School Days na naman…Tuesday morning. Late na ko para sa P.E. class namin. Nasa Clark Main Gate na ako at pasakay na ng jeep… at naalala ko si Lorraine at ang pagkakasabay namin nun sa jeep…
Mark: Sana…makasabay ko ulit si Lorraine ngayon sa jeep…
Pero pagsakay ko ng jeep, walang Lorraine akong nakita. At malaking panghihinayang ang aking naramdaman…
Mark: Hindi na siguro mauulit ang araw na iyon…
At habang umaandar yung jeep…
Andrew E: ♫ HUMANAP KA NG PANGET! HUMANAP KA NG PANGET AT IBIGIN MONG TUNAY! ♫
Mark: Sana…makasabay ko ulit si Lorraine ngayon sa jeep…
Pero pagsakay ko ng jeep, walang Lorraine akong nakita. At malaking panghihinayang ang aking naramdaman…
Mark: Hindi na siguro mauulit ang araw na iyon…
At habang umaandar yung jeep…
Andrew E: ♫ HUMANAP KA NG PANGET! HUMANAP KA NG PANGET AT IBIGIN MONG TUNAY! ♫
At tumigil yung jeep sa isang intersection dahil may mga nagmamartsang sundalo na tumatawid.
Sa tantiya ko ay mga sampung batalyon sila at sa tantiya ko rin eh doon na ko sa jeep tatanda at uugud-ugod na ko pag nakarating na ko sa UPEPP kung aantayin pa namin silang matapos tumawid. Stranded…
At patuloy pa rin si Andrew E. sa kanyang makapag-damdaming pagkanta…
Mark: Buset ‘tong mga sundalong ‘to! Patagal! Talagang male-late ako sa P.E. ko eh! Mabuti sana kung artista sila ‘nuh!
At nang matapos ang pagmamartsa ng mga sundalo, umandar na yung jeep at nakataring ako sa UPEPP nang malwalhati. Sa awa ng Diyos, hindi pa naman basag mga eardrums ko. Matino pa naman ako at hindi ko pa kamukha si Andrew E. Hindi lang nakapagpahinga ang puso’t baga ko ng maayos.
Pagkapunta ko sa gym…
Mark: Syet! Ba’t walang tao?! Nasaan na yung mga ka-block ko?! Tsk…tsk… baka pinagti-tripan lang ako ng mga yun ‘ah… Taguan pala ah…
Hinalughog ko sila sa buong UPEPP: sa library, sa LRC (Learning Resource Center), sa bawat bakanteng classroom, sa mga cubicle ng CR, sa kisame ng UPEPP dahil baka may lahi silang Spiderman, at sa bawat compartment ng mga locker…malay mo pinagkasya nila yung sarili nila dun para lang pagtaguan ako… Adik… ü
At nang di ko na talaga sila makita…
Mark: {oi, migz, nsan na kau?! lumabas n nga kau! wag nyo na ko pgtaguan}
Matagal bago nakapag-reply si Miguel… nang mag-reply ito…
Miguel: {bogalloids! anong pnagtataguan ang pnagsasasabi mo dyan?! nnd2 pa me sa bhay! wla taung PE ngaun! di kb nkareciv ng txt? abnormalites ka! gnicng mo ko, srap p ng 2log ko eh! }
Miguel: {oo nga…bkit, nsa UPEPP knb? :p}
Mark: Buset! Nagmadali pa ko wala rin pala!
Mga 8:30 AM na nun… 10:00 AM pa ang next class ko…
Kaya tumambay muna ako sa Flintstones, ang tambayan ng mga walang frat/soro/org at naging bagong canteen ng UPEPP mula nang magsara ang El Supremo nung August.
Ito yung dating canteen na nabanggit ko nung Episode 1. Ang dahilan ng pagsasara nila ay di ko alam; basta ang alam ko, naghirap ako sa kanila dahil sa sobrang mamahal ng bilihin sa kanila.
