Napansin niyo siguro na ka-apelyido ko yung may-ari ng Lhuillier na pawnshop. Hindi namin sila kamag-anak. Mga dati lang naming katulong yon na umunlad dahil sa kanilang pagsisikap at mataas naming pagpapasahod sa kanila …At isa kang uto-uto pag pinaniwalaan mo ako sa sinabi kong ito...
Mag-aaral ako ng kursong Psychology sa UPEPP, UP Pampanga, UP Clark... kahit ano dyan pwede..
Konting background lang..ang UPEPP ay extension ng UPD. Siguro kung makikita mo lang ang campus namin, siguro ay malulula ka sa sobrang laki nito...ironically...ü
JUNE 12, 2007: Kasabay ng Araw ng Kasarinlan (wooshh..deep!) ng Bansang Pilipinas ay ang siyang pagbubukas ng klase sa UPEPP. Sa entrance ng UPEPP ay nabasa ko ang banner ng isang frat dun na nagwewelcome sa mga Freshies na katulad ko:
- from Kappa Pi Pi Confraternity…
At sa entrance din ay may mga nagra-rally na mga estudyante. Kung tawagin sila ay mga aktibista o "tibak". At nakasulat sa placards at banners nila ang:
"HAPPY HINDI-PENDENCE DAY SA ATING LAHAT NA MGA ISKOLAR NG BAYAN!!”
AKTIBISTA: Ang kalayaan ay isa lamang ilusyon! Dito pa lang sa ating unibersidad, hindi tayo malayang nakakapamili ng subjects na gusto nating kunin. At ang ToFI na 'yan...pahirap sa mga bagong iskolar ng bayan...papayag ba tayo na magpatuloy pa ang ganitong sistema? Papayag ba tayo!? Huwag nating hayaang maapi ang mga bagong iskolar ng bayan!!!!!!!!!!!!!!
MARK: Dyusmiyo! First day na first day pa lang eh rally agad! Sabagay, may punto naman sila sa kanilang pinaglalaban.
Bakit nga ba ako nag-aral dito sa UP? Nakita ko ang isang papel na nakadikit sa bulletin board ng lobby na marahil sumagot ng katanungan ko:
MARK: Andami pang sinabi ni Dr. Dalisay. Ang sagot ko lang, I'm in UP kasi nakatsamba ako sa UPCAT...
First class ko nun ay Philo. Saktong 10:00 a.m. ako nakarating nun..Habang naglalakad ako papuntang classroom…
PAROKYA NI EDGAR: ♫ Let’s do the funk, let’s do the first day funk, let’s do the funk, let’s do the funk, let’s do the first day… ♫
Nga pala, guys, mahal ang binayad kong talent fee sa Parokya ni Edgar para mag-guest at kumanta lang sila rito para lang sa ikasisiya nyo, mga masugid kong mambabasa…ü
MARK: Ayan…sakto, 10:00 a.m. ako nakarating! Holy cow! May prof na…at nag-lelesson na…Late na ako…
Nagmadali akong pumasok sa classroom. Lahat sila ay napatingin sa akin, pati ang Prof napatulala sa akin.
PROF: Uhm, excuse me, iho, “Which Star Are You From?” at bigla-bigla ka na lang pumasok dito?
Nagtawanan lahat ng estudyante na naroon…
MARK: …
PROF: From what class do you belong?
MARK: Sir, I belong to the 10:00-11:30 class…
PROF: Iho, mamaya pa ang 10:00-11:300 class… 9:05 pa lang ngayon…
MARK: Bugash! Hindi ikaw ang Prof ko rito! Si Bitoy ka! Niyayari mo ako! Magpakita ka, hidden camera!
At dahil sa sobrang pahiya, nagmadali akong lumabas ng classroom. Rinig ko pa rin ang hagikgikan ng mga taong yun! Parang mamamatay na talaga sila sa kakatawa. Tingin ko eh nagsisituluan na sipon ng mga yon at labas na ang mga esophagus nila sa kakatawa.
MARK: Get lost! Matuluyan sana kayo sa kakatawa niyo! Ano ba naman ‘to, first day na first day eh may embarrassing moment na ako agad! Ayoko na mag-UP!
