Friday, October 17, 2008

Episode 6: Missed Chances…


Nasa boarding house ko ako sa Balibago at nanonood ng TV nang biglang tinawagan ko ang bestfriend kong si Michael sa Sun Cellular ko…dahil sa Sun…Sun-tawag ka lang (hehehe...nagpa-plug na naman ng commercial…)


Michael: Oh, nabuhay ka?

Mark: Mike…

Michael: Makmak, may problema ka ‘nuh?

Mark: H---

Michael: Pag-ibig yan nuh?


Ganyan ako kabilib sa bestfriend ko... Hindi pa ako nagsasabi, alam na niya agad ang bumabagabag sa akin. Minsan nga naiisip ko mas bagay siya sa Psych. Galing niya makakutob at mag-advice...


Si Michael ay nag-aaral sa UP Diliman ng kursong Computer Engineering...


Mark: Mike, di ko pa alam kasi kung mahal ko na ba siya. Hindi pa ako nakakadama ng ganito 'eh...

Michael: Tol, ano bang nararamdaman mo pag nakikita mo siya?

Mark: Nadarama ko? Pag nakikita ko siya, it makes my heart beats fast, my body feels flushed with excitement, and my mind go around in circles…

Michael: Makmak, tol, love nga yan...

Mark: Love pala 'yun? Akala ko gutom lang 'yun...


Natawa sila pareho...


Michael: At swerte ng babae, siya ang first love mo... Ligawan mo na...

Mark: Tol, dinadaga ako eh...


Michael: Wag ka nang matyope dyan, Mak. Sige may tanong ako sa'yo. Kunware uhaw na uhaw ka na mula sa mahabang paglalakad, tapos may isang basong tubig kang nakita sa dinadaanan mo, pero di mo sure kung malinis ito o madumi…iinumin mo ba?


Mark: Hindi nuh…baka madumi pa yun…mamatay pa ko…


Michael: Ganun ba? Ibig sabihin nun eh pinapalampas mo ang mga chances na dumadaan sa buhay mo… Dahil sa takot mo.... ayaw mo mag-risk... Parang diyan sa first love mo...


Natahimik ako sa sinabi ni Michael...


Mark: Lorraine…ba’t mo ba ako pinahihirapan ng ganito…bakit kailangan pa kitang makilala… Lorraine, nahihirapan ako…mahal na nga ba kita? O isang matinding gutom lang ang lahat ng ito...


Marahil ay gutom nga lang ito dahil nagsimula nang kumalam ang sikmura ko kaya naisipan kong magpunta ng 7-11 sa Clark Main Gate para kumain pagkatapos kong kausapin si Mike…


Nakarating ako sa 7-11…


Guard: Good afternoon sir, welcome to 7-11…


Nagpunta ako sa cashier…


Cashier: Good afternoon, sir. What’s your order?

Mark: Isa nga pong Sulit Meal #1

Sulit Meal #1: Hotdog Sandwich at small Slurpee for only 29 pesos..sulit na sulit yan!


Self-service sa 7-11. Pero nagka-crush yata sa akin yung cashier kaya siya na ang nag-serve ng pagkain ko… Wushu…


Cashier: Ito na po yung order niyo, sir. Enjoy your meal…


Nginitian ko yung cashier. Maganda naman siya…at nang tignan ko yung name plate niya:

BRANDO


At tumugtog sa radio ng 7-11 ang kantang “Dudung Charing”…


Mark: Hay..buhay…


Pagkalabas ko ng 7-11, sakto namang umulan. Mabuti na lang at may dala akong payong. Pero magkagayon man, naisipan ko pa ring magpatila ng ulan sa labas ng 7-11…hindi ko alam kung bakit… at habang nagpapatila ako ng ulan, biglang may kumalabit sa akin…isang pulubi at may kasama siyang lalake na umaalalay sa kanya.


Natakot ako bigla sa itsura ng pulubi: sunog ang buong katawan niya, wala nang talukap at pupil (yung itim sa mata) ang mga mata niya, bale puro puti na lang makikita mo sa mga mata niya.

Sa halip na mabigyan ko siya ng limos eh lumayo ako sa kanya sa sobrang takot. Kung makikita mo lang yung itsura ng pulubing yon, matatakot ka talaga…



"Andyan na siya…magtago ka na…andyan na siya… (in a creepy voice katulad nung multo sa Ouija)


Mark: Ouija! Malayo pa Halloween nanakot na kayo!


Pero kahit pang-Ouija ang itsura ng pulubi, di mo rin maiiwasan na maawa sa kalagayan niya.


