahina ako dun sa lesson na yun kaya di kataka-takang mababa score ko. Nakita ko yung quizzes ni Gwyneth…


Mark: Uy, Gwyneth, ang galing mo naman. Ang taas ng score mo…

Gwyneth: Salamat…

Mark: Uy, ano ba ang sikreto mo at ang galing mo sa Philo?

Gwyneth: Mark, huwag mong ipagsasabi ‘tong sasabihin ko sa’yo ah…

Mark: Sige, pero ano ba yun?

Gwyneth:

Mark:

Gwyneth: Kaya ako magaling sa Philo kasi…kasi… descendant ako ni Confucius…

Mark: Weh? Hindi nga?

Gwyneth: Sige, para maniwala ka, anong Chinese name ni Confucius?

Mark: Kung Fu Tzu…

Gwyneth: Eh di ba apelyido ko eh Tzu?

Mark: Oo nga nuh…


Oo nga pala, may lahing Chinese si Gwyneth…


Gwyneth: E di naniniwala ka na?

Mark: Oo… pero pano niyo naman nalaman na descendant ka ni Confucius?


Gwyneth: Yung lolo ko kasi, pina-trace sa isang imbestigador yung family tree namin… kung sino ba mga ninuno namin… bale matagal din daw bago na-trace ng imbestigador na galing pala kami sa angkan ni Confucius. Yung lolo ko, apo na ng apo ng apo ni Confucius… kaya yun, namana ko siguro sa ninuno naming si Confucius yung kagalingan ko sa Philo…


Mark: Wow! Ang galing naman…

Gwyneth: May pahabol pa nga na sinabi yung imbestigador sa akin eh…

Mark: Ano raw yun?

Gwyneth: Uto-uto raw yung maniwala sa sinasabi kong ninuno ko si Confucius… ü

Mark: Ano ba yan!

Gwyneth: Napaka-gullible mo naman pala! Ang dali mong utuin!


Anak ng pilosopo! Ayan ang one of my weaknesses, ang pagiging gullible. Maraming beses na rin akong nauto ng mga ka-block at mga kaibigan ko…at sa tingin ko in the future, mauuto pa nila ako…


Nat Sci na namin…


Ma'am Fermions: OK class, ngayon ia-announce ko na yung mga group na exempted sa third exam because they presented their reports in an understandable way…


Mark: Asa pa kong ma-exempt grupo namin...sa ginawa ko ba namang "self-explanatoy-self-explanatory" na yun...Kalokohan ko talaga... ü


Ma'am Fermions: The groups who will be exempted in taking the third exam are the groups who report about "Leptons" and "Stars"…

Mark: ...

Jenna: Mark, grupo natin yun...Exempted tayo sa third exam...


Matagal bago nag-sink-in sa akin yung sinabi ni Ma'am Fermions at ni Jenna. Akalain mo yun, exempted pa kami sa third exam kahit na "self-explanatory" lang yung matino kong nasabi sa report ko...


Sabi ko na nga ba matatalino mga kaklase ko...akalain mong understandable pa pala yung report ko...hehehe...Galing! Exempted kami sa third exam sa Nat Sci...


Kahit paano nagdulot ito sa akin ng kasiyahan kahit bigo ang love life ngayon... Bawing-bawi.

TO BE CONTINUED....


Next Episode: Episode 12:Kokey


No comments:

Post a Comment