Mula sa Flintstones, tanaw ko ang room 15 kung saan alam kong nagkaklase na si Lorraine ngayon sa Philo. Pero di ko naman ma-distinguish kung sino si Lorraine sa mga estudyante na naroroon…
Mark: Natatanaw mo kaya ako ngayon dito, Lorraine? Sana…
At may background music na namang tumugtog sa iPod ng utak ko habang tinatanaw ko ang Room 15… Medyo corny yung kanta pero may sense naman kahit paano…
Faith Cuneta: ♫ Langit ka…lupa ako. Hanggang tanaw na lang ba tayo… ♫
Ooooppsss…hanggang dun na lang ang inabot ng kanta.. na-lobatt na kasi yung iPod sa utak ko eh… charge ko na lang later para matuloy… ü
9:30 na nang nagsidatingan yung iba kong mga ka-block kasama sina Miguel, Chinee at Dranreb…
Miguel: Mark, early bird ka ah! Excited pumasok?
Mark: !!!
Nandun din si Jenna, ang block rep namin, at may dala siyang papel.
Jenna: Guys, magkakaroon ng Interblock na iha-handle ng UP Hijos…
Ang UP Hijos ay isang org sa UPEPP…
Binasa namin yung nakasulat sa hawak na papel ni Jenna…
Miguel: The UP Hijos…blah…blah…blah… will be having its Basketball Interblock Competition for the Freshmen students of UPEPP…
Interblock, ibig sabihin, maglalaban-laban ang bawat block ng Psych, BM (Business Management), at BABE na freshmen. Katumbas siya ng Intrams o Intersection nung highschool…
Jenna: At dahil konti lang ang lalake ng Psych, magme-merge kayong tatlong lalake sa mga lalake ng Block B.
Mark: Ganun ba? Sige, Miguel, Dranreb, kayo na lang maglaro sa block natin…magme-merge pala sa BlockB ‘eh…
Miguel: Ano ka ba? Lahat tayo maglalaro…
Mark: Hindi talaga ako maglalaro…
Dranreb: Bakit?
Mark: …
Apat ang lalake ng Psych 1B. Nabanggit ko na sa previous episodes yung dalawa: si RR at si uhmm…uhmm…si He-Who-Must-Not-Be-Named…Kilala mo naman na kung sino tinutukoy ko…ü... Yung dalawang iba pa ay di ko pa nakikilala…
And speaking of the devil…dumating si Efren kasama si Lorraine. Nagulat ako…akala ko kasi ay nasa Room 15 siya… Napa-blush ako nang di oras…
Dranreb: Efwen, alam mo na ba yung tungkol sa Intewblock…
Efren: Ay, oo, binanggit na sa amin ni Anna nung Immersion… Magme-merge yung mga block natin ‘nuh? E sinong maglalaro sa inyo?
Miguel: Kaming dalawa lang ni Dranreb…
Efren: Ganun? Hindi maglalaro si Mark? Bakit? (may halong pang-aasar ang pagkakasabi niya nito) Nangangatog ba ang tuhod niyan sa takot dahil bano siyang maglaro?
Mark: Ha? Anong Hindi maglalaro? Sinong nagsabi niyan? Maglalaro ako ‘nuh!
Lorraine: Kelan ba yang interblock niyo?
Mark: …
Dranreb: Sa Friday na…
Mark: What? Friday na…
Lorraine: Ganun? Sige, galingan niyo ha… Miguel, Dranreb, Mark…
Miguel at Dranreb: Sige…
Mark: …
Lorraine: Mark?
Mark: …
Chinee: Oo daw sabi ni Mark. Lorraine, silence means yes, di ba?
Lorraine: Ganun…sige, inaasahan ko yan ah… Nga pala, makiki-sit in ako sa Philo class niyo, na-late kasi ako ng gising eh…
Miguel at Dranreb: Wooo!! (sabay tingin sila sa akin)
Mark: … (namumula kasi ako... ü)
Hindi ko masabi sa kanila na hindi na ko naglalaro ng basketball ngayon. Noong high school ako, adik ako sa paglalaro... Pero isang malagim na insidente ang nangyari...
Sinipa ako ng kalaban naming team dahil matatalo na sila at tumama iyon sa aking tuhod. Malakas ang pagkakasipa niya.
