Friday, October 17, 2008

Episode 8: Candaba Immersion

WARNING: VERY LONG EPISODE AHEAD…


Isang Sabado ng September: Candaba Immersion namin, ang araw na pinakahihintay naming lahat na freshmen. Ito ang culminating activity at project namin para sa Soc Sci 1 na handle ni Sir Jerrick. Sa SM San Fernando (aka SM Pampanga) ang meeting place para makapuntang Candaba.


Ang blocks lang ng Psychology at Business Economics ang handle ni Sir Jerrick kaya ayun lang ang mga kasama sa Candaba Immersion. Bale, 4 blocks lang kami, tig-dalawa sa bawat course.


Siyempre, hindi mawawala ang payabangan ng mga block shirt…


Sa block shirt ng Psych 1B, hindi naman nila masyadong ine-emphasize yung pagiging UP student nila, parang pinapataas lang nila yung kanilang tingin sa sarili nila. Pero ayos naman, hindi naman masyadong mayabang yung paraan, may konti nga lang:


There are only two universities in the Philippines:


[ X ] UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
[ ] OTHERS


Sa block naman ng Bachelor of Arts major in Business Economics 1B o BABE 1B in short, kulay green ang block shirt nila at may torch na may apoy sa tabi ng Oblation.


Sa BABE 1A naman, pink ang kulay ng block shirt nila at may baboy na naka-drawing (kasi nga BABE yung shortcut ng course nila.


Ang block shirt naman namin Psych 1A ay kulay dilaw na shirt at may design sa likod ng symbol ng Psychology na parang tinidor:


Ψ
Psych 1A


Chinee: Ayos yung harmony ng block shirt natin sa mga BABE block ah! Kung nagutom tayo, titinidurin na lang natin yung baboy ng BABE 1A, tapos iihawin na lang natin sa apoy ng BABE 1B at may makakain na tayo!… ü

Nang makumpleto na kami sa SM San Fernando, may mga service na naghatid sa amin sa Candaba. Nang makarating na kami sa Candaba (na pinamamahalaan ni Mayor Pelayo…wala lang, background lang tungkol sa place…hehehe), tinipon kami ni Sir Jerrick sa Candaba Swamp kung saan may banner na nakasulat ang:


WELCOME UP STUDENTS
from Prof. Jerrick Magdangal and the People of Candaba


Mark: Wow naman, welcome na welcome kami dito sa Candaba..


Maganda ang view sa Candaba Swamp, ang daming ibon doon na magaganda at iba’t-ibang klase. Siyempre, picture-picture muna sa Candaba Swamp para may pang-upload sa Friendster at Multiply... ü


Efren: Lorraine, pa-picture tayong dalawa sa Candaba Swamp oh…

Lorraine: Sige…

Efren: Uy, Mark…picturan mo naman kami ni Lorraine.


Sabay abot sa akin ni Efren ng camera…


Mark: Anak ng Kodak yan! Kapal ng mukha mong magpakuha ng picture sa akin…ano ako? Utusan mo?


Pero hindi na rin ako nakatanggi dahil di ko namamalayang kinuha ko pala yung camera kay Efren…katangahan ko talaga…


Mark: Ang low-tech naman ng camera mo, de-film pa ‘to ah…panahon pa ata ‘toh ni Miguel Lopez de Legazpi ‘eh!…

Efren: *ngisi* Picturan mo na nga lang kami…buset!

Mark: Hehehe…Napipikon na yan!


At nag-pose na sila…


Mark: Ok, 1-2-….sandali na-puwing ako eh… (sabay pahid sa mga mata ko…)

Efren: Ano ba yan?!?

Mark: Demanding! Lunurin ko ‘tong “F”-ren na ‘to sa Candaba Swamp makita niya!

Mark: Oh, ito na… 1-2-… *atsing!*….*aaaaaaaaaaaatttttttsssiiing!*… Pasensya na, nabahing ako…

Efren: Tol, nananadya ka ba?

