Every Friday kung umuwi ako sa bahay namin sa QC. Sa buong linggo ko sa Clark, Angeles ay ito lang ang araw na pinakahihintay ko dahil uwian na!!!!
Hindi naman sa ayaw ko sa Pampanga. Sa bahay kasi, hindi ka tipid sa pagkain... pero pag nasa boarding house ako... naku, hindi pa ako natitinga sa pagkain ko sa sobrang tipid...
Isang Friday, kasabay ko si Miguel (ka-blockmate at kaibigan ko na taga-Bulacan). Bago kami sumakay ng bus ay bumili muna kami ng donut sa Dunkin’ Donuts sa Dau Bus Station.
Nga pala, dahil nagtitipid kami (sa totoong salita ay nagkukuripot) ay mga ordinary fare na bus lang ang sinasakyan namin. Kasi pag kasabay namin si Chinee sa pag-uwi…patay na…mangangamoy-gastos ka na sa bus fare.
Mark: Oo nga eh. Alam mo naman yun, hindi nago-ordinary. Siguro unang tapak pa lang nun sa ordinary bus siguradong himatay na agad yun.
At dahil puro aircon bus pa ang nakaparada sa bus station ay naghintay muna kami sandali sa bus station habang kinakain namin ang aming donut nang…
Mark: …
Minsan kasi talaga, di ko talaga maiwasan na madamot ako sa mga pulubi. Lalo pa at donut iyon at paborito ko pa! Ibang usapan na ‘yun. Kaya nang dinedeadma ko yung bata at si Miguel naman ang kinulit nung bata…
Batang Pulubi: Kuya, akin na lang yang donut mo…
Miguel: …
Ilang beses ding nangulit kay Miguel ang demanding na batang pulubi na iyon. At dahil dinedeadma lang namin ni Miguel yung bata ‘eh nag-amok ito…
Batang Pulubi: Kuya, ang damot niyo!! Ang damot niyo Kuya!! Mga walang puso’t konsensya!!
Miguel: Kami minsan lang nakakakain nito, binibili pa namin! Samantalang ikaw ‘e araw-araw nakakakain ng donut sa kahihingi mo sa mga tao rito!!
Umalis na yung bata nang nagalit na si Miguel…
Mark: Migz, easy ka lang. ito pinatulan pa yung bata.
Miguel: Eh, nakakapikon eh…
Mark: May point nga naman si Miguel sa sinabi niya kanina run sa pulubi… tayo eh minsan lang makakain ng masarap tapos binibili pa natin. Samantalang yung mga pulubi’t yagit hindi mo lang alam eh araw-araw nakakakain ng masarap yun sa kahihingi lang sa mga tao, di ba?
At sa wakas, may dumating na na ordinary fare na bus…
Kundoktor: O Santrans, Santrans… Cubao, Pasay, Bocaue… 56 pesos lang… sa kabila, 70 pesos...mahal!
Siyempre, Santrans ang madalas na sinasakyan namin. Tip ko lang, Santrans kasi ang pinakamurang “ordinary fare” na bus. Kaya kung ako sa inyo, mag-Santrans na kayo!! (Bayaran kaya ako ng Santrans sa pagpa-plug ko sa kanila dito?...hehehe…)
At naging philosophy in life ko na rin ang promo nila na nakapaskil sa bus:
ARAW-ARAW SAKAY, ARAW-ARAW BABA…ü
Nang pasakay na kami ng bus…
Kundoktor: Oh, kayo na naman?? Oh, sakay na…
Mark at Miguel: :D
Galing nuh? Kilala na kami ng kundoktor…iba na talaga pag sikat at mukhang artista. Sa dalas ba naman namin sumakay ng bus.