Nagkaroon ako ng grade 2 medial collateral ligament injury. Ibig sabihin, may partial tear o sira na ang ligament ng aking tuhod.
Pinayuhan ako ng mga doktor na wag na akong maglalaro ng basketball na malapit sa aksidente. At alam kong papagalitan ako ng Mommy ko kapag nalaman niyang maglalaro ako...
MARK: Pero kasubuan na. Bahala na kung may mangyari sa akin. Ayokong mapahiya kay Efren...lalo pa nang sinabi niyang nangangatog ang tuhod ko? At gusto kong may maipagmalaki ako kay Lorraine... Papakainin ko ng alikabok si Efren at papakiligin ko si Lorraine.
Philo class na namin. At as always, pag Philo class namin, asahan mo na jam-packed ang classroom namin kasi marami kaming kaklase na upperclassmen.
Lagi kaming magkakatabi nina Chinee, Miguel, at Dranreb pag Philo. Pero ngayon, hindi nila ako tinabihan. Isang upuan ang nakapagitan sa amin nina Miguel…
Mark: Hoy, Miguel, tabihan mo nga ako! Ba’t nagbakante ka pa ng upuan?
Mark: Hoy, Miguel, tabihan mo nga ako! Ba’t nagbakante ka pa ng upuan?
Miguel: Lorraine…dito ka na sa tabi ko umupo ‘oh…
Mark: Anak ng tokwa! May maitim palang balak pala ‘tong mga ‘to sa akin… grrr…
Lorraine: Sige… salamat, Miguel… :D
Miguel: :D.. Enjoy…ü
Umupo nga si Lorraine sa tabi namin ni Miguel. Iniwas kong tignan si Lorraine. Nagtulug-tulugan pa nga ako… Nagising lang ako “kuno” nang may dumaan sa harap ko… si Efren… umupo sa bakanteng upuang nasa kaliwa ko naman. Bale, nasa gitna ako nina Lorraine at Efren…
Efren: Tol, pwedeng magpalit tayo ng pwesto? Pwedeng kami ang magtabi ni Lorraine?
Mark: …
Chinee: I’m sorry, Efren. Naka-glue na ang pwet ni Mark sa upuan na yan kaya hindi na siya makakaalis dyan...Di ba Lorraine? :)
Lorraine: ???
May pagka-mataray ang pagkakasabi ni Chinee kay Efren kaya hindi na nakapalag pa si Efren at umupo na sa kaliwang upuan ko…
Efren: Mekeni…Mekeni…Mekeni…
Lorraine: Mekeni…Mekeni…Mekeni…
Efren: Mekeni…Mekeni…Mekeni…
Lorraine: Mekeni…Mekeni…Mekeni…
Mark: Loko 'tong mga to ah. Parang wala ako sa gitna nila. At nagme-Mekeni Mekeni na naman sila… Minumura na ata ako nitong Efren na ’to...Humanda ka lang pag natuto akong mag-Kapampangan…
As usual, nagle-lesson si Sir Madrigal…Types ng Statement ang lesson niya. May tatlo raw types of statement na nakalagay naman sa Philo lectuwe (wooh..nahahawa na ko kay Dranreb..ü) notes namin; ito ay analytic, empirical, at evaluative statements.
At may sinulat si Sir Madrigal sa isang papel at tumingin sa mga class cards…
Sir Madrigal: May I call in… Pineda, Dranreb… Come here in front.
Tumayo si Dranreb at lumapit kay Sir Madrigal.
Sir Madrigal: Ok, class, kanino nali-link itong si Mr. Pineda??
Psych 1A: Kay Ms. Anna Danielle Guina po :D… (synchronize kami nyan ah)
Sir Madrigal: Ganun ba? Sige, Mr. Pineda here will read a statement I have written and Ms. Guina will identify what kind of statement is that…
Psych 1A and some Psych 1B: Uuuuuuuuyyyyyyyy….. Hiki! Hiki!
Pinabasa ni Sir Madrigal yung sulat kay Dranreb…
Dranreb: Si Siw naman eh! Nangti-twip (trip)!
