Umaga, nasa Clark Main Gate na ako para sumakay ng jeep papuntang UPEPP nang…
Mark: Syet! Nalimutan ko yung raketa ko sa badminton!
Kaya nagmadali akong bumalik ng boarding house ko at kinuha ang raketa ko sa badminton. At nang nakabalik ulit ako sa Clark Main Gate…
Mark: Syet! Nalimutan ko naman yung lecture notes ko sa Philo…
At bumalik na naman ako sa boarding house ko. Ewan ko ba kung bakit napaka-sobra kong malilimutin. Minsan nga, sa sobrang malilimutin ko eh pati kaluluwa ko eh nalilimutan kong dalhin.
At matapos ang paulit-ulit na eksena na ito na animo’y nasa TV sitcom ako eh maluwalhati naman akong nakarating sa Clark Main Gate na walang inaalala.
Sa Clark Main Gate…
Dispatcher: Metung namu! Metung namu!
Subtitle: Isa na lang! Isa na lang!
Mark: Dalan pu ini keng UP? (feeling Kapampangan)
Subtitle: Daan po ito sa UP?
Dispatcher: Wa…(Oo)
Sakay naman ako ng jeep at umupo sa pwestong maluwag sa kanan na pangatlo mula sa pinto ng jeep…at ito’y umandar na…20 minutes ang inaabot ng biyahe mula Clark Main Gate hanggang UPEPP…
Napatingin ako sa kanan ko at…hindi ko inaasahang makita si Lorraine na ngiting-ngiti sa akin…katabi ko pala siya sa jeep…
Ewan ko ba kung bakit hindi ko siya nagantihan ng ngiti. Iniwasan ko ang tingin niya, napayuko, namula at napangiti ng lihim…
Radio: 95. 1 RWwww.. (pakanta yan ah na mahaba ang letter “w”!)
Radio Voice-over: Keni na ka! (as usual, may konting halong pangse-seduce ang pagkakasabi nito)
At tumugtog sa radio ang kanta ng MYMP…
Click PLAY to hear the song...
MYMP: ♫ Don't stray. Don't ever go away. I should be much too smart for this you know it gets the better of me. Sometimes when you and I collide, I fall into an ocean of you. Pull me out in time. Don't let me drown, let me down. I say it's all because of you. ♫
Mark: …
MYMP: ♫ Say you’ll stay don’t come and go like you do. Sway my way, yeah, I need to know all about you…It’s all because of you. It’s all because of you… ♫
Lorraine: Mark…galit ka pa rin ba sa akin?
Mark: Huh?! Ano?! Hindi…bakit mo naman naisip yun? Di ba nga sabi ko sayo nun gusto na kitang maging kaibigan?
Lorraine: Kasi…parang inirapan mo ako kanina nung nginitian kita…
Mark: Sensya ka na ah. Kasi hindi ako nakapag-toothbrush eh. Nakakahiya naman sa’yo kung ngingitian kita ng ganun…
Mark: Anak ng Colgate yan! Pati pala mag-toothbrush nalimutan ko!
Lorraine: Ganun… :D
Mark: Siyempre, gusto ko ibigay sa’yo ang the best smile ko… (malamig yung boses at saka mababa, suave)
Lorraine: (hihihi) Ito talaga. Ok lang naman kahit di ka nakapag-toothbrush ‘eh! Sige na, mayli na ka! Buri ku akit makananu ka mayli.
At napangiti ako, hindi dahil sa sinabi niyang ngumiti ako kundi dahil sa hindi ko naintindihan yung sinabi niya…Kapampangan ‘eh!
Mark: Teka ha…dinugo ilong ko sa sinabi mo ‘eh! Tignan mo ‘tong damit ko oh! Napuno ng dugo (sabay lagay ng damit ko sa ilong ko)
Kulay pula kasi yung damit ko nun…
At tumawa kaming dalawa ni Lorraine. Ewan ko ba kung bakit nung nakita kong ngumiti si Lorraine eh kumpleto na ang araw ko…At nakikisama pa si Juris sa moment namin…
MYMP: ♫ Say you’ll stay don’t come and go like you do. Sway my way, yeah, I need to know all about you…It’s all because of you. It’s all because of you… ♫
SCREEEEEEEECCCCCCCHHHHHHHHH!!!!!!!
Driver: Oh..UP na…
Mark: Ba’t ganun? Parang hindi 20 minutes ang biyahe. Parang ang bilis ng biyahe… Time is playing its trick on us…woooshhh…Sinapian na ako ng espiritu ni Chinee kaya napapa-english na rin ako...