Napatingin ako sa relo ko…saktong 10:07 na…at naalala ko…
MARK: Bugash! In-advance ko pala kahapon ng isang oras yung relo ko!
Ito na, wala nang halong panggu-good time, Philo class ko na. Habang papasok ako ng classroom ay nakakasalubong ko ang mga palabas na na mga estudyante from earlier class. Sila ang mga taong pinagtawanan ako kanina.
Yung isa nga narinig ko kumanta pa “How could something so wrong feels so right all along…Catch me I’m falling for you!” Leche gigilitan ko ng lalamunan yun! (joke lang..masyadong brutal naman ‘to, wholesome tayo..hehehe). Naglabas ako ng blade (biro lang) at hinanap ang pinagmulan ng boses.
Isang babae ang kumakanta at nakangiti sa akin. At dahil sa mabait ako (na kaakibat ng pagiging gwapo..hehehe..nagbibiro lang), di ko na lang siya pinansin…
Nga pala, para sa mga maka-KAPUSO, ang kantang kinakanta at pinapang-asar nung girl kanina sa akin ay ang theme song ng “Which Star Are You From?” Ako ang nag-compose ng kantang yun…hehehe..biro lang ulit…
Naalala ako ng prof at nangiti siya nang palihim.
MARK: Ngiti-ngiti ka dyan…kamukha mo lang si Michelin.
Kung di mo kilala kung sino si Michelin, ito siya... at great resemblance siya ng Prof ko sa Philo 1...
PROF MICHELIN: Ok class, I need to see your Form 5 before I give you your class cards. As I call your name, please come here in front..
Hala…maraming nag-react sa sinabi ni Prof Michelin (di pa kasi siya nagpapakilala kaya sa ngayon Michelin muna itawag natin sa kanya). Marami ang nakalimot sa Form 5s nila. Buti pa ako, nadala ko…
PROF MICHELIN: Guina, Anna Danielle...
Tumayo ang isang girl. Maputi siya at naka-sleeveless. Mukhang maarte at mataray. Malamang di ba, siya si Anna. Tatayo ba siya kung hindi.
ANNA: Sir, I forgot to bring my Form 5.
PROF MICHELIN: So, I can’t give you your class card now?
ANNA: No. You can give me my class card now, and I will show you my Form 5 next meeting.
MARK: Ayos, demanding ka ah!
PROF MICELIN: Are you a part of this class and that you are asking me to give to you your class card even though you don’t have your Form 5?
ANNA: Yes! That’s why I’m here!
MARK: Ayan na…umiinit na ang debate! Grabe, nosebleed ako dun ah! English eh!
PROF MICHELIN: Have you ever lied before?
ANNA: Yes! So?
PROF MICHELIN: So, you had lied before so that’s why you can also lie to me this time.
ANNA: WHY SHOULD I LIE this time???
PROF MICHELIN: …
MARK: Ayan na, Michelin! Ang bilis ng karma sa’yo…Pinahiya mo ako kanina ah ayan nakahanap ka ng katapat mo!
Nagtatawag pa si Prof. Michelin ng mga estudyante. Seatmate ko nun ang isang upperclassman na babae. Ingat na ingat kong hinahawakan ang form 5 ko...baka kasi bawal matupi o malukot eh...
ATE: Uy freshie, ingat na ingat ka dyan sa form 5 mo ah! Pwede mo namang tupiin yang form 5...di naman yan mai-invalidate pag tinupi...
MARK: Ah ganun po ba?
ATE: Oo...hihihi (giggle)
MARK: Anak ni Adan! Pahiya ako dun ah! Akala ko kasi bawal talaga tupiin form 5...haayy...Strike 2 na pahiya ko ngayong first day ah...buti na lang Ate maganda ka...
Break ko na. Nagpunta ako sa El Supremo, ang canteen ng UPEPP, para kumain.
MARK: Hay, ang tigang naman ng first day ko. Wala akong makasama.
Lumingon ako sa paligid ng canteen. May nakita akong nag-iisang lalake sa isang table. Ka-block ko siya pero di ko alam ang pangalan niya.