Sir Madrigal: Ito naman, nahiya pa. Sige na, basahin mo na. Malay mo, baka dyan sa babasahin mo eh mapasagot mo si Ms. Guina… :D
Psych 1A and some Psych 1B: Uuuuuuuuyyyyyyyy….. Hiki! Hiki!
Matagal bago muling nakapagsalita si Dranreb… Pinagpapawisan na ito…
Dranreb: …
Anna: ???
Dranreb: … (namumula na kasi si Dranreb ... ü)
Anna: ???
Dranreb: Anna, you awe (are) so beautiful to me!
Nagsimula na naman ang kantiyawan.
Psych 1A and some Psych 1B: Uuuuuuuuyyyyyyyy….. Hiki! Hiki!
Sir Madrigal: So class, what kind of statement is that?
Class: Evaluative….
Ang evaluative statement kasi ay isang klase ng statement na sa tingin ko ay magagamit mo kung gusto mong mambola… basta ayun yung pagkakaintindi ko sa paliwanag ni Sir Michelin kanina… tulad na lang ng ginawa ni Dranreb kay Anna… di ba? Bola lang yun…hehehe…
Sir Madrigal: Oh, next…
At may sinulat na naman si Sir Madrigal sa isang papel at tumingin sa mga class cards…
Sir Madrigal: May I call in… Lhuillier, Mark… Come here in front...
Mark: What?
Miguel: Hoy, Mark… tawag ka ni Sir…
Kinakabahan akong lumapit kay Sir…
Sir Madrigal: Ok, class, kanino naman nali-link itong si Mr. Lhuillier??
Psych 1A: …
Mark: Buti naman at hindi nila alam… bleehhh… pasensya ka Sir… di ako ma-showbiz…
Miguel at Dranreb: Kay Ms. Lorraine Manliclic po…
Mark: WTF?!! Wala kayong pakikisama! Nanlaglaglag kayo…
At dun na nagsimula ang kantiyawan…
Psych 1A and some Psych 1B: Uuuuuuuuyyyyyyyy….. Hiki! Hiki!
Lorraine: ???
Efren: !!!
Sir Madrigal: Oh, Lhuillier, relax ka lang dyan. Wag ka masyadong kabahan. Sige, Mr. Lhuillier here will read a statement I have written and Ms. Manliclic will identify what kind of statement is that…
Psych 1A and some Psych 1B: Uuuuuuuuyyyyyyyy….. Hiki! Hiki!
Mark: Shut up!
Pinabasa na ni Sir Madrigal yung sulat sa akin…
Mark: …
Sir Madrigal: Oh, game na…basahin mo na…
Matagal bago ako nakapagsalita… Tagaktak ang pawis ko at malamig pa ito… Kabadong-kabado ako… Rinig na rinig ko ang pagkabog ng puso ko… puso… puso…
Chinee: Mark, puso mo nalaglag… pulutin mo muna… :)
Ako namang si uto-uto, yumukod para pulutin ang nahulog kong puso...
Mark: …
Class: Ahahahahahahaha (halakhak yan, hindi lang tawa, tulad ng kay Ogie Diaz… :D )
Sir Madrigal: Kayo naman, masyado niyong pine-pressure si Mark ‘eh…
Fiona: Eh, sir, ang tagal niyang magsalita ‘eh… naiinip na kami…
Class: Oo nga… oo nga…
Sir Madrigal: Oh sige na kasi, Mark… masyado kang mabagal ‘eh… mauunahan ka ng iba dyan kay Ms. Manliclic kung babagal-bagal ka…
Psych 1A and some Psych 1B: Uuuuuuuuyyyyyyyy….. Hiki! Hiki!
Ito na ang moment of truth… hold your breath, my dear readers… at ingat na rin kayo kung sakaling mapa-buntong hininga kayo ng malakas pag natapos niyo nang basahin ang sasabihin ko kay Lorraine dahil baka liparin ang PC niyo sa lakas ng buntong-hininga niyo…
Mark: L--Lorraine …
Lorraine: ???
Efren: !!!
Mark: … (namumula na kasi ako ... ü)
Lorraine: ???
Efren: !!!