Mark: Ang sama ko naman sa pulubi… Anyway, feeling ko makakarma ako sa ginawa ko. Ang sama ko kasi eh…


At habang nagpapatila ako ng ulan sa labas ng 7-11, may jeep na huminto sa terminal na sa tingin ko ay galing sa loob ng Clark yung jeep… napatingin ako sa mga bumababang pasahero at nakita ko si Lorraine na pababa at walang payong…kaya nag-abang siya sa waiting shed na malapit sa pinagbabaan niya.


Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o papayungan. At nang handa na akong lapitan siya…


Chinee: Mark!!!!!!!!!!!!!!


Natigilan ako. Si Chinee, nandoon din pala sa waiting shed na pinaghihintayan ni Lorraine at walang ring payong.


Sumulyap pa ko saglit kay Lorraine at nakita kong nakatingin siya sa akin. Pero di ko na siya pinansin at iniwas ko na ang tingin ko sa kanya. Sa halip ay nilapitan ko na si Chinee…


Chinee: Uy, ba’t ka nandito?

Mark: Bumili ako ng pagkain sa 7-11. At ikaw? Ba’t nahuli ka ng uwi? Kanina pa tapos ng klase natin ‘ah…

Chinee: Nag-SM lang ako. Buti naman at nandito ka, pasukob naman hanggang sakayan lang papuntang Dau...


Pagkatapos kong maihatid si Chinee sa terminal ng jeep, bumalik ako sa waiting shed na pinaghihintayan ni Lorraine kanina, ngunit wala na siya nang makarating ako run…


Medyo tumila na rin ang ulan kaya naisipan ko na ring maglakad pauwi ng boarding house ko…


Bigo ang pakiramdam ko nung mga oras na yun… hinayaan ko ang isang pagkakataon na makasama si Lorraine…


At habang naglalakad ako pabalik ng boarding house, naalala ko na naman ang sinabi ni Michael kanina tungkol sa isang baso ng tubig...


Mark: Tama si Mike, pinapalampas ko ang mga chances na dumadaan sa buhay ko, siguro dahil takot akong mag-risk na sinisimbolo ng mga “dumi” sa tubig na sinabi ni bestfriend…Hindi kasi ako risk-taker...


Kinabukasan, prelims namin sa subject na love na love kong ibagsak: ang Nat. Sci...


Chinee: Oh, Mark, kumusta na yung naimbento mong element na “Cupper”?

Mark: Ah yun ba? Nagpa-reserve na ko ng flight dyan sa Clark International Airport kasi bukas pupunta na ako sa America para tanggapin ko na ang Nobel Prize ko para sa “Cupper”…ü


Sa lobby ginanap ang aming “execution” sa Nat Sci. Binigay na ni Ma’am Fermions ang test papers… Multple choice ito pero mahirap pa rin…


Mark: Anak ng camote! Mangangamote talaga ako sa exam na ito!


Nang matapos na ang exam


Miguel: P%&@$# ina!

Dranreb: Taknaydana! (Kapampangan version ng mura ni Miguel…Ü)

Mark: Son of a $%^#@!


Lahat na yata ng mura sa mundo eh nasabi na namin sa sobrang hirap ng test.


Destiny: Oh, Chinee, nahirapan ka rin ba sa ating Mahabang Pagsusulit sa Likas na Agham?

Chinee: You know, Destiny, our exam in Natural Science is so easy. All I have to do is to stare at the blank sheet of my test paper until drops of blood form in my nose…

Destiny: Ako’y nagugulumihanan sa mga pinagsasasabi mo, Chinee…

Miguel: Sa madaling salita raw, nosebleed si Chinee…ü

Mark: Hay, ito kasing si Chinee, sinapian na naman ng espiritu ni Inday… Pag tinotopak eh ang hirap na i-decipher ng mga sinasabi… wooshh, did I say decipher? Nosebleed!


Nagpunta na kami sa waiting shed ng UPEPP para mag-abang ng jeep papuntang SM Clark nang…


Lorraine: Mark, kumusta yung test?

Mark: Hirap nung test…nakalimutan ko kasi utak ko sa boarding house ko ‘eh… Di ko na nabalikan kanina…


Umubo sina Miguel at Dranreb. Iba naman makatingin sina Gwyneth at Rose Ann…


Mark: E, ikaw? How do you find the test?

Lorraine: Medyo mahirap…pero OK na rin..

Mark: Ah…

Lorraine:

Mark:

Lorraine: Nakita kita kahapon sa main gate ah…sa labas ng 7-11…

Mark: Oh? Nandoon ka pala? Nasaan ka nun? Di kita nakita…


Mark: Haayyy. Ang laki kong sinungaling.


Lorraine: Di bale na yun. O san kayo pupunta nyan? Mage-SM ba kayo?

Mark: Oo..sa Quantum kami. Sama ka?

