Friday, October 17, 2008

Episode 7: I.D. Picture Taking

Bilang extension ng UP Diliman, kaming UPEPP students ay kailangan pang magpunta sa UP Diliman para magpakuha ng ID Picture…


Nasa SM North na ko para sunduin si Miguel at sabay na kaming pumunta ng UP Diliman… At naramdaman kong may nag-text sa akin…


Viiiiiiibbbbbbbbbrrrrrrrrrraaaaaaattteeeeeeeeee…


Miguel: {San na u? D2 na me The Block}

Mark: {Kta ko u! Haha ayusin mo nga text mo}

Miguel: {ukay puh, haha lol}

Mark: {ulol ka ryan! ulol ka rin…ü}


At ayun na nga, nagkita na kami ni Miguel at sumakay ng jeep papuntang UP Diliman kung saan nakita namin ang iba naming mga ka-block at iba pang first year…


Miguel: Syet! Sa wakas nakita ko na rin si Oble! Yahooo!!!!!


Ganyan halos karamihan ang naging reaction ng mga ka-block kong hindi pa nakakatungtong sa UP Diliman. Kulang na lang eh halikan na nila ang lupa ng UP Diliman tulad sana ng gagawin ni Miguel. Mabuti na lang at napigilan namin siya.


First stop namin, ang magpa-picture kay Oble…pambihira naman kasi Oble sa UPEPP, tarpaulin lang…hay…



Magpapa-picture na sana kami nang nag-hysterical si Chinee...


CHINEE: Hey! What are you doing?! Bakit kayo magpapa-picture kay Oble? Hindi niyo ba alam ang urban legend na kapag nagpa-picture kayo kay Oble ay hindi kayo makaka-graduate on time or worst magtatagal kayo sa UP! Stop taking pictures with Oble!


MIGUEL: Hu! Hindi yan totoo, Chinee! Patutunayan ko sa'yo, magiging Magna ako...

CHINEE: Magna cum laude?

MIGUEL: Hindi... magna-nine years ako sa UP!

MARK: Wala ka pala sa akin, Miguel... Ako, kahit magpa-picture ako kay Oble, magiging Summa ako...

DESTINY: Summa cum laude?

MARK: Hindi... summa-sampung taon sa UP!!


Naghanap kami ng magpi-picture sa amin. At habang pinipicturan kami, napansin kong sinusungayan ako ni Criska, ka-block namin…


Mark: Hey, Crizka! Stop what are you doing to me! You’re making me horns! Ü Buti na lang gwapo parin ako!


Pasensya na, nawala lang ako sa katinuan noong mga oras na yan kaya napa-english...Di ko alam kung grammatically correct yung sinabi ko, basta tinranslate ko lang yung “Sinusungayan mo ako!” in English. Kung sa tingin mo 'eh mali ‘yan, sige nga, itext mo sa kin yung tamang translation nyan!


Pagkatapos nun ay nagbayad na kami sa cashier’s office sa likod ng Shopping Center. Pagkatapos nun ay namili pa yung iba naming ka-block sa Maroon’s ng t-shirt, ID Lace, keychain, atbp.


I.D. , isang bagay na pwede mong ipagmalaki lalo na kapag sa UP ka nag-aaral. Lalo na kung Diliman pa yun. Sa kaso naman naming sa extension lang nag-aaral, pangalan na lang ng UP Diliman ang pinanghahawakan namin.


At saka kapag may ID akong suot, hindi na magtatanong yung mga former classmates ko kung saan ako nag-aaral. At least, hindi na masasayang yung laway at calories nila. Iyon nga lang, baka hindi ko na sila maging friends dahil sa kayabangan ko.


Pero bukod sa pagyayabang, ang use lang ng ID namin sa tingin ko ay pang-discount lang sa bus kapag lumuluwas ako mula QC hanggang Pampanga and vice-versa dahil hindi naman protocol sa amin ang magsuot ng ID. Sa laki ba naman ng school namin.


Nauna sa amin sina Chinee pumunta sa Registrar’s, kung saan magpapa-I.D., habang nasa shopping center pa kami. Si Chinee pa naman ang nakakaalam kung paano pumunta sa Reg. Wala ni isa sa aming mga naiwan ang nakakaalam kung paano pumunta sa Registrar’s…


Miguel: Sina Chinee at Destiny naman kasi, nag-iiwan! (medyo galit na siya nyan)


Buti na lang at Sun si Miguel kaya tinawagan niya si Fiona, ang ka-block naming Sun din ang gamit at kasama nina Chinee. Galing talaga ng Sun. Dahil sa Sun Cellular, Sun-tawag lang ‘yan! (bayaran na sana ako ng Sun Cell sa free-ads nila dito…ü)


Miguel: Hello, Fiona…kasama niyo ba sina Chinee?

Fiona: Oo…

Miguel: San na ba kayo?

Fiona: Dito na kami sa Reg… magpapa-ID na kami…

Miguel: Pwedeng maka-usap si Chinee?

Chinee: Oh, bakit?

Miguel: Ba’t naman kayo nang-iiwan? Ano sasakyan namin papunta sa Reg?

Chinee: TOK *choppy* sakyan *choppy* para pumun *choppy*

Miguel: Chinee, choppy ka!

Chinee: Letsugas! Magtatanong ka na nga lang mang-aasar ka pa! Chubby ka rin! (sabay end ng tawag, akala niya kasi eh inaasar siya ni Miguel)


At dahil mainit na ang ulo ni Chinee, minabuti na lang naming hanapin on our own risk ang Registrar na yon… Naglakad kaming magkaka-block kung saan-saan kami padparin ng mga paa namin. Mga umaga pa nun, kaya medyo hindi pa mainit ang sikat ng araw.


