Friday, October 17, 2008

Episode 3: Freshmen Orientation Program


Katapusan na ng June, kung kailan orient na orient na kami sa UPEPP, ay saka pa lang nakaisip ang admin na magsagawa ng Freshmen Orientation. Ginanap ito sa lobby ng UPEPP.



Bago kami pumasok ng lobby ay nag-register muna kami, kuha ng envelope na may nakasulat na “Mabuhay ka, Iskolar ng Bayan! UP DILIMAN” (kasi nga extension kami ng UPD) na may laman na freebies (ID Lace ng C2) at mga kapapelan at “Freshmen Survival Kit” na comics-style, at saka pasok na ko sa lobby.



Di muna ako umupo..tumambay muna ako malapit sa labas ng lobby…


At habang naghihintay kaming magsimula yung program, narinig ko mula sa likod ko si Gwyneth…


Gwyneth: Lorraine, ot ngeni kamu?
Subtitle: Lorraine, bakit ngayon ka lang?

Lorraine: Atin pa ku gewa keng bale, eh
Subtitle: May ginawa pa ako sa bahay, eh.

Gwyneth: Kalagu mu ngeni ah!
Subtitle: Ang ganda mo ngayon ah!

Lorraine: Ini naman! Malwat na neh!
Subtitle: Ito naman! Matagal na nuh!


Napalingon ako sa likod. Hindi ko alam na tapos na palang mag-usap sina Lorraine at Gwyneth.


Pagkalingon ko kasi ay akmang pupunta na si Lorraine sa mga upuan malapit sa kinatatayuan ko nang matigilan ito nang napalingon ako.


At dun ko lang napansin na magkalapit ang aming mga mukha. Natulala kami sa isa’t-isa. And this time, pareho kaming na-Stupefy.


At para sa eksenang ito, inimbitahan ko pa ang Dashboard Confessional para mag-guest at kumanta rito para magkaroon kami ng background music at sa ikaliligaya niyo mga masugid kong mambabasa…Astig nuh, International na tayo! Hehehe…






Click PLAY to hear the song...




Stolen - Dashboard Confessional





Dashboard Confessional: ♫ You have stolen my….heart…


Ewan ko ba kung nagulat siya sa drums ng Dashboard at bigla siyang bumalik sa kamalayan niya. Nginitian na lang niya ako at naglakad na palayo…pero bago siya makalayo…


Mark: Tungkol nga pala dun…dun sa sinabi mo sa akin dati…yung…yung… (buntong-hininga) Lorraine... gusto rin kitang maging kaibigan…


Natigilan si Lorraine. Tingin ko ay di siya makapaniwala sa sinabi ko…


Lorraine: A-Ano ulit?


Mark: Hindi ka ba nakakaintindi ng Tagalog? Pwes, buri da ka maging kaluguran..
Subtitle: Gusto kitang maging kaibigan…


Lorraine: Kaluguran? Mahal? Gusto mo kong mahalin ba ang ibig mong sabihin?


Mark: Huwattt!!!?? Anong gusto kitang mahalin ang pinagsasasabi mo dyan…ang sabi ko eh gusto kitang maging kaibigan…may girlfriend na ko nuh…


Lorraine: Ai naku, Mark! Kasi naman yung pagkakasabi mo ng “kaluguran”. Mabilis kasi yung pagkakasabi mo ng “kaluguran”. Kasi pag mabilis ang pagkakasabi mo ng “kaluguran” ang ibig sabihin nun ‘eh “mahal” o “love”. Kung mabagal naman, ayun ang “kaibigan”…Gets?


Mark: Ah, ganun ba yun? Oo nga pala, gusto ko ring humingi ng sorry dahil…dahil…ganun ako makapag-react nung inaasar mo ko nung first day… namura pa kita…


Lorraine: Ok lang yun…basta, kalugu—ran na da ka, neh? (Kaibigan na kita, nuh?)


Mark: Wa pin! (Oo nga! Tama yun!)