Lorraine: Hindi na, uwi na kami agad ni Efren ‘eh…


Mark: Putek yan! Napapadalas pagsasama nina Lorraine at “F”-ren na ‘yun ah! Syet! Ba’t ba ako nagkakaganito kay Lorraine? Ba’t ba ako nakakaramdam ng pagseselos…Mark, hindi tama ‘to…


May dumating na jeep. Sakayan naman kami. Sumakay sina Lorraine at Efren sa passenger seat. Umupo naman ako malapit sa passenger seat… at umandar na yung jeep…


Nag-uusap sina Lorraine at Efren sa wikang Kapampangan kaya di ko maintindihan…


Efren: Mekeni…Mekeni…Mekeni…

Lorraine: Mekeni…Mekeni…Mekeni…

Efren: Mekeni…Mekeni…Mekeni…

Lorraine: Mekeni…Mekeni…Mekeni…


Mark: Naman! Di ako maka-eavesdropped sa pinag-uusapan nila… di ko maintindihan…Itong “F”-ren na ito minumura na ata ako sa harap ni Lorraine… humanda ka lang “F”-ren pag natuto akong mag-Kapampangan!


Binaba na kami ng driver sa tapat ng SM Clark. Lumingon ako ulit sa jeep at nakita kong masayang pa ring nag-uusap sina Lorraine at Efren sa passenger seat…


Mark: Ayos na to, bahala na sila ni Lorraine at “F”-ren. Mag enjoy sila! Hmph!


Ang bitter ko naman. Kung mararamdaman niya lang yung emosyon ko ng mga panahon na yan… kaya binuhos ko na lang ang galit ko sa “Suntukan Arcade” sa Quantum.


Sensya na, di ko alam tawag sa arcade na yun…basta sinusuntok yun at pwede mong gamiting “catharsis” o pagbubuntungan ng galit kung may galit ka sa mundo, sa sira mong pamilya, sa palpak mong syota, sa pilay mong tuta, o sa mga lumilipad na ipis…


Lumipas ang mga araw, exam naman namin sa English… bago magsimula ang exam, hinanap ko si Lorraine sa classroom na paggaganapan ng exam…pero wala siya…


Mark: Hay, baka Communication na ang kinukuha niya… Ang talino naman niya…


Ganito kasi yan…bago kami nag-enroll sa UPEPP, kumuha muna kami ng proficiency exam at doon malalaman kung “English 1” ang kukunin mo o “Communication 1” na agad kung makapasa ka sa proficiency exam. Sa kasamaang-palad, di ako nakapasa ng proficiency exam na yun kaya “English 1” ang kailangan kong i-take…


Medyo Ok naman yung test… nagkokopyahan pa nga kami ni Miguel kasi siya lang ang nakatabi ko. Pero mas nauna akong matapos magsagot sa kanya kaya pinasa ko na kay Ma’am Alcantara yung blue book ko…


Nag-antay ako sa back entrance ng UPEPP malapit sa photocopier’s at guard stand. Sumunod si Miguel.


Miguel: Uy, Mark, andyan ka na pala…

Mark: O, kumusta yung test? Mahirap ba?

Miguel: Medyo… tsaka hindi ako masyadong nakakopya sa’yo…

Mark: Hala! Bakit? Pinapakita ko naman yung mga sagot ko sa’yo ah!

Miguel: Hindi ko kaya makita mga sagot mo! Ang liliit kaya ng sulat mo! Anong tingin mo sa mga mata ko…Mga Mata ni Anghelita??!!


Friday…exam naman namin sa Soc Sci… bago magsimula yung exam, nagbigay muna si Sir Jerrick ng instructions…


Sir Jerrick: This is a multiple choice type of exam. Erasures are not allowed. And then, in answering, write the letter of your choice and some words that is written in the letter of your choice…


Mark: Ano raw? Ang hirap naman kasi ng Grabe naman kasi pati instruction ng tests dito sa UP, parang quiz na rin!


At pinagtanungan ko si RR, ang isa pang lalake ng kabilang block ng Psych dahil siya ang malapit sa pwesto ko…


Mark: RR, ano raw instruction ni Sir?

RR: Ganito raw, kunwari pinili mo sa item #1 ay letter A, at nakasulat dun ay…kunware “churva-churva”… so, isuslat mo na sagot ay letter A pati yung “churva-churva” na nakasulat dun…

Dranreb: Ano raw sabi ni Aw-Aw (RR)?

Mark: Di ko rin naintindihan eh, “churva-churva” lang naintindihan ko sa sinabi niya eh…ü


Sir Jerrick: Oh, magsisimula na tayo ng test… James na ba kayo?

All: Yap! Yap! Yap!


Ayan kasi ang “mantra” namin kay Sir Jerrick kapag tinatanong niya kami. Miyembro kasi siya ng fan's club ni Kris Aquino…


TO BE CONTINUED...

Next Episode: Episode 7: I.D. Picture Taking

No comments:

Post a Comment