MARK: Lapitan ko kaya? Wag na lang…baka isipan niya ‘e brokeback!
Pero dahil ayokong maging tigang, nilapitan ko na rin siya.
MARK: Hayaan mo nang isipin niyang brokeback, kung sakali mang ipagkalat niya yon, e di maaaring mapalapit ako sa mga babae! Maraming chicks ‘yon, pare! Biro lang!
MARK: Uy, di ba ka-block kita?
LALAKE: Ay, oo…ikaw ba yung Lhu—Lhu—
MARK: Sige, ma-nosebleed ka sa apelyido ko..hehehe…
LALAKE: Ano nga pala ulit apelyido mo, LuenThai ba?
MARK: Bugash! Sa dinami-dami ba naman ng maiisip na apelyido ‘e yung pang tunog pabrika! Sabagay, di ko naman siya masisisi, nosebleed talaga ang apelyido ko…pero astig!
MARK: Ah..ako nga pala si Mark Lluhullier…ay Lhuillier pala.
MARK: My golly! Pati ako nabulol sa apelyido ko ah! Magpapalit na nga ako ng apelyido na mas madaling bigkasin…ano kaya…ah may naisip na ko:” Schwertiyraeajsuythsrouth!” Tama! Ayun na lang ipapalit ko, mas madali ngang bigkasin kesa sa Lhuillier di ba?! Hehehe!
LALAKE: Hehehe. Hirap kasi ng apelyido mo eh, parang kasing tongue twister...pati ikaw nagkamali…ako nga pala si Miguel Villar.
MARK: Ang konti nating lalake sa Psych ‘no?
MIGUEL: Oo nga eh…
Dalawang block ang Psych dito sa UPEPP, Block A at Block B. Kabilang kami ni Miguel sa Block A at sa tingin ko ay tatlong lalake lang kami sa Block A. At sa tingin ko sa tatlo na iyon eh ako ang pinaka-gwapo..biro lang ulit!
MIGUEL: Taga-saan ka nga pala?
MARK: Taga-QC ako eh…
MARK: Ikaw, taga-saan ka?
MIGUEL: Ako??
MARK: Malamang…tayo lang naman nandito noh..hehe
MIGUEL: Taga-Bulacan ako eh…
Sa katabi naming table ay may tatlong babae na nag-uusap. Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan dahil salitang Kapampangan ang gamit nila…
Isipin niyo na lang na conversation ‘to sa wikang Kapampangan:
Girl 1: Mekeni…Mekeni…Mekeni…
Girl 2: Mekeni…Mekeni…Mekeni…
Girl 3: Mekeni…Mekeni…Mekeni…
Napatingin ako dun sa pangatlong babae. Bugash! Siya yung kumanta ng “Catch Me I’m Falling” kanina habang papasok ako ng Philo class para asarin ako!
Mark: Hay naku, miss..kung di ka lang maganda…ginilitan na kita ng lalamunan kanina pa!
Miguel: Di ba mga ka-block din natin sila?
Mark: Holy cow! Pati tong nang-asar sa kin, kablock namin?
Narinig yata nung mga babae yung sinabi ni Miguel dahil napalingon sila sa amin…
Girl 1: Uy, mga blockmates!
Mark: Redundant ang grammar mo, iha! May “mga” na nga tapos may “s” pa yung “blockmate” mo. Ano ba ‘yan, sumosobra na pagiging laitista ko, behave na nga ako…
Girl 2: Halikayo riyo. Join kayo sa amin…
Lipat naman kami ni Miguel sa table nila
Girl 2: Ano nga pala ulit pangalan niyo?
Miguel: Miguel, Miguel Villar…
Mark: Mark…
Mark: Para sa ikalilinis ng El Supremo at ng nakararami, minabuti ko na lang na huwag nang banggitin ang apelyido ko sa kanila, baka dumanak pa ng dugo sa El Supremo mula sa kanilang mga ilong.
Girl 2: Ah, ako nga pala si Gwyneth..
Girl 1: Ako naman si Rose Ann..
At ipinakilala ni Rose Ann yung isa pang girl (yung nang-asar sa akin kanina sa Philo)
Rose Ann: Siya nga pala si Lorraine, Psych 1B naman siya…
Nginitian kami ni Lorraine. Si Miguel lang ang gumanti ng ngiti.
