Lorraine: ♫ How could something so wrong feels so right all along… ♫
Nagpintig na naman ang tenga ko run. Kung kanina ay nawala na ang inis ko kay Lorraine eh ngayon ay bumalik na ulit.
Mark: Taena, di pa ba tapos yang pang-aasar mo?!
Sa badtrip ko ay nag-walk out ako sa El Supremo.
Lumipas ang mga araw…di ko na nakikita si Lorraine sa UPEPP. Di na sila madalas magsama nina Rose Ann at Gwyneth.
Mark: Mabuti na rin yun. Baka kung ano pa magawa ko run…
Nat Sci namin. Pumasok yung prof namin sa classroom. Astig nga eh, para lang siyang estudyante. Nagpakilala siya bilang si Ma’am Fermions…
Mark: Hindi naman halatang adik siya sa Science sa pangalan niya, nuh?…
Para sa mga hindi nakakaalam, ang Fermions ay...are any subatomic particle whose angular momentum has a spin that is half an odd integer (1/2, 3/2, 5/2, and so on). Fermions include lightweight particles called leptons, such as electrons, and heavyweight particles called baryons, such as protons and neutrons. O ha? Pwede na ba ako sa Sineskwela, mga bata?
Ma’am Fermions: Ok, class, get ¼ sheet of yellow paper and we will have a quiz.
Mark: Anak ni Einstein! First meeting pa lang quiz agad!
Pero medyo madali lang naman yung quiz. Nagbigay lang si Ma’am ng element symbol at isusulat mo kung anong element yun and vice-versa.
Nakita ko yung katabi ko na marami pang hindi nasasagutan. Siya yung isa pa sa mga lalake ng Psych 1A. Kaya habang hindi pa nakatingin si Ma’am Fermions…
Mark: Uy, kopya ka na sa akin…
Pinakita ko yung papel ko sa kanya. Tinignan niya lang ito at…
Lalake: Ayoko, nakakahiya sa’yo eh…
Mark: Hindi…ano ka ba? Sige na…
Kumopya siya ng mga ilan-ilan lang. Nang makolekta na ang mga papers namin…
Lalake: Uy, tol. Thanks nga pla!
Mark: Ala yun! Ok lang yun!
Lalake: Ano nga pala ulit pangalan mo?
Mark: Mark…
Lalake: Ako nga pala si Dwanweb…
Mark: Ha? Ano ulit?
Lalake: Dwanweb, pawe…
Kinalikot ko ang tenga ko sa pag-aakalang may tutuli lang ako at di malinaw ang pagkakarinig ko ng pangalan ni Dwanweb ba yun?...basta!…
Lalake: Nga pala Mawk, salamat ulit sa kanina!
At dun ko napagtanto na Dranreb pala ang pangalan niya at hirap lang siya sa letter “r”…ü
Mark: Nga pala, Dranreb, ito si Miguel…
Nagtaasan lang ng mga kilay sina Miguel at Dranreb. Pagkatapos nun ay nag-lesson na si Ma’am Fermions…
Ma’am Fermions: Elements are made up of atoms consisting of a very dense center, the nucleus, surrounded at relatively vast distance by electrons. The nucleus contains etc…etc…etc…
Mark: My gulay! What the $@&%! Ma’am, apo ka ba ni Einstein?
Pagkatapos mag-discuss ay nagsulat si Ma’am ng problems sa blackboard. At napatingin si Ma’am sa mga class cards.
Mark: Naku, recitation ito! Wala akong naintindihan…
Ma’am Fermions: Uhmm, Villar… answer problem number 1, letter a…
C6H12O6 → 2C2H6O + 2CO2
a.) How many moles of CO2 are produced when 750 g of glucose undergoes fermentation?
Wait lang.
Bago niyo ituloy ang pagbabasa, may kailangan muna kayong gawin. I-solve niyo muna yung problem na pinapatanong ni Ma’am Fermions para ma-challenge naman kayo kahit paano.