Mark: Lorraine, aanhin ko pa ang sinabawang gulay… kung sa’yo pa lang makulay na ang aking buhay…
Lumipat na tayo sa next scene dahil iniwan ako ng utak ko pansumandali nang matapos kong sabihin yang “gulay-gulay, churva-churva” na ‘yan… (pati ba naman kay RR nahawa na ko??!…haayyy) kaya walang nag-register na nangyari sa akin after nun…
Nagpunta akong mag-isa sa CR… Pagkapasok ko sa CR ay siya namang paglabas ni Efren sa isang cubicle… nagkatinginan kami ng masama…
Efren: Mark, hinahamon kita. Magduwelo tayo.
Mark: Baka hindi ka na makilala ng magulang mo pagkatapos nito?
Efren: Hindi ka na sisikatan ng araw. Hayop ka!
Mark: Baka may lamay na sa bahay niyo bukas.
Efren: Ano pang hinihintay mo… durugan na tayo ng mukha…
Mark: Lugi na ko sa’yo…wala na kong madudurog sa mukha mo, masyado nang durog ‘eh…
Efren: Isang Bala Ka Lang…
Mark: Isang bala ka Lang, Part 2…
Panandalian kaming naging poet dahil sa lalim ng mga aming pinagsasabi. At nag-promote muna kami ng FPJ Movies bago kami magsimula… Idol ko kasi si FPJ eh (may he rest in peace)… ü
{Now Playing: Eye of the Tiger – Survivor}
Kung wala kayong ideya sa kantang yan, yan yung madalas na tugtog sa boxing, or yung kay Rocky Balboa. Iyan yun! Yung tono nyan eh: ten!ten!ten!ten!...ten!ten!ten! ten!ten!tennnnn!... Alam kong hindi mo na-gets yung tono kaya magpatuloy ka na lang sa pagbabasa… ü
Tenk tenk! Tumunog na yung bell. Nagsimula nang magsagupaan ang tigre at ang leon. Binigyan ko siya ng straight sa panga. Hindi siya nakailag. Medyo nahilo siya pero agad siyang bumawi.
Sinikmuraan niya ako sa tiyan. Nawalan ako ng hininga. Pero hindi ako pumayag. Sa ngalan ng pag-ibig, binigyan ko siya ng “upper cut” sa chin. May nakita akong mga bituin na umiikot sa ulo niya.
Umagos din ang dugo mula sa dalawang butas ng kanyang ilong, hudyat ng kanyang pagkatalo. Knock-out siya! Ako ay nagwagi. Nagsipalakpakan yung mga na naki-ooozyy na tao sa amin sa CR…
Lorraine: Mark...
Mark: Huh?
Lorraine: Dismissal na natin sa Philo…
Mark: Ahh ganon ba. Akala ko naman kung ano. Nananaginip na nga ako eh. Hehe. Sige, salamat sa pangigising… Sensya ka na, di kita naka-usap… nasarapan ako sa pagtulog ‘eh…
Lorraine: Mukha nga… Tulo-laway ka pa nga kanina eh… :D
Mark: Panaginip lang pala. Sayang. Akala ko pa naman durog na yung mukha nung hayop na yun. Anyway, hindi ko naman magagawa yun eh. Eh di wala nang kontrabida at kakawawain ko sa kwentong ‘to… hehehe
Panaginip lang pala pati yung “makulay ang gulay-gulay” na yun… nakatulog na pala talaga ako nung nagtutulug-tulugan ako nung nakatabi ko si Lorraine sa upuan all the way sa buong period ng Philo… hehehe.. at least kahit di ko nakausap si Lorraine, nakatabi ko naman siyang matulog, kahit tulo-laway daw ako… ü … hehehe…
Nasa Flintstones na kami at nakatambay. Nag-uusap kami nina Miguel at Dranreb…
Miguel: Oh, ano… maglalaro ka rin pala eh sa Interblock eh…
Mark: E mukhang naghahamon si Efren eh.. mapahiya pa ko kay Lo—
Pero di ko na tinuloy ang sasabihin ko... Ayoko munang mag-open kina Miguel at Dranreb tungkol sa totoong nararamdaman ko kay Lorraine. Baka asarin... hindi... talagang aasarin pa nila ako nang asarin kay Lorraine.