Mark: Aba, napipigilan ba ang pagbahing?...

Efren: Sige na, bilisan mo na at napa-fatigue na yung ngiti namin ng Lorraine ko…


Mark: Lorraine mo? Syet… mukhang sila na ah… Bakit parang nagseselos na naman ako. Ano ngayon kung sila na? Ayon sa matandang kasabihan na kasing tanda ng camera ni Efren, ang manok kapag nakatali, mas madaling mahuli...



Efren: Hoy, anong hinihintay mo? Pasko? 90 years na kaming nakatayo dito ni Lorraine ko!

Mark: OA ka tol, 85 years lang kaya…

Efren:

Mark: Supalpal ka ‘noh… Ang yabang mo kasi…

Efren: O, sige na, kunan mo na kami ng picture…


At ngumiti ulit sina Efren at Lorraine…


Mark: Itong “F”-ren na ‘to kung makangiti parang wala ng bukas… Feeling gwapo looking kwago naman…Sumama ka na nga lang sa mga kalahi mong mga ibon dyan sa Candaba Swamp…

Efren: Hoy!

Mark: Ito na, 1-2-3…


Pero si Lorraine lang ang pinocus ko sa lens at pinicturan… Akala mong Efren ka ‘ah!


CLICK!


Efren: Ayan, buti naman at natapos din… (sabay kuha ng camera sa akin)

Mark: Thank you ha! Akala mo isinama kita sa picture… asa ka… mabuti na lang at low-tech camera mo…hehehe

Lorraine: Mark, pagpasensyahan mo na si Efren ah…

Mark: Ok lang yun. Nagdadalaga na eh kaya nagkakaganun.. meron ba siya ngayon?


At medyo nagtawanan kami…


Mark: Nga pala, Lorraine..may gusto lang akong itanong sa’yo… OK lang ba?

Lorraine: Sure…basta kaya kong sagutin ah.


Mark: Ito na, Mark… Ano ba dapat kong gawin? Itatanong ko ba kung sila na ni Efren o hindi?... Baka kasi kung ano isipin ni Lorraine… Bahala na…

Lorraine: Mark?

Mark: Uhm, Lorraine..

Lorraine:

Mark: Lorraine,…uhm… *buntong-hininga* kayo ba---

Efren: Lorraine, halika, may picture-taking daw yung block natin… mamaya ka na makipag-chismisan dyan…

Lorraine: Sige, Mark…una na muna ako…


Tumango ako at umalis na si Lorraine at nagpunta sa mga ka-block niya at nag-picture-taking sa Candaba Swamp.


Anna Danielle: Uy, Dranreb, pwedeng picturan mo kami ng mga ka-block ko?


Si Anna Danielle ay nabanggit ko sa Episode 1 na kumabog kay Sir Michelin (or Sir Madrigal). Siya rin ang block representative ng Psych 1B, ang block ni Lorraine.


Dranreb: Ahh…eh.. Sige…

Anna Danielle: Salamat.. :D

Dranreb: :D

Anna Danielle: Oh, guys, ayos na.. pipicturan na tayo ni Dranreb…


Todo-pose naman ang buong Psych 1B…paiba-iba pa sila ng pose. Akala mo eh nasa FHM Pictorial sila.. ü


Dranreb: Ok, one—two--thwee!


CLICK!


Anna Danielle: Dranreb, isa pa…please


At pinicturan ulit ni Dranreb ang Psych 1B… Lumapit si Anna kay Dranreb at kinuha yung camera…


Anna: Salamat.. :D

Dranreb: Ok lang yun… :D

Chinee: Anna, pwede raw ba kayong dalawa ni Dranreb magpa-picture?

Anna: Oh sure…


At si Anna na rin ang naghawak ng camera at nag-picture sa kanilang dalawa ni Dranreb…


Chinee: Naku, Dranreb… nakakamatay ang sobrang kilig!