At bumaba na kami ni Lorraine at ng iba pang UP students. At sabay na kaming naglakad papasok ng UPEPP.
Mark at Lorraine: Anong oras klase mo ngayon?
Sabay na sabay ang pagkakasabi namin ‘yan kaya medyo nagkaingitian kami.
Mark: Ako? P.E. namin ‘eh. Ikaw ba?
Lorraine: Philo naman namin.
Mark: Ah…
Lorraine: ...
Mark: …
At nang makapunta na kami sa open field sa likod ng UPEPP…
Mark: Sige Lorraine, dito na ako sa gym…
Lorraine: Sige, galingan mo mag-badminton ‘ah!
Mark: Ganun, sige, sabi mo ‘eh… :D
Lorraine: :D
At nagkahiwalay na kami ng landas. Ako sa gym at si Lorraine naman sa room 15 para sa Philo class niya. At alam kong mula sa room 15 ‘eh tanaw na tanaw ni Lorraine ang gym at sigurado akong makikita niya akong maglaro ng badminton. Practical exam pa naman namin ngayon.
Nang makarating na ako sa gym…
Miguel: Sir, nandito na po si Mark Lhuillier
Mark: Nice one, Miguel at nasabi mo na rin ng malinaw ang apelyido ko. Alam kong isang buwan mo rin yang pinagpraktisan..hehehe
Sir Samson: Oh, sige Mark, sinong partner mo sa badminton?
Mark: Si Katie po…
Sir Samson: O, sige, kalabanin niyo sina Miguel at Chinee…
Mark: Anak ni Kennie Asuncion! Sir, magagaling na ‘yang mga ‘yan eh! Mismatch kami ni Katie!
Sir Samson: Sige, kaya niyo yan. Mukha namang inspired ka ngayon ‘eh. Girlfriend mo ba yung kasabay mo kanina?
Mark: Hay...ito palang si Sir, may lahing Boy Abunda! The Buzz ba ito? Anak ng Sharingan!
Kantiyawan naman itong mga ka-block ko.
Gwyneth: Hihi..Girlfriend na niya si Lorraine!
Mark: Sir, hindi! K-kaibigan ko lang yun! Tanong niyo pa sina Gwyneth at Rose Ann.
Gwyneth: Kaibigan o ka-ibigan?
Rose Ann: Kalugu-ran o kaluguran?
Mark: Anak ni Totoy Bato! Nanggatong pa ‘tong dalawang ‘to eh! Dana!
Destiny: Ikaw Mark ha. Paano na niyan yung girlfriend mo sa UP Diliman?
Mark: E kasi naman kayo, binibigyan niyo ng malisya yung sa amin ni Lorraine…
Sir Samson: O sige na…Mark, Katie, kalabanin niyo na sina Miguel at Chinee…
Certified Badminton players talaga ‘tong sina Miguel at Chinee…samantalang kami ni Katie ‘eh Pingpong lang ang napanalunang tournament sa tanang buhay namin…
Katie: Hayaan mo na kung matalo tayo. Basta, may grade tayo.
Mark: Kaya natin ‘yan…
Katie: Inspired ka ‘ha… Si Lorraine ba?
Mark: Itong si Katie naman may lahing Cristy Fermin! Di ba ko tatantanan ng mga intrigador ng bayan?! Haaay..…
At nagsimula na ang laban. Siyempre, talagang mismatch ang laban. SOLID yung mga tira nina Miguel at Chinee. Minsan eh hindi naming masagot o mahabol man lang yung mga tira nila.
Mark: P%&@$# ina! Kina-career niyo naman masyado yung laban, Miguel. Pa-score-in niyo naman kami!
Sir Samson: Oh, Mark, technical foul ka!
Mark: Dana! Oo nga pala! Bawal magmura sa loob ng court! Bullcrap!
Katie: Cool ka lang , Mark.
Sa kabutihang-palad, naka-score din kami ni Katie kahit paano dahil napapadalas ang “outside” o “wrong court” na mga tira nina Miguel at Chinee.
Miguel: O, ayan na Mark ‘ha? Pinagbibigyan na namin kayo…
Mark: Pinagbibigyan pala ah!
Napatingin ako sa room 15. At natira ko ng pagkalakas-lakas yung shuttle cock at di ko sinasadyang tumama yung shuttle cock sa t*t* ni Miguel. SOLID! Perfect Ten!
Miguel: P%&@$# ina mo Mark! Ang sakit!!
Mark: Sorry, tol! Di ko sinasadya.
Destiny: Tsk..tsk…tsk…Naku, Miguel, mukhang “Goodbye Fathers’ Day” ka na.