Marami na rin kaming naging "dabarkads" sa bus station na mga kundoktor, tindero’t tindera at mga pulubi (except dun sa batang demanding kanina…)
At habang naghihintay pa ng ibang pasahero yung bus ay maaaliw ka naman sa mga samu’t saring commercial ng mga "dabarkads" naming mga tindero’t tindera…
Tindero 1: Oh tubig, malamig, 10 pesos lang… Oh tubig, malamig, 10 pesos lang… Oh tubig, malamig, 10 pesos lang… {repeat ‘till fade...}
Tindero 2: Oh, mani mani kayo dyan! Pampatalino, pampatalas ng isipan…5 piso lang…
Mark: Hanep sa marketing si Manong ah!
Miguel: Oo nga eh…may scientific facts pa!...
Tindero 3: Oh burger, burger, para di kayo magutom sa biyahe. Burger, 20 pesos lang…Manyaman! Manyaman!
Ganito ang tip dyan, huwag ka munang bumili agad sa mga tindero. Hintay ka ng kaunti, kasi pag walang bumibili sa kanya bigla siyang babanat ng…
Minsan-minsan din, may mga eksena kang nasasaksihan na madalas ay nababasa mo lang sa Tiktik kung makamasa ka at sa Confessions ng FHM and Cosmopolitan kung medyo shala-shala ka...
May mag-syota sa bus na walang kiyemeng ginagawa yung dapat sanang ginagawa ng mga mag-syota kapag nagsosolo: nanggigil si lalake kaya kinurot niya si babae sa balikat, sa braso, sa b*&^@, at lalo pa silang nag-init ay bigla na lang ay nagne-necking na sila…
Mark: Waahhh.. Kuya... Kuya wag po... Parental guidance is recommended...
Miguel: Wag ka nga! As if naman maniwala ako sa'yo na wala kang alam sa mga kamunduhang ganyan..
Mark: Anong kamunduhan? Wala niyan sa mundo pare.. Para sa akin... langit yan! Heaven, tol!
Umiral ang kapilyuhan, sorry... Sana kasi hindi sila PDA di ba?
Kaya nga maipapayo ko sa girls na may bf na at pinipilit kayo ng bf mo na mag-necking kayo pero ayaw mo, ito ang pamatay na sabihin mo sa bf mo: "NECK-NECK mo!” … hehe..corny…ü
At long last.... Umandar na yung bus…
Mark: Sa wakas! I’m coming home…
Dahil kapos na ko sa budget, hindi ko na naimbita pa si Chris Daughtry para sana magperform din dito…sorry for the inconvenience… pero sakto naman at kanta niyang “Home” ang pinapatugtog sa radyo ng bus…
Click PLAY to hear the song...
Tapusin niyo muna pakinggan yung kanta before proceed reading. Kung nagmamadali ka dahil may lakad ka or malapit ka nang labasan eh i-turn off mo ang speaker mo at proceed reading...hehehehe
Nang matapos yung kanta…
Radio: 95. 1 RWwww.. (pakanta yan ah na mahaba ang letter “w”!)
Radio Voice-over: Keni na ka! (may konting halong pangse-seduce ang pagkakasabi nito)
Miguel: Si Ma’am Alcantara raw yung nagsasalita ng “Keni na ka” dyan sa istasyon na yan!
Mark: Gayang-gaya mo yung pagkakasabi ni Ma’am ah! Hehehe.. Oo, si Ma’am Alcantara yung nagsasabi nun. Ayan nga madalas pinapakinggan ko pag nasa Clark, Angeles ako.
Si Ma’am Alcantara ay ang English teacher namin. Maganda sana siya kung di lang siya halimaw kung magpa-exam at magbigay ng grades. Biruin niyo, quizzes ko sa kanya ‘eh kung hindi 3 ‘eh 5 naman. Hay buhay!
Mabilis na umandar ang Santrans bus...
Mark: Hindi man aircon ang bus na nasakyan natin, aircontinuous naman...
Two hours lang ay nasa bahay na ako namin sa QC... Napapikit lang ako saglit, pagdilat ko nasa EDSA na kami...
There's no place like home talaga. Makakauwi na ako...
Finally, Home!
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 5: Goodbye Father’s Day!
No comments:
Post a Comment