Mark: Naku, papaanong nalaman ni Chinee na crush ni Dranreb si Anna? Sa amin lang ni Miguel nya yun sinabi ah! Ito talagang si Chinee…talo pa si Lolit Solis kung makasagap ng chismis…


At nagsimula nang magsalita ni Sir Jerrick.


Sir Jerrick: OK, I will divide you into groups of four to five members. Each group consists of one to two students from each block… blah-blah-blah-


Medyo maingay ang mga tao nun na nakikiusisa sa amin kaya di ko masyadong narinig yung sinasabi ni Sir Jerrick. Siguro ay dahil ngayon lang sila nakakita ng artistang tulad ko…biro lang…


Pero humbly speaking, hindi naman kasi nalalayo ang itsura ko sa mga artista. Gusto ko kasing maging artista. Ang alam ko kasi, mas madaling mag-artista kaysa mag-aral.


Destiny: Mark, anong sabi ni Sir?

Mark: Di ko naintindihan. English kasi ‘eh..


At tumingin ako sa paligid-ligid para maghanap ng pagtatanungan. At si RR lang ang kakilala ko na malapit sa amin ni Destiny.


Mark: Tanungin ko kaya ‘tong si RR?... Ay, huwag na lang… baka “churva-churva” na naman isagot niya sa akin eh...


Si Fiona, ang blockmate naming magaling sa English, ang nagpaliwanag sa amin ng instructions ni Sir…


Fiona: Igu-grupo raw tayo ni Sir, bawat grupo may four to five members na consists ng one to two students mula sa iba’t-ibang block.


Nag-roll call na ng mga pangalan si Sir. Magka-grupo sina Miguel at Dranreb, tapos puro babae pa mga ka-grupo nila including si Anna.


Mark: Swerte ng dalawang kolokoys na yun ah! Mga chicks ka-grupo nila! Lalo na yung si Dranreb!... Kinikilig ako para sa kanila ni Anna…


Sir Jerrick: Ok, next group… (nagbanggit siya ng dalawang pangalan mula sa BABE block na hindi ko kilala), Macasaquit, Efren…


Mark: Bagay nga apelyido mo sa’yo, Efren…marinig ko lang kasi pangalan mo eh nakakasakit ka na ng tenga ko! Buset! Hehehehe


Ang “Macasaquit” kasi ay Kapampangan term sa “nakakasakit”



Sir Jerrick: Manliclic, Lorraine and Lhuillier, Mark…

Mark: What??!


Napatingin ako sa paligid para hanapin sina Lorraine. Nang makita ko sila, nagkatinginan kami ni Lorraine…matagal.


Ewan ko ba kung bakit ganun kami minsan ni Lorraine pag nagkikita: nagkakatinginan muna ng matagal. Nagulat marahil siya dahil magkagrupo kami…


Efren: Hoy, ano pang tinatanga-tanga mo dyan!

Mark: Hay, kahit kailan talaga Everlasting Peace And Love ‘tong “F”-ren na ‘to…panira…epal…


Pumunta na ako kina Lorraine…


Mark: Hi Lorraine.

Lorraine: :)

Mark: Hehe, laglag panga ko sa smile niya >.<


Hindi ko kilala yung dalawa pa naming ka-grupo na galing sa BABE blocks, at sa palagay ko eh hindi rin kami kilala ng dalawang BABE students na ‘to. Nagkakahiyaan kami noon. Walang gusto magsalita, puro ngitian lang.



Siguro nahihiya sila magsalita dahil bad breath sila kaya ako na ang naguna sa pagsasalita.


Mark: Ako nga pala si Mark Lhuillier. (sabay ngiti sa mga BABE students)

BABE students: :)


Nagpakilala rin sina Lorraine at Efren sa mga BABE students. At nagpakilala rin naman sila.


Yung isa ay si Leslie na galing BABE 1A at si Joane naman yung isa na galing naman sa BABE 1B.