Sinolve ko pa yan para sa story kaya dapat kayo rin. Requirement yan ha. I-solve niyo muna bago niyo ituloy ang pagbabasa. Game!
{ Now Playing: Battle of the Brains Theme }
Huwag mandaya! I-solve niyo muna yung problem. Pero kung ayaw niyo i-solve o pigang-piga na ang utak niyo kaka-solve pero di niyo pa rin makuha yung sagot eh sige na nga. Basahin niyo na...
Miguel: Ma’am, I don’t know the answer.
Tumingin ulit si Ma’am sa class card…
Ma’am Fermions: L—
Mark: Naku, ma’am..sana huwag ako! Suspense ito….
Drum roll…dugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdug
Ma’am Fermions: Lustre…
Napabuntong-hininga ako nang pagkalakas-lakas. Sa lakas ng buntong-hininga ko ‘e tumilapon yung nakaupo sa harapan ko…kawawa naman siya…
Lustre: Ma’am, the answer would be 8 mol of CO2…
Ma’am Fermions: Correct! Ok, to answer letter b, let’s call in…
Drum roll ulit…suspense ito…Basta talaga pag NatSci eh laging “suspense” ang genre ng klase mo!
Ma’am Fermions: Lhu—Lhu—
Mark: Patay na! Ako na’yan!
Ma’am Fermions: Lhu—Lhu— I mean Pineda…
Mark: Whew! Nakaligtas ako run ah! Ayan ang advantage ng may mahirap ibigkas na apelyido: hindi ka magagawang tawagin ng prof sa recitation…hehehe!
Nang idismiss na kami sa NatSci…
Miguel: Ang daya mo naman, Mark! Dapat ikaw yung tatawagan ni Ma’am Fermions kanina ‘eh!
Mark: Sorry ka, malas mo. Na-nosebleed si Ma’am sa apelyido ko…
Kung ang NatSci naming ay “suspense” ang genre, “Variety” naman ang genre ng SocSci namin. Si Sir Jerrick ang aming prof.
Kalog siyang prof. Kapag nagkaklase siya ay para siyang stand-up comedian sa Klownz Angeles. Simple lang ang protocol niya para hindi ka bumagsak sa subject niya at iyon ay:
Sir Jerrick: Don’t mention GMA-7 on my class…or else…
Siyempre, marami-rami rin siguro sa block namin na ipagkakalulo muna pansamantala ang kanilang pagiging Kapusong Totoo…
Uwian na namin. At nang palabas na kami ng UPEPP nina Miguel at Dranreb ay nakasalubong namin ang akala ko ay di na kalianman mahahagilap mula ng mga mata ko--si Lorraine. Ewan ko ba kung bakit ako napatigil at di na nakagalaw sa kinatatayuan ko…
Mark: Bloody hell! Ini-Stupefy* ata ako ni Lorraine!
*Ang Stupefy ay spell sa Harry Potter na kapag may nag-cast sa’yo nito ay di ka makakagalaw.
Nilapitan ako ni Lorraine.
Mark: Syet! Pagalawin mo na ako, Lorraine! Ano bang balak mo sa akin??
Lorraine: Galit ka pa rin ba sa akin?
Mark: Naku pati magsalita di ko magawa! Ang lakas ng “magic spell” mo sa akin. Lorraine, please lift up mo na yung “spell” mo sa akin!
Lorraine: Alam kong galit ka sa akin. Pasensya ka na nga pala kung palagi kitang inaasar nung first day. Binibiro lang kita nun, akala ko kasi natutuwa ka pa nun…
Magsasalita na sana ako nang…
Blockmate ni Lorraine: Lorraine, NatSci na natin. Nandoon na si Ma’am sa classroom…
Tinignan muna ako ni Lorraine at naglakad na palayo. Pero bago pa siya tuluyang makalayo ay may nasabi pa siya sa akin…
Lorraine: Mark, gusto kitang maging kaibigan
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 3: Freshmen Orientation Program
No comments:
Post a Comment