Monday. Nakasakay ako ng bus (siyempre, Santrans bus iyan) papuntang Pampanga. May TV yung bus na nasakayan ko. Ayos na sana kaya lang Homeboy yung palabas kaya minabuti ko na lang na matulog. Guest nila sina Madam Auring at hinuhulaan yung mga lovers na nanonood sa studio…
Madam Auring: Kayong dalawang magkasintahan, malakas ang vibes ko na kayo talaga ang magkakatuluyan. Basta wag lang kayong magbe-break… ü
Mark: Lecheng hula naman ‘yan oh! Kung sana yang mga hula ni Madam Auring eh makakatulong sa ikauunlad ng bansang Pilipinas! Hindi naman! Makatulog na nga lang!
Mark: ZZZZzzzz
Tito Boy Abunda: Para tumibay pa ang samahan ng mga magsing-irog ngayon dito sa studio, kaibigan, sabay-sabay nating bigkasin: Love, love, love, blessed by God Above. Tamis, tamis, tamis, wag sanang maalis. Kaibigan, tara, usap tayo…
Mark: Ayaw kitang kausap!
Nakarating na ako sa UPEPP. First class namin ang Soc. Sci. Pumunta ako ng Flintstones para hanapin sina Miguel… Nang makita ko sina Miguel…
Miguel: Mark, walang Soc Sci ngayon…
Mark: What?!
Ayan minsan madalas ang problema sa Soc Sci namin. Last two minutes kasi madalas mag-announce ng cancellation ng classes si Sir Jerrick. Marami tuloy siyang napipinsalang mga estudyante lalo na yung mga uwian: nasasayang ang pamasahe nila…
Nasa Flintstones kami ni Miguel. Malungkot ako ng mga oras na yan… Kasi alam kong di ko na makikita si Lorraine ngayong araw na ito dahil walang Soc Sci at alam kong wala na siyang klase ngayong araw dahil Communication 1 na ang kinukuha niya at bukas pa ng Tuesday ang klase dun.
Habang nasa Flintstones kami, natanaw namin si Sir Patil na nagtuturo sa isang room gamit ang kanyang mahiwagang “slide projector”. Si Sir Patil yung Indian prof na nag-discuss sa amin ng Course Outline namin nung Freshmen Orientation (see Episode 3 for details).
Habang nagtuturo siya eh pinagtripan siya ni Miguel… parang dina-dub niya si Sir Patil habang nagtuturo ito… Kulit nga ni Miguel eh, gayang-gaya niya yung boses ng isang Bumbay na nagbebenta habang dina-dub niya si Sir Patil…
Miguel: Bili na kayo ng “projector”, class… Murang-mura lang itong projector na ‘to… walang sira… may basag lang…ü
Kung maririnig mo lang kung paano sinabi yan ni Miguel eh matatawa kang talaga. Para talaga siyang boses-Bumbay na nagpapa 5-6...ü
English class na namin. Nakaupo kami ni Miguel sa harap. Nagle-lesson si Ma’am Alcantara about sa “degree ng adjectives…”
Ma’am Alcantara: It is grammatically incorrect to say “My sister is taller than me.”
Mark: What?! Wrong grammar pala yun?!
Ma’am Alcantara: It should be “My sister is taller than I am tall.”
Mark: Haayy…kahit kelan talaga ang landi ng English language…ang landi…ang landi ng English talaga… Ang landi…
Napatingin si Ma’am Alcantara sa akin… Patay, baka narinig ako…kaya…
Ma’am Alcantara: !!!
Mark: Ang landi mo, Miguel… ang landi mo, Miguel…
Miguel: ???
Mark: Great Scott! Akala ko narinig ni Ma’am yung sinabi kong malande ang English. Napatingin lang ata siya sa akin…May point naman ako na malande talaga ang English. Simpleng sentence na nga lang pinapakumplikado pa…haay…
At dinismiss na kami ni Ma’am. Habang dumaraan kami malapit sa blackboard ay tumayo naman si Ma’am at nagbura ng blackboard.
Sa pagbubura niya ng blackboard ay naulanan kami ng sandamakmak na chalk dust…
Miguel: Cough! Cough! Cough! (pinilit niya talagang maging tunog-English ubo niya…English class kasi namin at para sosyal na rin pakinggan…hehehe)
Mark: (pakanta) Let it snow! Let it snow! Let it snow!