Pero huwag niyo ng isipin o tandaan yung mga pangalan nila. Baka hindi ko na sila isama sa mga susunod na episodes. Extra lang yang mga yan. Pinagbigyan ko lang sila na maka extra dito haha…


At binigay na ni Sir Jerrick ang mga task na dapat naming gawin at kumpletuhin. Bale, parang “Amazing Race” or “Extra Challenge” yung concept ng laro. Ang purpose ng game ay para malaman namin kahit konti ang mga ikinabubuhay ng mga tao sa Candaba. At 20 groups all in all kami.


Sir Jerrick: The first ten groups na makatapos ng mga task at makabalik dito sa Candaba Swamp ay may plus 20 sa midterms sa Soc Sci.


At siyempre, bago magsimula ang game, hindi pwedeng mawala ang walang-kamatayang “mantra” ni Sir Jerrick sa amin.


Sir Jerrick: Oh, guys, James na ba kayo?

All: Yap! Yap! Yap!

Mark: Let's get it on... sabon!


And the game begins. Takbuhan ang bawat grupo sa bawat sulok ng Candaba. OK naman yung mga unang task. Yakang-yaka! Kering-keri naman!



FIRST TASK: Hanapin ang Le Joyce Salon at itanong ang mga services nila at magkano ang mga ito. (Trivia: Sila ang nagpapaganda sa akin)


Lorraine: Oo nga pala, ano yung itatanong mo sa akin kanina?

Mark: ...

Lorraine: Mark..

Mark: ...

Mark: Should I go for it? Itatanong ko ba sa kanya? Handa ba ako sa isasagot niya kung sakali? Baka hindi ko lang magustuhan kung anuman ang isasagot niya…baka masaktan lang ako kung sakali.

Lorraine: Mark, ano kasi yun. Please.


Tuloy parin kami sa paglalakad para mahanap ang Le Joyce Salon na yun.


Mark: Ano ba dapat kong sabihin para matigil na to.

Lorraine: Mark Lhuillier…

Mark: Wahh! Makakatanggi ba naman ako sa napaka-simple niyang mukha? Sa anghel niyang katangian? At sa mala-musika niyang boses nang tinawag niya ako sa buong pangalan? Sige na…ito na talaga…itatanong ko na. Bahala na si Batman, at kung papalarin, isama niya na rin ang sidekick niyang si Robin!

Mark: Lorraine..kasi… ano—

Efren: Ano na naman ba yang chismisan na yan ha, Mark?

Mark: Sige, Lorraine. Hindi naman ganun kaimportante yung itatanong ko sa’yo eh… Sorry na lang sa abala…

Lorraine: Ganun ba? Sige…

Mark: Ito talagang “F”-ren na ‘to. Ipinanganak lang ata ‘to sa mundo para mang-epal. Mga bida talaga, inaapi muna sa umpisa…


Nahanap na namin yung Le Joyce Salon na yun at tinanong ang mga services nila. Mga dabarkads nga ni Sir Jerrick ang mga parlorista dun. Masaya silang kausap…entertaining naman sila at approachable…Nang matapos na naming yung first task, second task naman…


SECOND TASK: SIZZLING PLATE: Maghanap ng carinderia na nagluluto ng Sisig Pampanga at itanong kung anu-ano ang ingredients nito at paano gawin.


OK naman at marami-raming carinderia ang nandun na nagluluto ng Sisig Pampanga. Bawat carinderia nga ay meron nang mga estudyante na nagtatanong rin kung paano magluto ng Sisig Pampanga…


Lorraine: Atse, pwede pu magkutang? Makananu pu gegawan itang Sisig Pampanga?
Subtitle: Ale, pwede pong magtanong? Paano po ginagawa yung Sisig Pampanga?


At habang nagsasalita yung ale, jina-jot down naman ni Efren yung sinasabi ng ale. Bukod kasi kay Lorraine, siya lang ang Kapampangan sa grupo namin kaya siya lang nakakaintindi ng sinasabi ng ale.


At nang matapos na ang question and answer portion nila, pinakain pa kami ng ale ng Sisig… Free-of-Charge! At habang kumakain kami…


Ale: Mga estudyante ba kayo? Ang dami niyo ngayon dito sa Candaba ah! Saan kayo nag-aaral?