Mark: ....

Psych 1A: *pant* pant*

Mark: Bilis, kaya mo pa yan! Hindi ka pa pagod maglakad! Lakad! Sige! Lakad!

Mga Paa ni Mark: (Foot-ang ina mo! Huwag mo kong pilitin! Tadyakan kita diyan eh!)


Ayos, lakad, lakad, lakad kami. Napansin naming nagiging gubat na yung kapiligiran… Nasa Earth pa ba kami?


Gwyneth: Teka, bakit parang lumiliblib yung lugar? Nasaan na ba tayo. Parang nasa kuta na tayo ng NPA.

Miguel: Dedbol na tayo!

Dranreb: Boggaloids UP to, bakit may hideout ng tewowista dito! Nasaan na ba tayo? Pambihirang wuwal (rural) na lugaw (lugar) ‘to!


Mabuti na lang, may sumalubong sa amin na Toki Jeep. Pinara naming yung jeep at nagtanong kay Manong Drayber. Si Rose-Ann ang nagtanong kasi siya ang ma-PR sa amin…


Rose Ann: Manong, saan po ba yung Registrar?

Manong: Ahh, Dadaan naman itong jeep dun eh, ibababa ko na lang kayo doon.

Mark: Buti na lang at dumaan si manong, kung hindi, baka tuluyan na kaming kidnapin ng mga namamahay doon na mga tribo at gawin kaming pang-alay sa mga Diyos nila…


Nakarating kami ng maluwalhati sa Registrar, kaya lang, medyo haggard itsura namin. Nakita pa namin sina Chinee at Destiny…Badtrip.


Chinee: Uy, galit ba kayo?

Rose Ann: Heller, heller to the second power! Hindi ba obvious?

Destiny: Uy, sorry na…


Nagkapatawaran naman kami. Napawi naman ang galit namin sa kanila nang makita namin ang mga ID picture nina Chinee at Destiny: si Chinee, parang napadaan lang para inutusan lang ng nanay niyang bumili ng suka, si Destiny, todo-project sa ID pic niya… kamukha niya si Judy-Ann nang umahon siya sa swimming pool sa Fitrum commercial nito… “Feeling Wow, looking Wow!" Na-imagine mo ba sila?


Hinintay kami nina Chinee, Destiny, Fiona atbp naunang magpa-ID pic. Sa Registrar, may tao doon na nag bibigay ng index card. Pina fill up-an sa amin yun at pinapila kami. Salamat sa Diyos at malamig ng konti yung Registrar dahil open yung lugar. At habang nag-aantay sa pila…


Mark: ....

Mark: ???

Mark: !!!!!

Mark: Si Lorraine ba yun?


Si Lorraine nga yun...


Nandoon siya sa may pabilog na upuan, na may puno. May kasama siya, mga babae niyang ka-block ata.


Buti na lang at di niya kasama ang kumag na Efren na yun. Nag-slow motion yung galaw ng mga nasa paligid ko. At unti-unting na-focus ang tingin ko sa kanya. At pakiramdam ko, kami lang dalawa ang tao nung mga oras na yun.



Kung tatanungin niyo yung background music ang tumugtog sa iPod ng utak ko ng mga oras na yun, yung ang kantang “Collide” ng Howie Day.



Click PLAY to hear the song...

Collide - Howie day



Howie Day: Even the best fall down sometimes. Even the wrong words seem to rhyme. Out of the doubt that fills my mind. I somehow find, you and I collide


Mark: Grabe. Bakit ba lagi ko siyang nakikita? Ano ba kami? Destined to be lovers? Soulmates?...hindi siguro…Hindi kasi ako naniniwala dun…


Manong Photographer: Pasok na kayong tatlo sa loob. Pipicturan na kayo.

Mark, Dranreb at Miguel: Sige po.


Sabay kaming pumasok nina Dranreb at Miguel. Pagpasok namin sa loob, hiningi sa amin yung Form-5 at yung receipt. Una niyang kukunan si Dranreb. Pinaupo siya doon sa harap ng camera. Hayop si Dranreb, may bag pang kasama sa pic…school boy ang dating!


At nang ako na ang pipicturan…


Manong Photographer: Smile ka!

Mark: Malamang! Alangan namang umiyak ako. Teka teka! Miguel, huwag kang magpatawa…huwag kang magpatawa…Huwag!

Mark: Bwahahahahahaha…


CLICK!


Mark: Anak ni Dolphy! Halos labas na ngala-ngala ko sa pic… Abnormalite ka talaga, Miguel…


Hindi maganda ang naging resulta ng pagkuha sakin ng litrato pero wala nang bawian. Nakapirma na ako bago ko ma-realize na biktima pala ako ng kawalan ng hustisya sa pagkuha ng picture sa ID.


Sabi pa sa amin ng photographer, hanggang sa grumadweyt daw kami, yun na yung ID namin.


Abnormalite talaga!


Sa mga curious sa itsura ng ID naming, katulad lang siya ng ID ng UP Dil… sa taas ay nakasulat ang nagmumurang “UP DILIMAN” at sa lugar kung saan dapat nakalagay ang pangalan ng college mo ay nakasulat naman ang parang bumubulong sa maliit na boses ang “upepp”..ü !

Si Miguel na next na pipicturan…kelangan kong mag-revenge sa krimeng ginawa niya sa akin… hehehehe… V for Vendetta ‘to!


TO BE CONTINUED...

Next Episode: Episode 8: Candaba Immersion

No comments:

Post a Comment