It’s been four years since I wrote this series. First year college pa ako noon sa UPEPP. Bubot pa ako sa college life at sa pagsusulat ng series sa isang blog.
Sa Friendster Blogs ko unang pino-post ang lahat ng episodes ng “Beautiful Disaster” blog na ito noong October 16, 2007 hanggang sa matapos ito noong May 2008. Ngunit sa kasamaang palad, nawala ang blog kong ito sa Friendster sa di ko malamang dahilan. At ang masaklap pa, wala akong back-up copy.
Akala ko ay tuluyan nang mawawala ang aking kauna-unahang blog-nobela. Ngunit noong June 2008, isang freshman na nagngangalang Glenn Martin Cruz ang nagsabing nababasa niya ang blog ko kahit bago pa siya nakapasok ng UPEPP. At ang maswerte, sinave niyang lahat ng episodes.
Laking pasasalamat ko noon kay Glenn dahil sa kanyang pagsubaybay sa aking blog at sa pagse-save ng mga episode. Pinasend ko sa email ko ang mga na-save niyang episodes. Naka-survive pa ang kwento ko at hindi nawala.
Kaya nang matanggap ko ang kopya ng episodes, agad kong pinost sa Blogger ito. I dubbed it as “Special First Anniversary Edition” dahil October 16, 2008 ko siya na-post, one year after kong sinimulan ang naturang blog sa Friendster.
Ngayong May 7, 2011, almost four years after, muli kong binalikan ang kauna-unahang kong blog-nobela na tumatalakay sa freshman life ng isang college student sa UPEPP. Muli ko itong binasa... at aking binago ang ilan sa mga episode.
Ang mga ss. ang ilan sa “major changes” na ginawa ko mula sa original edition at first anniversary edition ng blog-nobelang ito:
- Ang bestfriend ni Mark sa mga unang edisyon ay isang babae na ang pangalan ay “Almira.” Ngunit sa edisyong ito, ginawa kong lalake ang bestfriend ni Mark at pinangalanang “Michael.”
- Tinanggal ko ang character na si Misty, ang ex-girlfriend ni Mark noong high school. Ang conflict kasi noon sa mga unang edisyon ng blog-nobela ay mahal ni Mark si Lorraine ngunit hindi niya ito pwedeng mahalin dahil may girlfriend na siya since high school. Kaya nakipag-break si Mark kay Misty noon upang malayang mahalin si Lorraine.
Pero sa edisyong ito, dahil wala na si Misty, ang naging conflict ni Mark ay kung pag-ibig nga ba talaga ang nadarama ni Mark para kay Lorraine. Dahil kahit kailan ay di niya pa naranasang umibig... ngayon lang.
That is why this 2011 edition of this blog-nobela is called “FIRST LOVE EDITION”
No comments:
Post a Comment