Lorraine: Sa UP po…

Ale: UP? Ibig sabihin galing pa kayo sa Quezon City? Sa Diliman?

Mark: Wish lang namin…kaya lang extension lang kami nun…ü

Lorraine: Ali po. Dyan lang po kami sa UP Clark…

Ale: Ah, sa Clark. Kapampangan ba kayo lahat?

Lorraine: Ali rin pu. Kami lang po ni Efren ang Kapampangan dito sa group namin. (sabay turo kay Efren).

Ale: Ah…misanting kang lalaki ah… (Misanting-Guwapo)

Efren: Ganun po? *sabay blush*

Ale: Kalupa mu ya y Dennis Trillo (Kamukha mo si Dennis Trillo)


Mark: Huwaaattttt??? Nabilaukan ako dun ah! Kamukha ng “F”-ren na yan si Dennis Trillo? “Dehins” Trillo pwede pa…


Efren: Ganun po? *sabay blush na naman* Salamat po…


Mark: Wooo! Nagpabola ka naman! Ikaw, kamukha ni Dennis Trillo? Ang layo kaya ng mukha niyong dalawa ni Dennis Trillo…mula Batanes hanggang Jolo ang layo!


At natapos na kaming kumain. Nagpasalamat kami sa Ale. Lalo na si Efren a.k.a. “Dehins” Trillo na ngiti abot-tenga…


THIRD TASK: OCTOBERFEST NA! Pumunta sa isang tindahan na may Videoke. Itanong sa tindero kung magkano ang isang case ng: Red Horse, San Mig Lite, San Miguel, at Gran Matador. Pagkatapos ay kumanta ng “Laklak” sa videoke nito. (Walang dayaan, may mga alipores akong umaaligid sa mga tindahan dito sa Candaba at sasabihin nila kung kumanta kayo o hindi)


Nakahanap agad kami ng tindahan at pinagtanungan ang tindero nito. At sa lahat ng task so far ito lang ang task that I find very informative.. ü. Nang matapos na ang Q&A portion, kantahan na ng “Laklak”… Maraming taong nakikiusyoso, ito siguro ang mga alipores na sinasabi ni Sir.


ROCK-ROCKAN NA!


PARE, SHOT KA MUNA! Kabilin bilinan ng lola. Wag nang uminom ng serbesa. Itoy hindi inuming pambata. Mag softdrinks ka nalang muna. Pero ngayon ako’y matanda na. Lola pahingi ng pantoma…


Tapos na ang 3rd task. Fourth Task na…ang pinaka-hardcore na task sa lahat…Di ko siya na-carry...


FOURTH TASK: MEKENI! MANGAN TANA! Gutom ka na ba? Hanap mo ba ay “exotic” na food trip? Pwes, punta na sa Exotic Candaba’s Best Restaurant at makikita mo ang hinahanap mo. Makuha ka sa tikim!…


Nagpunta kami run sa lugar. Pagdating namin dun, may ibang groups na rin na kumakain sa mga table. May number ang bawat table dun. At dahil group #17 kami, sa table #17 kami na-assign. May waiter na nag-usher sa amin papunta sa table namin. Nakatakip ang mga pagkain dun. Nang buksan na ng waiter yung pagkain…


Mark: Holy Rat!


Tig-iisa kaming BBQ daga at buro(yung medyo mabantot na kanin na may iba’t-ibang ingredients)… yan ang mga exotic food sa Candaba at sa buong Pampanga.




Waiter: Sir, ma’am, kelangan niyo pong maubos yan bago kayo makaalis dito.Enjoy your meal. Sir, ma’am.


At binantayan kami ng waiter… di ako makakain… ikaw kaya, pakainin kita ng daga, kainin mo kaya?


Kering-keri nina Lorraine at Efren yung pagkain ng daga at buro. Pati buntot ng daga, sarap na sarap si Efren… Slurpee!!