Mark: Keber ko naman sa’yo!
Lorraine: Ah, ikaw ba yung kanina sa Philo namin pumasok? Yung si “Which Star…?”
Mark: Leche! Pinaalala pa! Ipagkakalat pa ‘ata…
Gwyneth: Ano yun, Lorraine? Anong “Which Star…?”
Mark: Ray Gun! Ipagkakalat nga nito! Ginilitan na pala sana kita sa lalamunan kanina pa kung alam ko lang na ipagkakalat mo rin ‘yun! Nahumaling pa kasi ako sa ganda mo!
Nag-usap ulit silang tatlo ng Kapampangan…At kahit hindi ko sila naiintindihan, alam kong ako ang pinag-uusapan at pinagtatawanan nila…
Isipin niyo na lang ulit na conversation ‘to sa wikang Kapampangan:
Lorraine: Mekeni…Mekeni…”Which Star Are You From?” Mekeni… Mekeni…AHAHAHAHAHAHA!
Rose Ann: Mekeni…Mekeni…”Which Star Are You From?” Mekeni… Mekeni…? BWAHAHAHAHAHA!
Gwyneth: Mekeni…Mekeni…”Which Star Are You From?” Mekeni… Mekeni…? NYAHAHAHAHAHA!
Samantalang si Miguel…
Miguel: Mark, ano ba yung sinasabi ni Lorraine kanina?
Mark: Naku, isa pa ‘tong Miguel na ‘to eh!
Gwyneth: Ok lang yun, Mark. Ganun talaga sa UP. Di mo maiiwasan na hindi magkaroon ng embarrassing moment…
Rose Ann: Oo nga… kami nga ni Gwyneth, hinahanap namin yung TBA na room.. Akala namin naliligaw na kami kasi hindi namin mahanap yung TBA...
Mark: Haha.. Maliligaw pa kayo sa laki ng school natin? hehehe. Teka, san ba yung TBA?
Gwyneth: Ang TBA pala... ang ibig sabihin... To Be Announced...
At nagtawanan sila...
Mark: Ah... ok. Hindi lang ako ang may embarrassing moment. Ganito pala pag Freshie... bubot pa sa mga pangyayari. Alam ko na isusulat ko sa "most embarrassing moment" sa slumbook.
Gwyneth: Nga pala, taga-Pampanga rin ba kayo?
Mark: Hindi, taga-QC ako…
Rose Ann: Eh, ikaw, Miguel?
Miguel: Taga-Bulacan naman ako. Kayo ba?
Rose Ann: Taga- San Fernando kami ni Gwyneth. Tapos itong si Lorraine taga-Angeles.
Mark: Ah, kaya pala Kapampangan kayo.
Lorainne: Wa (Oo). E di ang lalayo pala ng bahay niyo?
Mark: Hindi... isang kembot lang ang layo! Hindi ba obvious? Kelan pa naging malapit sa Pampanga ang QC at Bulacan? Hay, init talaga ng dugo ko rito kay Lorraine!..
Gwyneth: E di nagbo-boarding house kayo?
Mark: Oo. Dyan ako sa Balibago nagbo-board…yung malapit sa Clark Main Gate.
Miguel: Ako? Uwian muna ako sa amin eh. Wala pa kong nahahanap na B-house eh..
Gwyneth: Ah…
At natahimik kaming lahat. Parang may dumaan na anghel…
At napatingin ako kay Lorraine.
Ewan ko ba kung bakit sa pagtingin kong yun sa kanya eh nawala agad ang inis ko sa kanya. Nangiti na lang ako. Nahuli ata niya akong nangiti kaya napangiti siya sa akin kaya umiwas na lang ako ng tingin sa kanya...
At hindi ko alam, parang magic na nawala ang inis ko sa kanya...
MARK: Magician ka ba?
LORRAINE: Huh?
MARK: Ah... eh...
MARK: My golly! Dulot ito ng kakabasa ko kasi ng Harry Potter...whatta punchline... Baduy... hindi naman ako in-love
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 2: Stupefy!
No comments:
Post a Comment