Mark: Basta… maglalaro ako…
Pagkatapos ay nagpaalam na sina Miguel at Dranreb para umuwi. Nang makaalis sila, tinawagan ko si Michael sa cellphone.
Sinabi ko ang napipinto naming interblock at ang pag-aalala ko sa knee injury ko....
Michael: Tol, goodluck na lang sa laro mo at sana hindi madale ang tuhod mo. Ingat ka na lang. Wag ka mag-alala, hindi kita sumbong sa Mommy mo. Ingat ka lang...
Mark: Bahala na si Batman sa mga tuhod ko... Kakain na lang ako ng maraming balot sa Friday para tumibay ang mga tuhod ko... High blood nga lang aabutin ko sa dami ng kakainin kong balot..
Friday, araw na ng Basketball Interblock. Sa gym gaganapin ang laro.
Dun namin nakilala ang dalawa pang lalake ng Psych 1B: sina Felix at Dingdong. Macho ‘tong si Felix at aakalain mo sa una na puro basag-ulo lang ang alam nito…pero mukha namang mabait at friendly, nakipagkilala pa nga eh sa amin eh…
Felix: Nga pala, pare, ako nga pala si Felix…
Miguel: Miguel, tol…
Mark: Mark…
Dranreb: Dwanweb…
At nakipag-kamay ito sa amin…
Mark: Ayos! Pwede na sigurong addition sa friends list itong si Felix. Macho eh. Kunware may frat war dito or may nakaaway ako dito sa UPEPP, pwede ko siyang gawing resbak at gawing bouncer sa mga kaaway ko. Haha. Why not, coconut? So Felix, how's our muscles doing? Hahaha! Feeling ko macho na rin ako haha.
Si Dingdong naman… ok lang din naman siya. At kung tatanungin niyo ko kung gwapo siya dahil nai-imagine niyo si Dingdong Dantes sa kanya eh bibiguin ko na ang imagination niyo dahil gwapo lang pakinggan ang pangalan niya...yun lang... ü
Nagpalista muna kami ng pangalan at nagbayad ng fee… may bayad pala yun.. haay… Kalaban namin ang BM 1B… (Business Management Block 1B…)
Starting five sina Miguel, Dranreb, Felix, RR at Dingdong… Bangko muna kami nina Efren… marahil ay sa tingin nila eh napagod kami sa aming “boxing match” sa CR nung Tuesday… sa panaginip ko… ü
Tulad ng inaasahan, natambakan kami ng BM… magagaling talaga ang BM eh…
Referee: Ok, half-time break na. Sa ilang sandali ay magbabalik na ang Slam Dunk kaya get ready for the second-half… ü
Na-injured si RR… kaya ang ka-block niyang si Efren ang substitute niya. At naawa naman siguro sa akin si Dranreb kaya ako na ang pinag-substitute niya…
Mark: Sige na, Dranreb, kung gusto mo pang maglaro, ok lang… mamaya na ko papasok kung pagod ka na…
Dranreb: Hindi, ok lang yun… ikaw na muna maglawo (maglaro)…
Referee: Ok teams, second-half na, hanggang katapusan na ito ah. So sit back and enjoy… ü (kaboses niya talaga yung nagsasalita dun sa Slam Dunk)
Hayan na nga, nagsimula na yung second-half. At sa tingin ko eh saling-pusa lang ako dun.
Tulad ng inaasahan ko, hindi na ako makatakbo nang mabilis... at hindi na sanay ang katawan ko sa paglalaro... isang taon na rin kasi akong natigil dahil sa knee injury ko...
Ang dami ko pang na-commit na fouls at pang-BFV na pagkakamali. Sa sobrang dami siguro eh mananalo ka na ng P1,000,000 kung nakunan mo ito ng video at ipinadala mo sa Bitoy’s Funniest.