Pero magkagayon man e nanalo pa rin sina Miguel at Chinee sa laban. At kahit ganun man ang nangyari, buo pa naman ang friendship namin ni Miguel.
Pagkatapos ng P.E. class namin, nagpalit kami ng damit sa CR…
Miguel: Mark, mukhang inspired ka kanina ah! Lumalakas yung mga tira mo kanina ah! Pati reason ng pagkakaroon ng “father’s day” ko nadali mo.
Mark: Talaga? Wala yun, tsamba lang ‘yun. Talo rin kami ‘eh!
Miguel: Tsaka napansin ko rin na panay ang tingin mo sa room 15. Si Lorraine ba tinitignan mo run?
Mark: Tol, may girlfriend na ko. Ewan ko ba kung bakit niyo ko nili-link dun kay Lorraine. Nagkasabay lang kami kanina eh minalisyahan niyo agad.
Dranreb: Pero, tol, bagay kayo nun ni Lorraine.
Nanahimik na lang ako para matapos na lang ang usapan at asaran.
Philo class na namin at habang papunta na kami nina Miguel at Dranreb sa Room 15 ay nakasalubong namin si Lorraine na palabas na ng room 15.
Nginitian niya ko…
Lorraine: :D
Miguel at Dranreb: Wooo!
Mark: Huwag kayong maingay! Sharingan! Grrr...
Lorraine: Galing ng laban niyo kanina.
Miguel: Hindi, si Mark lang magaling. Sa sobrang galing nga ni Mark eh pati “father’s day” ko nadali niya.
Mark: Gago ka, tol!
Lorraine: (hihihi) Ganun? Hehehe… O sinong nanalo sa laban niyo? Sensya na di ako masyadong nakanood kasi nakikinig ako kay Sir Madrigal kanina ‘eh.
Si Sir Madrigal ay yung Philo prof namin na sinabi kong kahawig ni Michelin nung first day…
Lorraine: Sige, una na ko ha…
Mark: Sige…
At pumasok na kami sa room 15. Pagkaupo ko ay napatulala ako sa nakasulat sa blackboard:
L O V E
At napakanta ako ng “Sway”…
Mark: Grabe, na-LSS ako!
…
… Say you’ll stay don’t come and go..
… Sway my way yeah I need to know all about you…
…
Dranreb: Uy, Mawk! Ikaw na tinatawag ni Siw!
Sir Madrigal: Lhuillier, are you present?
Mark: Present, sir!
Miguel: Naku, nakausap ka lang ni Lorraine eh nagkaganyan ka na!
Mark: …
Di na rin naman ako masyadong naintriga ni Miguel dahil nag-start na mag-lesson si Sir…
Prof Madrigal: Good Morning Class. Have you been in Love?
Mark: What?
At binilugan ni Sir yung salitang “LOVE” na nakasulat sa blackboard. At napakinig ako sa kanya…
Sir Madrigal: When we meet someone and fall in love, we have a sense that the whole universe is on our side…
Ewan ko ba at biglang si Lorraine ang automatic na sumagi sa isip ko at ang pagkakasabay namin sa jeep kanina at ang “Sway” na nagsilbing background music namin kanina…
Mark: Hindi! Hindi tama ‘to!
Sir Madrigal: This statement is a bull shit!
Mark: Anak ni Jollibee! Bitter ka lang siguro sa love kaya sinabi mong “bull shit” ang statement na yan. I-prove mo nga…
Sir Madrigal: Because, if we will use induction in this statement, we can conclude that…
Mark: Mga philosophers talaga! Lahat gagawin ma-prove lang na tama sila! Hindi ako magpapalason ng isip sa’yo, Sir…
Di ko na tinuloy ang pakikinig kay Sir at napakanta na lang ulit ng “Sway”…
Mark: Ray gun! Grabeng LSS na ’to!
…
… Say you’ll stay don’t come and go..
… Stay my way yeah I need to know all about you…
…
Miguel: Huy, MARK! Tinatawag ka ni Sir Madrigal…
Napatayo ako at nagulat…
Mark: Huh?! Sir, bakit po ninyo ako tinatawag?!?
Tumawa ang klase ng malakas…
Chinee: Wala dito si Sir Madrigal, nag-CR siya… :D
Mark: Gago ka, Miguel! Pakamatay ka na!
Miguel: Pagkatapos mo!
Mark: Leche, strike 2 na kong napapahiya sa Philo class!
Nat Sci na namin...
Dranreb: Pawe, lutang ka kaninang Philo natin ‘ah!