Nagsimula na yung program. At sa FO na yun namin naging close nina Miguel at Dranreb sina Chinee at Destiny, mga babae naming ka-block. Astig yung pangalan ni Destiny, nuh? Destiny talagang magkakilala kami..hehehe..corny…


Pinanood kami ng video tungkol sa UP Diliman (kasi nga extension kami ng UPD) . Pero di man lang nabanggit ni isang “syllable” man lang ang pinakamamahal kong “UP Pampanga”… Nang matapos ang video…


Emcee: Ayan, tapos na yung video. Sana ay naka-relate kayo…üü

Chinee: So ironic the statement!


Ganyan si Chinee, kapag tinotopak ay mage-English yan…


Destiny: Ang mga namutawi sa kanyang mga labi ay isang pag-uuyam.

Mark: Patay na, pati si Destiny tinopak! Pag-uuyam?? WTF!


Taga-Batangas (Ala eh!) kasi si Destiny kaya ganung mga salita ang namumutawi sa kanyang mga labi (syett..pati ako nahawa na kay Destiny!)


Pagkatapos nung video, nag-speech naman yung mga admin ng UPEPP.


Pagkalipas ng isang dekada ng pagtatapos ng kanilang speech, Course Orientation naman ang sumunod kaya naghiwa-hiwalay ang Psych, Business Management, at Business Economics.


Nagsimula ang Course Orientation sa amin sa pagbibigay ng Course Outline naming mula First Year hanggang Fourth Year. Habang binabasa namin ang Course Outline, nabasa rin ata ng Psychology Department Adviser ang aming mga utak at nasa expression ng mukha niya ang motto ng Psychology na “I Know What’s On Your Mind.”


Psych Adviser: Alam kong marami sa inyo ang nanlulumo dahil may Math at Physics na units kayong dapat i-take.


Mark: Hay…akala ko pa naman matatakasan ko na ang Math at Physics pag nag-Psychology ako. Hindi pa pala…


Sumunod naman na nagpaliwanag ng mga subjects naming dapat i-take ang isang Indian professor gamit ang kanyang mahiwagang projector. English siya magsalita na minsan ay di ko maintindihan kaya…


Mark: ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzz


Tapos na ang Course Orientation nang magising ako.


Chinee: Sarap ng tulog mo kanina ‘ah!

Mark: Hala! Napansin mo pala…

Destiny: Isang paglalapastangan ang ginawa mong pag-iglip kanina habang nagpapaliwanag si Prof. Patil (yung Indian prof)

Mark: Pasensya ka na, Destiny, ngunit hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili na mapa-iglip pansumandali kanina sapagkat napuyat ako kagabi kakapanood ng telebisyon.

Mark: Whew! Ganito pala pag kausap mo si Destiny…para kayong nagba-Balagtasan!


Matapos ng Course Orientation ay sumunod naman ang Org/Frat/Sorro Orientation. Sa gym ng UPEPP ito ginanap.


Kanya-kanyang gimik ang bawat Org/Frat/Sorro para makahatak ng members. Isa sa mga nagustuhan kong org ay ang “Samahang Kapampangan na Nagkakaisa” o in short, SAKANA! Ang taas ng energy nila sa pag-cheer, paghatak at pagperform. To the highest level!


At siyempre, hindi pahuhuli ang paborito kong Confraternity na “Kappa Pi Pi.”


At nang matapos ang Org/Frat/Sorro Orye ay animong parang nagkaroon ng terorismo sa UPEPP. Isang malakas na explosion ang naganap…binuhusan kaming lahat na Freshie ng harina at gawgaw ng bawat members ng Org/Frat/Sorro.



At dahil na-carried away pa sila sa paglaganap ng terorismo, nagbuhos pa sila ng tubig. Sabay sigaw sila ng “Welcome Freshies!”


Mark: Leche! Sa ginawa niyong ‘to sa tingin niyo sasali pa ko ng frat/org niyo!?


TO BE CONTINUED...


Next Episode: Episode 4: Santrans


No comments:

Post a Comment