Mark: *naglalaro*
Referee: Prrrrrtttt… traveling…
Sabay sasabihin ng mga ka-team ko, “Ok lang yan” kahit na alam kong deep inside eh pinagtatawanan nila ako (lalon-lalo na si Efren siyempre) at medyo hindi ok sa kanila yun… ü
Mark: *naglalaro (na naman??)*
Referee: Prrrrrtttt… three-seconds violation…
Mark: *naglalaro (na naman??!!)*
Referee: Prrrrrtttt… 8-seconds violation…
Mark: *naglalaro (once more!)*
Referee: Prrrtt…double-dribbling
Mark: Pinagti-tripan mo ata ako eh. P%&@$# ina! Taknaydana! Son of a $%^#@!
Referee: Prrrrrtttt… technical foul…
Grabe, parang gusto ko nang lamunin na ko ng lupa nung mga oras na yon dahil sa kahihiyan. Alam na alam kong natatawa na yung mga nanonood nun sa akin at alam ko na sa mga nakanood ng laban na yun, awang-awa at tawang-tawa kayo sa akin, tama ba ako?…
At hindi inaasahan, natanggal ang tali ng sapatos ko habang on-going pa ang laro, kaya lumabas ako ng court habang nasa other side pa sila ng court… Baka kasi madapa ako at baka madali ang tuhod ko pag nangyari iyon... mabuti na ang sigurado.
Referee: Prrrtt…
Nga pala, matagal akong magtali ng sapatos…sobrang tagal…
Kaya naka-10 points na ata yung BM at di pa rin ako tapos magtali ng sapatos
Chinee: Letsugas! Anong petsa na at di ka pa rin tapos magtali ng sapatos mo. Ako na nga magtatali…
Si Chinee na nagtali ng sapatos ko. Nang natapos nang itali ni Chinee yung sapatos ko…
Referee: Prrrtt… GAME OVER… BM 1B wins…
Ang score: Psych: 31 vs BM1B: 45
Di naman kataka-takang pagkatapos ng laro ay ako ang itinanghal na MBP: Most Bano Player. Pakiramdam ko nun ako si Hanamichi Sakuragi… napahiya na nga ako sa lahat ng manonood, napahiya pa ko kay Efren at higit sa lahat, kay Lorraine…
Lorraine: Mark…
Mark: … (nakatalikod ako nyan sa kanya)
Wala akong mukhang maihaharap kay Lorraine… kahiya-hiya ang ginawa ko…
Lorraine: Mark, ok lang yun… you did your best naman di ba?
Mark: Hindi… bano ako… bano ako…
Lorraine: Ano ka ba. Ok lang yun. Nag-enjoy nga ako sa laro niyo eh… Lalo na sa laro mo…
Mark: Nag-enjoy sa kakatawa… (medyo bitter pa boses ko nyan)
Lorraine: Hmmm… oo…
Mark: Sabi ko na nga ba eh…
Lorraine: Pero alam mo Mark, at least naman lumaban ka kahit paano, di ba? To think... na may knee injury ka pa pala. Ok naman yung naging laro mo kahit paano…
Nagulat ako sa sinabi ni Lorraine...
Mark: Paano mong nalaman na may knee injury ako?
Lorraine: Noong isang araw, nakita kita sa Flints. Pinuntahan kita para batiin ka sana. Nang malapit na ko, nakita ko may kausap ka sa cellphone. Di ko sinasadyang marinig na nasabi mo sa kausap mo ang tungkol sa pag-aalala mo sa knee injury mo para sa laro niyo...
Napakamot na lang ako ng ulo...
Lorraine: Kaya humahanga ako sa'yo... kasi nakaya mong maglaro...
Kung pakiramdam ko nun ay ako si Hanamichi Sakuragi, pakiramdam ko naman na si Lorraine ay si Haruko na nagtatanga-tangahan sa “kabanuan” ni Hanamichi sa basketball…ü… Ito namang si Sakuragi, nagpapauto sa mga bola ni Haruko… parang ako kay Lorraine... haaayyy…
Mark: At tama nga si Lorraine... hindi sinumpong ang knee injury ko kahit na naglaro ako ng basketball. Inspired ako... kay Lorraine... sa bago kong pag-ibig...
Pag-ibig nga naman oh…
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 10: Letting Go…
No comments:
Post a Comment