Miguel: Si Lorraine kasi lagi iniisip ‘eh…
Dranreb: Uy, si Lowaine!
Napatingin ako sa pinto…si Lorraine nga kasama ang isang lalake na ka-block niya at papasok ng classroom namin. At nagsimula na naman mang-asar sina Miguel at Dranreb. Umupo sila sa upuan sa harap namin.
Dranreb: Magsi-sit in kayo?
Lorraine: Oo…magpa-pass kasi ako ng application for candidacy ko. Mage-SK Kagawad ako. Uy, di ba taga-Angeles ka rin? Boto mo ‘ko ha?
Dranreb: Talaga? Oo naman. Humahabol ka pala for SK. Sayang, kung taga-Angeles lang siguwo si Mawk eh…
Mark: Manahimik kang Dwanweb ka! Ratratin kita ng letter “r” dyan eh. Tignan ko lang kung di mapilipit yang dila mo!
Miguel: Bakit “humahabol” yung term niyo? Di ba dapat “tumatakbo”?
Lorraine: Ewan, mas nakasanayan na kasi namin yung “humahabol” kesa sa “tumatakbo” eh.
Miguel: Ano bang pinagkaiba ng “humahabol” sa “tumatakbo”?
Dranreb: Mas nakakapagod ang “humahabol” kaysa sa “tumatakbo”…ü
Dumating na si Ma’am Fermions. Dati-rati ay gloomy ako pag Nat Sci. Ewan ko ba kung bakit ang saya ko ngayon…
Ma’am Fermions: Class, ito na yung resulta ng first quiz niyo…
At dinistribute na ni Ma’am yung quizzes…nang matanggap ko yung papel ko…
Mark: Badtrip yan! Isa na lang sana perfect na first quiz ko! Di pa kinonsider ni Ma’am yung #7 ko! Kabobohan ko naman kasi…
Ganito kasi yung sagot ko sa #7:
Give the element name of the ff. symbol:
#7. Cu → CUPPER!!?!
Ma’am Fermions: Sorry, class. I will not consider the answer “CUPPER” in #7. (sabay tingin sa akin si Ma’am..pahalata!)
Mark: Ma’am naman eh. Nalito lang naman kasi ako. Yung symbol ba naman kasi ng “Copper” eh “Cu”…"Cupper" tuloy nasulat ko... hay…
Lorraine: Patingin naman ng quiz mo.
Mark: Huwag na, nakakahiya...
Lorraine: Akin na patingin lang. (hinihila yung kamay ko)
Mark: Ayoko, nakakahiya. (kunware nag reresist, pero enjoy hehe)
Mark: Ang lambot ng hand niya. Ayyy! Kung lagi ba namang ganito.
Ayon, mga 5 seconds na ganoon, pero natalo ako. Nakuha niya yung quiz ko. Nabasa niya yung kabobohan kong sagot.
#7. Cu → CUPPER!!?!
Mark:...
Lorraine: Okay lang yan.minsan sa buhay may naco-commit din tayong pagkakamali.. pero nakakatuwa nga eh hihi.
Mark: Talaga?
Lorraine: :D
Dranreb: Lorraine, sino yang kasama mo? Boyfriend mo ba?
At nagsalita yung ka-block ni Lorraine
Ka-Block: Hindi ako boyfriend ni Lorraine. Ka-block niya lang ako…
Mark: Anong pangalan mo?
Ka-Block: Hulaan mo…
Mark: Anak ng Pasig! Mukha ba akong apo ni Madam Auring?!
Ka-Block: Clue, nagsisimula sa letter “F”
Mark: Ferdie?
Ka-Block: Hindi…
Mark: Fernando?!
Ka-Block: Hindi pa rin…
Mark: Ano na kasi?! Fulgoso ba?!? Sirit na…
Ka-Block: Eh di Efren…ito naman! Ü
Mark: Masasapak ko ‘tong si “F”-ren eh! Pigilan niyo ko…
Ma’am Fermions: Okay, so our lesson for today is..
Lumipas yung panahon. Nag-discuss si Ma’am ng lesson niya. Nakikinig naman ako, pero syempre minsan sinusulyapan ko si Lorraine. Ayos na rin siguro ito, at least may inspirasyon ako para mag-aral…
Mark: Syet! Ito na naman ako! Ba’t nagiging inspirasyon ko sa pag-aaral si Lorraine…?? Maling-mali na talaga ‘to! Hindi pwede, Mark… hindi ka pwedeng ma in-love kay Lorraine… bata ka pa para ma-in love... okay? Steady lang....
No comments:
Post a Comment