Mark: Mark, Isipin mo na lang, manok ‘to, manok ‘to, manok ‘to… bleeaaarrrrggghh!!! Ratatouille! May buntot pa ‘tong dagang to ah!


Masuka-suka na kami ng mga BABE students pero malwalhati naman naming natapos ang task. Sarap to the bones na lang kuno ang drama namin!


At balik na kami ng Candaba Swamp. Pang-siyam kami sa mga dumating! Yes, may plus twenty na kami sa midterms!


At nang makumpleto kami, sabay-sabay kaming nagpunta sa palaisdaan na pag-aari nina Sir Jerrick at dun na kami manananghalian…



Lorraine: Kamusta ang exotic experience?

Mark:

Lorraine: Namumutla ka ah. Ok lang yan…

Mark: Ako? Namutla? Hindi ah! Naubos ko kaya yung Rat BBQ at buro! Sarap nga eh…

Lorraine: Huwag ka ngang sinungaling… Kita kaya kita kanina. Halos masuka mo na yung kaluluwa mo eh…

Mark: Sige na, talo na ko…

Lorraine: Halika na, kain na tayo…

Mark: Sige…


Sabay tingin ako kay Efren…


Efren: !!!

Mark: Ano ka ngayong “F”-ren ka! Ako ang inaya ni Lorraine na kumain at hindi ikaw…beeellllaaaaatttt!!!

Lorraine: Halika na rin, Efren! Mangan tana! (Kain na tayo!)

Mark: Anak ng tokwa! Akala ko naman ako lang aayain ni Lorraine. Sumabit pa talaga ‘tong si Efren! Kahit kailan talaga…


At sabay na nga kaming kumain nina Lorraine at Efren. Salamat sa Diyos at hindi na exotic ang inihanda ng mga caterer ni Sir Jerrick.


Pagkatapos ng kainan ay nanghuli naman ng isda yung iba sa fish pond. Pero pag nahuli naman nila ay ibabalik din nila yun sa fish pond! Redundancy!

May videoke rin dun…kantahan yung iba…


Sir Jerrick:
How…how could you say you love me! When you would go and leave me! How could you make me hurt so bad…


OK sa olrayt naman bumirit tong si Sir. Falsetto pa yun ah…


Kumanta rin si Efren pagkatapos ni Sir.


Efren: This song is dedicated to Lorraine…

Lorraine:

Mark: ?!?

Psych 1B: *kinikilig* Hiki…Hiki…


Tingin naman sa akin sina Dranreb, Miguel, Gwyneth at Rose Ann. Kinanta ni Efren yung “You and I Both” ni Jason Mraz.


Efren:
Coz you and I both love… What you and I spoke of. And others just read of. Others only read of the love. Oh, the love that I love. Love-ah-love


Mark: Assuming ka! Tingin mo ba mahal ka rin ni Lorraine! Ayusin mo nga yang pagkanta mo. Sapakin ka dyan ni Jason Mraz dahil binababoy mo yung kanta niya!


Nang matapos ang pagtula ni Efren…


Drum roll…dugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdug.


Tentenenentenen!... YOUR SCORE: 98%... YOU ARE A SUPPER STAR!


OO, hindi ako nagbibiro, “SUPPER” STAR talaga yung nakalagay sa videoke…Pero kung si Efren lang ang supper... wala na akong gana..


Mark: Wala, peke yang videoke na yan! Naka-98 yang “F”-ren na yan sa pagtula niya!?!

Gwyneth: Oh, si Mark naman daw… si Mark naman daw…

Mark: Hoy, wala akong sinasabi ah! Ayokong kumanta…

Efren: Boses-palaka kasi…

Mark: Ikaw naman mukhang palaka!

Dranreb at Miguel: Suntukan na! Suntukan na!

Chinee: Oh, Mark, kakasa ka ba kay Efren sa kantahan?

Dranreb: Suntukan na lang…hehehehe

Mark: Game!

Chinee: Kantahan lang ha, hindi suntukan!