Hindi ko alam kung talagang nananadya si Ma’am Alcantara na paulanan kami ng chalkdust dahil narinig niya yung comment ko kanina about sa English o sadyang gusto niya lang kaming bigyan ni Miguel ng maagang pamasko…ü
Kinabukasan, Tuesday… Nat Sci na namin… last subject para sa araw na ito… kinausap ako ng block rep naming si Jenna…
Jenna: Mark, ready ka na ba sa report mo sa Nat Sci?
Mark: Anak ng Pasig! Oo nga nuh! Ngayon pala kami magre-report sa Nat Sci!
Chain reaction pa naman ang mangyayari sa reporting na yun… kapag kasi hindi maganda ang reporting ng isang grupo, “5” na ang grade ng grupong iyon pati ibang grupo na nakakuha ng mataas eh magiging “5” na rin ang grade. In short, damay-damay sa grade kaya dapat magtulungan ang buong klase.
Kaya nag-cram akong basahin yung irereport ko…bahala na si Batman!
Pero bago kami mag-report…
Ma’am Fermions: So class, narito na ang resulta ng midterms exam niyo sa Nat Sci…
At dinistribute na ni Ma’am yung mga exam…nang matanggap na ng buong klase yung papel nila… by judging the looks on their faces, feeling ko eh bagsak karamihan sa amin…kasama ako run… nahalata siguro ito ni Ma’am Fermions kaya nagbigay siya ng words of wisdom sa amin…
Ma’am Fermions: You know class, success will tell you a little, but failure will teach you a lot…
Fiona: Hay, kaya pala I failed a lot, because I’m hoping to learn a lot… ü
Chinee: Makes sense yung sinabi mo, Fiona… ü
Ma’am Fermions: OK, let us start the reporting…
Si Jenna muna ang unang nag-report sa grupo namin…
Mark: Naku, Jenna…tagalan mo report mo please…tagalan mo report mo…
Jenna: Now. Let’s hear from Mark to report about the Characteristics of Leptons..
Mark: WTF!? Ako na agad?! Batman! Help!
Nagpunta ako sa harap. At binasa ko na lang sa harap ang report ko… in pure English pa yun na para akong sinaniban ng espiritu ni Miriam Defensor-Santiago…puro basa lang talaga ginawa ko sa reporting ko… Best in Reading ako nung elementary eh
Mark: Leptons have point-like particles, meaning they have no size, or a radius of zero. They have no internal structure and are not composed of any smaller parts. All leptons have spin. The spin of elementary particles is often expressed in units of h/2π, where h stands for Planck’s constant (6.626 x 10 ^-34). The value of the spin of any lepton is ½ (times the unit h/2π). Some leptons are left-handed particles. Their spin points opposite to the direction they move. Each lepton has an antiparticle, called an antilepton. The positron is often spoken of as the antiparticle of the electron, since it is able to undergo mutual annihilation with an electron. Annihilation is the simultaneously disappearance of particle and antiparticle with their mass being converted into energy. The antiparticle of a particle has the same mass, spin, and lifetime if unstable, but its charge (if any) has the opposite sign. The spin of the neutrino is opposite in direction to the direction of its motion. The neutrino spins counterclockwise. The spin of the antineutrino spins clockwise.
Class: *nosebleed
Ma’am Fermions: …
Mark: In short, my report is self-explanatory… ü
Wala, na-pressure na ako kaya ayun na lang ang nasabi ko sa report ko. Bahala na kung di na-satisfied si Ma’am sa report ko… Alam na niya naman na yung pinagsasasabi ko, siya yung prof eh.
Tsaka, naintindihan naman siguro ng mga kaklase ko yung report ko… taga-UP naman sila eh…ü
Nang matapos ang Nat Sci...
Destiny: Sumasakit ang bangs ko sa iyong report, Mark.
Mark: Hindi ako naniniwala sa'yo...
Destiny: Bakit, dahil feeling mo nagets ko yung report mo? Bomalabs kaya.
Mark: Hindi... kasi wala ka namang bangs...
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 11: First Date "Kuno"
No comments:
Post a Comment