Ipinili ako ng kanta ni Destiny sa songbook. At pag si Destiny ang namili, siguradong OPM song ang pipiliin nyan…


Destiny: Oh, ito, Mark…kantahin mo ‘to ha…

Mark: Baka naman “Dandansoy” o “Manang Biday” yan ah!

Destiny: Eeeennggk! Mali! Dahil nasa Pampanga tayo, isang Kapampangan song ang napili ko para sa'yo...


Sabay pindot ng number ng kanta…At tumog na yung intro ng kanta…at nang makita ko yung title ng kanta sa screen…


Mark: Syet, bakit ayan ang pinili mo, Destiny… itigil mo yan..itigil mo yan…


Pero wala na kong nagawa dahil nagsimula na yung kanta… pride ko ang nakasalalay dito… ayokong mapahiya kay Efren… at kay Lorraine… saktong para sa kanya ang kantang ito…


Mark:
O Jo kaluguran daka. Kaluguran sobra-sobra. Kasara da reng mata pantunan daka. Lawen daka angga king mate ku, uling ika ing lulugud kaku. Lawen daka O JO hanggang atin ka pang tau.


Nagkatinginan kami ni Lorraine. Nakangiti pa siya… hindi niya lang alam, siya ang pinatutungkulan ko sa kantang ‘to…


Dun na kumawala ang bugso ng damdamin…mahal ko nga si Lorraine. OO, sigurado na ako, mahal ko na si Lorraine... Hindi ito fallacy o bullshit gaya ng sinasabi ni Sir Madrigal, reality ‘to…


Drum roll…dugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdug.


Tentenenentenen!... YOUR SCORE: 100%... YOU ARE A PERFECT ARTIST!


Nagpalakpakan yung iba. Napikon naman si Efren. Nakangiti si Lorraine sa akin…


Mark: Lorraine, kung alam mo lang…kung alam mo lang kung gaano ako naguluhan sa nadarama ko para sa'yo... Pero ngayon... katulad ng score ko sa videoke... I'm 100% sure na mahal nga kita...


Hapon… nagpunta kami sa simbahan ng Candaba kung saan naghihintay sa amin ang mga bata. Bawat block ay may inihandang games sa mga bata at mga give-aways…


Charade naman ang inihanda naming game…


Dranreb: Oh, mga bata, ia-act out ko yung papahulaan namin, tapos huhulaan niyo, gets?

Mga Bata: Opo….

Dranreb: Oh, ito TV show ‘to… hulaan niyo…


At nagsimula nang mag-act out si Dranreb… Ang pinahuhulaan niyang TV show ay:


M A R I M A R


Mga Bata: 1 word… 3 syllables…

Dranreb: *gumiling-giling*


Mga Bata: Dancing Queen??


Dranreb: *umiling tsaka gumiling-giling pa*

Mga Bata: Ano ‘yan? G.R.O.?

Dranreb: *umiling ulit tsaka gumiling-giling pa*

Mga Bata: Bulate?

Dranreb: *umiling ulit tsaka gumiling-giling pa*

Mga Bata: Ah…alam ko na… BULATENG INASINAN!!!! ü


Natapos na ang Immersion sa Candaba. Hinatid na ulit kami ng service pabalik ng SM San Fernando.


Enjoy ang trip sa Candaba kahit madalas umepal si Efren. At nang makita kong paalis na sina Lorraine at Efren pasakay ng jeep papuntang Angeles…


Mark: Lo—Lorraine…

Lorraine:

Efren: !!!

Mark: Lorraine… mimingat ka… (Mag-iingat ka…)

Lorraine: Ikaw din… ingat ka…

Mark: Kaluguran da ka…


Pero wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang mga katagang iyon. Ang mga katagang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya…


Bagay sa akin yung kanta ng Eraserheads na Torpedo..


Kung malakas lang ang loob ko... Kung hindi lang ako torpe...


TO BE CONTINUED...

Next Episode: Episode 9: INTERBLOCK…

No comments:

Post a Comment